Share

Kabanata 4

Author: Gia Maezy
last update Huling Na-update: 2025-11-15 09:39:19

Sa sandaling tumayo si Minna, siyang pagtayo rin ng mga taong naroon sa loob ng silid. Si Noah naman ay dali-daling lumapit sa pinto ay pinagbuksan ng pinto ang dalawang taong hinihintay nila. Sumunod naman ang ibang staff sa binata’t naiwan si Minna na nakatayo lang doon. Para bang napako ang kanyang mga paa sa sahig at naging malamig na estatuwa lang doon.  

Alam niyang pwedeng mangyari ito, talagang pinaghandaan niya ang sandaling mangyari man na magka salubong sila ng lalaki. Pero hindi niya akalain na ganto kabilis! Kakarating pa lang niya sa Pinas pero makikita na niya agad ang lalaking iniiwasan niya noon pa man. Nananadya na naman ba ang tadhana sa kanya?

Ilang taon na ang nakalipas, akala niya coincidence lang na nakapasok siya sa loob ng bahay nito kung saan nagpapagaling ang lalaki. Ngunit nalaman niyang ang lahat ng yun ay sinet-up pala ng binata. Lahat ng yun ay nakaplano na. How can she be so dumb back then?

At ngayon, naulit na naman?

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang binatang naka-itim na suit. 

Si Nikolaj… 

Nasa unahan pa talaga ang lalaki at sobrang lakas ng presensya nito na kahit ang mga taong nasa loob ay napapasinghap. Ang aura nito na para bang kayang-kayang kontrolin ang buong kwarto ng isang tingin lang. 

Ring na rinig niya ang bulong-bulongan ng ibang kababaihan dahil kinikilig sa dalawang gwapong lalaking pumasok lalo na ang lalaking nasa unahan. 

Ilang taon din niyang hindi nakita ito pero parang mas tumindi ang kapangyarihan ni Nikolaj. Ang bawat galaw nirto ay para bang sumisigaw ng kapangyarihan. Isang hari na kayang sirain ang buhay ng isang tao. 

Hanggang sa biglang nagtama ang kanilang paningin. 

Tila ba may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan niya. Ilang segundo pa ang nakalipas ay siya na ang unang bumitaw. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa lalaki. 

Samantala, si Nikolaj ay tinitigan lang ang babaeng ilang taon ng hindi niya nakita. Ang babaeng gabi-gabi niyang nasa isip. Hindi man lang niya nakalimutan kahit isang araw. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. 

Hindi na ito ang babaeng nagustuhan niya noon, ang tanging babaeng nagpapabaliw sa kanya. 

Hindi na siya iyong babaeng inosente at masunurin gaya noon. Dati para itong isang prutas sa isang puno na kakabunga pa lang. Sobrang tamis… Sobrang sarap… 

Ngayon, tila ba’y iba na. Sa suot nitong dress na halos kitang-kita ang kurba ay parang isang paanyaya sa kanya. Isang tukso sa mga kalalakihan.  

“Damn it,” mura niya sa sarili. 

Akala niya, matitiis niya pa ang pagka-miss sa babae dahil hindi naman niya ito nakikita ngunit ngayon, nang makita na niya ito at nasa harapan na niya. Hirap na hirap na siyang kontrolin ang sarili.

Ganun din ang ba ang nararamdaman nito sa kanya? Naiisip ba ng dalaga siya? Kahit isang beses, na-miss din ba siya ni Minna? 

Natawa siya ng mahina, kung titingnan niya, kalmado lang ang mukha ng dalaga. Hindi man lang nagulat nang makita siya. Para itong tumitingin sa isang taong hindi naman kilala nito. 

Ganun-ganun na lang ba yun?

Ilang taon siyang naghintay. At ang babaeng ito, ni minsan ay hindi man lang lumingon sa kanya.  

Siguro nga, kinalimutan na siguro siya nito. Noon nga ay gusto na nitong makawala sa kanya at iwan siya kaya bakit pa siya umaasang ma-miss siya nito? Kung titingnan, napaka-among tingnan ng dalaga ngunit sa kabaliktaran. Napaka manhid nito at sobrang tigas ng puso. 

