ERIN'S POV
"I love you." Hinalikan ako ni Syd sa mga labi bago siya umalis.Medyo nagdududa pa rin ako. Pero isinawalang bahala ko na lang ang lahat ng iyon.
Since nakabihis na rin naman ako, dumiretso na ako sa garage. Ilang araw ring hindi ko naasikaso ang starry. Dahil naging busy ako kay Syd. Gusto ko lang naman makasigurado na wala siyang iba.
Nakarating agad ako sa starry hub, bumungad sa akin ang napaka-ingay na tugtog na nang-gagaling sa malalaking speaker. Binati naman ako ng staff. Papunta na ko sa office, nang salubungin ako ni Gonzalo.
"Erin!" masayang bati niya sa akin at tsaka lumapit. Nakita ko naman ang iba pang-kasama niyang lalaki sa table.
"Si Erin nga pala, the owner of Starry Hub," pakilala niya sa akin. Muli kong binalingan sila ng tingin at laing gulat ko ng makita ko siya!
"Erin, si Primo, he's Zanjo and Nicholai..."
Nagkatinginan pa kami ni Nicholai nang banggitin iyon ni Gonzalo. Pero nagulat ako ng tapunan niya lang ako ng tingin.
Anong feeling niya niyan? Ngumiti lang ako sa kanila. So kaibigan pala ni Gonzalo si NIcholai? Well, I'm not interested to him. May asawa na siya, same with me. So sa tingin ko ay wala namang malisya na sa amin yon, lalo na't kaibigan siya ni Syd.
Saglit lang naman ako dito, since complete naman ang lahat ng staff ko. Nag-stay ako sa counter. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Nicholai. He's starring at me too? Pero bigla niya rin iyon iniliingon sa iba, mukhang problemado ata siya?
Bakit ko ba iniisip ang problema ng iba? Mas marami kaming problemang mag-asawa na kailangan kong ayusin at isipin kesa sa problema niya.
Ilan oras pa ang lumipas ng magpasya akong umuwi na, nag-paalam naman na ako sa manager ng bar.
Medyo madilim dito sa parking lot, kaya naman hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.
"Sorry miss-- Alex..." Hindi ko inasahan na andito siya ngayon. Balita ko kasi bihira lang siya dito sabi ng staff ko.
"Erin," bati niya naman. Magkakilala naman kami kahit papaano, like I said, kapit-bahay ko siya sa Mulberry.
"I'm sorry, hindi ko napansin," paghingi ko ng sorry.
"Nah, it's okay," nakangiting sambit niya naman.
"By the way, hindi mo man lang pinasabi na darating ka. Edi sana nag-stay pa ko ng konti," sabi ko.
"Napadaan lang naman ako, it's okay. Well, maybe in the other day?"
"Oh, sure! Why not? I'll prepare that," nakangiting sabi ko.
Nagpaalam na ko sa kaniya bago ako pumasok sa kotse ko.
Medyo nakalayo na ko sa starry ng biglaang huminto ang kotse ko. Shit! Bumaba naman ako, mabuti na lang at dito ako sa gilid ng highway. At may mga tao pang nadaan. Tinignan ko ang nasa harap ko at nakita ko na umusok iyon!
Shit! Hindi pa naman ako marunong mag-ayos nito! Sinubukan kong tawagan si Syd, pero out of coverage. Si Sab naman, ayaw sagutin. Fuck! Ayoko pa naman mag-commute! Mas lalong ayoko maglakad! Kaya no choice nag-abang ako ng masasakyan pero puro kotse ang nadaan! Ano ba naman to?! Pero nagulat ako ng may humintong kotse sa harap ko.
Tinignan ko yon kung sino ang mabuting nilalang ang naawa sa akin. Pero laking ulat ko nang makita ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Nicholai?" sambit ko .
Nagulat ako ng dumiretso siya sa kotse ko, tinignan niya iyon. Bago bumalik sa akin.
