author-banner
ATE BHIETAT
ATE BHIETAT
Author

Novels by ATE BHIETAT

ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE

ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE

Si Joanne Alonzo ay apat na taong nagtiis bilang asawa ni Miguel Villanueva – ngunit hindi pag-ibig o kwentong pag-ibig ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Isang kontrata lamang sa papel ang lahat, isang kasunduang kanyang pinirmahan para iligtas ang kanyang pamilya mula sa malaking utang noon. Akala ni Joanne ay makakaya niya ang lahat, na okay lang na magtiis. Ngunit nagkaroon ng kaguluhan nang bumalik si Jasmine De Leon sa buhay ni Miguel – ang babaeng tunay na minamahal ng lalaki. Kasama ni Jasmine ang kanyang anak sa pagbabalik, at nang malaman ito ni Miguel, agad siyang naghain ng file para sa divorce, tatlong buwan na mas maaga kaysa sa original na kasunduan. Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Miguel. May dalawang anak si Joanne sa kanya. Ang panganay na si Yumi ay kamukhang-kamukha niya – isang sulyap pa lamang ay makikita agad na siya ang kanyang maliit na kopya. Habang siya ay nagpapagaling, nakahanap si Joanne ng sandalan kay Dr. Vince – isang mabait na lalaki na gumagalang sa kanya, ibang-iba kay Miguel. Habang lumalapit si Vince sa kanya, nagsimulang magbago ang ugali ni Miguel – nararamdaman niya ang pagkainis, pag-aalala, at pagkainis sa kanyang kaibigang si Vince. Mga emosyong matagal na niyang binalewala at hindi naramdaman noon. Ilang araw na lamang at matatapos na ang paghihirap ni Joanne sa piling ni Miguel. Malapit na silang pumirma ng mga papeles at makakalaya na siya. Ngunit paano kung sa mismong araw na iyon ay mabunyag ang lahat ng kanyang mga sikreto? Paano kung malaman ni Miguel na ang kambal na kanyang itinatago ay tunay na dugong Villanueva?
Read
Chapter: CHAPTER 146: KOMPRONTA
Tahimik ang loob ng kotse, pero parang may bagyong namumuo sa pagitan nina Miguel at Andrea.Sa backseat, tahimik na umiiyak si Milo. Apat na taong gulang pa lamang siya, pero pilit niyang pinipigilan ang paghikbi. Hawak niya ang tuhod niyang may maliit na gasgas na nilagyan ng panyo ni Joanne bago siya tuluyang hilahin ni Andrea palayo sa garden.Hindi naman ganoon kasakit ang sugat niya. Mas masakit para sa kaniya ang nangyari sa birthday party ni Hope.Hindi niya maintindihan kung bakit nagalit si Mama Andrea. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sinigawan ni Papa Miguel ang kaniyang ina. Ang alam lang niya, gusto niyang bumalik sa bahay nina Hope para makapaglaro silang muli.Sa driver's seat, mahigpit ang hawak ni Andrea sa manibela. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim."Put*ngina talaga, Miguel! Nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? Pinahiya nila tayo sa harap ng lahat! Tapos ikaw, ano ang ginawa mo? Kinampihan mo pa sila
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 145 :ANG PAGPUTOK NG SELOS
Tahimik na ang buong garden matapos sumigaw ni Andrea. “WAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO!” Napahinto ang lahat ng bisita. Ang dating masayang selebrasyon ng ikalimang kaarawan ni Hope ay napalitan ng tensiyon at takot. Nasa sahig pa rin si Milo, hawak ang kaniyang tuhod na may maliit na gasgas. Hindi naman malalim ang sugat, pero umiiyak ang bata. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil sa sigawan ng mga matatanda sa paligid niya. Lumuhod si Joanne sa harap ni Milo. Gusto niya sanang tingnan ang sugat ng bata, pero hindi siya makalapit dahil nakaharang si Andrea. “Andrea, tama na. Bata lang sila. Naglalaro lang naman sila. Gasgas lang 'yan, kaya puwede nating linisin at lagyan ng gamot,” mahinahong paliwanag ni Joanne kahit nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. “Gasgas lang sa paningin mo kasi hindi mo anak!” sigaw ni Andrea. “Anak ko 'yan! Ako ang ina niya! Wala kang karapatang hawakan siya, at wala kang karapatang pagsabihan siya!” Napatayo si Joanne. Hindi siya makapaniw
