Share

Chapter 21

Napabalikwas ng bangon si Blade, isang napakasamang panaginip ang nagpagising sa kanya. Si Alison daw iniwan siya kasama ang kanyang anak. Pero nakakapagtakang maliit pa ang batang karga nito, natitiyak niyang hindi si Alexa iyon. Napailing na lang siya, marahil sa kakaisip kaya naman pati sa panaginip ay dinadalaw siya ng kaalamang buntis si Alison sa iba. Wala na ito sa tabi niya, marahil ay nasa silid na nito. Alam niyang nasaktan niya ito ng husto dahil sa mga namutawing salita mula sa kanyang labi pero totoo naman ang lahat ng iyon. 

Inaamin niyang ayaw niya itong mawala kaya handa siyang magbayad ng malaki, bilang yaya ni Alexa at kaulayaw niya sa kama. Ngunit hindi niya hahayaang tuluyang mahulog sa patibong nito. Bumangon siya sa kama, batid niyang ito ay tulog na kaya hindi siya nito mapapansin kapag sinilip ito sa silid. Palagi naman nitong iniiwang hindi nakalock ang kwarto lalo pa at sanay si Alexa na pumasok doon para maglambing, at syempre siya din. 

Bahagya niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito, sinilip niya ito sa loob ngunit napakunot noo siya. Wala ito sa kama, maayos iyon ni hindi nagusot ang kubre kama tanda na walang natulog doon. Agad niyang niluwangan ang pagbukas at pumasok doon. 

Binundol na siya ng kaba, pero umaasa siyang nasa cr lamang si Alison. Patakbo siyang nagtungo doon,ngunit wala ito. Baka nasa kwarto ni Alexa, pero wala din doon. Baka nasa kusina kaya tumakbo din siya doon, sa cr na nasa labas, sa balkonahe, sa labas, at sa may pool ngunit wala talaga. 

"Alison! Alison! Sh*t! Sinabi ko bang umalis ka ha?!" parang sira ulong sigaw niya. Batid niya na nilisan na sila ni Alison. 

Hindi niya alam ang gagawin pero ang bigat ng kanyang nararamdaman. Pero masisisi ba siya nito, nasaktan din siya! Mahal na mahal niya ito pero anong ginawa nito, ngunit hindi niya hinangad na iwan sila nito. Pano na si Alexa, pano na siya? Maluha-luhang bumalik siya sa inuukupa nitong silid. Tumutulo na ang luha niya ng mga sandaling iyon, pinahid lamang niya iyon ng may mapansing sulat sa ibabaw ng side table nito. 

Dear Blade,

Una sa lahat humihingi ako ng kapatawaran sa aking nagawang kasalanan. Ngunit hindi ko ito sinasadya Blade, hindi ko rin talaga alam na buntis ako. Hindi ko sinadya ito,hindi ko sinadyang lokohin ka. At mas lalong hindi ko hinangad ang kayamanan mo. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na pera lamang ang nais ko kaya tinanggap ko ang pag-ibig mo. Mahal kita Blade, totoong minahal kita at ganon din si Alexa. Sobrang nagpapasalamat ako noong time na inalok mo ako na maging asawa mo. Dahil sa wakas magiging tunay na akong may karapatang mahalin at alagaan si Alexa. Ngunit wala na akong magagawa kung iyan ang talagang pag-aakala mo sa akin. 

Hindi ko man nasabi sayo sa personal kung gaano kita kamahal pero ikaw ang laman ng isip at puso ko Blade. Ikaw lang, ngunit hindi yata tayo ang nararapat sa isa't-isa. Katulad ng akala natin noon na tayo ay talagang pinaglapit ng tadhana. Ngunit hindi pala, gumawa lang ng paraan ang tadhana para ako ay muling masaktan. Okay lang Blade, naiintindihan kita. Lalayo ako na baon ang masasayang ala-ala ng magkakasama tayo ni Alexa. Lalayo ako para makalimot at para harapin na rin ang  darating na bagong bukas para sa akin at sa aking magiging anak. Alagaan mo sana si Alexa, wag mo syang pababayaan. Paalam Blade, paalam. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Alexa. 

                                        Nagmamahal,

                                                 Alison

Hindi maampat ang luha ni Blade matapos basahin ang sulat ni Alison. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, talagang mahal na mahal niya ang babae. Ngunit nagpadala lang siya sa matinding selos, hindi naman talaga siya nagagalit dito kundi dahil lamang sa kaalamang may lalaki pala ito bago pa man magtungo sa kanila. Inaamin niyang kahit na nalaman na niyang buntis ito hindi pa rin niya kayang pakawalan ito. Handa siyang tanggapin ang magiging anak nito. Sadyang nadala lamang siya ng matinding selos kaya kung ano-ano ang lumabas na masasakit na salita sa kanyang bibig. 

