Share

Kabanata 6

Author: Gia Maezy
last update Last Updated: 2025-12-02 10:43:15

"Ano ba! Huwag mo nga akong tawagin sa ganyan.Hindi mo ako pagmamay-ari,” reklamo ni Minna kay Nikolaj habang pilit na kumakawala sa mahigpit na yakap ng lalaki.

Pero imbes na bitawan siya mas lalo lang hinigpitan ng lalaki ang pagkakapulupot ng braso nito sa bewang niya. Isiniksik ng binata ang mukha nito sa leeg niya kung kaya’t ang nakaka-kiliti nitong balbas ay kumikiskis sa makinis niyang balat. 

"Sobrang ganda kaya pakinggan," paos na bulong nito. “Gustong-gusto kong tawagin kang ganun…” 

Ang mainit na hininga nito sa tenga niya ay nagdulot ng kilabot sa buong katawan ng dalaga. Hindi man lang tumigil si Nikolaj sa pagmasahe sa bewang niya. Para ba siyang harinang minamasa nito’t pinanggigilan.  Wala siyang nagawa kung ‘di ang sumandal sa dibdib nito, habol-habol ang kanyang hininga habang hinahayaan ang lalaking lamutakin siya hanggang sa ito na mismo ang mapagod. 

Nasa teen pa lang siya noon nung magkakilala sila ni Nikolaj, nasa peak pa siya ng nagdadalaga kung kaya’t medyo malaman siya. Gustong-gusto ng lalaki ang katawan niya noon. Minsan na-i-insecure siya sa mga kaedaran niyang mga babaeng sexy pero si Nikolaj? Paboritong-paborito ang katawan niya. Akala nga niya mahilig sa chubby girl si Nikolaj ngunit nagustuhan kasi siya nito nung payat pa siya.

Talagang wala lang itong pakialam kung tumaba siya o mas lalong pumayat. Tanggap siya nito kahit ano pa man ang shape niya. Sabi nga nito, noong una siya nakita nito ay gusto na nitong angkinin siya. Gusto na nitong ikulong siya sa mga bisig nito at hindi na papakawalan pa. 

At 'yun nga ang ginawa ni Nikolaj, inagaw siya nito sa pamangkin, sa pinaka marahas na paraan. 

***

Sobrang pinagsisihan ni Minna ang lahat. Sana hindi na lang din niya sinagot noon si Khalil. Kung hindi sana siya pumayag na maging girlfriend nito, hindi niya makikilala ang tiyuhin nitong si Nikolaj. Hindi rin sana nagkanda leche-leche ang buhay niya.

Pero huli na ang lahat, hindi na niya mababago pa ang nakaraan. 

Sobrang inosente pa siya noon, isang simpleng estudyante’t puno ng pangarap at walang kamuwang-muwang sa mundo.Ang pino-problema niya lang nga noon ay kung saan siya magta-trabaho kapag naka-graduate na siya. Yun lang wala ng iba. 

Biglang bumalik sa kanyang alaala nung nasa kolehiyo pa siya.  

"Hay naku, ewan ko ba kung ilan sa atin ang makaka-survive dito sa Pinas pagka-graduate, ang hirap pala ng college!" buntong-hininga ng roommate niyang si Ariana habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang asul na kalangitan. 

Sumagot naman ang isa pa nilang roommate, si Kyla. "Ang nega mo naman, sis. First year pa lang tayo, may three years pa tayo bago gumraduate, chill ka lang. Huwag na muna natin ‘yang problemahin!” 

Napailing si Ariana sa sinabi ni Kyla. "Mabilis lang ang panahon, Kyla. Matatapos na nga ang 2nd sem natin, sa susunod na taon 2nd year na tayo. At pagdating ng 4th year, puro OJT na! Hindi man lang ako makakapag-pasyal bago yun!”

Napangiti si Minna habang nakikinig sa kanyang mga kaibigan. "Eh ‘di bago tayo gumraduate, libutin natin lahat ng mga tanawin dito sa ciudad. Lahat ng masasarap na pagkain ay tikman natin!” 

 Pinitik ni Ariana ang noo niya. "Puro ka na naman pagkain. Sige ka, tataba ka niyan."