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 144: ANG MASAKIT NA SALITA
Nasa sahig pa rin non si Milo, hawak ang tuhod na may gasgas. At dumudugo nang kaunti, pero hindi naman malala. Hindi siya umiiyak dahil sa sugat, kundi dahil sa takot. Takot siyang makita ni Andrea na may dugo siya at may kalat sa sahig.Kasi sa bahay nila kapag si Andrea lang ang kasama niya, pag may kalat siya pinapagalitan siya. Pag may dumi ang damit niya, sinisigawan siya. Kaya nung nakita niyang may dugo ang tuhod niya at nadumihan ang shorts niya, ang unang pumasok sa isip ng apat na taong gulang na bata, mapapagalitan siya ng Mommy niya. "Wag po... wag po Tita... sorry po..." umiiyak na sabi ni Milo kay Joanne na papalapit na sa kanya, habang nanginginig ang kamay."Milo, anak, hindi kita papagalitan.Hindi kita aawayin. Titingnan lang ni Tita yung sugat mo ha? Konting gasgas lang yan, lagyan natin ng band-aid," malambing na sabi ni Joanne.Lumuhod agad si Joanne sa lupa , hindi alintana na madumihan ang dress niya. Aabutin na sana niya si Milo para tingnan ang sugat.Pero
Last Updated: 2026-10-25
Chapter: CHAPTER 143: BAGONG KAAWAY
Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 142: 5 YEARS LATER
LIMANG TAON ang lumipas.Kung may himala man na nangyari nung gabing umuulan na yon — nung gabing akala ni Vince ay mawawala na ang mag-ina niya sa ER — ito na yon ang batang si Hope. Nasa ikalimang taon na si Hope Delos Reyes. Ang dating 5 weeks na sanggol na kumapit sa sinapupunan ng ina para lang mabuhay, ngayon ay isang batang babae na malikot, bibo, at ang boses ay parang kampana sa buong bahay. Kamukhang-kamukha ni Joanne ang mukha, bilugan at maputi, pero pag tumawa siya nang malakas, mata at ilong ni Vince ang makikita mo. Spoiled siya, oo, pero sa pagmamahal. Lumaki siyang alam niyang pinagdasal siya.Ang kambal na sina Yumi at Sky, 9 years old na. At nasa Grade 4. Malaki na ang pinagbago nila. Si Yumi, hindi na yung batang umiiyak lang sa gilid. Siya na ang pangalawang nanay ni Hope. Siya ang nag-aayos ng buhok ni Hope tuwing umaga, siya ang nagtuturo kay Hope magsulat ng pangalan. Sobrang protective niya. Si Sky naman, tahimik pa rin pero mas malalim mag-isip. Mahilig pa r
Last Updated: 2026-10-16
Chapter: CHAPTER 141: ANG BAGONG PAMILYA
Ang lakas ng ulan nang gabing yon habang mabilis ang pagmamaneho ni Miguel ng kotse.Karga ni Vince sa backseat si Joanne na namimilipit sa sakit ng tiyan . Kabado si Vince habang nakikita ang mukha ng asawa na sobrang nasasaktan. Nag aalala siya sa mag ina ina niya “Ang sakit! Hindi ko na Kaya!” Sabi ni Joanne habang iniinda ang sakit ng tiyan. "Wife, kumapit ka lang. Malapit na tayo sa ospital . Kumapit kayo ni baby," bulong ni Vince sa tenga ni Joanne. Nanginginig ang kamay niya habang hinahaplos ang pawisang noo ng asawa. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak at asawa niya. Hindi niya alam na ganon ang idudulot ng kunti nilang pagtatalo. Sa mag asawa kasi hindi naman talaga maiiwasan ang mag away. Hindi na non sumagot si Joanne. Ang kaninang kirot sa puson niya bigla na lang siyang nakaramdam ng mainit na likido. Pagtingin niya sa palda niya, may bahid na ng dugo. Hindi marami, pero sariwa. Sapat yon para matakot ang isang inang tulad niya. T
Last Updated: 2026-10-01
THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED

THE TWINS HE NEVER KNEW EXISTED

Si Adrian Alexander Montenegro ay isang makapangyarihan at napakayamang bilyonaryo. Gwapo, matalino, dominante at sanay makuha ang lahat ng gusto. Para sa kanya ang pag-ibig ay kahinaan lamang. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Isabella Rose Villareal. Si Isabella ang babaeng nagpatibok sa malamig na puso ni Adrian. Minahal niya ito ng buong puso, ngunit isang planadong pagtataksil ang sumira sa kanilang relasyon. Dahil sa mga kasinungalingan pinaniniwalaan niya, itinaboy ni Adrian si Isabella nang hindi man lamang binibigyan ng pagkakataong mag paliwanag. Wasak ang puso ni Isabella ng tuluyan siyang umalis sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Limang taon ang lumipas, bumalik siya sa Manila bilang isang matagumpay na negosyante, kasama ng dalawang anak na matagal niyang inalagaan mag-isa sina Alexander at Alessandra. Ngunit hindi niya inaasahan muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Nang makita ni Adrian ang kambal hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakahawig ng mga ito sa kanya. Nagsimula siyang maghinala at mag-imbestiga hanggang sa unti-unting mabunyag ang katotohanang kayang magpabago sa buong buhay niya. Ang kambal na hindi niya kailanman kilala at maaaring sarili niyang mga anak. Ngunit hindi na ang dating Isabella ang kanyang kaharap, ang babaeng minsan niyang sinaktan ay natutong mabuhay nang wala siya at hindi na basta magpapadala sa kanyang mga pangako. Ngayong nais ni Adrian mabawi ang pamilyang hindi niya alam na mayroon siya, kakailanganin niyang harapin ang kanyang mga pagkakamali at tuklasin ang katotohanan sa likod ng kanilang paghihiwalay. Mapapatawad Kaya siya ni Isabella, o tuluyan ng mawawala sa kanya ang pamilyang minsan niyang itinaboy?
Read
Chapter: CHAPTER 6:ANG PIRMA SA DOKUMENTO
Hindi mapakali si Adrian Montenegro habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Nasa harap niya ang dokumentong ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip. Paulit-ulit niyang binabasa ang bawat linya, lalo na ang pirma sa ibabang bahagi.Pirma iyon na kahawig ng kay Isabella.Ngunit ayon sa dating kasintahan niya, may mga bagay na hindi niya alam tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas.Napahawak si Adrian sa kaniyang sentido.Limang taon siyang naniwalang si Isabella ang may kasalanan sa pagkasira ng kanilang relasyon. Ngunit hindi niya ito pinakinggan,hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sa halip, hinayaan niyang manaig ang galit at tuluyan niya itong itinulak palayo.Pero ngayon, may mga dokumentong hindi nagtutugma. May mga mensaheng hindi nakarating sa kani-kanilang destinasyon. At may isang rekord na nagsasabing may pahayag si Isabella tungkol sa pagbubuntis nito tatlong araw bago niya ito palayasin.Kung totoo ang dokumento, bakit hindi ito kailanman nabang
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: CHAPTER 5: ANG BABAENG NAGTATAGO NG KATOTOHANAN
Hindi mapakali si Adrian habang nakatitig sa litrato ng kambal sa kaniyang cellphone.Hindi niya alam kung sino ang kumuha ng larawan, ngunit malinaw ang mensahe. May taong sumusubaybay sa mga bata at handang gamitin ang mga ito upang pigilan siya sa paghahanap ng katotohanan.Hindi na ito simpleng usapin ng nakaraan.Buhay ng mga bata ang nakataya.Agad niyang tinawagan si Daniel.“Daniel, kailangan kong malaman kung nasaan si Celeste.”“Bakit? May bago ka bang nalaman?”“May nagpadala sa akin ng litrato ng mga bata. Alam ng taong iyon kung saan sila pumapasok sa paaralan.”“Ano? Adrian, kailangan nating kumilos nang maingat. Huwag kang basta susugod kay Celeste. Kung talagang may kinalaman siya rito, posibleng may mga kasabwat siya.”“Wala akong pakialam kung ilan sila. Hindi ko hahayaang may manakit sa mga bata.”“Hindi mo pa nga alam kung anak mo talaga sila.”Natigilan si Adrian.Alam niyang tama ang sinabi ng kaibigan niya, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lam
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 4: ANG KATOTOHANANG AYAW ILIBING
“Mom, what did you do?”Iyon ang huling tanong ni Adrian bago tuluyang maputol ang tawag mula sa kaniyang ina.Ilang segundo siyang nakatitig sa cellphone. Sinubukan niyang tawagan muli si Victoria, ngunit hindi na ito sumagot.“Damn it!”Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniyang ina, pero malinaw sa kaniya ang huling sinabi nito.Alam ko ang nangyari sa mga anak mo bago pa sila isilang.Mga anak niya.Ibig sabihin, alam ng kaniyang ina ang tungkol kina Alexander at Alessandra. Ngunit bakit ngayon lamang ito nagsalita? At ano ang ibig nitong sabihin sa mga salitang iyon?Habang nagmamaneho, sunod-sunod ang mga tanong na gumugulo sa isip ni Adrian.Limang taon niyang pinaniwalaang ipinagkanulo siya ni Isabella. Limang taon niyang itinuring na isang taksil ang babaeng minsang minahal niya nang higit pa sa kaniyang sarili.Ngunit paano kung mali ang lahat?Paano kung may mga taong sadyang gumawa ng paraan para pagh