Napalunok ng mariin si Nikolaj, imbes na tumingin ulit kay Minna ay nilagpasan niya lang ang dalaga na para bang isa lang itong hangin sa kanya at umupo sa isang bakanteng upuan sa dulo ng mesa.

Sumunod naman si Shen na sumulyap kay Minna ng makahulugan bago umupo.

Bumalik na rin ang lahat sa pagkakaupo maliban kay Minna na nanatiling nakatayo. Napansin ni Minna na isa na lang ang bakanteng upuan at kung minamalas nga naman sa tabi pa yun ni Nikolaj. 

Si Noah ay napalunok at ngumiti ng pilit kay Nikolaj. "Uh… Mr. Carreon," sabi nito, "Okay lang po bang... umupo sa tabi niyo si Miss Nejera?"

Hindi man lang tumingin si Nikolaj bago nagsalita. “I don’t care.” 

Walang nagawa si Minna kundi maglakad papunta sa upuan. Ramdam niya ang titig ng lahat sa kanya kung kaya’t medyo nakakaramdam siya ng pagkailang. Nang makaupo siya sa tabi ng lalaki ay agad niyang naramdaman ang lamig na nanggagaling sa katabi niya. 

Sa isip niya, sana may tumawag sa phone niya. Sana may emergency siyang kailangan puntahan at nang sa ganun ay makaalis siya roon. 

Hindi niya talaga kaya, sobrang nasu-sufficate siya, halo-halo na rin ang kanyang nararamdaman. 

Ilang segundo pa ang nakalipas, hindi man lang tumingin sa kanya ang lalaki na para bang hindi sila magkakilalang dalawa. Nakahinga ng maluwag si Minna. Mabuti na siguro yun, tama. This is for the best, walang nagagalit, wala ng samaan ng loob at nakalimutan na rin ang nakaraan. Tapos na sila at ang relasyon nila’y nakabaon na sa lupa noon pa man. 

Nang mag-umpisa na ang kainan, nagsimulang magsalita si Noah. 

“Ahem… Mr. Carreon, Mr. Martinez, maraming salamat sa oras niyo. Maraming salamat dahil dumalo kayo sa meeting na ito.” Hanggang sa biglang bumaling si Noah sa kanya at tinawag siya. 

“Ms. Nejera,” nakangiting tawag sa kanya ni Noah. “Nasa katabi mo naman si Mr. Carreon, siya ang major investor natin. Sige na, makipag-toast ka sa kanya. Magpasalamat ka rin na binigyan niya tayo ng isa pang pagkakataon at dumalo siya sa paunlak natin,” sabi ni Noah kaya natigilan siya. 

A-Ano raw?

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Siya? Akala ba niya si Shen Martinez ang investor?? Nagsimulang manginig ang kanyang kamay at pilit na tumayo. Dahan-dahan niyang itinaas ang wine glass na nasa harapan niya at nagsalita. “I’d like to offer this toast to Mr. C-Carreon—”

Naputol ang kanyang sasabihin nang tiningnan siya ni Nikolaj ng malamig at para bang nanunuya. “Ms. Nejera,” bulong nito sapat lang na marinig niya. 

“Hindi mo na kailangan pa ng mahabang speech kung may kailangan ka, sabihin mo na. Alam mong gusto ko yung dine-deretsa na ako.” 

Humara ito sa kanya, ang mga mata nito’y parang handa nang manlamon. 

"At higit sa lahat, alam mo namang... kahit anong hilingin mo, ibibigay ko."

Napanganga ang lahat ng tao sa mesa nang marinig ang sinabi ni Nikolaj. Gulat na gulat ang lahat. 

Anong ibig sabihin noon? Magkakilala ba sila? Iyan ang nasa isip ng mga tao na nasa loob. 

Si Minna naman ay hindi makagalaw.

Mayamaya pa’y biglang tumawa si Nikolaj. Isang tawang hindi nahihimigan ng totoong saya. 

