Tila nagpapacute pa si Andrie habang tinitingnan si Luke sa pamamamagitan ng pagkurap-kurap ng mata nito. Iritableng mahinang siniko ito ni Luke upang lumayo ito sa kanya.
"Anong sinabi ni Andrie? Ipapanalo ng lalaking 'yan ang pangkat nila?" tanong ng isang varsity player. "Iyon ba ang pagkakasabi niya?" Pinagmasdan ng isa pang varsity player si Luke. "But he doesn't look like a volleyball player to me. Ni mukhang hindi nga ata siya interesadong maglaro." "Siya na ba ang pambato ninyo?" Napatingin silang lahat sa isang varsity player na siyang pinakamatangkad sa lahat ng mga kasama nito. Ang pangalan nito ay Nicolo Robio, ang pinakamagaling na hitter o attacker ng kanilang team. Sumikat ito dahil sa napakataas nitong paglundag at malakas na pag-spike ng bola. Iilang propesyonal lang ang nakakagawang saluhin ang mga atake nito. Ito rin ang tumatayong kapitan ng kanilang pangkat at kakilala rin ito ni Oliver kaya madali lang para kay Oliver na i-recruit ang team nila. Lumapit si Nicolo kay Luke. Hanggang balikat lang nito ang tangkad ni Luke kaya kinailangan niya pang tumingala masabayan lang ang tingin nito. "Anong kalokohan 'to Oliver? Hindi mo naman sinabi na mga sisiw lang pala ang kalaban natin. Gumawa ka nalang sana ng sarili mong pangkat at kahit si Allen nalang ang ni-recruit mo sa amin." mayabang na sambit ni Nicolo. Ang tinutukoy nitong Allen ay ang isa pang hitter ng kanilang pangkat. Lumapit si Oliver sa kanila. "Don't look down on this dude. Hindi mo pa kilala kung sino ang lalaking 'to." makahulugang wika nito na ikinakunot ng noo ni Nicolo. "Talaga? Volleyball player din ba ang isang 'to?" Nagkibit-balikat si Oliver. "Ang rason kung bakit ko kayo ni-recruit ay dahil sa kanya. Mag-ingat pa rin tayo at isigurado ang ating panalo. I only want to beat this guy." Magkahalong pagtataka at pagkamangha ang nasa itsura ng mga nakarinig ng sinabi ni Oliver habang pinagmamasdan nila si Luke. Alam nilang hindi nagbibiro si Oliver. Meron nga ba talagang ibubuga si Luke laban sa kanila? Talaga bang isang mahusay na manlalaro si Luke? Tuwang-tuwang tumango-tango naman si Andrie. Doon lang sila nagkasundo ni Oliver. Lumapit ito kina Isaac. "Sinabi ko naman sa inyo na magtiwala lang tayo kay Luke. Kahit nga mismo si Oliver ay takot sa kanya." Humalakhak nang malakas si Oliver nang marinig ang sinabi ni Andrie. "Sinong nagsabi sa'yong natatakot ako sa kanya? We both know what he's capable of. Of course ay kailangan kong paghandaan ang laban naming ito. Hindi ang pustahan nating dalawa." Naningkit ang mata ni Luke nang maintindihan ang nangyayari at kung anong tunay na intensyon ni Oliver. Naalala niya ang pagbabanta noong ginawa nito pagkatapos ng nangyaring laban nila sa mansyon ng pamilya Alanis. Dahil hindi umubra sa kanya ang martial arts nito ay gusto siya nitong talunin sa ibang bagay. Marahil ay ginawa lang nitong paraan ang pustahan nila ni Andrie upang makalaban siya. Napredikta na nitong isasali siya ni Andrie sa pangkat nila. Pero volleyball? Tingin ba ni Oliver ay interesado si Kina sa kung sino ang mas mahusay sa kanila sa volleyball o sa anumang sports? Bukod pa roon ay panalo na siya sa puso ni Kina. Wala nang silbi ang pakikipagkompetensya nito sa kanya. "W-what? So you challenged me para lang kalabanin si Luke?" tanong ni Andrie nang maunawaan din ang ibig sabihin ni Oliver, naguguluhan ang ekspresyon ng mukha nito. "Ipinusta mo ang mustang mo kahit na si Luke ang kalaban mo?" Tumawa si Oliver. "Oh Andrie, you think highly too much of your master. He might be good at martial arts, but it's impossible for him to excel at everything. Take note of that." Tinapik-tapik nito sa balikat si Andrie. "Magaling sa martial arts ang lalaking 'to?" sabat na tanong ni Nicolo. Tumango lang si Oliver. "Really? What club?" usisa rin ng isa pang varsity player. "Hindi n'yo na kailangan pang malaman. He's just an... ordinary Martial Artist." pagtatapos ni Oliver ng usapan. Gustong matawa ni Luke. Hindi pa rin matanggap ni Oliver na natalo niya ito sa kanilang laban. Sa kabila ng ipinakita niya ritong husay ay ordinaryong martial artist pa rin ang turing nito sa kanya. 'Maswerte ka. Sa'yo muna ang larong 'to.' sambit niya sa kanyang isip habang nakaismid na pinagmamasdan si Oliver. Kung seseryosohin at ipapanalo niya ang larong ito ay magmumukha lang kahiya-hiya si Oliver. Pupunain sana ni Andrie ang sinabing iyon ni Oliver pero dumating na si Novelito kasama ang referee. Lahat sila ay natahimik at magalang na binati si Novelito. Hinipan nito ang pito at sinenyasan silang pumagitna sa court kasama ang kani-kanilang pangkat. "Nandito na ba lahat ng kalahok?" pasigaw na tanong nito habang sinisiyasat ang dalawang pangkat. Napataas ang isa nitong kilay nang makitang kakampi ni Oliver ang varsity players samantalang mga taga-BSBM lang ang sa kabilang panig. 'Anong kalokohan 'to? Varsity players laban sa BSBM students?' takang tanong nito sa isip. Nailing-iling ito. Gayunpaman, hindi na nito pinuna pa iyon. Ipinaliwanag nito sa kanila ang rules ng laro at kung ilang grado ang kanilang makukuha. Napabuntong hininga nalang si Isaac nang malaman na wala silang makukuhang grado sakali mang matalo sila. Sa bawat estudyanteng lalahok sa sports event ay mabibigyan lang ng isang pagkakataong maglaro sa gusto nilang sports. Manalo o matalo man sila sa napili nilang laro ay iyon na ang pagbabasehan ng kanilang grado sa buong semestre. "This is fucking annoying," inis na bulong ni Isaac habang nakatakip ang isang palad sa mukha. Agad namang dumistansya si Andrie dito at dumikit kay Luke. "Mananalo naman tayo, hindi ba?" "Hindi ko alam." tugon lang ni Luke kay Andrie. Nanlaki ang mata ni Andrie. "P-paanong hindi mo alam?" Nagkibit-balikat si Luke bago tumugon. "Sinabi ko naman sa'yo kaninang hindi ako marunong maglaro, hindi ba?" Tuluyan nang bumagsak ang balikat ni Andrie dahil sa sinabi ni Luke. Talaga bang seryoso si Luke sa sinabi nito kanina? Pero bakit nito naisipang maglaro ngayon?Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m