Share

Chapter 3

Chapter 3

Kinabukasan, nagising ako dahil ingay sa labas ng kwarto. Kuno't noo akong bumangon mula sa pagkakahiga para sana tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Pero hindi pa man ako nakakaupo, nasapo ko na ang ulo ko ng maramdaman ang biglang pagkirot.

Ugh! Hindi talaga ako pwede magpuyat dahil ganito lagi ang nangyayari kinaumagahan. Hilot hilot ko ang sentido ko habang pinipilit na bumangon sa kama, pero hindi pa man ako nakakatayo nakita ko na ang pag bukas ng pinto at iniluwa roon si Sky hila hila ang isang bata.

"Goodmorning, mama!" Sky at sinalubong ang halik sa pisngi ko. Nakangiting bumaling ako sa batang kasama niya..

"Is that you, Sean?" I asked playfully.

"Goodmorning, Tita!" He greeted Cheerfully before giving me a hug.

"Sino kasama mo? Your mom?" Nagtataka kong tanong pagkatapos humiwalay sa yakap. Anak siya ni Alice na bunsong kapatid ni Hendrich. Nagtataka ako kung bakit hindi ko alam na dadalaw pala sila ngayon.

Ngumiwi ako ng maalalang gabi nga pala ako nakauwi at sa sobrang pagod hindi ko na nagawa pang tingnan ang cellphone ko.

"Mommy and Lola Faura!"

"They are waiting for you, mama downstairs!" Sky.

Nanlaki ang mata ko ng mabanggit ang pangalan ng mama ni Hendrich. May kung anong bumara sa lalamunan ko at saglit na hindi makapagsalita.

Nasa baba si Mama!

Sa isiping iyon parang gusto ko na lang mag kulong dito sa loob ng kwarto at 'wag na lumabas hangga't nandito siya! Matagal ko ng alam na ayaw niya sakin bilang asawa ni Hendrich at matagal ko ng tanggap iyon, pero hindi ko pa rin siya kayang pakiharapan..

"Lola Faura said, mag p-play muna kami dito sa room ko. Is that okay, mama?" Tango na lang ang naging tugon ko sa anak habang iniisip pa rin ang bisita sa baba. Hinayaan ko na sila na maglaro sa isang sulok ng kwarto kung nasaan nakadisplay ang mga laruan.

Tinanaw ko ang orasan na nasa dingding at nakitang malapit na mag tanghali. Pagkalabas ko ng pinto, dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili.

Puno ng kaba ang dibdib ko habang nasa loob ng bathroom. Naiisip ko pa lang ang mga mangyayari sakin pagbaba naginginig na ang tuhod ko. Bukod kasi sa hindi nito tanggap ang pagbubuntis ko noon kay Sky ay hindi rin siya pabor sa pagpapakasal sakin ni Hendrich. Matagal na rin mula noong nakita ko si mama dahil sa ka busy-han at palipat lipat ng bansa para sa mga negosyo.

Natigil ako sa pag iisip nang makarinig ng katok mula sa labas.

"Ma'am? Andyan ho ba kayo? Pinapatawag po kayo ni Sir Hendrich sa baba.." Si Manang Fe.

"Uhh.. Sige po, pakisabi pababa na rin ako.." Sabi ko.

Pagkatapos kong magbihis, nagtali lang ako ng buhok at lumabas na ng kwarto. Muli kong naramdaman ang kaba ng pababa na ako ng hagdan pero hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin.

"Good m-morning.." I greeted them nervously.

Nilingon nila ako. Naabutan kong nakaupo si Alice sa one seater na sofa at hawak ang cellphone habang si mama ay nakatalikod sa gawi ko kanina kausap si Hendrich.

"Afternoon na, Ate Mitsky!" Pabirong sabi ni Alice at natatawang lumapit sakin para b****o. She's just 20 years old at maagang nagkaanak tulad ko, three years din ang tanda ko sa kanya pero halos magkasing katawan lang kami.

