LOGINGustong-gustong tumakbo ni Minna. Ayaw niya ng gulo pero mukhang ang gulo mismo ang lumalapit sa kanya sa katauhan naman ni Khalil.
Ngumisi si Khalil sa kanya, ngising sanay na sanay na makuha ang lahat ng gusto. "So, ano na? Sinasagot mo na ba ako?"
Nag-mamaang-maangan si Minna, inosenteng napatingin siya sa lalaki , "Anong sagot?"
Humakbang palapit si Khalil sa kanya, halos i-invade na ng lalaki ang personal space niya. Napayuko ito nang kaunti para magpantay ang mukha nila.
“Gusto kitang maging girlfriend, Minna. Sabi mo noon, minor ka pa’t nasa 17 pa lang kaya nirespeto kita. Ayaw ko namang makulong dahil pumatol ako sa isang minor de edad pero next week, mag-18 ka na ‘di ba? Wala ka ng lusot o alibi pa!”Napatingin si Minna sa paligid. Maraming estudyante ang dumadaan sa labas ng female dorm nila. "Pwede ba, huwag dito?" frustrated niyang bulong sa lalaki at hinila ang laylayan ng damit nito.
Sumunod naman si Khalil sa kanya, nakapamulsa at chill na chill habang naglalakad sa likuran niya.
Tumigil sila sa ilalim ng malaking puno ng Acacia sa likod ng dorm building. Nang makitang walang taong dumadadaan doon ay napahinga ng maluwag si Minna. Dahil sa malaking height difference niya sa lalaki ay kailangan pa talaga niyang tumingala.
Agad namang yumuko si Khalil at seryosong nagsalita. "Minna, seryoso ako sa'yo. Gusto talaga kita."
Kumunot ang noo ni Minna. "Pero kasi hindi–"
"Alam ko yun, hindi mo ako gusto," putol ni Kaili. "Pero wala ka namang ibang gustong lalaki 'di ba?"
Natahimik si Minna dahil sa sinabi ni Khalil. Wala siyang maituturong lalaki dahil wala naman siyang kilala sa university nila. At kahit meron man, hindi siya tanga para irason yun kay Khalil. Siguradong ipapahanap nito ang lalaki at tiyak na paaalisin ito sa landas niya.
Dahan-dahan hinaplos ni Khalil ang makinis niyang mukha. "Sige, ganito na lang. Sasagutin mo na ako pero pangako, hangga’t hindi ka na-i-inlove sa akin, hindi kita gagalawin. Alam mo yung friends pero may label? Ganun?”
Bumagsak ang balikat ni Minna at napangiwi sa sinabi ni Khalil. "Pwede bang tumanggi?”
Ngumisi si Kaili at sa pagkakataong yun, kita niya ang mga mata nitong mapanganib. “Hindi.”
"Anong mangyayari kapag tumanggi ako?" matapang na tanong ni Minna sa lalaki.
Napakibit-balikat si Khalil. "Wala namang mangyayari. Hindi naman kita sasaktan at baka makulong pa ako….” Hihinga na sana ng maluwag si Minna nang magsalita ulit si Khalil. “Pero, hindi ko maipapangako na magiging tahimik ang college life mo sa university…”
Doon ay napabuntong-hininga si Minna, alam niyang tinatakot siya’t pinagbabantaan ng lalaki kung kaya’t mukhang wala na talaga siyang choice.
"Sige, pero may kondisyon ako."
Halos yakapin na siya ni Kaili sa tuwa pero pinigilan nito ang sarili. "Ano yun? Name it."
Umatras ng dalawang hakbang si Minna ready nang tumakbo anytime. Seryoso niyang tinitigan ang lalaki at tinaas ang isa niyang daliri. “One month! One month lang ang ibibigay ko sa’yo. At kapag lumipas ang isang buwan na hindi pa rin ako nagkakagusto sa’yo... mag-break tayo. Hindi mo na rin ako iisturbuhin pa for good! Deal?”
Natawa si Khalil sa sinabi niya. "Seryoso ka ba? Pinaglalaruan mo ba ako?"
Tumaas ang kilay ni Minna at ngumisi, “Bakit? Natatakot ka ba? Wala ka bang tiwala sa sarili mo, Mr. Carreon?”
Alam ni Khalil na iniinis lang siya ng dalaga pero kumagat pa rin ang lalaki sa pain. Kampante rin kasi ang binata sa sarili niyang mapapa-inlove niya ang dalagang ito. "Sige! Deal."