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 3 : ANG SEKRETONG ITINAGO NG KANYANG INA
Hindi agad nakauwi si Adrian nang araw na iyon.Nananatili siya sa loob ng kanyang sasakyan habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi ng lalaki mula sa laboratoryo.Victoria Montenegro.Ang sarili niyang ina ang nagtatanong tungkol sa mga anak ni Isabella.Bakit?At paano nito nalaman ang tungkol sa kambal?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. Ilang ring muna bago ito sumagot."Adrian, darling. Is something wrong?""Where are you, Mom?""I'm at home. Why?""I need to talk to you.""Can it wait? I'm expecting guests for dinner.""No. I'll be there in thirty minutes."Hindi na niya hinintay ang sagot nito bago ibinaba ang tawag.Sa unang pagkakataon, may pagdududang naramdaman si Adrian sa babaeng buong buhay niyang pinagkatiwalaan.At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.MONTENEGRO MANSION"Adrian? What a surprise."Nasa sala si Victoria nang dumating ang kanyang anak. Nakasuot ito ng eleganteng damit at may hawak na tasa ng tsaa."You said you needed to talk," sa
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 2: THE CHILDREN WHO LOOK LIKE HIM
Hindi maalis sa isip ni Adrian Alexander Montenegro ang natanggap niyang mensahe.Ilang beses na niyang tiningnan ang litrato sa kanyang cellphone. Larawan iyon nila ni Isabella limang taon na ang nakalipas, noong panahong wala pa siyang ibang gustong makasama kundi ang babaeng minahal niya nang buong puso.Ngunit hindi si Isabella ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang tinitingnan ang larawan.Kundi ang taong nakatayo sa likuran nila.Kahit malabo ang mukha nito, nakikilala ni Adrian ang suot nitong damit. Pamilyar din ang tindig at ang paraan ng pagkakahawak nito sa cellphone.It was someone he knew.Someone who had been close to him for years.“Damn it!”Ibinagsak niya ang cellphone sa mesa at napasandal sa kanyang upuan.Hindi siya sanay na may mga bagay na hindi niya kayang kontrolin. Bilang CEO ng Montenegro International Group, isang tawag lang niya ay kayang magpabago ng desisyon ng mga taong nakikipagnegosyo sa kanya.Pero ngayon, isang simpleng mensahe lamang ang sapat pa
Last Updated: 2026-10-27
Chapter: CHAPTER 1: THE WOMAN HE DESTROYED
Limang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa alaala ni Isabella Rose Villareal ang gabing tuluyang nagbago sa buhay niya.Gabing pinili ng lalaking pinakamamahal niya na paniwalaan ang lahat, maliban sa kanya.At ngayon, limang taon matapos siyang itaboy ni Adrian Alexander Montenegro, babalik siya sa mundong minsan niyang pinangarap na maging bahagi ng buhay niya.Pero hindi na siya ang dating Isabella na handang magmakaawa para lang manatili sa piling ng isang lalaki.This time, she had something more important to protect.Her children.At hindi niya hahayaang sirain muli ni Adrian ang buhay nila.MONTENEGRO INTERNATIONAL GROUP, MAKATI CITY“Miss Villareal, Mr. Montenegro is ready to see you now.”Napatingin si Isabella sa assistant na nakatayo sa harap niya. Bahagya siyang ngumiti bago tumayo at inayos ang suot niyang cream blazer.“Thank you.”Huminga siya nang malalim bago humarap sa malaking pinto ng conference room.Hindi niya inaasahang babalik siya sa lugar na ito.Lim
Last Updated: 2026-10-27
You May Also Like
Heiress Bodyguard
Heiress Bodyguard
Romance · AVA NAH
59.1K views
Divorce Me Now, Mr. Peters!
Divorce Me Now, Mr. Peters!
Romance · Athengstersxx
58.9K views
The CEO’s Broken Vow
The CEO’s Broken Vow
Romance · alittletouchofwinter
58.8K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status