Share

Kabanata 5

Author: Gia Maezy
last update Last Updated: 2025-12-01 22:56:54

Nang matapos ang kanilang after party, hindi na nakapaghintay pa si Minna na lumabas at pumunta sa restroom. Si Inka ay agad siyang sinundan at pagkatapos niyang mag-CR agad siyang hinila nito sa isang madilim na parte. 

“Hoy, ano yung kanina? Anong nangyari? May namamagitan ba sa inyo ni Mr. Carreon?” tanong ni Inka sa kanya. 

Mapait na ngumiti si Minna, "Wala 'yun. Isang pagkakamali lang sa nakaraan."

Hindi nila alam, naroon pala si Nikolaj, narinig nito ang sinabi ni Minna. Napangisi ang lalaki ng mapakla. Unti-unting nandilim ang mga mata nito, gustong dukutin ni Nikolaj ang puso ni Minna upang tingnan kung tumitibok pa ba ito. 

Minna

looks so soft and fragile pero bakit napakabato ng puso niya?

Magtatanong pa sana si Inka nang biglang tumunog ang phone nito. "Wait lang ha," sabi ng dalaga at mabilis na naglakad palayo habang sinasagot ang tawag.

Aalis na rin sana si Minna ngunit bago pa siya makahakbang, isang braso ang pumulupot sa bewang niya. The grip was so strong, possessive and undeniable. Before she could scream for help, hinila na siya nito papasok sa pinakamalapit na bakanteng private room.

"Nikolaj! Bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ni Minna sa lalaki. Subalit malakas na tunog ang umalingawngaw sa loob. Tumama ang likod niya sa malambot na sofa, humarang din ang lalaki sa kanya kung kaya’t nakakulong na siya sa mga bisig nito. His eyes were red with suppressed rage and desire.

"Isang pagkakamali?" bulong ni Nikolaj, nanginginig ang boses nito dahil sa sobrang galit. Dahan-dahan din nitong hinaplos ang kanyang leeg na para bang inaakit siya. “Para sa'yo, isang pagkakamali lang ako? Talaga ba, Minna?” 

Umiwas ng tingin si Minna, napakagat na lamang siya ng labi dahil ayaw niyang sagutin ang lalaki. Dahil doon, mas lalong nag-alab ang galit na nararamdaman ni Nikolaj. 

Without even a warning, yumuko ang lalaki at mariing kinagat ang leeg niya.

"FCK!!" Napahiyaw si Minna dahil sa sakit. Akmang sasampalin na niya ito subalit mabilis na nahuli ni Nikolaj ang pulso niya. She was completely trapped. Wala siyang magawa kundi ang tignan ito nang masama.

Pinilit ni Minna na pakalmahin ang sarili. "Nikolaj, nangako kang papalayain mo na ako.”

Umigting ang panga ni Nikolaj. "Sinabi ko rin na kapag umalis ka, huwag ka nang babalik. Pero bumalik ka. Andito ka ngayon."

Tumawa nang mapakla si Minna. "Bakit? Sa tingin mo ba gusto kong bumalik dito? Alam mo sa sarili mo kung bakit ako nandito ako."

Tinitigan ni Nikolaj ang dalaga. Her face was flushed with anger and her lips... those damn lips were red and inviting. Biglang nanuyo ang lalamunan ng binata.

He couldn't help it, napalunok ng mariin si Nikolaj at mayamaya pa’y sinubsob ng lalaki ang mukha sa leeg ng dalaga. 

"Minna... pinalaya na kita noon," bulong ni Nikolaj.  “Pero, ako? I can’t let myself go. Sobrang hirap…”

Nanigas si Minna dahil sa narinig sa lalaki pero pinilit niyang magmatigas. "Nikolaj, lalo lang kitang kamumuhian sa ginagawa mo ngayon."

Pero sa halip na tumigil, marahan nitong hinalikan ang leeg niya. This time, sobrang gentle na ng ginagawa ng lalaki. 

“You’re so cruel, Minna. Bakit ba ang sama-sama mo sa akin?” bulong ni Nikolaj sa kanya. 

***

Pagbaba nila sa underground parking ng hotel, akay-akay na ng assistant si Shen papunta sa sasakyang nitong Porsche.