Isang linggo ang lumipas, ang araw na debut ni Minna.
Kahit anong pagtanggi ng dalaga, tinuloy pa rin ni Khalil ang plano nito. Nag-rent pa nga ang lalaki ng isang luxurious suite na may open-air garden sa sikat na Hotel sa lungsod. Invited nga rin ang mga ka-boardmates niya pati na ang mga kaibigan ni Khalil.
Sabay-sabay na pumutok ang mga party poppers nang pumasok si Minna sa isang luxury suite. Nagliparan din ang mga makukulay na confetti bago ito bumagsak sa sahig.
"Happy Birthday, Minna!" sabay-sabay na sabi ng mga tao sa loob.
May nagsuot din sa kanya ng isang maliit na korona habang nakatayo sa harapan ng lahat. Si Minna ay nakangiti lamang pero hindi yun abot sa kanyang mga mata. Halatang napipilitan lang talaga ang dalaga.
"Congratulations din sa Bro nating si Khalil! Mukhang kayo na talaga nitong si Minna ah!” pang-aasar ng isang lalaking may hikaw sa tenga. Si Khalil naman ay siniko na lamang ang kaibigan.
Nagpatianod naman si Khalil at kunwaring natumba kung kaya’t dumiretso ito kay Minna. Agad na inalalayan naman ni Minna ang lalaki pero mabilis ding tinulak palayo si Khalil. Aalis sana siya sa pwesto nang biglang mag-vibrate ang phone niya.
Napangiti siya ng malawak nang makitang tumatawag ang kanyang Lola Claridad.
Ligtas na siya sa wakas!
Tinaas niya ang phone niya para makita iyon ni Khalil. "Sasagutin ko lang 'to. Si Lola kasi tumatawag." Bago pa makasunod ang binata, agad siyang nagpatuloy.
“Dito ka lang. Huwag ka ng sumunod. I-entertain mo na lamang ang mga bistia."Matapos na sabihin yun ay agad siyang lumabas sa maingat na kwarto. Pagkasara niya ng pinto ay napahawak siya sa kanyang dibdib saka huminga ng malalim. Ni hindi siya makahinga ng maayos sa loob dahil sobrang daming taong nakamasid sa kanya. Sa isip niya, sana matapos na agad ang isang buwan para matapos na ang paghihirap niya!
Hindi na siyang bumalik sa loob nang tumigil sa pag-ring ang telepono niya. Sa halip, bumaba siya papunta sa garden na nasa ground floor ng hotel para tawagan pabalik ang lola niya.
Summer noon kung kaya’t namumukadkad ang mga bulaklak. Tumayo si Minna sa ilalim ng isang arkong puti kung saan may maliit na pavilion.
Nang sagutin ng kanyang Lola Claridad ang tawag niya ay biglang lumiwanag ang kanyang mukham, matamis din siyang ngumiti nang marinig ang boses ng matanda.Sa gitna nang mga namumukad na bulaklak, kitang-kita ang pagliwanag ni Minna. Ang maputi nitong kutis ay mas lalong tumingkad. Tinalo rin ng kagandahan niya ang karangyaan ng paligid.
Samantala, sa second floor VIP Lounge ay may isang grupo ng kalalakihan ang nakadungaw sa garden. Nagkakasiyahan din ang lahat habang nag-iinuman.
Sa dulong bahagi naman, malapit sa bintana ay nakaupo ang isang lalaki. Kalahati ng mukha nito ay nakatago sa dilim. May sigarilyo din na nakaipit sa manipis nitong labi.
"Mr. Carreon, bakit naman ang layo mo sa pwesto namin?" tawag ni Elias sa kanya, "Andito ka na rin lang, bakit hindi ka sumali sa laro namin? Masaya ito!”
Hindi man lang sumagot si Nikolaj bagkus tumitig ulit ito sa garden at sa paglingon ng lalaki, nahagip ng mga mata nito ang magandang tanawin sa baba.
Sa gitna ng hardin, may isang dalagitang nakatayo. Sobrang ganda nitong tingnan, para itong isang mamahaling bagay na mababasagin. Sobrang inosenteng tingnan. May hawak itong cellphone sa isang kamay habang isa naman ay marahang hinahaplos ang mga bulaklak sa harapan.
Kitang-kita ni Nikolaj kung paano dahan-dahang kinagat ng dalaga ang mapupulang labi nito at tumawa ng mahinhin.