"Mr. Tiangco, gan’to ba ang ginagawa ninyo para makakuha ng deal? Pinipilit ninyong uminom ang mga babaeng empleyado niyo sa mga investors? Ano ito bugaw?"

Halos malaglag sa pagkakaupo si Noah. "Hindi! Mr. Carreon, hindi naman ganun. Nagkakamali ka ng iniisip. Disente ang kumpanya namin hindi kami nagbubugaw ng mga empleyado!” 

"Mabuti naman kung ganun,” sabi ni Nikolaj at napatango-tango. 

Medyo naging matiwasay naman ang dinner nila, ilang oras pa silang nag-usap ngunit pagkatapos nun, agad na pinirmahan ni Shen Martinez ang kontrata’t tuwang-tuwang naman ang buong team, maliban kay Minna na kanina pa tahimik. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 66

    Pagkatapos nilang mag-lunch, dinala ni Nikolaj si Minna sa bago nitong biniling property. Isang malawak na luxury flat na may sariling open-air garden. At ang best part? Nasa isang kilometro lang ito mula sa school niya. Sobrang lapit at pwede nga niyang lakarin iyon kung sisipagin. Pero knowing Nikolaj, ihahatid-sundo pa rin siya nito.Pamilyar si Minna sa lugar, ito ang pinaka-high-end at pinaka-mahal na residential area sa lugar. Naalala niya noong freshman siya, nag-part-time job siya rito tuwing weekends. Tagapamigay lang naman ng flyers at ang sahod? Nasa 800 pesos ang araw! Dati, nakatayo lang siya sa labas ng gate, nakatingala sa matatayog na building, iniisip kung sinong mga maswerteng tao ang nakatira sa residential area na yun. Ni sa panaginip, hindi niya inakala na darating ang araw na makakapasok siya roon. Hindi bilang empleyado, kundi bilang isang residente. Pagpasok nila sa loob, bumungad sa kanya ang napakagandang palagid. Modern, classy, at mamahalin ang bawat gami

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 65

    Hindi na sumagot si Minna, agad niyang pinatay ang tawag saka napabuntong-hininga. Ito ang unang beses na binabaan niya si Nikolaj nang walang pasabi. Dati, kahit gaano siya kainis, sinisigurado niyang malambing ang boses niya bago ibaba ang telepono. Pero ngayon? Pagod na pagod na siyang makipag plastikan sa binata. Siya na lang ang nag-aadjust, kapag galit ito at nagseselos siya naman ang taga-suyo at taga-lambing. Sa kabilang banda, tinitigan lang ni Nikolaj ang screen ng phone niya. Hindi na tumawag ulit ang binata sa dalaga. Alam kasi niyang hindi na sasagot si Minna at sayang lang din ng oras. Mas mabuti pang tapusin niya agad ang trabaho at sunduin ito sa university.Si Minna naman ay napapailing na lang, talagang nakakapagod magmahal o magpanggap na nagmamahal. Kailangan laging calculated ang bawat galaw at salita niya. Isang maling bigkas lang gyera na agad ang aabutin niya. Kahit anong ingat niya, laging nauuwi tungkol kay Khalil ang usapan.Gusto niyang isumbat kay Nikola

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 64

    Nagulat na lang si Minna nang pumasok sila sa isang raw stone shop. Hindi rin siya makapaniwala na isang Pilipino pala ang may-ari nun, isang negosyanteng nakikipagsapalaran sa ibang bansa. “Pili ka kung anong gusto mo riyan,” sabi ni Nikolaj sabay turo sa mga batong nakalatag sa harapan nila. Agad na umiling si Minna sa lalaki, "Wala akong alam dyan. Ikaw na lang siguro ang pumili."Pero mapilit si Nikolaj. "Kahit alin diyan, sige na. Ikaw na ang pumili."Dahil wala siyang choice, tinuro na lang niya ang isang stone sa display cabinet. "Ayun, 'yun na lang."Walang tanong-tanong, nagbayad agad si Nikolaj. Nang ipa-cut ang bato, lumabas ang dalawang high-quality diamonds—isang 200-carat at isang 30-carat. Napaka-flawless noon, mas maganda pa sa nabili nila sa auction.Tuwang-tuwa naman si Minna habang namumula ang pisngi sa excitement. Niyakap niya si Nikolaj at napasigaw sa saya, sino ba naman ang hindi? Binigyan lang naman siya ng diamonds ng lalaking ito. Pero natigil ang saya niy

