Share

Chapter 1

Chapter 1

Bakit ganoon? Iba-iba ba talaga karanasan ng bawat ng lahat? Hindi ba pwedeng pareho-pareho na lang kami nang sa gayon ay kung may problema kami na kinakaharap ay lahat kami magdadamayan at gagawing sandalan ang isat-isa? Habang sa saya namay sabay sabay kaming magdidiwang dahil sa galak na nararamdaman ng bawat isa. Pantay pantay sana kami ng kapalaran lahat, Pero alam kong masyadong imposible ang hinihingi ko.

May iba iba tayong struggles at obstacle sa buhay, pero kung wala pa may siguro parating pa lang iyon, Hindi para panghinaan at sukuan kundi para pagtitibayin at patatagin ka. Kung yung ibay marahil tapos na at danas ang pinakamasakit at pinakamapait ng punto ng buhay nila. Marahil ako namay nagsisimula pa lang. Nagsisimula pa lang danasin ang pinakamasakit ng buhay ko at wala akong magagawa kundi tanggapin ito at Nagbabakasakaling pagkatapos ng lahat sakit wala na akong pagsubok na hindi kayang harapin.

Huminga muna ako ng malalim at mula sa bintana'y nilipat ang paningin ko kay Ayesha na kanina pa nag kuku-kwento tungkol sa kanila nang Boyfriend niya.

"Grabe na surprise talaga ako! Galit na galit na nga ko mula umaga pa lang kasi akala ko hindi na niya ako I ge-greet ng Valentines Day tapos yun pala may pa-surprise pala siya bago matapos ang Valentines! Inarkila niya buong restaurant para lang mag date kaming dalawa! Oh diba ang sweet!? Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako pag naalala ko! Ihhh!" Sinapo ni Ayesha ang magkabilang niyang pisngi na ngayon ay sobrang pula na. Nag i-sway pa ang katawan niya mula sa kanyang upuan na animoy inaalala ang araw na iyon.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit lang sa bahay namin. Napagkasunduan namin na magkita kita rito para i-celebrate ang Valentines namin magkakaibigan, pero hindi pa man dumadating ang order namin, nagsimula ng magkwento si Ayesha tungkol sa ganap nila ng bf niya noong Valentines Day.

Nagkatinginan kami ni Glesie at sabay din natawa dahil sa reaksyon ng kaibigan.

"Over ka na gurl, ha! Para sabihin ko sayo, mas nakakakilig yung Valentines ko pero di ako ganyan nagreact, noh!" Sungit-sungitan ni Glesie kay Ayesha.

Natawa ako dahil mukhang di rin siya padadaig at naghahamon pa ang tingin.

"Bakit? Nag arkila rin ba si Nique ng buong restaurant sa gitna ng gabi?" Nakangusong tanong ni Ayesha sa kanya.

"Hindi.."

"Binigyan ka rin ng Chocolates and boquet of red roses?"

"3 pieces of red roses lang, e." Bored na sagot ni Glesie.

"Had a sweet deep talked bago natulog noong Valentines?"

"Mmm.. More than that pa.."Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago niya i-angat ang isang kamay na kanina lang ay nakatago sa ilalim ng lamesa.

"Oh my god!!" Halos sabay naming sambit ni Ayesha.

Namimilog ang mata naming nakatingin sa kanyang singsing na suot. Medyo may kalakihang bato ang nasa gitna ng singsing at sure ako na hindi biro ang presyo non!

"Yup! I'm Engaged na!" Tumaas baba ang kilay niya at nilipat ang tingin sa singsing habang nakangiting hinaplos iyon.

"Ang totoo niyan, Hindi pa raw dapat siya mag pro-propose sakin noong Valentines because he wants to do it on my birthday next month. Kaya lang nakita ko yung singsing na nahulog while papuntang siyang cr ng hotel room ng resort na tinutuluyan namin... lagi niya pala kasing dala to. At first hindi niya pa alam kung paano i-e-explain sakin.. but ayun nga inamin na niya sakin at wala na siyang choice kundi magpropose, kasi syempre nalaman ko na nga! Hahaha! Feeling ko tuloy ako ang pinaka swerte at pinakamasayang babae nong Valentines Day! Ewan ko ba! Mix Emotions ang naramdaman ko. I know na masyado kaming mabilis pero ganoon yata talaga pag sya na ang para sayo!" Kitang kita namin ni Ayesha ang saya sa mukha ng kaibigan habang nagku-kwento siya tungkol sa nangyari.

Hindi ko tuloy mapigilang mangilid ang luha habang pinapakinggan siya.

"I'm so happy for you, Gles!" madamdaming sabi ko at tumayo para yakapin siya. Ramdam ko din na tumayo si Ayesha at yumakap din siya sa kabilang tagiliran naman ni Glesie.