"Uhh.. Oo nga, hehe!" I laugh awkwardly. Pagkatapos niyang b****o ay binalingan ko naman si Mama.

"Uh.. Ma-" Kinakabahan ma'y lumapit parin ako sa kanya para rin sana b****o, Kaya lang ay bigla niyang nilingon si Hendrich.

"Hendrich, Ganito bang oras parati gumigising asawa mo?" Mahinahon ngunit striktong baling niya sa asawa ko. I bit my lower lip.

"Ginabi po kasi ako, Ma nang uwi kagabi kaya-"

"I'm not talking to you, Mitsky." She cut me off coldly. Napapahiya naman akong yumuko at hindi na umimik.

"No, Mom. Just today." Matagal bago nakasagot si Hendrich. I lifted my gaze on him and caught him staring at me intently. Palihim akong huminga ng malalim nang maalalang mas higit pa roon ang tinging pinukol niya sakin kagabi.

"I can't still accept na ganitong babae ang pinakasalan mo, Hendrich. Sawa ka na ba sa mga High class na babae and you chose to be with this kind of woman?" Halos manliit ako sa sarili ko ng makitang pinasadahan ako ni mama ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ma!" Pigil ni Alice sa sinabi nito. I just gave her a small smile and mouthed 'It's Okay'.

Inaasahan ko na ito pero hindi ko parin kayang tanggapin at lunukin ang mga binibitawang salita niya sakin. Akala ko pa nama'y sa tagal ng hindi namin pagkikita kahit papaano'y mababawasan ang ganitong klase ng pakikitungo niya sakin, mas humigit pa pala.

Nilingon ko si Hendrich. May kung anong dismaya akong naramdaman nang hindi ko man lang siya nakitaan ng pagtutol sa sinabi ng ina, bagkus ay rumiin lang ang titig niya sakin.

"Ser, Ma'am. Nakahanda na po ang tanghalian." Biglang sabat ng isa naming katulong na si Sally.

Pinagpasalamat ko iyon dahil hindi ko pa kayang tumanggap ng panibagong masakit na salita. Saglit pa lang kami na nag-uusap pero pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko sa sakit.

"Sally, pakitawag nga ang mga bata." Utos ni Alice sa isa naming katulong pagkaupo namin lahat sa hapag. Katapat ko siya ng upo, Si Hendrich naman ay katabi ko habang si mama nakaupo sa kabisera.

"Hindi na kailangan.." Pigil ni mama sa utos ni Alice at binalingan ang dalawa naming katulong. "Sally, Manang Fe, Pakidalhan na lang sila ng pagkain nila sa kwarto at bantayan sila hanggang makatapos. Kami na bahala rito." Utos ni Mama sa mga ito.

"Sige po ma'am." Nagtataka man ay sumunod din sila sa utos ni mama.

"Pero kailangan natin ng katulong dito, ma." Katulad ko, nagtataka rin si Alice sa utos ng ina. Tumuwid ako ng upo nang balingan ako ni mama.

"Mitsky.."

"P-po?"

"Bakit hindi muna ikaw ang mag silbi samin ngayon?" Nakangiti man ngunit nakataas ang isang kilay na utos ni mama.

"Po?!"

"Mama, ano ba kayo?!" Gulantang na reaksyon din ni Alice. "Kuya! Pigilan mo si mama! Kawawa naman si Ate Mitsky!"

"Alice! Can you please shut up? Kanina mo pa ako kinokontra!"

"Because, you are being harsh on her, Ma! Asawa kaya siya ni kuya Hendrich."

"Kaya nga pinapagawa ko sa kanya 'to. I want to see kung paano niya pagsilbihan ang kuya mo. And with that I might accept her for you brother!"

"No, Ma! You-" Napatigil si Alice sa kanyang sasabihin ng pigilan ko siya.

"Alice, It's Alright. Susundin ko na lang si mama para walang problema." Sabi ko na lang.

