LOGINSi Noah Tiangco ang may-ari ng Tiangco Media Works at siya ring producer ng bago nilang show. Dati, puro maliliit na investors lamang ang nakukuha nila. Ngayon biglang nakabingwit sila ng malaking isda kaya talagang magpapa-impress sila rito.
"Kung sini-swerte nga naman si Boss. Isipin niyo, nakuha niya ang atensyon ni Mr. Shen Martinez, nag-research ako kagabi tungkol sa kanya. Shit, sobrang yaman pala niya!” sambit pa ni Sofia.
Si Minna ay tahimik lamang na nakatingin sa labas. Hindi man lang pinapansin ang dalawang kaibigan niya sa gilid niya. Marami pa ring gumugulo sa kanyang isip. Ang dami niyang tanong at pagdududa, gusto man sabihin niya sa dalawa ang nararamdaman niya ngunit hindi pwede. Hindi naman nito kilala si Nikolaj. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa lalaki.
Napansin ni Inka ang katahimikan ni Minna kaya nagtanong ang dalaga. "Mukhang pagod ka sa byahe, Minna. Matulog ka na muna. Malayo pa naman tayo."
Si Sofia naman ay napatingin sa kanya. “Tama si Inka, Minna. Mukhang pagod na pagod ka. Hindi pa naman din siya nakatulog ng maayos sa flight,” sumbong ni Sofia kay Inka.
Tumango na lamang si Minna sa dalawa at nginitian ang mga ito ng pilit. "Sige. Matutulog na muna ako. "
Pagkalipas ng kalahating oras, naramdam ni Minna na huminto ang sasakyan nila.
Si Inka naman ay excited na nagsalita. “Narito na tayo!”
Si Minna ay dahan-dahang tumingala at sumilip sa binata. Sa labas ng malaking hotel nakita niya ang signage na ‘Manila Grand Hotel’. Biglang sumikip ang kanyang dibdib. Para bang may biglang tumusok sa kanyang puso nang makita ang pamilyar na hote sa kanyang harapan. Imposibleng wala siyang maramdaman dahil sa lugar na ito napakaraming nangyari.
At sa pag-ihip ng malakas na hangin, biglang bumalik ang lahat ng alaala niya sa hotel na ito.
Ang pinaka una niyang punta rito ay noong debut niya. Dinala siya ni Khalil, ang dati niyang boyfriend sa lugar na ito. Dito sila nag-date at nag-celebrate ng kanyang kaarawan. Sobrang na-appreciate niya noon ang effort ng binata.
Subalit ang pangalawang beses ay iba na ang kasama niya. Dinala siya rito ni Nikolaj, ang uncle ng kanyang Ex na si Khalil. Tandang-tanda pa niya ang petsa, taon at araw. May 11, araw ng sabado’t 19th birthday niya. Buong hotel ay nirentahan ni Nikolaj para lang sa kanya. Sobrang galante ng celbration na iyon na pati ang pinaka paborito niyang banda ay kinuha pa ni Nikolaj para tumugtog lang sa harapan niya. Halos nagkaroon siya ng sarili niyang private concert. Isang gabi lang yun pero masasabi niya iyon ang pinaka-the best celebration ng birthday niya.
Anim na taon na ang lumipas pero hindi pa rin nawawala ang alaala niya sa lugar na ito.
Bumalik lamang siya sa realidad nang may tumapik sa kanyang balikat.
"Girl, para kang nakakita ng multo diyan! Ang putla-putla mo, okay ka lang?" biro ni Inka habang inakbayan siya.
"Siguro na-starstruck lang si Miss Minna dahil sa hotel. Sobrang ganda, 'no?" sabi naman ni Sofia.
Pilit na ngumiti si Minna at napalunok ng mariin. "Oo, sobrang ganda…"
"Hayaan mo, Minna," sabi ni Inka papasok sila sa loob ng hotel. "Pag nakuha natin ang deal ngayon, babalik ulit tayo rito. Mag-re-request ulit ako kay Noah!”
Tumango lang din si Minna bilang sagot ngunit napatigil na lamang bigla at tinitigan si Minna. “Alam mo, Minna ang laki na ng pinagbago noong nakilala kita sa kolehiyo. Hindi ka ganto eh…”
Natigilan si Minna nang marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Simula nung makita kita sa Paris parang iba ng Minna ang nakikita ko. Ni wala akong nakikitang emosyon sa’yo. Sobrang lamig mo na para bang wala ka ng pakiramdam o pakialam sa mundong ginagalawan mo. Dati kahit na tahimik ka, kitang-kita ko pa rin ang saya sa mga mata mo. Nasaan na ang kaibigan kong masayahin, iyong matapang at palaban na Minna?”
Napayuko na lamang si Minna dahil sa sinabi ng kaibigan. Paanong hindi siya magbabago? Dalawang taon niyang kasama ang lalaking halimaw na si Nikolaj. Kahit gaano ka katapang, kung demonyo naman ang nakakasalamuha mo talagang mauubos ka.
