Share

Chapter 2

Chapter 2

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mataman ko siyang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.

Gusto ko umatras pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya matatakbuhan.

I don’t have any idea why is he mad at me right now, As far as I remember nagpaalam ako sa kanya bago umalis pero ‘di ko rin nasabi na sina Ayesha at Glesie ang kikitain ko.

Dagliang dumako ang tingin ko sa wrist watch ko at nanlaki ang mata ko nang pasado alas dies na pala ng gabi. Hindi ko napansin ang oras dahil sa haba ng kuwentuhan namin!

Nangangatog man ang binti sa maaari niyang gawin ay nagawa ko pa din siyang salubungin para sana magpaliwanag.

“H-Hendrich. Sorry h-hindi ko namalayan ang oras.. Kas- Ahh!“ Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko mula sa batok at hinarap ako sa mukha niya.

“Don’t you know what time is it, Woman?” He asked me through gritted teeth.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sariling d*****g.

“I-I was with G-Glesie and Ayesha k-kanina ‘di ko n-napansin ang o-orasan, kaya.. kaya kami g-ginabi..” Nauutal na paliwanag ko habang iniinda ang sakit ng hablot niya.

“And you’re expecting me to believe that?” Matunog siyang ngumisi at lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

“Ahh! P-please! Nagsasabi a-ako ng totoo, H-Hendrich.” Lalo akong napangiwi sa sakit.

“Why can’t you just tell me na nagkipagkita ka sa lalaki mo? Tell me, Mitsky!? Ganoon ba siya kagaling sa kama kaya ka ginabi?” He suddenly accused me.

Umiling iling na lang ako at ‘di na nagawa pang makasagot. Pakiramdam ko ay matatanggal ang anit ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ko!

“Answer my fucking question, Mitsky! Ganoon ba kagaling ang lalaki mo?!” Halos mapapitlag ako sa sigaw niya.

“W-wala akong lalaki! M-mga kaibigan ko ang k-kasama ko buong a-araw..” Nagsisimula nang mangilid ang luha ko.

Hindi lang dahil sa pagkakasabunot niya kundi dahil rin sa walang katotohanang pag akusa niya sakin!

“Mama? Papa? Are you fighting po?” Napapikit ako ng mariin ng marinig ang anak mula sa hamba ng pinto.

Laking pasasalamat ko nang medyo nakarang si Hendrich sa gawi ng anak namin kaya hindi masyado tanaw ang ayos namin dalawa.

Mukhang nagising siya mula sa pagkakatulog dahil nakasuot ito ng pajamas habang kinukusot ang kanyang mata.

Hendrich glared at me for the last time bago niya ako bitawan. Tinalikuran niya ako para puntahan ang anak naming si Sky.

Pagkatalikod na pagkatalikod niya’y siya namang nagsimulang lumabas ang kanina ko pang pinigilang hikbi at iyak.

Ngunit ‘di rin ako tumagal dahil napansin kong hinihintay ako ng anak na pumasok habang kinakausap ni Hendrich, Marahil pinapaliwanag ang sigawang narinig kanina.

Mabilis kong inayos ang aking sarili bago lumapit sa mag ama ko.

‘Mag ama ko’

Gusto kong mangiti sa tawag na iyon, pero alam kong hindi iyon magandang gamitin lalo na kung ganito ang sitwasyon namin.

Kung sana lang ay masaya at normal kaming pamilya, Pero hindi e dahil nagsasama lang kami dahil sa pagmamahal sa anak at wala doon ang bilang mag-asawa. Malabo ko ring nakikita na mangyari iyon samin ni Hendrich sa hinaharap.

“Mama, Sleep here please?” Sky said sleeply, matapos namin siyang Ihatid sa kanyang kwarto.

Kinumutan siya ni Hendrich at tumabi sa anak ng higa habang ako ay nakaupo sa kabilang parte.

“Mama and Papa, will sleep here, Sky. Don’t worry,” Hendrich said as he looked at me with a hint of glare.

I just smiled to my son and caress his hair. “II’l just change my clothes, Sky and then Mama will come back immediately, okay?” My son just nod sleepily as I kissed him on his forehead one more time.

Pagkalabas ko ng pinto ay noon ko lang naramdaman ang bigat at pagod ng katawan. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan saglit at nagsepilyo saka nagsuot ng white sando at pajamas.

Usually, I wear nighties and lingeries as a sleepwear pero dahil nga sa kwarto ako ng anak matutulog, ito ang sinuot ko.

Nagsuklay pa ako ng kaunti habang tinititigan ang sarili sa salamin. Nagsisimula na naman mangilid ang aking luha habang inaalala ang nangyari kanina.

Kanina niya lang ulit ako sinaktan ng ganoon. Galit galit at parang sigurado siya sa akusa niya sakin. Dapat siguro na tanggapin ko na hindi na maibabalik ang tiwala niya sakin.