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 63

    Bata pa lang, mulat na si Minna sa realidad ng buhay niya, she’s on her own ika nga. Walang naman kasing sasalo sa kanya kapag nadapa siya, kaya nga natuto siyang protektahan ang sarili niya sa sarili niyang paraan.Natuto siyang magparaya, magtago at maging lowkey lang. Hindi naman siya yung tipong tahimik at nagpapauto, sa katunayan masiyahin siya’t madaling pakisamahan. Pero kapag nakakatagpo siya ng mga taong sadyang masama ang ugali, umiiwas na lamang siya. Ayaw niya kasi ng gulo at iisipin. Mula elementary hanggang kolehiyo, bihirang-bihira siyang masangkot sa gulo. Kung meron man, simpleng bangayan lang na siya naman palagi ang natatalo sa huli. Hindi dahil mali siya kung ‘di dahil siya na rin ang nagpapakumbaba. Siya na rin ang humihingi ng tawad at nag-a-adjust. Hindi naman siya nagpapaka-santo pero ginagawa niya lang yun para maka-survive. Alam niyang kapag lumaki ang gulo, wala siyang back up na darating mula sa pamilya at wala siyang kakamping magtatanggol sa kanya. Ang

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 62

    At dahil maraming iniisip si Minna, hindi siya tuloy nakaka pokus kay Nikolaj. Kahit na nga sa paghalik ay wala siya sa wisyo. Talagang lutang na lutang siya dahil sa nangyari kanina. Hindi rin kasi siya makapaniwala na nakita niya roon si Khalil. Hindi rin manhid si Nikolaj kung kaya’t nahalata ito ng binata. Kanina pa ito nagtitimpi ngunit nang makitang lutang pa rin ang dalaga ay nawalan na ito ng pasensya. Nasa byahe na sila, pauwi ng hotel nang biglang ipinark ng lalaki ang sasakyan nila sa isang liblib na lugar. Walang katao-tao at sobrang dilim pa. Pagkahinto ng sasakyan ay napatingin si Minna sa lalaki. Bigla siyang kinabahan dahil nandidilim na ang aura nito. Tinanggal ng binata ang seatbelt pagkatapos ay tumagilid at tinanggal din ang seat belt niya.“Ni-Nikolaj… A-Anong ginagawa mo—” natatakot niyang tanong sa lalaki. Subalit hindi man lang siya pinatapos ng lalaki, agresibo siya nitong hinila at binuhat paupo sa kandungan nito. Rinig na rinig ni Minna ang dagundong ng

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 61

    Halos lumabas ang puso ni Minna sa kaba, tila ba nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nakita. Kinalma niya ang sarili, napatingin-tingin sa kanyang paligid at nang makasigurong walang ibang taong nakakita sa kanya, saka lang siya naglakas-loob na bumulong sa binata. Sapat na upang marinig ito ni Khalil. "Bakit ka nandito?"Hindi pa nga nakakasagot sa kanya si Khalil, nang magtanong siya ulit. “Anong ginagawa mo rito?” Bigla siyang hinawakan ni Khalil sa kamay, medyo mahigpit yun. Ang mga mata nito’y nananabik habang nakatingin sa kanya. Mahigpit. Ang mga playboy eyes nito na dati ay puno ng kalokohan, ngayon ay nag-aapoy sa sobrang intensity. “Minna, kamusta ka? Sinaktan ka ba ni Nikolaj? Inaapi ka ba niya?” nanginginig na tanong nito sa kanya. Mabilis na binawi ni Minna ang kamay niya. Napalingon ulit siya sa likuran niya, paranoid na baka may makakita sa kanilang dalawa. "Okay lang ako, Khalil. Mabait siya sa akin, hindi niya ako sinasaktan," mahinang sagot niya saka n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status