Nasa tapat na sila ng infomation desk nang biglang humarap si Inka sa kanya, “Minna, matagal ko ng gustong itanong sa’yo ito. Ano ba talaga ang nangyari sa’yo noon?”
Napaigtad si Minna, hindi alam kung anong sasabihin. Magpapalusot na sana niya nang biglang mag-ring ang cellphone ni Inka.
“Si Noah,” sabi ni Inka sa kanila at agad na sinagot ang tawag.
“Nandito na kami, saang room ba kami pupunta?” tanong ni Inka sa kabilang linya.
Nasa gilid lamang sina Sofia at Minna kung kaya’t hindi nila naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa.
“WHAT? Change of room? Bakit daw?”
“Ah okay. May dumating na importanteng bisita si Mr. Martinez? Sige, text mo na lang ang room at pupunta na kami doon…”
Nang matapos ang tawag ay ibinaba ni Inka ang tawag at humarap sa kanila, kitang-kita ang saya at pagka-mangha sa mukha ng dalaga. “Shit! Grabe, ang galante naman ni Noah! Lumipat daw tayo sa isang luxury suite!”
Hindi man lang narinig ni Minna ang pinag-usapan nina Inka. Hindi tuloy alam ng babae na may darating pang isang investor sa kanila. Kung nalaman lang niya, hindi na sana siya sumama.
“Shit! Luxury Suite tayo? Hanep ang galante ni Boss Noah. Gaano ba kaimportante ang investor natin. Diyos ko, first time kong makapunta sa luxury suite ha!” sabi ni Sofia sa kanila.
Si Minna ay napangiti na lamang sa sinabi ng kaibigan. “Syempre, kailangan nating gumastos o mamuhunan para kumita. Kung makuha man natin ang deal na ito talagang bawing-bawi naman ang nagastos ni Boss Noah dito.”
“Tama, may point si Minna. Matalino nga talaga ang ex ko, talagang lalago ang kumpanya niya,” natatawa ngunit proud na sabi ni Inka sa kanila.
Nang bumukas ang elevator na sinasakyan nila ay naunang naglakad si Inka. Kasunod naman nito si Sofia at siya na. Tahimik silang pumasok sa loob ng silid. Room 504, isang luxury suite sa hotel.
Pagpasok nila sa loob, nandoon na ang buong creative team. Ang dalawang bida ng show ay seryosong nag-uusap tungkol sa script nila. Si Noah naman ay nakatalikod sa kanila’t nagyoyosi siguro sa balkonahe. Nang marinig na may pumasok sa loob agad na lumingon ang lahat sa kanila.
Nang makita siya ni Noah ay agad na pinatay nito ang sigarilyo at mabilis na lumapit sa kanila
"Boss Noah," magalang na bati niya sa lalaki.
Kahit na kilala niya si Noah noong nasa kolehiyo pa sila, hindi niya matawag-tawag ang lalaki sa first name lang nito. Empleyado lang naman siya roon at walang personalan.
Ngumiti ng pilit si Noah at sinabing, “Pasensya ka na, Minna at napilitan ka pang pumunta sa Pinas.”
Tumango lang si Minna, “No, trabaho ko ito. Kung kailangan ako ng team ay hindi ako magdadalawang isip na pumunta at tumulong.”
Dahil sa narinig ay tumawa ng mahina si Noah at pinaupo na sila sa upuang naroon.
“Hindi na sana kita gagambalain pa kung hindi lang ito importante sa Team natin, Minna. Hindi kasi biro ang investor natin ngayon, mga malalaking tao ito sa Pinas at ayaw kong mapahiya sa kanila,” patuloy na sabi ni Noah sa kanya. Hindi pa man natapos sa sasabihin ang lalaki nang may marinig ulit silang boses sa labas ng pinto. Isang pamilyar na boses para sa dalaga.
“Pare sobrang laki ng pabor na binigay mo sa akin ngayon. Hindi ko ito makakalimutan at tatanawin ko itong utang na loob…”
Natigilan si Minna, kilala niya ang boses na yun. Boses iyon ni Shen Martinez, nakahinga na sana ng maluwag si Minna nang may isa pang boses na sumagot.
Isang boses na mas pamilyar para sa kanya.
Isang boses na sing lamig ng yelo. Halos walang emosyon at nakakapanindig balahibo. Ang boses na palaging naririnig niya sa kanyang panaginip.
“Forget it. Hindi ko naman ito ginawa para sa’yo.”
Nanginig ang mga kalamnan ni Minna. Hindi makapaniwala sa narinig. Sa isang iglap, bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Halos manghina ang kanyang tuhod, mabuti na lang at nakahawak siya sa mesang nasa harapan niya.
Hindi…
Hindi si Nikolaj ang tao sa labas.