Bago sumakay, napalingon muna si Shen sa mga grupo ng mga babae na nakadungaw sa kanya. "Sinong marunong mag-drive sa inyo?"

"Ako po, Sir Shen! Keri ko 'yan," mabilis na sagot ni Inka.

"Sige, ikaw na ang mag-drive sa akin," utos ni Shen at tumingin sa iba. "Sino pang pwede? Paki-hatid naman 'yung kaibigan ko. Medyo nakainom na rin kasi siya!"

Walang kaabog-abog na tinulak ni Noah si Minna sa harap. "Si Minna marunong mag-drive! Siya na maghahatid kay Boss Nikolaj!”

Nanlaki ang mata ni Minna nang marinig ang sinabi ni Noah. At dahil marami ang nakarinig at ang boss niya pa ang nag-recommend sa kanya ay wala siyang choice kung ‘di sundin ito. Kapag tumanggi siya, mapapahiya rin si Nikolaj. At kapag napahiya si Nikolaj, baka pagbuntunan ng galit nito ang Boss niyang si Noah o ang kanyang kaibigan na si Inka. 

"Sige po," mahinang sagot niya.

Pagka sakay niya sa loob ng itim na Rolls Royce Phantom, doon naramdam ni Minna ang sobrang kaba. Halos sumabog ang kanyang dibdib dahil sa takot. 

Pinilit niyang maging professional at kinalma ang sarili. Iisipin na lang din niya na ibang tao ang kausap niya. "Saan tayo, Mr. Carreon?" magalang na tanong niya sa lalaki. 

Nakasandal si Nikolaj sa leather seat, nakapikit ang mga mata at mukhang pagod na pagod. "Hindi mo ba alam kung saan ako nakatira?"

Natahimik si Minna at hindi man lang makapagsalita. Sa puntong yun dumilat saglit ang lalaki para tingnan siya at pumikit ulit. 

“Imperial Street, Mirreon Residences.” 

Nang marinig ang sinabi ni Nikolaj, napahawak nang mahigpit si Minna sa manibela.

Mireon Residences, isa sa high-end luxury subdivision na pag-aari ni Nikolaj. Ipinangalan ni Nikolaj ito sa pangalan niya ngunit ang apelyido niya ay Carreon. Minna Carreon in short Mirreon. 

Napakagat ng labi si Minna, akala niya’y kaya na niyang harapin ang nakaraan pero nang marinig niya ang pangalang 'yun, nanginig ang kanyang kamay. Wala siyang nagawa kung ‘di ang i-type ang Mirreon Residence sa GPS screen ng kotse. Nagulat siya nang mabasa niya ang ‘HOME’ sa screen. 

Sumikip ang kanyang dibdib, para siyang sinasakal at hindi makahinga. Para bang may malaking bara sa lalamunan niya nang mabasa ang salitang yun. Kinagat niya ulit ang labi ngunit this time sobrang diin na nun na halos dumugo para pigilan niya ang nagbabadyang luha.

Move on… Iyan ang palagi niyang sinasabi sa sarili sa nakalipas na ilang taon. Kakalimutan na niya ang lahat pati na ang lalaking ito. Ni hindi man lang siya tiningnan ni Nikolaj, nakapikit lamang ito nang paandarin niya ang kotse. 

Ilang minuto rin ang binyahe nila nang huminto ang kotse sa tapat ng isang pamilyar na villa sa Mirreon Residences. At doon bumalik lahat ng alaala ng dalaga. Ito ang dating bahay nila, niregalo ito ni Nikolaj sa kanya noong birthday niya. Dito sila tumira ng lalaki noong mga panahong sobrang saya pa nila. 

Natulala siya ng ilang segundo, naputol lang yun nang biglang magsalita si Nikolaj. 

“Alam mo bang namunga na yung tanim mong cherry blossom noong isang taon,” bulong na sabi ng lalaki sa kanya. “Sobrang ganda, sana nakita mo.”

Napalingon si Minna sa bintana, pinipigilan na mapaiyak dahil sa sinabi ng lalaki.

“Regalo mo yun sa akin noong birthday ko ‘di ba? Ang sabi mo pa nga nun, simbolo yun ng nararamdaman mo sa akin…”

Napalabi si Minna, ayaw niyang magsalita. Biglang inabot ni Nikolaj ang braso niya. His grip was gentle but desperate. Ramdam din niya ang init ng palad nito. 

