Share

Chapter 72

JEN

ISANG malutong na sampal ang natanggap ko.

"Napakawalanghiya at kapal talaga ng mukha mong babae ka! Matapos mo itong dulutin sa anak ko, may lakas ka pa ng loob na gawin 'to?"

Tunay ngang walang lihim na hindi nabubunyag. Sa ika-sampung beses na yata naming subok ni Mina, naabutan kami nina Doktora na nakikiusap sa bantay ni Jass sa ospital. Dala ulit namin ang mga anak ko at talagang kulang na lang ay lumuhod ako sa guard maawa lang na papasukin ako. We never saw them coming. Nagulat na lang ako nang biglang may humablot sa braso ko at isang kamay ang lumapat sa pisngi ko.

"Dala-dala mo pa talaga ang mga apo ko? Paano kung madisgrasya ang mga 'yan? Itutulad mo pa 'yan kay Jass na pinahamak mo!"

Kahit pinagtitinginan kami ay hindi man lang nangimi si doktora na ipahiya at sigawan ako.

"Tatawag ako ng mga pulis-"

"Gusto ko lang naman pong makita si Jass," naiiyak na pahayag ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa isang hawakan ng stroller sa takot na agawin niya iyon sa akin. "Kahit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status