Napakibit-balikat na lamang si Minna. "Eh ‘di tumaba. Basta masaya ang tiyan ko at makain lahat ng kini-crave niya, okay lang maging chubby. Sabi nga Chubby is the new sexy!"

Tumawa si Kyla at tinukso pa siya. "Kahit naman tumaba ka, maganda ka pa rin, Minna. Siguradong patay na patay pa rin sa'yo 'yung school heartthrob nating si Khali!"

Napatingin si Minna sa labas, kita niya ang lumang gusali sa siyudad. “Wala akong pakialam kung gusto niya man ako o hindi…”

Napatingin sa kanya si Ariana at seryosong nagsalita, “Minna, alam mo mahirap mabuhay rito sa Manila nang walang kapit. Kita mo kami? Wala kaming choice kung ‘di ang magbanat ng buto pero ikaw? Ang ganda-ganda mo, ‘yan ang asset mo para makaalis sa kahirapan!”

"Paano naman aber?" tanong ni Minna.

Nginitian siya ni Ariana nang makahulugan. "Alam mo na yun sis!"

"Hindi ko alam."

Napairap si Ariana sa kanya. "Second day of school pa lang, nililigawan ka na ni Khalil. Halos matapos na ang school year, nakabuntot pa rin sa'yo ang lalaking yun. Bulag-bulagan lang te? Manhid yarn?"

Sa katunayan, alam na alam yun ni Minna, kaya nga hindi niya sinasagot si Khalil dahil alam niya kung sino ito at ang estado nito sa buhay. 

Si Khalil Carreon na kilala sa buong university nila, ang apo ng mga Carreon, isang rich kid at mala-prinsipe ng ciudad. 

Bukod sa mayaman, gwapo at matalino pa ito. Pila-pila nga ang mga babaeng nagkakagusto sa lalaki na aabot ata ng Edsa!

Samantalang siya? Isang simpleng probinsyana na nakipagsapalaran sa Kamaynilaan. Ang tingin niya sa sarili niya’y mababa. Ang university nila na puno ng mga magagandang babae’t mala-beauty queens pa. Para nga siyang extra sa pelikula kapag nakahilera sa mga babaeng ito. Isang julalay kumbaga. 

Subalit iba ang naiisip ng ibang tao sa kanya, sobrang inosente at ma-appeal. Hindi nakakasawang tingnan, yung tipong isang tingin lang gusto na ng mga itong protektahan ang dalaga habang-buhay. Ganun ang nararamdaman ng ibang kalalakihan kay Minna hindi lang aware ang dalaga.

Pagkatapos nilang mamasyal dahil nagkayayaan kanina ay agad silang bumalik sa dorm. Pagod na pagod si Minna kung kaya’t gusto na lang niyang humilata at matulog. 

Papahiga na sana siya nang biglang may kumatok na babae sa pinto ng dorm nila.

"Nandito ba si Minna Nejera?" mataray na tanong ng babae sa kanila.

Agad na napabangon si Minna. "Ako. Bakit?"

"May naghahanap sa'yo sa labas," irap na sabi ng babae sa kanya.

"Sino kamo?"

"Lumabas ka na lang kaya? Ang dati mo pang tanong!" Padabog na umalis ang babae, halatang badtrip na badtrip ito. 

May kutob na si Minna kung sino ang naghahanap sa kanya kung kaya’t paglabas ng dorm building nila, hindi na siya nagulat pa. Tama nga siya, si Khalil nga ang naghihintay sa kanya. Nakatayo ito habang nakasandal sa sports car nitong kulay pula. Napa-smirk ang lalaki nang makita siya, gusto sana niyang tumalikod na’t bumalik sa kwarto subalit napigilan na siya ng lalaki. 

"Khalil? Anong kailangan mo?"

Sobrang tangkad ni Khalil kung kaya’t nakatingala siya sa lalaki. Sobrang gwapo rin at maangas tingnan. Medyo may pagka-seryoso pero kapag ngumiti ay talagang mapapatili ka sa kilig. 