Sa madilim at tahimik na gabi, sa loob ng sasakyan na puno ng kanilang nakaraan, biglang tinawag ni Nikolaj si Minna. Ang boses ng lalaki ay paos pero punong-puno ng emosyon.

"Minna ko..." tawag nito sa dating endearment nito sa kanya. 

Parang napaso ang puso ni Minna nang marinig ang pangalang iyon.

"Miss na miss na kita."

Sa oras na yun, biglang bumagsak ang pader na itinayo ni Minna ng ilang taon. Bumalik din sa kanya ang mga alaalang pilit niyang nililibing sa hukay. Ang mga yakap, mainit na halik at ang mga gabing magkasama sila sa iisang kama. Ang alaalalang pilit niyang kinakalimutan ay ngayong bumabalik. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A lustful affair with my Ex's Uncle    Kabanata 40

    Napatingin siya sa leeg ni Nikolaj. Kitang-kita niya ang adam’s apple nitong sexy-ng gumagalaw. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ni Minna. Alam niyang weakness ni Nikolaj ang leeg nito. At alam din niyang safe siya ngayon dahil may period siya. Hindi siya pwede nitong galawin. Kaya ang naisip niya maglalaro sila ng lalaki. Mabilis na hinalikan niya ang Adam's apple ng lalaki kung kaya’t biglang buminto si Nikolaj sa paglalakad. Ang mga braso nitong nakahawak sa kanya ay biglang humigpit. Unti-unting dumilim ang mga mata ng lalaki kung kaya’t kinabahan siya ng very slight. "Iniisip mo bang safe ka dahil may regla ka ngayon?" bulong ni Nikolaj sa kanya. Bago pa makasagot si Minna, yumuko si Nikolaj at hinalikan at kinagat-kagat ang labi niya. "Tandaan mo, Minna...Ano pa ba ang silbi ng sandata ko kung hindi naman maduduguan? Alam mong kung gugustuhin ko, marami namang paraan.”Nanlamig siya dahil sa takot at hiya. Agad niyang itinikom ang bibig at nagtago na lamang sa dibdib

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 39

    Nakatulala lang si Nikolaj habang nakatingin kay Minna na namumutla at namimilipit sa sakit kanina pa. Hindi na rin pumasok ang binata sa opisina ngayong umaga, kinansela niya ang lahat ng meetings niya at inilipat na lamang sa hapon. Nang makarating sa mansyon si Dok Hannah, agad na chineck nito si Minna. Napatingin naman ang doktor sa kanya ng masama at nagtanong. “May nangyari na naman ba sa inyo kagabi?” Nag-iwas ng tingin si Nikolaj at nakaramdam ng guilt ang lalaki. "Meron."Napabuga sa hangin si Dok Hanna saka napailing. Kilala na ni Hannah si Nikolaj mula pagkabata pa kaya wala na itong takot pang sermunan ang binata. "Ikaw, Nikolaj," sermon ng dalaga at malakas na tinatapik ang maskuladong braso nito. "Para kang isang tigre, pagkalaki-laki at ang bigat mo tapos itong girlfriend mo, parang isang maliit na kuting lang sobrang fragile hindi mo ba yun nakikita? Bulag ka ba? Napakahina niya oh, sobrang brutal mo naman!” Napayuko si Nikolaj."Sa susunod," dagdag pa ni Hannah. "

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 38

    Wala silang imikan nang umuwi sila sa mansyon. Hinila lang siya ni Nikolaj paakyat ng kwarto, ramdam na ramdam ni Minna ang galit sa kanya ni Nikolaj. Naging marahas pa ang paghila nito sa kanya kung kaya’t medyo nasasaktan siya. Pagkasara ng pinto, itinulak siya nito sa kama at hinalikan ng mariin. Isang halik na para bang pinaparusahan siya. "Aray! Nikolaj!" sigaw ni Minna habang pinaghahampas ang balikat nito. "Baliw ka na ba?! Ano bang problema mo?!" patuloy pa niya. Tumigil si Nikolaj sa paghalik sa kanya ngunit ang mga mata nito ay sobrang pula dahil sa galit at selos. Dahil doon hinawakan siya ng lalaki sa panga ng sobrang higpit. "Bakit?" nanggigil na tanong nito sa kanya. “Bakit ang dali mong ngumiti sa iba? Ngunit kapag sa akin, para bang nahihirapan ka?”Natigilan si Minna dahil sa sinabi ng binata. Dahil lang ba roon? Dahil lang sa nginitian niya si Zeke ganun na ang galit sa kanya ni Nikolaj? Parang ngiti lang?!"Baliw ka na," bulong ni Minna sa lalaki. "Oo! Baliw na