"Hindi ka nagpa-gas, kaya natuyuan ang sasakyan mo. Mukhang bukas mo pa iyan magagamit."
Nakatingin lang ako a kaiya, bakit sa dami ng lalaki na pwedeng tumulong siya pa?
"Sumabay ka na sa akin," sabi niya pa.
"I'm fine--"
"So maglalakad ka?" tanong niya, nahihiya tuloy ako sa kaniya.
"Sumabay ka na, tutal taga south ridge ka rin naman," sabi niya pa.
Wala na kong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya, habang nasa daan, tahimik lang akong nakadungaw sa bintana.
"How's life?" tanong niya na ikinagulat ko.
"It's fine," sagot ko. Medyo naiilang pa ako sa kaniya. Kahit kaibigan naman siy ng asawa ko.
Matapos ang usapang yon, naging panatag naman ang loob ko. Hanggang sa di namin namalayan na nasa south ridge na kami.
"Dito na lang Nicolai," sabi ko sa kaniya. Andito na kami sa club house.
"Hindi naman dito ang bahay niyo," nagtatakang sabi niya.
"Nah, it's okay. May dadaanan pa ako, isa pa mapapalayo ka pa."
"Thank you," nakangiting sabi ko, ngumiti naman siya bilang tugon.
Nagsinungaling ako, ayoko kasing doon pa mismo sa bahay namin magpahatid, hindi maganda sa paningin ng iba. Lalo na't may asawa kami parehas.
____________________________________________________________
"Okay, I'm on my way."
Nakita ko namang nagbihis ulit si Syd ng suit niya. Aais siya? Sa ganitong oras? Napatingin ako sa orasan. Alas onse ng gabi, pero aalis pa siya? For what? Nanatili akong nakapikit, lumapit siya sa akin bago ako hinalikan sa labi at sa noo. Lumabas siy ng kwarto namin. Kaya naman ay mabilis kong sinuot ang jacket na nasa cabinet at patagong sumunod sa kaniya.
HIndi naman ata tama yon?
Nakita kong lumbas na siya ng gate gamit ang kotse niya, kaya naman agad din akong sumunod sa kaniya. Medyo malayo ang agwat namin para hindi ako mahalata. Kailangan kong malaman ang totoo, kung ano nga bang pinagkakaabalahan niya.
Medyo kinakabahan ako sa gianagawa ko, pero kailangan ko talagang malaman ang lahat. Ayoko namang tanungin siya ng wala akong hawak na ebidensya.
Nakita kong lumiko siya sa isang daan na madilim . Fuck! Anong klaseng lugar to? Hindi ko maintindihan kung bakit dito siya papunta. Nakita kong huminto siya sa di kalayuan. Kaya naman naisip kong huminto at maglakad na lang din.
Sinundan ko siya at nakita kong pumasok siya sa loob ng isang malaking gate.
"AAHHHH!" Narinig kong sigaw dito sa labas, kaya naman dali-dali akong pumasok.
Nakita ko si Syd na binati ng mga armadong lalaki. Dumiretso naman siya sa mga lalaking nakasuit din sa di kalayuan.
Laking gulat ko nang makita ang isang lalaki na nakagapos sa poste. Lumapit doon si Syd at binigyan iyon ng isang suntok.
"Boss, anong gagawin natin dito?" tanong ng isang lalaki.
Kinakabahan ako, anong boss? Kailan pa siya naging ganito? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.
"KIll him," sabi ni Syd.
Kaya hindi ko namlayan na napatayo ako dahilan para makuha ang atensyon ng isang lalaki.
Dali-dali akong lumabas ng gate bago tumakbo papuntang kotse. Pero nagulat ako ng hablutin ako ng isang lalaki.
"Sino ka?!" sigaw niya at hinawakan ako sa mga braso. Nakaramdam ako ng takot.
"Let me go!" sigaw ko at inapaka ang paa niya bago tumakbo ulit. Pero muli niya akong naabutan.
"Ang ganda mo naman, Miss!" sabi niya at akmang hahalikan ako ng suntukin ko siya.