"Ako rin, I am so genuinely, deeply, and happy for you, Glesie! I'll admit na, na kayo ang pinakasweet na couple nong Valentines Day. Sayo na ang crown! Huhuhu! I still cant believe na engage kana." Pag da-drama bigla ni Ayesha.

"Tumigil ka, Yesh. Ayoko ng iyakan, please! Gusto ko mag celebrate tayo ngayon ng Valentines natin at ng aking pagkaka-engaged. Double Celebration kaya sige na awat na kayo sa drama." Natatawang tinapik ni Glesie ang magkabilang braso namin.

Bumalik na kami ni Ayesha sa aming kanya-kanyang upuan at nagsimula na kaming mag-usisa about sa details para sa gaganaping kasal nila next year. Gusto ni Glesie na siya mismo ang maghahandle ng mga kailangan para sa pangarap niyang kasal. Even her Wedding gown, she wants to design her own! And we totally agree about it, wala naman kaming maipipintas when it comes to her style. I almost forgot that shes one of the best selling fashion designer in their industry kaya sure ako na hindi basta basta ang magiging kasal nila.

"I dont know the exact amount, basta alam ko a Million dollars? I guess? Hindi ko na syempre tinanong noh!" Pati singsing ni Glesie ay hindi namin napigilan busisihin at titigan. Hindi nga ako nagkamali nang mapag-alaman namin na di biro ang presyo nito at sa ibang bansa pa pala binili ng fiancée niya.

"Nakaka-inggit! Ikaw Mitsky kasal na tapos si Glesie ikakasal pa lang! Parang gusto ko na rin tuloy magpakasal! Iniiwanan nyo na ako!" Sabay bitaw ni Ayesha sa kamay ni Glesie na may suot na singsing at sunod sunod na sumubo ng pagkain na kanina pa naka served.

Unti-unting nahilaw ang ngiti ko nang mabanggit niya ang kasal ko. Muling bumuhos sakin ang mga mapait na ala-ala ng araw na iyon. Pinilig ko na lang ang aking ulo, nagbabakasakaling maalis sa isip ko ang pangyayaring yun kahit ngayong araw lang.

"'Wag ka ngang ma pressure Yesh dahil samin. Magkakaibigan tayo pero magkakaiba pa rin tayo ng kapalaran, Di ba Mitsky?" Baling sakin ni Glesie.

Tipid akong ngumiti.

"Glesie's right, Yesh. Dont pressure yourself.. Mas mabuti nang kilala niyo na ng lubos ang isat-isa bago kayo lumagay sa tahimik." Dahil iyon ang pagkakamali ko bago kami nagpakasal. Gusto ko sana idagdag iyon ngunit ayoko naman sirain ang kasayahan namin at baka mag-alala pa sila.

Tahimik naman siyang napaisip bago tumango tango.

"True! Pero kung di ka na talaga makatiis.. Ikaw na ang maunang mag propose-" Hindi pa man natatapos ni Glesie ang sasabihin niya sunod sunod na ang pag iling ni Ayesha.

"Hell no! Ayoko nga.. Sa ganda kong ito ako ang luluhod sa kanya? Over my 36-26-34 statistics body!"

Tatawa tawa ko naman siyang hinampas sa braso. "Over ka!"

"FYI, Babae naman talaga ang naluhod, Gurl.." Glesie said sensually!

Saglit kaming nagkatitigan tatlo bago sabay sabay na bumulanghit ng tawa! Hindi na kami nagtaka ng pagtinginan kami ng mga tao doon. Pero wala kaming pakialam dahil masaya kaming lahat!.. O Iyon ang inaakala ko?

__

"Bye, Mitsky!" Si Ayesha matapos niya akong ibaba sa tapat ng gate nang tinitirahan ko. Si Glesie kasi ay nagpasundo sa driver niya kaya kaming dalawa na lang ni Yesh ang magkasabay ngayon.

"Ingat ka, Yesh! Thanks ulit sa paghatid!" Sabi ko

"You're Welcome! Mitsky gurl!" Aniya at nag flying kiss pa sakin.

Natatawa ko siyang kinawayan at hinintay muna siyang makaalis bago ko naisipang pumasok ng bahay.. pero hindi man ako humahakbang papasok ng gate natulos na ako sa kinatatayuan ko nang mataman kung sino ang nag a-abang sakin sa labas ng pinto ng bahay.

Mula sa ilang dipang layo niya, ramdam ko ang galit at riin ng pagkakatitig niya sakin na animoy sasakmalin niya ako isang maling galaw ko lang.

"H-Hendrich.." Naibulong ko na lang.

To be continued..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status