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 37

    "Laruan lang iyan ni Mr. Carreon,” dagdag pa ni Myra, puno ng pandidiri ang boses ng dalaga. "Sa tingin mo ba tatanggapin siya ng pamilyang Carreon? Disi-otso pa lang siya, estudyante, wala pang napapatunayan sa buhay niya. Ang habol lang naman siguro ni Mr. Carreon sa kanya ay ang pagkasariwa niya. Kapag nagsawa na si Mr. Carreon, itatapon na lang siya na para bang laruan o basura!” Nakatayo si Minna sa likod ng pader, nakuyom ang mga palad dahil sa sakit na naririnig mula sa grupo ng kababaihan.Alam naman niya eh. Alam niyang mga plastic ang mga taong ito. Pero iba pala kapag naririnig mo nang harapan, natawa siya ng mahina, hindi pala… Talikuran siya nitong inaapi. Kanina sa lamesa, ang babait nila. Si Lian na tinuturuan pa siya sa laro at may pangiti-ngiti pa sa kanya. Sinabi pa nito na huwag siyang mag-alala at take her time sa pagbunot ng baraha. Pero pagtalikod, gold digger at social climber pala ang tawag sa kanya. Sa puntong yun nakaramdam si Minna ng panliliit. Sa ekswel

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 36

    Pagkatapos ng tatlong rounds ng Tong-its, huminto na si Minna paglalaro. "Ayoko na," sabi niya habang binababa ang cards sa mesa. Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw na niya, masyado lang kasing awkward. Ramdam na ramdam niya na pinagbibigyan lang siya ng mga kaibigan ni Nikolaj. Parang isang courtesy play at isang bata ang tingin nila sa kanya. Nagpapatalo na lamang ang mga ito at baka umiyak siya. Ganyan ang nararamdaman ni Minna habang naglalaro sila."Okay, tama na, kumain na muna tayo,” pagsang-ayon ni Paco sa kanya. Tumayo si Minna at umatras nang kaunti. Agad namang lumapit si Nikolaj sa kanya at hinawakan siya sa bewang."Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito. "Sabihin mo lang dahil magpapaluto ako ng kahit anong gusto mo."Nanlaki ang mga mata ng tatlong kasama nila nang marinig ang sobrang lambing na boses ni Nikolaj "Bro, grabe. Nakaka-goosebumps ka," bulong na sabi ni Carter sa binata. Si Minna naman ay namumula ang pisngi dahil sa sobrang hiya, nakatingin

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 35

    Ngumiti si Nikolaj nang bahagya. "Tuturuan kita."Agad na umupo si Lian sa table. "Sali ako! Gusto ko ring maglaro."Hinila ni Nikolaj si Minna at pinaupo sa tapat ni Lian. Ang lalaki naman ay tumayo sa likuran ni Minna, nakayuko nang kaunti kung kaya’t ang dibdib nito ay dumidikit sa likod ng dalaga. Inilapit nito ang bibig sa tenga ni Minna at binulongan. Ramdam na ramdam ni Minna ang hininga nito kung kaya’t kinilabutan ang dalaga. "Wag kang matakot," bulong nito sa kanya. "Laro lang 'to. Tandaan mo... kayang-kayang kung magpatalo para sa’yo.”Nanlaki ang mata ni Lain, para bang nakakita ng multo nang marinig ang sinabi ni Nikolaj. Tumingin si Lian sa binata, ang nakakatakot at striktong lalaking ito, ngayon ay binubulongan ng matatamis na salita ang kasintahan? Nang magtama ang tingin ni Lian at Nikolaj, kita ng dalaga mapanlisik nitong mga mata. Na para bang sinasabi ng binata ‘Mind your own business!’. Agad na yumuko si Lian dahil sa sobrang takot at hindi na lamang pinansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status