Pinunasan ko muna ang luha ko at bumuntong hininga bago ko napagpasyahang tunguhin ang kwarto ng anak.

Akala ko maaabutan ko ng tulog ang mag ama ko pag pasok ng kwarto, Pero nagkamali ako dahil naabutan ko si Hendrich na nagbabasa ng isang manipis na libro habang si Sky ay naka Indian sit sa tabi niya at nakikinig.

“Mama!” Si Sky ng makita ako. Nginitian ko siya at sinarado ang pinto.

“Why my baby still awake? It’s late na..” Sabi ko ng makalapit sa kama. Natanaw kong tinabi na Hendrich ang hawak na babasahin.

“Our son is waiting for you.” Si Hendrich.

Hindi nakaligtas sakin ang pagpasada ng tingin niya sa suot ko. Bihira niya lang kasi ako makitang nakapantulog dahil bukod sa hiwalay kami ng kwarto ay madalas din siyang late na kung umuwi ng bahay.

“Let’s sleep na?” Nasabi ko na lang at tumabi ng higa sa anak. Tumagilid ako paharap sa kanya saka ko dinantay ang kamay payakap sa kanyang tiyan.

“Mama?” Maya-maya lang ay nilingon niya ako.

“Mmm?” Tugon ko habang tinataas ang kumot sa bandang tiyan niya.

“I was waiting for you, kanina pa po.” Natatawa kong kinurot ang ilong niya.

“Sorry, baby natagalan ako. Nagtoothbrush pa kasi si mama bago pumunta dito.”

“Tss..” Si Hendrich.

“Hindi po ‘yun mama. ‘Yung kanina po umalis kayo maaga ‘di mo po ako sinama.” He yawned before he pout his lips. Halatang pinipigilan ang antok.

“Sorry, Hindi na kita nasama kanina kasi you’re still asleep, Kaya hindi na kita ginising,”

“Saan po ba kayo nagpunta mama?”

“Nakipagkita lang si mama sa mga friends niya kanina. Next time I’ll bring you, okay?”

“Promise?”

“Promise!”

“Yeyy!” Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa anak.

Nalimutan kong may anak akong naghihitay saking pag-uwi na dapat pagpaalam-an ko rin. Hindi ko na kasi naisip iyon kanina dahil maaga ang naging usapan namin ng mga kaibigan.

“You should sleep now, Sky” Biglang sabi ni Hendrich.

“Okay po, Goodnight, papa!” Humalik siya sa pisngi ng ama pagkatapos ay sa akin naman.

“Goodnight, Mama. I love you both.”

“I love you too/ I love you rin.” Halos sabay namin sambit ni Hendrich sa anak. Pero nagulat ako ng mapatingin ako kay Hendrich ng sabihin iyon. Buti na lang ay nakapikit na siya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Pinikit ko na lang rin ang mga mata ko at pilit na nagpalamon sa antok.

Ilang sandali pa ang lumipas nanatili parin gising ang diwa ko. Gaano man kagusto matulog ng katawan ko, hindi naman pinapayagan ng utak ko.

Ngayon lang pumapasok sa isip ko ang mga nangyari buong araw. Pero imbis na mag-isip ng mag-isip, umupo na lang ako at binalingan ng tingin anak kong si Sky pati na rin si Hendrich na nakatulog na rin pala.

Huminga ako ng malalim at nakangiting dinukwang sila para halikan sa noo.

Hindi ko mapigilang pagmasdan sila habang hinahaplos ko ang buhok ni Sky.

Napangiti ako sa ayos nila, dahil halos pareho sila ng expression ng mukha habang natutulog, pareho rin nakaawang ang maninipis nilang labi at tahimik na humihilik.

Napapatitig ako kay Sky.

I can’t help but to noticed his facial features that’s so much resembled to Hendrich, from eyebrows, nose, lips and even the color of the eyes. There’s no doubt that he’s his son. Hugis lang ng mukha ko ang nakuha ni Sky.

Hindi ko tuloy napigilang alalahanin ulit ang araw na iyon.

Akala ko talaga noong una magbabago ang trato sakin ni Hendrich pag nalaman na niyang sa kanya ang dinadala kong bata, but I was wrong. Sa harap lang ng anak namin siya mabait pero pag wala nama’y kulang na lang ituring niya akong parang hangin sa paningin niya.

Bagama’t ganoon pa man ang trato niya saki'y nagpapasalamat parin ako sa kanya bilang mabuting ama sa anak namin, kahit ‘wag na sakin.

Basta ang mahalaga’y alam kong magiging mabuti ang lagay ng anak ko kung sakali mang iwan ako Hendrich.. kahit na labag man sa loob ko.

Isang beses pa akong dumukwang para bigyan sila ng isa pang halik at inayos ang pagkakakumot nila bago ako bumalik sa pagkakahiga.

Ilang sandali pang akong nagmuni-muni hanggang sa wakas ay dinalaw na ako ng antok.

To be continued..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status