Natigilan si Nikolaj sa mga oras na yun. Isang hindi inaasahang malakas na tibok ng puso ang naramdaman niya.
Parang may kung anong kumalabit sa puso niya. Isang kakaibang kiliti o kuryente, hindi niya maintindihan.
Naningkit ang kanyang mga mata at humithit sa sigarilyo ng malalim. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pamilyar para sa kanya ang nararamdaman niya ngunit sobrang nakaka-adik yun.
Mayamay pa’y pumasok si Carter sa kwarto at napalingon sa diresksyon ni Nikolaj. "Bro, yung pamangkin mong si Khalil, nagpa-party pala rito, kumuha siya ng isang luxury suite para sa kanyang girlfriend. Ang ingay-ingay nila! Ayaw mo bang batiin ang girlfriend ng pamangkin mo?"
Subalit hindi man lang narinig ni Nikolaj ang sinabi ni Carter. Nanatili lang siyang nakatingin sa labas. Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok habang nakatitig sa dalaga.
Wala nang bakas ng pagkabagot sa mga mata niya. Ngumisi ang lalaki, isang ngisi na para bang isang predator na nakahanap ng prey na lalapain niya.
Napatingin siya sa leeg ni Nikolaj. Kitang-kita niya ang adam’s apple nitong sexy-ng gumagalaw. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ni Minna. Alam niyang weakness ni Nikolaj ang leeg nito. At alam din niyang safe siya ngayon dahil may period siya. Hindi siya pwede nitong galawin. Kaya ang naisip niya maglalaro sila ng lalaki. Mabilis na hinalikan niya ang Adam's apple ng lalaki kung kaya’t biglang buminto si Nikolaj sa paglalakad. Ang mga braso nitong nakahawak sa kanya ay biglang humigpit. Unti-unting dumilim ang mga mata ng lalaki kung kaya’t kinabahan siya ng very slight. "Iniisip mo bang safe ka dahil may regla ka ngayon?" bulong ni Nikolaj sa kanya. Bago pa makasagot si Minna, yumuko si Nikolaj at hinalikan at kinagat-kagat ang labi niya. "Tandaan mo, Minna...Ano pa ba ang silbi ng sandata ko kung hindi naman maduduguan? Alam mong kung gugustuhin ko, marami namang paraan.”Nanlamig siya dahil sa takot at hiya. Agad niyang itinikom ang bibig at nagtago na lamang sa dibdib
Nakatulala lang si Nikolaj habang nakatingin kay Minna na namumutla at namimilipit sa sakit kanina pa. Hindi na rin pumasok ang binata sa opisina ngayong umaga, kinansela niya ang lahat ng meetings niya at inilipat na lamang sa hapon. Nang makarating sa mansyon si Dok Hannah, agad na chineck nito si Minna. Napatingin naman ang doktor sa kanya ng masama at nagtanong. “May nangyari na naman ba sa inyo kagabi?” Nag-iwas ng tingin si Nikolaj at nakaramdam ng guilt ang lalaki. "Meron."Napabuga sa hangin si Dok Hanna saka napailing. Kilala na ni Hannah si Nikolaj mula pagkabata pa kaya wala na itong takot pang sermunan ang binata. "Ikaw, Nikolaj," sermon ng dalaga at malakas na tinatapik ang maskuladong braso nito. "Para kang isang tigre, pagkalaki-laki at ang bigat mo tapos itong girlfriend mo, parang isang maliit na kuting lang sobrang fragile hindi mo ba yun nakikita? Bulag ka ba? Napakahina niya oh, sobrang brutal mo naman!” Napayuko si Nikolaj."Sa susunod," dagdag pa ni Hannah. "