Kahit saang university ilagay ang lalaking ito, siguradong siya ang magiging center of attraction. Kahit nga mahirap lang ito, mukha pa lang uubra na talaga sa iba. 

Subalit siya? Ayaw na ayaw talaga niya ng spotlight, ayaw niya ng gulo. Ang gusto lang niya ay maka-graduate ng matiwasay. Study first kumbaga. Kahit nga sa klase ay hindi siya nagpapa-participate eh at tahimik lang siya sa gilid. Kaya nang makuha niya ang atensyon ng lalaking ito, hindi siya natuwa. Kung ‘di isa itong babala sa paparating na delubyo sa buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A lustful affair with my Ex's Uncle    Kabanata 40

    Napatingin siya sa leeg ni Nikolaj. Kitang-kita niya ang adam’s apple nitong sexy-ng gumagalaw. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ni Minna. Alam niyang weakness ni Nikolaj ang leeg nito. At alam din niyang safe siya ngayon dahil may period siya. Hindi siya pwede nitong galawin. Kaya ang naisip niya maglalaro sila ng lalaki. Mabilis na hinalikan niya ang Adam's apple ng lalaki kung kaya’t biglang buminto si Nikolaj sa paglalakad. Ang mga braso nitong nakahawak sa kanya ay biglang humigpit. Unti-unting dumilim ang mga mata ng lalaki kung kaya’t kinabahan siya ng very slight. "Iniisip mo bang safe ka dahil may regla ka ngayon?" bulong ni Nikolaj sa kanya. Bago pa makasagot si Minna, yumuko si Nikolaj at hinalikan at kinagat-kagat ang labi niya. "Tandaan mo, Minna...Ano pa ba ang silbi ng sandata ko kung hindi naman maduduguan? Alam mong kung gugustuhin ko, marami namang paraan.”Nanlamig siya dahil sa takot at hiya. Agad niyang itinikom ang bibig at nagtago na lamang sa dibdib

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 39

    Nakatulala lang si Nikolaj habang nakatingin kay Minna na namumutla at namimilipit sa sakit kanina pa. Hindi na rin pumasok ang binata sa opisina ngayong umaga, kinansela niya ang lahat ng meetings niya at inilipat na lamang sa hapon. Nang makarating sa mansyon si Dok Hannah, agad na chineck nito si Minna. Napatingin naman ang doktor sa kanya ng masama at nagtanong. “May nangyari na naman ba sa inyo kagabi?” Nag-iwas ng tingin si Nikolaj at nakaramdam ng guilt ang lalaki. "Meron."Napabuga sa hangin si Dok Hanna saka napailing. Kilala na ni Hannah si Nikolaj mula pagkabata pa kaya wala na itong takot pang sermunan ang binata. "Ikaw, Nikolaj," sermon ng dalaga at malakas na tinatapik ang maskuladong braso nito. "Para kang isang tigre, pagkalaki-laki at ang bigat mo tapos itong girlfriend mo, parang isang maliit na kuting lang sobrang fragile hindi mo ba yun nakikita? Bulag ka ba? Napakahina niya oh, sobrang brutal mo naman!” Napayuko si Nikolaj."Sa susunod," dagdag pa ni Hannah. "

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 38

    Wala silang imikan nang umuwi sila sa mansyon. Hinila lang siya ni Nikolaj paakyat ng kwarto, ramdam na ramdam ni Minna ang galit sa kanya ni Nikolaj. Naging marahas pa ang paghila nito sa kanya kung kaya’t medyo nasasaktan siya. Pagkasara ng pinto, itinulak siya nito sa kama at hinalikan ng mariin. Isang halik na para bang pinaparusahan siya. "Aray! Nikolaj!" sigaw ni Minna habang pinaghahampas ang balikat nito. "Baliw ka na ba?! Ano bang problema mo?!" patuloy pa niya. Tumigil si Nikolaj sa paghalik sa kanya ngunit ang mga mata nito ay sobrang pula dahil sa galit at selos. Dahil doon hinawakan siya ng lalaki sa panga ng sobrang higpit. "Bakit?" nanggigil na tanong nito sa kanya. “Bakit ang dali mong ngumiti sa iba? Ngunit kapag sa akin, para bang nahihirapan ka?”Natigilan si Minna dahil sa sinabi ng binata. Dahil lang ba roon? Dahil lang sa nginitian niya si Zeke ganun na ang galit sa kanya ni Nikolaj? Parang ngiti lang?!"Baliw ka na," bulong ni Minna sa lalaki. "Oo! Baliw na

