"Hindi ako interesado, humanap nalang kayo ng iba." tugon ni Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukha. Ni hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Andrie habang sinasabi iyon.
Hinawi ni Andrie ang estudyanteng nakaupo sa unahan nina Luke. Hindi naman ito nakaangal nang makitang si Andrie iyon kaya agad silang nagsialisan. Lumuhod pa si Andrie sa mismong upuan kaya nagtaka na lamang ang mga nakakakita rito. Alam nilang isang pilyo si Andrie at ang katotohanang anak ito ng pang-apat na pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad ay nagbibigay sa kanila ng katanungan kung bakit lumuluhod ito sa isang katulad lang ni Luke. Kung sila ang nasa posisyon ni Andrie ay bakit hindi nalang nila pilitin si Luke? Bukod pa rito ay kasama pa nila si Isaac na alam nilang miyembro ng Undying Society. "Please, Luke, kalaban namin sina Oliver at hindi lang basta grado ang nakasalalay rito, kung hindi ay malaking halaga ng pera. Nakipagpustahan ako sa kanya ng isang daang libong piso." Namilog ang mata ng mga estudyanteng nakikinig lang sa kanila. Isang daang libong piso ang pustahan nila sa volleyball? Hindi man nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Luke ay naintriga siya sa sinabi ni Andrie na maglalaro si Oliver. Martial artist si Oliver kaya paniguradong magaling din ito maglaro ng volleyball lalo na kung nagsanay pa ito sa larong iyon. Nakaraang linggo pa lumipat sa paaralang iyon si Oliver, syempe sa parehong dahilan ni Darwin. Plano rin nitong manligaw kay Kina. Samantalang si Darwin naman ay hindi na pumasok sumunod na araw simula nang may nangyari sa restaurant kung saan nakipag-asaran ito kay Alona. Nabalitaan niya ang nangyari mula kay Cleo sa kung anong nangyari kay Darwin. Hindi niya na rin ikinagulat nang malamang natalo ni Lance si Cleo sa mano-manong laban kahit pa si Cleo ang nangungunang fighter ng Blazing Pheonix Gang. Naghihintay lang ng tugon si Andrie sa nananahimik na si Luke. Makalipas ng ilang saglit ay muli na naman itong humirit. "Please, ayokong magmukhang talunan sa young master ng pamilya Martinez." Saglit itong huminto at nag-isip ng maipangkukumbinsi kay Luke. "Tig fifty-fifty tayo sa mapapanalunan, pero kapag natalo tayo ay ako lang ang magbabayad, okay ba sa'yo 'yon?" Muli, hindi nag-abalang tumugon si Luke. Kahit isang milyon pa ang ipangako sa kanya nito ay hindi siya nito mapapapayag. Ang gusto niya lang ngayon ay tantanan na siya nito dahil ramdam niyang pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng dapat sana ay nanonood ng basketball. Maging ang ilang manlalaro ng basketball ay hindi na rin nakakapag-focus sa kanilang paglalaro. Sa buong dalawang linggo ay naging peste na ang grupo nina Andrie sa kanya. Hindi niya maintindihan, daig pa nila ang mga ipis na nag evolve na sa modernong panahon at hindi na natatablan pa ng insecticide. Kahit anong gawin niya ay hindi siya nilulubayan ng mga ito. Gustong-gusto nilang gawin siya bilang pinuno ng kanilang munting grupo. "Sa'yo na ang buong isang daang libong piso! Basta tulungan mo lang kaming manalo. Ano, deal?" Napaawang na ang bibig ng mga nakakarinig sa kanila. Seryoso ba si Andrie sa kanyang inaalok? Siya ang makikipagpustahan pero mapupunta lahat ng mapapanalunan kay Luke? Sino itong maswerteng lalaking ito? Pinagmasdan nila si Luke. Marahil kaya ito ganito pakiusapan ni Andrie ay dahil sa mahusay itong maglaro ng volleyball at nakakasiguro si Andrie sa pagkapanalo nila kapag isinali nila ito. Pero mukha lang ordinaryo si Luke na hindi interesado sa paglalaro lalo na ng volleyball. Bukod pa roon ay kung totoong mahusay nga ito sa paglalaro niyon ay hindi ba dapat kilala nila ito? O kabilang man lang ito sa varsity players? "Hindi ako marunong maglaro ng volleyball. Iba nalang ang isali n'yo." Pare-parehas na nalaglag ang balikat nila dahil sa sinabi ni Luke. Nagmakaawa si Andrie sa isang estudyanteng wala naman palang alam sa volleyball? Nasisiraan na ba ng bait si Andrie? "S-seryoso ka?" gitlang tanong ni Andrie. Higit pa sa lahat ang pagbagsak ng balikat nito. Inakala ni Andrie na dahil nagmula si Luke sa pinakamakapangyarihang pamilya ay mahusay rin si Luke sa iba't-ibang klase ng sports at basic na lang dito ang paglalaro ng volleyball. Hindi kaya nagisisinungaling lang ito dahil sa ayaw lang nitong maglaro? Gusto pa sana ni Andrie magpumilit pero nakikita nitong hindi talaga interesado si Luke sa kanyang inaalok. Pare-parehas na nanlulumong umalis ang tatlo. May ilang estudyanteng nagprisinta na sila nalang ang isali ni Andrie pero hindi nag-abala si Andrie na pansinin man lang ang mga ito. Sinundot ni Alona si Luke sa tagiliran. "Talaga bang ang Young Master ng pamilya Cruise ay hindi marunong maglaro ng volleyball?" bulong na panunudyo nito. Hindi ito pinansin ni Luke. Sinabi niya lang iyon upang lubayan siya nina Andrie. Napakadali lang matutunan ng volleyball kaya kahit hindi man siya marunong ay madali lang sa kanyang maka-adapt kung ito man ang unang araw na maglalaro siya. Ang totoo ay noong isang beses na naglaro siya noong highschool pa siya ay siya ang naging mvp sa kanilang pangkat at nagawa lang naman niyang ipanalo ang dalawang set ng laro na siya lang ang nagsi-serve. Wala ni sinumang nakakasalo ng malakas na bulusok ng bola dahil sa kanyang pagserve. Ngayon pa kayang biyente anyos na siya? "Pero ayaw mo ba talagang pumunta roon? Nandoon sina Kina at Jackielyn, nanonood ng badminton." Tila umakyat lahat ng dugo ni Luke sa walang kabuhay-buhay niyang mukha. Saglit niyang tiningnan si Alona at kinukumpirma sa pamamagitan ng tingin kung nagsasabi ba ito ng totoo. "I swear," Iniangat pa ni Alona ang kanan nitong kamay sa nanunumpang paraan. "Kaya nga kita hinahanap upang ayain ka sanang pumunta roon." Walang pagdadalawang-isip, patalon na tumayo si Luke at nilundagan ang isang hilera ng upuan sa unahan. Hinabol niya sina Andrie.Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m