Nagtungo sila sa court. Nadatnan nilang nagwa-warm-up na ang mga ka-team ni Oliver. Napapalunok nalang si Jonas habang pinagmamasdan ang nagtatangkarang mga kalaban samantalang si Totoy na hindi kasali ay humahanga sa kanila.
Agad na lumapit sa kanila ang dalawa pa nilang kakamping ni-recruit lang din ni Andrie sa kanila mismong klase. Parehas na matangkad at mukhang athletic ang dalawa pero hindi kasingtangkad ng kanilang kalaban. Parehong may nag-aalalang ekspresyon sa mukha ang mga ito. "Ano 'to Andrie? Bakit sila ang mga kakampi ni Oliver?" tanong ng isa. "Ang akala ko ba ay mga taga business management lang ang maglalaban-laban? Hindi ba't iyon ang usapan ninyo ni Oliver?" agad na dugtong ng isa pa. "Chill out, kakampi natin si Luke. Don't worry." sambit ni Andrie habang may hambog na ekspresyon sa mukha sabay baling ng tingin kay Luke. Sinundan ng dalawa ang tingin ni Andrie. "Siya? Marunong ba siyang maglaro ng volleyball?" tanong ng isa, makikita sa pagkunot ng noo nito ang pagkadiskumpyado. "You're joking, right?" tumatawang ani naman ng isa. "Kapag kinampi natin 'yan ay paniguradong ang isang porsyentong tsansa ng pagkapanalo natin ay magiging zero nalang." Sumama ang timpla ng mukha ni Andrie. "Kayong dalawa, binayaran ko kayo upang maglaro sa aking team hindi para insultuhin si Luke. Mag-ingat kayo sa mga sasabihin n'yo kung hindi ay ako mismo ang tatabas ng mga dila ninyo!" Natahimik nalang ang dalawa. Naalala nilang itinuturing na palang kamiyembro nina Andrie si Luke, bagay na hindi nila maintindihan. Sino ba ang Luke na ito at paano niya nagawang kaibiganin sina Andrie? Hindi sila pinansin ni Luke na ngayon ay bahagya lang na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ng dalawang babaeng nakaupo at nakabukod sa ibang nanonood ng badminton. Sina Kina iyon at Jackielyn. Gusto niyang lumapit sa kinaroroonan nila at kausapin si Kina, pero paano kung lumayo lang ulit ito tulad ng lagi nitong ginagawa? "Hey Andrie, kamusta?" Pare-parehas silang napalingon sa isang manlalaro na nakasuot ng kulay pulang jersey na may tatak na numero uno. May hawak-hawak itong bola ng volleyball habang may malawak na ngisi sa labi. Si Oliver iyon. "Is this your team? What a crappy team you've got." Iginala ni Oliver ang tingin nito sa mga ka-team ni Andrie at nahinto iyon kay Luke kaya napataas ang mga kilay nito. "Isa kang mandaraya! Wala sa usapan ninyo ni Andrie na magkampi ka ng taga ibang courses!" nandudurong sambit ni Isaac. Pinakalma naman agad ito ni Totoy at Jonas, pinaalalahanang ang young master ng pamilya Martinez ang sinisigawan nito. Umismid si Oliver. "Ha? Iyon ba ang sinabi sa inyo ni Andrie?" Nahinto naman si Isaac sa pag-aalboroto nito nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Oliver. Napatingin ito kay Andrie na ngayon ay nag-iiwas ng tingin at mababatid sa mukha nito na guilty ito. "Anong naging usapan n'yo ni Oliver?" tanong ni Isaac habang may seryosong tingin. Maang-maangang tumingin si Andrie rito. "U-usapan namin?" Tumingin ito kay Oliver. "Ano nga ba ulit ang usapan natin?" Napasampal nalang sa noo si Jonas at Totoy. Maging ang dalawa pang ni-recruit ni Andrie ay napakurap-kurap nalang din ang mata. "You really are funny Andrie Aragon, aren't you? Baka pati pustahan nating isang daang libo at kotse ay nakalimutan mo na rin?" Kotse? Napako ang tingin nilang lahat kay Andrie at pare-parehas na may nagtatakang ekspresyon sa mukha, sa parehong pagkakataon ay pagkagulat. Hindi lang isang daang libong piso ang kanilang pustahan kung hindi ay pati kotse? Nakataas ang isang kilay na napatingin na rin si Luke kay Andrie. Katulad nga ng kanyang iniisip ay may higit pang napagkasunduan ang mga ito. Nakaraang linggo ay nagpaangasan ang dalawa patungkol sa pag-aari nilang kotse. Kung kanino ang mas astig at kung kanino ang mas magara. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit naisipan nilang magpustahan at iyon ang ipusta. Kung sinuman sa dalawa ang matatalo ay ibibigay sa mananalo ang kanilang kotse. 'Malas mo lang. Mukha atang mawawalan ka ng kotse.' naisip ni Luke habang nakatawang nakatingin kay Andrie. "So 'yon pala ang naging pustahan n'yong dalawa?" Dahan-dahang lumapit si Isaac kay Andrie, pinapalagutok nito ang mga daliri nito kaya nagsimulang kabahan si Andrie. "H-hey, listen to me first!" Napaatras naman si Andrie habang nakaharang sa unahan ang mga kamay nito. Nagtago ito sa likod ni Luke kaya nahinto rin sa paglakad si Isaac. "Hindi ko naman alam na maiisipan pala ni Oliver na i-recruit ang mga varsity players. Saka ako ang may pusta, hindi naman kayo ah. Bakit parang kayo ang higit na mas apektado kaysa sa'kin?" pag-amin at pagbibigay ng kabuluhan ni Andrie. "Nakasalalay rin ang grado namin dito, Andrie. Masyado kang nagpadalos-dalos. Sana man lang ay sinabi mo sa'min ang naging usapan n'yo ni Oliver. Kung gano'n kalaki ang pustahan niyong dalawa, sa tingin mo kaya ay magkakampi lang siya ng mga teletubbies sa klase natin?" Natahimik si Andrie dahil sa sinabi ni Isaac. Siya itong higit na mawawalan kapag natalo sila sa kanilang laro at higit pang mahalaga ang naging pustahan nila ni Oliver kaysa sa kanilang gradong makukuha. Pero may punto si Isaac at batid niya ring mahalaga sa kanila ang gradong iyon kaya desidido silang maglaro. Para makumbinsi silang sumali sa binubuo niyang pangkat ay sinabi niya lang sa kanila na mga taga-BSBM lang din ang kakampi ni Oliver. Malinaw na iyon ang ikinagagalit ni Isaac. At marahil ay maging sina Jonas ay diskumpyado na rin sa kanya ngayon. "Fine, I'm sorry, okay? Bakit hindi nalang natin laruin 'to? Tutal nandito na rin naman tayo at wala nang magagawa ang panunumbat n'yo sa'kin. Isa pa ay..." Saglit itong huminto at nag-angat ng tingin sa mukha ni Luke. "Ipapanalo naman ni Luke ang laro, hindi ba Luke?"Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m