LOGINAng lakas ng ulan nang gabing yon habang mabilis ang pagmamaneho ni Miguel ng kotse.Karga ni Vince sa backseat si Joanne na namimilipit sa sakit ng tiyan . Kabado si Vince habang nakikita ang mukha ng asawa na sobrang nasasaktan. Nag aalala siya sa mag ina ina niya “Ang sakit! Hindi ko na Kaya!” Sabi ni Joanne habang iniinda ang sakit ng tiyan. "Wife, kumapit ka lang. Malapit na tayo sa ospital . Kumapit kayo ni baby," bulong ni Vince sa tenga ni Joanne. Nanginginig ang kamay niya habang hinahaplos ang pawisang noo ng asawa.Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak at asawa niya. Hindi niya alam na ganon ang idudulot ng kunti nilang pagtatalo. Sa mag asawa kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mag away. Hindi na non sumagot si Joanne. Ang kaninang kirot sa puson niya bigla na lang siyang nakaramdam ng mainit na likido. Pagtingin niya sa palda niya, may bahid na ng dugo. Hindi marami, pero sariwa. Sapat yon para matakot ang isang inang tulad niya. Tahi
Isang linggo ang lumipas matapos ang gulo sa cafe.Tahimik ang buhay nina Joanne at Vince . Walang nangugulo, walang Miguel na dumarating araw-araw. Si Miguel mismo ang lumayo. Hindi na siya pumupunta tuwing weekend para dalawin ang kambal, hindi na rin tumatawag. Ang sabi ni Mariz kay Joanne, naka-focus daw si Miguel sa Villanueva Corporation at sa Migs Brew.Para kay Joanne, okay na rin iyon. Kailangan nilang dalawa ni Vince ng espasyo para ayusin ang pamilya.Ngunit ang katahimikan na iyon ay may kasamang lihim na hindi alam ni Vince.Isang linggo matapos malaman na buntis siya, palihim na nagpunta si Joanne sa isang private clinic sa Makati kasama si Mariz. Hindi si Vince ang kasama niya, kundi si Mariz. At hindi lang basta check-up ang pakay nila."Joanne, sigurado ka ba dito? Hindi pa pwedeng i-DNA ang bata habang nasa tiyan mo pa, delikado," bulong ni Mariz habang nasa waiting area sila ng clinic.Umiling si Joanne at hinawakan ang tiyan niya na medyo may umbok na nang kaunti.
Alas-dose ng hatinggabi nang huminto ang itim na SUV ni Miguel sa tapat ng bahay nina Joanne at Vince. Tahimik ang buong subdivision. Tanging ilaw lamang sa sala ng bahay nila ang bukas. "Joanne, nandito na tayo," mahinang sabi ni Miguel habang nakatingin sa bahay.Hindi na muna bumaba si Joanne pero kalaunan ay bumaba na siya.Hawak pa rin ni Joanne ang tiyan niya, at ang envelope na may pregnancy test. Maga pa ang mga mata niya kakaiyak. Tumingin siya kay Miguel saka ngumiti ng pilit."Migs, salamat sa paghatid. At salamat sa lahat. Sa pag-intindi, sa hindi pagpipilit," sabi ni Joanne.Ngumiti si Miguel, pero ang ngiti niya ay may halong sakit. Namamaga pa rin ang sugat sa labi dahil sa suntok ni Vince. "Joanne, alagaan mo ang sarili mo. At alagaan mo si Vince. Mahal na mahal ka ng lalaking yan. Huwag mo siyang pakawalan dahil lang sa takot. At yung bata... anuman ang maging resulta ng DNA, nandito lang ako. Hindi para agawin kayo, kundi para sumuporta," sagot ni Miguel.Tumango
Alas-diez na ng gabi ngunit gising pa rin si Vince at Mariz. May dalawang bote ng beer na halos hindi nabawasan, at si Vince na nakayuko, nakahawak sa ulo, at pulang-pula ang mga mata kakaiyak. Daig pa niya ang namatayan dahil sa itsura. Magulo ang buhok, gusot ang polo at halatang miserable ang buhay dahil sa pangyayari. Mahal na mahal talaga niya si Joanne. "Vince, tama na. Hindi ka umiinom dati ah. Ano ba talagang nangyari? Kanina mo pa sinasabing buntis si Joanne at baka kay Kuya Miguel," tanong ni Mariz, nag-aalala at nakaupo sa tapat ni Vince.Tumingala si Vince kay Mariz, halatang pagod na pagod. "Mariz, sinundan ko si Joanne sa cafe. Nakita ko siyang kasama si Miguel. Hawak ni Miguel ang kamay niya. At narinig ko... narinig ko na baka kay Miguel ang bata, Mariz. Anim na buwan na ang nakalipas, may nangyari pa pala sa kanila bago sila tuluyang naghiwalay. At ngayon, hindi alam ni Joanne kung sa akin ba o kay Miguel ang dinadala niya," kwento ni Vince. Natahimik si Mariz at
Kuyom ang nga kamao ni Vince habang nagtitimpi ng galit na nakatayo sa labas ng glass window ng cafe.Hindi siya dapat nandoon. Dapat ay nasa bahay siya, nag-aalaga sa kambal. Pero hindi siya mapakali matapos ang nangyari sa banyo at sa sala kagabi. Ang positive pregnancy test, ang pag-amin ni Joanne tungkol sa isang gabi nila ni Miguel anim na buwan na ang nakalipas. Kaya sinundan niya si Joanne.At doon niya narinig ang lahat. "Anuman ang totoo, haharapin natin. Hindi kita pababayaan. Kung akin man yan o kay Vince, hindi ko kayo iiwan."Boses ni Miguel iyon. Boses ng lalaking akala niya ay tapos na sa buhay ni Joanne. Boses ng lalaking nangakong hindi na guguluhin ang pamilya nila.Nakakuyom ang kamao ni Vince. Gusto niyang pumasok, gusto niyang suntukin si Miguel, gusto niyang hilahin si Joanne palayo. Pero mas nangibabaw ang sakit.“Anim na buwan. Anim na buwan ko siyang minahal, inalagaan, tinanggap pati ang kambal na hindi ko anak. Tapos malalaman ko lang na sa huling gabi n
Hindi sumuko si Joanne kahit saan mag Punta si Vince sinusundan niya ito para ipaliwanag ang nangyayari. Takot na takot siyang baka pagising niya wala na si Vince sa tabi at buhay niya. Kaya hindi siya sumuko kakasunod dito. "Joanne... ano yon?" bakas sa boses ni Vince ang sakit habang nakayuko. Na Tila ba ay hindi pa rin kayang iprocess ng utak niya ang mga nangyayari. Napatayo si Joanne sa sahig ng sala, nanginginig ang kamay na hawak ang pregnancy test na may dalawang malinaw na guhit. Sa sofa ay naka-upo si Vince, Maga ang mga mata , gusot ang buhok, at ang mata ay nakatutok sa test na hawak ni Joanne."Vince... Vince, hindi ko... hindi ko alam kung paano—" Nauutal nasabi ni Joanne.Lumapit si Vince at kinuha ang pregnancy test sa kamay ni Joanne. Tinitigan niya ito nang matagal. Positive. Matapos sabihin ng doktor na false alarm lang, negative lang, pagod lang, ngayon ay positive.Napatawa siya saglit dahil inakala niyang wala talagang laman ang tiyan ni Joanne, kung mayron m