Umupo siya sa kama at nag-isip kong ano ang dapat niyang gawin. Andon din ang pangambang baka bumalik si Alison sa dati nitong boyfriend para makiusap ito na panagutan ang ipinagbubuntis nito. Hindi siya makakapayag, alam naman niyang mahal din siya ng babae. Lalo pa at inamon nito kung gaano siya nito kamahal sa sulat na iniwan nito. Kaya naman nagpasya siya, bahala na pero hahanapin niya ito bukas na bukas din. Kahit pa nangangahulugan iyon na makakaharap niya ang lalaking karibal niya sa puso ni Alison. Kahit ito ang tunay na ama,mas karapat-dapat siyang maging asawa ni alison. 

Hindi na siya natulog ng gabing iyon kaya maaga siyang nagtungo sa opisina sa branch nila sa Makati ang dating pinagtatrabahunan ni Alison. Aalamin niya kung taga saan si Alison, o baka may makuha rin siyang impormasyon tungkol sa ex-boyfriend nito. Baka kasi doon ito nagtungo, hihingi siya ng tawad kay Alison kung kinakailangang lumuhod pa siya sa harap nito ay gagawin niya. Agad siyang tumuloy sa opisina ng Manager,at hindi na siya nagpaligoy pa. Hiningi na nga agad niya ang impormasyong kanyang kailangan at nagtungo naman sa opisina ng mismong mga empliyadong nakatrabaho ni Alison. 

Nagtanong-tanong siya doon. Buti na lang may alam ang isa, ito daw ang medyo naging close ni Alison nong dito pa nagtatrabaho. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, agad niyang tinungo ang address ng ex-boyfriend ni Alison na sinabi ng katrabaho nito dati. 

Napakunot noo siya ng makitang may kasama itong babae, natitiyak niya n iyon yong lalaki dahil may ipinakita sa kanyang picture ang katrabaho dati ni Alison. Picture nilang magkakaopisina noong minsang nagkaron ng outing ang branch nila sa Makati,kasama ni Alison ang ex-boyfriend. Tila nag-aaway ang dalawa kaya hindi agad siya lumapit. 

Ngunit dinig na dinig niya ang pag-aaway ng mga ito. 

"Tang*na mo! Sana hindi na kita noon pinatulan! Sana si Alison nalang ang pinili ko! Kahit papano naman, kaya nya akong buhayin! Samantalang ikaw! Ngayong inalis na ng mga magulang mo sayo ang pangangalaga ng apartment! Wala ka ng pakinabang! Ni hindi ka makagawa ng paraan para kumita ng pera! Hirap na hirap na ako kakatrabaho! Nilansi mo lang ako sa pagiging galante mo noon! Kung hindi mo ako nilansi baka kami pa ngayon ni Alison!" galit na sigaw pahayag nito sa babae sa pasigaw na boses. 

Nagtagis ang mga bagang niya sa narinig na sinabi ng ex ni Alison. Napakawalang kwenta! Hindi talaga ito nararapat na maging ama ng anak ni Alison. 

"Ganyan pa ang igaganti mo sa mga ginawa ko sayo ha?! Palabigasan mo na nga ako noon! Ginawa mo pa akong parausan dahil hindi ka makaisa kay Alison! Dahil hindi nya magawang ibigay sayo ang kanyang pagkababae! Sa sobrang kalib*gan mo, hindi mo na mahintay pa ang makasal kayo! Tapos ngayon?! Ako pa ang sisisihin mo?! Kung hindi ka masyadong magastos, di sana hindi nagalit sakin sina Mommy! Sana ako pa rin ang namamahala ng upa ng apartment namin!" galit na sagot naman dito ng babae na ikinagulat niya. 

"Ibigsabihin hindi nito  nagalaw si Alison?! P-Pero bakit buntis siya? S-Sino ang ama ng bata?!" tanong niya sa sarili. 

"Ikaw ang malandi! Ikaw itong nang-akit sa akin! Kung hindi lang sana ako nagpadala sa kalandian mo, sana masaya ako ngayon kay Alison! At alam ko na malapit na syang bumigay sakin! Mahal na mahal ako non! Kaya darating din ang araw na makikipag s*x din sya sakin, kung dimo lang sinira ang lahat! Lumayas ka na sa bahay ko! Hahanapin ko si Alison at iuuwi ko sya dito! Alam kong mahal pa rin niya ako, at alam kung kayang-kaya niya akong buhayin di katulad mo! Inutil! Walang alam na trabaho! Pwe!" sigaw ng lalaki sabay naglakad, palapit sa may gate. 