Tamang-tama naman na dumating ang mga kalalakihan at bigla akong hinawakan sa braso.
Dinala nila ako sa loob kanina, tinulak nila ako dahilan para madapa ako sa sahig. Nakita ko naman yung lalaking sinuntok ko kanina, akmang sasampalin niya ako.
"WALANG HIYA KANG BABAE KA!"
Napapikit na lang ako, pero ilang minuto ang lumipas ay walang palad ang dumapo sa akin,
Napalingon ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina, nakita ko itong tumilapon sa malayo. Muli akong lumingon sa gumawa niyon.
Nakita ko ang mga kamaong tikom ni Syd habang nakatingin sa lalaki, maski ang mga tao dito ay nagulat. Maliban sa mga naka-suit.
"Don't you dare to touch her skin, or I'll kill you."
"S-Syd..." sambit ko. Tumingin siya sa akin, nag-iba naman ang expression niya. Napalitan ang galit niyang mukha ng pag-aalala.
"Fuck! Wife, are you okay? Did he hurt you?" sabi niya at umupo siya para magpantay kami bago ako inalalayang tumayo.
ERIN'S POVNaglalakad ako dito sa club house ng South Ridge Village. Hindi naman na ako taga-rito pero nandito ako ngayon. Wala kasi akong magawa sa condo. Isa pa, masyadong tahimik doon. Unlike dito sa village. Na-miss ko lang ang hangin dito sa south ridge. Naglakad-lakad pa ako habang nanonood sa mga batang naglalaro kasama ang ibang yaya nila. Karamihan naman ay ang mga magulang nila.Busy ako sa panonood ng hindi ko napanasing may nabunggo na pala ako. Agad ko naman siyang tinulungan sa pagtayo."Ate ganda?" natutuwang sambit niya habang nakatingin sa akin."Jariah," nakangiting sambit ko sa kaniya at umupo para magpantay kami."Ate ganda, ikaw nga!" Nagulat ako ng yakapin niya ako. Kaya naman napayakap na rin ako sa kaniya.She's so sweet. Kaya nakaramdam ako ng guilt sa dibdib ko. Dahil alam ko sa sarili ko na, maaring masira ang pamilya ni Jariah dahil lang sakin."Kamusta ka na, Jariah?" tanong ko sa kaniya."Im fine, Ate ganda!" nakangiting sagot niya. Umupo kami sa pinaka
ERIN'S POVNaalimpungatan ako dahil sa malalmig na hangin ang dumapo sa balat ko. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Asan nga ba ako? Umupo ako para mahimasmasan, subalit di pa ako nakakakilos nang magawi ang paningin ko sa kaliwang bahagi ng kama. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "S-Syd?" nagtatakang tanong ko, bahagyandin siyang dumilat nang magsalita ako. Gaya ko, nagulat rin siya na andito ako. Ngayon ko lang narealized na wala akong kahit na anong suot, tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan ko. "Erin?" takang tanong ni Syd at umupo. Gaya niya, nakahubad rin siya.Sobrang sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari? Muli akong pumikit at pilit na inalala ang nangyari kagabi.May nangyari samin! Hindi ako makapaniwala na magagawa ko yon. Ang bagay na yon."Im so sorry, Erin. Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi." Napalingon ako kay Syd na nagsalita sa tabi ko. "Lasing ako kagabi, hindi ko alam kung ano ang nangyari," paliwanag niya pa. Hindi ko alam kung ano an