"Pero ate 'di ka pa nakain.."

I just smiled at her. Akma na akong tatayo mula sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang pagpigil ng isang kamay sa bisig ko. "B-Bakit?" nagtatakang tanong ko kay Hendrich.

"Stay here." Utos niya at muli akong hinila paupo sa upuan ko.

"P-pero Hendrich kailangan ko sundin si mama."

"Just call Sally again." Pilit niya. Bumuka ang bibig ko para magsalita nang maunahan ako ni mama.

"Son, Let her be. Ngayon lang ulit ako nakabisita and I want to see kung sanay na ang asawa mo gumawa ng gawaing bahay at hindi palaging naka-asa sa maid nyo." She explained and smiled at me sarcastically.

May kung anong galit bigla na namuo sa dibdib ko. She doesn't have any right to judge the way I want to take care of my family. May sarili akong paraan para magawa iyon at hindi kasama roon na gayahin ko siya.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago huminga ng malalim. Binalingan ko si Hendrich.

"Susundin ko na si mama. Ayos lang naman sakin." I assured him at hindi na nagpapigil sa kanya nang tuluyan na akong tumayo.

May namuo din kasing pag-asa sa dibdib ko nang marinig kay mama na maaari niya akong tanggapin kung maipapakita kong maalaga at masipag na asawa ako kay Hendrich. Kung ito lang ang paraan para matanggap niya ako ay gagawin ko. Hindi naman madaling gawin ito gayong matagal ko ng pinagsisilbihan si Hendrich at nagkataon lang tinanghali ako ng gising kanina.

"Ate Mitsky, Sumabay ka na kaya? Hindi ka pa nakapag breakfast kanina." Hindi na ako napigilang alukin ni Alice habang nagsasalin ako ng Juice sa baso niya.

Nakangiti ko lang siyang inilingan. "Mamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom." Alibi ko na lang kahit kanina ko pa nararamdaman ang pagkulo ng sikmura ko.

Ilang beses akong nagpabalik balik ng kusina dahil sa kung ano anong utos ni mama. Ilang beses din natapon ang inumin niya kaya wala akong choice kundi punasan ng paulit ulit ang mesa pati ang sahig na natapunan ng inumin. May pinaluto rin sakin si mama dahil may gusto raw siyang kainin at hindi naiutos sa katulong kanina kaya wala akong nagawa kundi magluto.

Ramdam ko ang pagtutol ni Hendrich habang ginagawa ko ang mga iyon pero dahil nga gusto kong magbago kahit papaano ang pananaw sakin ni mama ay sinusunod ko na lang ang mga inuutos niya.

Mabuti na lang rin nang maya maya pa ay bumaba na si Manang Fe at Sally na katatapos lang pakainin ang bata. Pinigilan na ako tuluyan ni Hendrich na sumunod pa kahit nakikita ko ang pagtutol ni mama sa sinabi niya.

"Mama, Papa! We want to swim in the pool! Can we?" Paalam ni Sky habang bumababa ng hagdan kasama ang pinsan.

"Me too! I want to swim mommy!" Si Sean naman sa mommy niya.

_

"Ate Mitsky, pagpasensyahan mo na sana ang asal kanina ni mama, ah? Namiss ka lang siguro nun sa tagal ng 'di nakabisita rito, Kaya kung ano-ano pinapagawa sa'yo." Ani Alice nang nasa labas na kami ng gate ng bahay. Karga niya si Sean na nakatulog na sa kanyang balikat. Si Mama ay kausap pa ni Hendrich sa loob ng bahay at sinadya talaga ni Alice na mauna rito para makausap ako.

Medyo madilim na. Gusto man namin ni Hendrich na bukas na sila pauwiin ay sumaglit lang daw pala sila ng bisita dahil malapit dito ang negosyong inaasikaso ni mama kaya naisipan na rin dumalaw. Wala naman kaming magawa kundi ihatid na lang sila hanggang dito.