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 37

    "Laruan lang iyan ni Mr. Carreon,” dagdag pa ni Myra, puno ng pandidiri ang boses ng dalaga. "Sa tingin mo ba tatanggapin siya ng pamilyang Carreon? Disi-otso pa lang siya, estudyante, wala pang napapatunayan sa buhay niya. Ang habol lang naman siguro ni Mr. Carreon sa kanya ay ang pagkasariwa niya. Kapag nagsawa na si Mr. Carreon, itatapon na lang siya na para bang laruan o basura!” Nakatayo si Minna sa likod ng pader, nakuyom ang mga palad dahil sa sakit na naririnig mula sa grupo ng kababaihan.Alam naman niya eh. Alam niyang mga plastic ang mga taong ito. Pero iba pala kapag naririnig mo nang harapan, natawa siya ng mahina, hindi pala… Talikuran siya nitong inaapi. Kanina sa lamesa, ang babait nila. Si Lian na tinuturuan pa siya sa laro at may pangiti-ngiti pa sa kanya. Sinabi pa nito na huwag siyang mag-alala at take her time sa pagbunot ng baraha. Pero pagtalikod, gold digger at social climber pala ang tawag sa kanya. Sa puntong yun nakaramdam si Minna ng panliliit. Sa ekswel

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 36

    Pagkatapos ng tatlong rounds ng Tong-its, huminto na si Minna paglalaro. "Ayoko na," sabi niya habang binababa ang cards sa mesa. Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw na niya, masyado lang kasing awkward. Ramdam na ramdam niya na pinagbibigyan lang siya ng mga kaibigan ni Nikolaj. Parang isang courtesy play at isang bata ang tingin nila sa kanya. Nagpapatalo na lamang ang mga ito at baka umiyak siya. Ganyan ang nararamdaman ni Minna habang naglalaro sila."Okay, tama na, kumain na muna tayo,” pagsang-ayon ni Paco sa kanya. Tumayo si Minna at umatras nang kaunti. Agad namang lumapit si Nikolaj sa kanya at hinawakan siya sa bewang."Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito. "Sabihin mo lang dahil magpapaluto ako ng kahit anong gusto mo."Nanlaki ang mga mata ng tatlong kasama nila nang marinig ang sobrang lambing na boses ni Nikolaj "Bro, grabe. Nakaka-goosebumps ka," bulong na sabi ni Carter sa binata. Si Minna naman ay namumula ang pisngi dahil sa sobrang hiya, nakatingin

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 35

    Ngumiti si Nikolaj nang bahagya. "Tuturuan kita."Agad na umupo si Lian sa table. "Sali ako! Gusto ko ring maglaro."Hinila ni Nikolaj si Minna at pinaupo sa tapat ni Lian. Ang lalaki naman ay tumayo sa likuran ni Minna, nakayuko nang kaunti kung kaya’t ang dibdib nito ay dumidikit sa likod ng dalaga. Inilapit nito ang bibig sa tenga ni Minna at binulongan. Ramdam na ramdam ni Minna ang hininga nito kung kaya’t kinilabutan ang dalaga. "Wag kang matakot," bulong nito sa kanya. "Laro lang 'to. Tandaan mo... kayang-kayang kung magpatalo para sa’yo.”Nanlaki ang mata ni Lain, para bang nakakita ng multo nang marinig ang sinabi ni Nikolaj. Tumingin si Lian sa binata, ang nakakatakot at striktong lalaking ito, ngayon ay binubulongan ng matatamis na salita ang kasintahan? Nang magtama ang tingin ni Lian at Nikolaj, kita ng dalaga mapanlisik nitong mga mata. Na para bang sinasabi ng binata ‘Mind your own business!’. Agad na yumuko si Lian dahil sa sobrang takot at hindi na lamang pinansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status