Siya naman ay nagpupuyos ang dibdib sa galit! Kawawa lang pala si Alison sa lalaking ito! Sabi ng katrabaho nito kanina halos tatlong taon na dapat ang dalawa. Kung hindi ito pumayag na magalaw ng boyfriend nito, so ibig sabihin maling-mali ang akala niya dito. Sa loob ng halos tatlong taon, virgin pa ito. Pero, bakit? At papanong nabuntis ito? Kung hindi ang ex-boyfriend nito sino ang ama ng bata? Naguguluhan siya, hindi niya mabatid kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Papalapit na ang lalaki sa kanya, nagpupuyos naman ang loob niya sa galit. Ito pala ang lalaking umapi sa kanyang mahal, napakawalang kwenta. 

"Tangina! Hahanapin kita Alison, kung hindi ka pa rin papayag sa gusto ko pepwersahin kita para wala ka ng kawala pa sakin!" pabulong pero sapat lang para marinig siya. 

Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo ng marinig iyon. Agad niya itong sinalubong at walang babalang inundayan ng magkabilang suntok sa mukha, tumba ang lalaki. 

"Putcha! Sinong...," sabi nito na hindi na natapos dahil tinadyakan nanaman niya ito sa sikmura, napaigik ito dahil sa sakit. 

"Kahit kelan, ayoko ng maririnig pa sa bunganga mo ang pangalan ni Alison! Dahil kahit bigkasin yon, wala kang karapatan!" galit na bulyaw niya dito. 

Pinahid nito ang dugo sa bunganga at tumingin sa kanya. 

"Ano bang prob...! Sir Blade de Vega?!" agad na turan nito. 

Napakunot noo naman siya. 

"Bakit mo ako kilala?!" singhal niya dito. 

"S-Sir, j-janitor po ako sa inyong kompanya. A-Ano po bang nagawa kong kasalanan bakit basta-basta nyo nalang po ako inatake?" nauutal na tanong nito. 

"Ahh, ganon? So tauhan pala kita, p'wes ngayon hindi na! Your fired! Hindi ko kelangan sa kompanya ang katulad mo! Napakawalang kwenta mo, inuulit ko. Wag mo ng tangkaing lapitan pa si Alison. Dahil ikakasal na kami! At buntis na sya ako ang Ama!" galit na babala niya dito. 

Saglit itong natigilan, tila hindi makapaniwala sa narinig. 

"S-Sir,wag naman po kailangan ko ang trabaho na iyon. Mawawalan po ako ng pambayad sa upa at pangkain kapag tinanggal ninyo ako. Maawa na kayo Sir! Pangako hindi na ako lalapit pa sa kanya." pakiusap nito ng makabawi. Lumuhod pa ito sa harap niya. 

"Kinakarma kana ngayon lalaki! Biruin mo, boss mo pa ang magiging asawa ni Alison. So it means, boss mo na rin si Alison ngayon. Pero so sad, tanggal ka na rin sa trabaho! Ang bilis talaga ng karma! So pano, babush na rin. Manigas ka jan sa bulok mong apartment! Sa lansangan kana pupulutin ngayon, dahil wala ka ng trabaho!" tuwang-tuwa namang pang-aasar pa dito ng babaeng nakalapit na pala sa kanila. 

Sinamaan lang iyon ng tingin ng lalaki at muling nakiusap sa kanya pero tumalikod na siya. Sumakay ng kotse at mabilis na nilisan ang  lugar na iyon. 

                          ITUTULOY

Hi, everyone. May nagbabasa pa ba ng story na to, if meron pacomment naman ako oh at parate na rin. Please, medyo nawawalan na kasi ako ng gana parang wala naman kasi nagbabasa hirap magpatuloy kapag ganito. Itutuloy ko pa ba o hindi na? 

Comments (70)
goodnovel comment avatar
Krisjazjobert Moli
yes author ituloy nyo lng po Ang ganda.ng stories po nyo
goodnovel comment avatar
Danilda Irag
anh ganda kaya ng nobela mo.sana ipagpatuloy mo palagi.makakaalis ng strees ang story mo.please pagpatuloy mo maganda mong mga story follower mo kami promise.God bless!
goodnovel comment avatar
Michelle Buludan
Ang ganda author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status