Natatawa ko siyang pinalo. "Namiss utusan siguro, Oo." Biro ko. "Saka okay lang ako. Sanay na ako kay mama, ano ka ba.." I said lightly.

"Hays, gusto ko pa sana magtagal kaya lang susunduin ko pa si Henry bukas sa airport, eh." Tukoy niya sa asawa niya.

"Sus! Marami pang oras. Next time kami naman bibisita sainyo. Okay lang ba?" Tanong ko. Sunod sunod naman ang pagtango niya.

"Oo naman ate! Sige ba! Abangan ko pagbisita niyo."

Nakangiti ko lang siyang tinanguan. Lumipat naman ang tingin siya sa likuran ko. "Oh andiyan na pala si mama."

Lumingon ako at nakitang hinahatid ni Hendrich si mama papunta samin.

"Don't forget to come home next week. Your grandfather is waiting for you. 'Yung sinabi ko sayo." Bilin pa ni mama nang makalapit samin at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Yeah."

"Good! Sige na, We need to go." Bumaling siya kay Alice. "Let's go, Alice."

"Bye. Take care, Ma." Tipid na sambit ni Hendrich.

"Buh-bye po ma.. uhh ingat po sa biyahe." Sabi ko. Nilagpasan lang ako ni mama at nauna nang pumasok sa loob ng sasakyan. Huminga lang ako ng malalim, hindi na ininda 'yon.

"Bye, Ate Mitsky! Bye Kuya!" Napangiti ako na parang batang kumaway si Alice sa labas ng bintana ng sasakyan habang umaandar na ito.

"Ingat!" Kaway ko din pabalik sa kanya, hanggang sa tuluyan ng lumabas ang sinasakyan nilang kotse palabas ng gate ng subdivision.

Binaba ko na ang kamay ko at bumuntong hininga bago napagpasiyahang pumasok sa loob ng bahay. Natigil lang ako sa paglalakad ng maramdaman ang paglingkis ng isang kamay sa bewang ko.

"I'm sorry, Mitsky." Sunod sunod ang paglunok ko ng maramdaman ang pagbulong ni Hendrich sa tenga ko.

I laugh nervously. "O-Okay lang ako, Lov- I mean Hendrich, D-Don't worry. Ganoon naman t-talaga si mama, Hehe!"

"Not that. I'm telling about what happened yesterday. Mitsky." Nag angat ako ng tingin sa kanya. I caught him looking at me softly as he held my cheek gently.

Nangilid ang luha ko ng gawin niya iyon.

Bumalik sakin ang mga nangyari kagabi pati na rin ang kanina ko pang pagpipigil na iyak dahil sa mga salitang binitawan sakin ni mama. Lahat 'yon ay nag sama-sama sa isip ko at parang nag ti-trigger sakin na ilabas ito ngayon.

Hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya at tuluyan nang humagugol sa dibdib niya. "A-ang sakit.. Love.. ang sakit sakit.." Parang batang sumbong ko sa kanya sa gitna ng iyak.

Ramdam ko ang kamay niyang sinuklay ang buhok ko. "Shh.. I know and I'm so sorry."

Lalong lumakas ang hagulgol ko sa sinabi niya iyon pero hindi ko na nagawa pang sumagot.

"Please fogive me? Hmm?" Matagal bago ko siya tiningala.

"I'll Just f-forgive you if you won't h-hurt me again like t-this."

His expression darkened. Akala ko ay magagalit na naman siya, pero nagulat ako ng hapitin niya lalo ako at hinalikan sa labi.

"It won't happen again, I promised!" His voice thundered like it was a curse as he pulled me again for another kiss, but this time it was deep, long and passionate kissed!

"I want you, Mitsky." He said between our kisses. My face heated when I realized what he meant by that.

"Me t-too." Sabi ko. I almost laugh when I heard him groaned painfully.

To be continued..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status