Wala silang imikan nang umuwi sila sa mansyon. Hinila lang siya ni Nikolaj paakyat ng kwarto, ramdam na ramdam ni Minna ang galit sa kanya ni Nikolaj. Naging marahas pa ang paghila nito sa kanya kung kaya’t medyo nasasaktan siya. Pagkasara ng pinto, itinulak siya nito sa kama at hinalikan ng mariin. Isang halik na para bang pinaparusahan siya. "Aray! Nikolaj!" sigaw ni Minna habang pinaghahampas ang balikat nito. "Baliw ka na ba?! Ano bang problema mo?!" patuloy pa niya. Tumigil si Nikolaj sa paghalik sa kanya ngunit ang mga mata nito ay sobrang pula dahil sa galit at selos. Dahil doon hinawakan siya ng lalaki sa panga ng sobrang higpit. "Bakit?" nanggigil na tanong nito sa kanya. “Bakit ang dali mong ngumiti sa iba? Ngunit kapag sa akin, para bang nahihirapan ka?”Natigilan si Minna dahil sa sinabi ng binata. Dahil lang ba roon? Dahil lang sa nginitian niya si Zeke ganun na ang galit sa kanya ni Nikolaj? Parang ngiti lang?!"Baliw ka na," bulong ni Minna sa lalaki. "Oo! Baliw na
"Laruan lang iyan ni Mr. Carreon,” dagdag pa ni Myra, puno ng pandidiri ang boses ng dalaga. "Sa tingin mo ba tatanggapin siya ng pamilyang Carreon? Disi-otso pa lang siya, estudyante, wala pang napapatunayan sa buhay niya. Ang habol lang naman siguro ni Mr. Carreon sa kanya ay ang pagkasariwa niya. Kapag nagsawa na si Mr. Carreon, itatapon na lang siya na para bang laruan o basura!” Nakatayo si Minna sa likod ng pader, nakuyom ang mga palad dahil sa sakit na naririnig mula sa grupo ng kababaihan.Alam naman niya eh. Alam niyang mga plastic ang mga taong ito. Pero iba pala kapag naririnig mo nang harapan, natawa siya ng mahina, hindi pala… Talikuran siya nitong inaapi. Kanina sa lamesa, ang babait nila. Si Lian na tinuturuan pa siya sa laro at may pangiti-ngiti pa sa kanya. Sinabi pa nito na huwag siyang mag-alala at take her time sa pagbunot ng baraha. Pero pagtalikod, gold digger at social climber pala ang tawag sa kanya. Sa puntong yun nakaramdam si Minna ng panliliit. Sa ekswel
Pagkatapos ng tatlong rounds ng Tong-its, huminto na si Minna paglalaro. "Ayoko na," sabi niya habang binababa ang cards sa mesa. Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw na niya, masyado lang kasing awkward. Ramdam na ramdam niya na pinagbibigyan lang siya ng mga kaibigan ni Nikolaj. Parang isang courtesy play at isang bata ang tingin nila sa kanya. Nagpapatalo na lamang ang mga ito at baka umiyak siya. Ganyan ang nararamdaman ni Minna habang naglalaro sila."Okay, tama na, kumain na muna tayo,” pagsang-ayon ni Paco sa kanya. Tumayo si Minna at umatras nang kaunti. Agad namang lumapit si Nikolaj sa kanya at hinawakan siya sa bewang."Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito. "Sabihin mo lang dahil magpapaluto ako ng kahit anong gusto mo."Nanlaki ang mga mata ng tatlong kasama nila nang marinig ang sobrang lambing na boses ni Nikolaj "Bro, grabe. Nakaka-goosebumps ka," bulong na sabi ni Carter sa binata. Si Minna naman ay namumula ang pisngi dahil sa sobrang hiya, nakatingin
Ngumiti si Nikolaj nang bahagya. "Tuturuan kita."Agad na umupo si Lian sa table. "Sali ako! Gusto ko ring maglaro."Hinila ni Nikolaj si Minna at pinaupo sa tapat ni Lian. Ang lalaki naman ay tumayo sa likuran ni Minna, nakayuko nang kaunti kung kaya’t ang dibdib nito ay dumidikit sa likod ng dalaga. Inilapit nito ang bibig sa tenga ni Minna at binulongan. Ramdam na ramdam ni Minna ang hininga nito kung kaya’t kinilabutan ang dalaga. "Wag kang matakot," bulong nito sa kanya. "Laro lang 'to. Tandaan mo... kayang-kayang kung magpatalo para sa’yo.”Nanlaki ang mata ni Lain, para bang nakakita ng multo nang marinig ang sinabi ni Nikolaj. Tumingin si Lian sa binata, ang nakakatakot at striktong lalaking ito, ngayon ay binubulongan ng matatamis na salita ang kasintahan? Nang magtama ang tingin ni Lian at Nikolaj, kita ng dalaga mapanlisik nitong mga mata. Na para bang sinasabi ng binata ‘Mind your own business!’. Agad na yumuko si Lian dahil sa sobrang takot at hindi na lamang pinansin