ERIN'S POVSa sobrang sama ng loob ko, mabilis akong naglakad papasok ng elevator. Hindi naman ako nagtagal doon, at nakarating na rin ako sa unit ko. Mabilis akong nagbihis at humiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko, pero nakikita ko si Syd. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ako nagkakaganito. Naasa nga ba ako na babalikan ako ni Syd? Huminga ako ng malalim bago muling dumilat. Hindi ko na dapat pa iniisip si Syd. Matagal na kaming tapos. Kasal na siya at may sarili na siyang pamilya. Mas pinili niya ang landas niya. Wala na kong magagawa pa don.Ipinikit ko muli ang mata ko, bakit ganito? Hindi ako masaya? Bakit parang salungat sa sinasabi ko ang sinasabi ng puso ko? Natigil ako sa pag-iisip nang may biglang mag-door bell ng sunod-sunod sa pinto ko. Kaya minabuti ko na ring tumayo at buksan ang pinto.Pero laking gulat ko ng bumungad ang isang lalaki habang seryosong nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaking nasa labas."Erin, s-sorry. Hindi ko s
ERIN'S POV"Welcome, Madame!" sigaw sa akin ni Karen, ang manager ng Stary hub dito sa Hawaii.Actually, kakarating ko lang dito sa Hawaii. And dumiretso na ako agad dito. Ang ganda ng pagkaka-setup ng mga tables. Pero syempre walang tatalo sa main branch ng starry.Mamaya ang opening ng bar ko. So, I need to take a rest for now. Mabuti na lang at malapit lang dito ang condo ni Eron. Doon daw muna ako mag-stay tutal hindi naman ako magtatagal dito.Palabas ko, bumungad sa akin ang isang lalaki. Siy ang driver ko nna nagsundo sa akin. Isa ring pinoy. Kukuha na lang ako ng driver bakit hindi pa pinoy hindi ba?Bahagya kong isinandal ang ulo ko sa bintana. Gusto kong matulog. Kahit puro tulog lang ang ginawa ko magdamag sa plane.Maya-maya lang narinig ko na ang paggising sa akin ng diver ko. We're here.Dahil sa antok at pagod na ako, minabuti ko nang magmadali. Kahit yung driver ko hinahakot ppa ang mga gamit ko papasok. HUmihikab akong pumasok sa elevator. Isinuot ko na rin ang shades
ERIN'S POV"O c'mon, Erin! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong sa akin ng manager ko. Nag-aayos ako ng sarili habang sinesermonan niya ako. Itiniklop ko ang foundation na hawak ko bago ako muling humarap sa kaniya."Can you calm? Masyado kang nagpapaka-stress sa maliliit na bagay," sabi ko sa kaniya."Seriously? Anong maliit? Sinasabi ko sayo, Erin ha? Hindi basta-basta tong project na to!" singhal niya."Ayoko ma-stress. Kung gusto mong magpaka-stress ikaw ang bahala," sabi ko pa bago ako muling humarap sa salamin na nasa harap ko."Hay! Ewan ko kung ano ang gagawin ko sayong babae ka! Siguraduhin mo lang na hindi ito issue!" sabi niya pa."Ako na mismo kakausap sa owner ng company, gusto kong ma-relax," sabi ko sa kaniya. Naka-palm face lang niya akong tinignan."Pasalamat ka at malakas ka kay Mr. Ford," sabi niya pa. Bigla akong napalingon ng wala sa oras sa kaniya."What? Pardon me?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko nmaman na nagbago ang expression niya. Tinaasan
FIVE YEARS LATER..."MOMMY! DADDY!"Hinahanap ko si Kyre dito sa Mall, andito lang siya kanina. Palibhasa ayaw pumasok sa watson. Kaya naman iniwan ko siya dito. Pero saan naman siya pumunta?"M-mommy!! D-Daddy!!" Napahinto ako ng madaanan ko ang isang batang babae na naiyak sa gilid ng watson."Hey? What happened?" tanong kosa bata at umupo para magkapantay kami."Hindi ko po makita si Daddy." Nagulat ako dahil nakakaintindi pala siya ng tagalog. Well, nasa Pilipinas pala ako.Mukha naman kasi siyang mayaman. Kaya for sure englishera siya."What's your name?" tanong ko sa kaniya.Tumingin pa siya na para bang natatakot."Don't be scared. I will help you to find your mommy," nakangiting sabi ko."I'm Jariah, ate..." sabi niya pa."I'm Erin..."N