Baka nagkamali lang siya…
Hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil nag-uumpisa na itong sumikip.
Tangina…
Nandito siya…
Sa sandaling tumayo si Minna, siyang pagtayo rin ng mga taong naroon sa loob ng silid. Si Noah naman ay dali-daling lumapit sa pinto ay pinagbuksan ng pinto ang dalawang taong hinihintay nila. Sumunod naman ang ibang staff sa binata’t naiwan si Minna na nakatayo lang doon. Para bang napako ang kanyang mga paa sa sahig at naging malamig na estatuwa lang doon. Alam niyang pwedeng mangyari ito, talagang pinaghandaan niya ang sandaling mangyari man na magka salubong sila ng lalaki. Pero hindi niya akalain na ganto kabilis! Kakarating pa lang niya sa Pinas pero makikita na niya agad ang lalaking iniiwasan niya noon pa man. Nananadya na naman ba ang tadhana sa kanya?Ilang taon na ang nakalipas, akala niya coincidence lang na nakapasok siya sa loob ng bahay nito kung saan nagpapagaling ang lalaki. Ngunit nalaman niyang ang lahat ng yun ay sinet-up pala ng binata. Lahat ng yun ay nakaplano na. How can she be so dumb back then?At ngayon, naulit na naman?Ilang sandali pa ay bumukas na ang
Si Noah Tiangco ang may-ari ng Tiangco Media Works at siya ring producer ng bago nilang show. Dati, puro maliliit na investors lamang ang nakukuha nila. Ngayon biglang nakabingwit sila ng malaking isda kaya talagang magpapa-impress sila rito. "Kung sini-swerte nga naman si Boss. Isipin niyo, nakuha niya ang atensyon ni Mr. Shen Martinez, nag-research ako kagabi tungkol sa kanya. Shit, sobrang yaman pala niya!” sambit pa ni Sofia. Si Minna ay tahimik lamang na nakatingin sa labas. Hindi man lang pinapansin ang dalawang kaibigan niya sa gilid niya. Marami pa ring gumugulo sa kanyang isip. Ang dami niyang tanong at pagdududa, gusto man sabihin niya sa dalawa ang nararamdaman niya ngunit hindi pwede. Hindi naman nito kilala si Nikolaj. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa lalaki. Napansin ni Inka ang katahimikan ni Minna kaya nagtanong ang dalaga. "Mukhang pagod ka sa byahe, Minna. Matulog ka na muna. Malayo pa naman tayo."Si Sofia naman ay napatingin sa kanya. “Tama si Inka, Minna. Mu
Ang kanilang kumpanya ay nagsasagawa ngayon ng malaking proyekto isang Drama Series na papatok sa madla. Lahat ay kumpleto na, pati nga ang script at mga props ay nakasalang na. Mabuti na lang maraming mga nagdadagsaang sponsors ang kompanya nila kaya hindi na madali ang pag-produce ng proyektong ito. Subalit ang kanilang isang major investor na naka-base sa Pinas ay napaka-arte. Nang malapit nang pirmahan ang kontrata, bigla itong nag-demand. Gusto nitong pumunta ang buong creative team sa Pinas para personal na ipaliwanag sa mga ito ang proyekto at mga plano. At dahil siya ang writer ng proyektong drama series na yun kasama dapat siya roon. Subalit nang malaman niyang sa Pinas sila pupunta, agad siyang tumanggi. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam. Naniwala naman ang kanyang kaibigan na si Inka pati na ang mga myembro ng team kung kaya’t hindi na lang siya nito pinasama at maghintay na lamang ng balita mula sa mga ito. Ngunti pagdating palang ng team sa Pi
“H-Huwag kang lalapit…” bulong niya sa isang lalaking balak siyang lapitan. Ang polong puti na suot ng lalaki ay naka-half open na’t lantad na lantad sa kanya ang malapad at matipuno nitong dibdib. Bakat na bakat din ang six pack abs sa damit nito kung kaya’t napalunok siya ng mariin. Nasa madilim na parte ang lalaki’t tanging ang buwan na lamang sa labas ang ilaw sa loob ng silid. Nang makitang humakbang pa ang lalaki patungo sa kanya ay napaatras siya sa sobrang takot. “I told you… Huwag kang lalapit!” mariin niyang sabi at paulit-ulit na umaatras. Subalit palapit ng palapit ang lalaki sa kanya hanggang sa malapitan siya nito. Napapikit siya ng mariin nang hinawakan nito ang baba niya at matalim siyang tiningnan. “Tatakbo ka pa?” malamig ngunti paos na sabi ng lalaki sa kanya. Umiwas siya ng tingin, ibinaba niya ang kanyang mga mata at pilit na umiiling dahil sa sobrang takot. “H-Hindi… Hindi na.” Mariing hinawakan nito ang kanyang baba, pilit na inaangat ang kanyang ulo upang







