Share

A Wife's Suffer
A Wife's Suffer
Author: TornyRose

Prologue

Prologue

Mitskys Point of view

"Henrich.. I-Im pregnant," Halos dumugo ang pang ibabang labi ko sa sobrang riin ng pagkakakagat dito kasabay ng lakas ng kaba sa dibidb ko.

Nandito ako sa Office ng boyfriend kong si Hendrich para sa sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Kinakabahan ako ng husto dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Kanina lang ako nagpacheck-up and 5 weeks pregnant na pala ko.

Akala ko may sakit lang ako o kung anong may nakain kaya panay ang pagsusuka at sakit ng ulo ang nararamdaman ko nitong nakaraang linggo. At nang nalaman ko na nga na nagdadalang tao ako, Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Saya dahil may munting anghel na nasa sinapupunan ko at lungkot dahil hindi ko alam kung magiging masaya ba ang ama niya, dahil nitong mga nakaraang linggo ay lumalamig na ang pakikitungo niya sakin. Thats why it took me a day before I decided to tell him about our baby kahit na kahapon pa lang ay gusto ko na siyang puntahan at ibalita sa kanya ito.

Mula sa pagkakayuko ay dahan dahan akong nag angat ng tingin. Hindi na ako nagulat nang mataman siyang walang reaksyon at blangko lang na tingin ang pinukol sakin. Inaasahan ko na ito pero hindi ko parin maiwasan makaramdan paninibugho habang pinagmamasdan siyang parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.

"S-Sabi ko.. buntis ako." Pag-uulit ko.

Nagbabakasakaling hindi niya lang ako narinig kaya wala siyang reaksyon nong una. Pero ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil nanatiling blangko ang mukha niya.

Napayuko na lang ako dahil hindi ko matagalan na nakikita siyang ganoon, lalo lang akong nasasaktan para samin ng baby ko.

"You're pregnant?" Mabilis akong nag-angat ng tingin ng mahimigan ang sarcasm sa tono niya, o guni-guni ko lang iyon?

"O-Oo.." Hinaplos ko ang aking tiyan bago sunod sunod na tinanguan siya. Pinagmasdan ko siyang tumayo sa kanyang swivel chair at nakapamulsang humarap sa malaking bintana ng opisina niya kung saan tanaw ang mga nagtataaasang gusali.

"With whom?"

"A-ano?" Napaamang ako sa tanong niya!

"Let me rephrase my question.." Nakapamulsa siyang humarap at unti-unting naglakad papunta sakin.

"Kaninong anak ang dinadala mo?" Bumilis ang paghinga ko ng matanto ang ibig niyang sabihin.

"I-Iniisip mo bang niloloko kita?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"It was a harmless question, Mitsky." He chuckled without a humor. Saka siya tumalikod at muling tinanaw ang kalakhan ng syudad.

"Iniisip mong may iba akong l-lalaki, H-hendrich?" I asked him with disbelief. Nanginginig na ang boses ko. Nagsisimula na rin mamuo ang aking luha habang pinamamasdan ang malapad niyang likuran.

"Just answer my damn question, Mitsky. I dont have time for your drama." Ngayo'y ramdam na ramdam ko na ang lamig sa boses niya. Doon na tuluyang kumawala ang luha ko.

Bakit ganito siya? Hindi ko alam kung anong nagawa ko para pakitunguhan at i-trato niya ako ng ganito, Hindi naman siya ganito dati. Sinasabi niya sakin pag may problema kami na kailangan lutasin pero hindi ganito na nakakayanan niya na akong hindi kausapin sa loob ng ilang araw. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

"Sinabi ko bang umiyak ka?"

Napayuko ako at umiling iling kahit di niya ako nakikita dahil nanatili siyang nakatalikod sakin. Hindi ko namalayang napalakas na pala ang paghikbi ko. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Baka maapektuhan din ang batang dinadala ko pag pinagpatuloy ko pagiging emotional.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang lumapit sa may bandang likuran niya. Nanatili akong nakayuko.

"I-Ikaw.. H-Hendrich, Youre t-the father," Mahinang sambit ko. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago siya nagsalita.

"Attorney Pantoja.." Biglang ani niya.

"H-huh?" Nag-angat ako ng tingin at napagtanto kong may kausap pala siya sa kanyang telepono. Ramdam ko ang pagkapahiya kaya tumahimik na lang ulit ako.

"I want you to come here now in my office- Yes.. And please bring some marriage documents- No.. We want a simple wedding right now- Okay." Pagkababa niya ng telepono ay humarap siya sakin.

"W-Wedding?" Hindi ko na pagilang bulalas. He smirked when he saw my reaction na para bang inaasahan niya na iyon.

"This is what you want right, Mitsky? Just make sure na sakin nga yang batang dinadala mo, dahil kapag nalaman kong hindi.." He trailed off at dahan dahan niya akong dinukwang dahilan para magtama ang tingin namin.

"Pati ang inosenteng batang dinadala mo.. makakatikim ng dusa sa puder ko. Do you get it, Mitsky?" Halos namayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa banta niyang iyon. Hindi ko lubos maisip na may ilalamig pa ang boses niya kanina kaya ganoon na lang ulit ang pamumuno ng luha ko habang pilit iniiwas ang paningin sa kaniya.

Hindi ko na nakuha pang sumagot at nanatili na lang akong nakayuko habang narinig ang pagkatok nang kung sino mula sa labas ng kanyang opisina.

"Sir Hendrich, Attorney Pantoja is outside po". Rinig kong sabi ng sekretarya.

"Let him in." Aniya nang hindi inaalis ang malamig na titig sakin.

Unti-unting nagtaas baba ang balikat ko nang di ko na napigilang humagulgol. Bakit ganito? Wala akong maramdamang pananabik, Hindi ganito ang pinapangarap kong kasal! Ang gusto ko lang ay ipaalam sa kanya na magkaka baby na kami pero di aabot sa ganito!

"Cry all you want, Mitsky. You're now forever in hell with me."

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status