SINUNDAN ni Jade ng tingin ang kamay nitong kinuha ang isa sa mga naka-soft bind na monthly report na binigay niya kahapon. Agad siyang kinabahan kapag ganito ka-seryoso ang mukha ng lalaki, tiyak may problema. “Did you not even check it? My instructions were clear that you should have checked it before giving it to me, right Jade?” Bakas ang disappointment sa mukha nito. Ang alam niya ay makailang beses niyang tiningnan ang report bago inilagay sa mesa ni Mark. Subalit papaanong may mali pa rin?” Binuklat nito ang naka-softbind at ipinakita sa kanya. “Look at this! Nothing has changed. Are you kidding me? I expected a huge improvement this month, but this report is still a mess!” Napakurap-kurap siya nang mariing pinagdiinan nito ang mga daliri sa hawak na report. Ang alam niya ay pinalitan niya iyon. Pero bakit tila naiba ang nakalagay roon? Marami siyang nakikitang naka-highlight ng kulay orange na ibig sabihin ay mali, ang mga correction naman ay nakasula
NANG dumating si Mark sa kanyang penthouse ay nadatnan niya si Uriel. Kinabahan siya. Sa tuwing makikita kasi niya si Uriel, may mahalaga itong sasabihin o kaya naman may paparating na panganib. Ilang araw ding hindi ito nagpakita sa kanya mula noong pinagtabuyan niya nito.“What’s up?” kaswal na tanong niya. Nakaunat ang mga paa nito habang nakaupo sa lounge chair. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa nitong magpakita sa iba’t-ibang anyo; minsan may pakpak minsan wala, minsan naman ay tila isang ordinaryong empleyado lang. At ngayon naman ay kaswal itong nakasuot ng poloshirt at maong pants. Subalit hindi nag-iiba ang mukha nito, kaya kilalang-kilala niya ito.“Sorry for what happened last time,” aniya nang maalala ang ginawa niya kay Uriel. Napalinga ito sa kanya.“You should control your temper, Mark,” sabi nito.“What?” kunot-noo na tanong niya. Kailan pa nagkaroon ng permiso ang nilalang na ito para pakialaman ang kanyang pag-uugali? Ang naisip niya. Kinuha nito ang isang
Sumunod naman si Jade kay Mark. Ramdam pa rin niya ang panghihina, marahil ay gutom na gutom na talaga siya. Paglabas niya ng kuwarto, namangha siya nang makita niya ang malawak na living room. Ngayon lang siya nakatuntong sa ganito kagandang bahay: mabango, malawak, at mamahalin ang mga kagamitan. Bahagya siyang nagulat nang mapagtanto na may ibang tao pala sa living room. Nakatingin ang mga ito sa kanya at napangiti, na tila inaabangan talagang magising siya. “Gising na siya,” narinig niyang sabi ng isang babae. “How are you feeling, Jade?” anang isang magandang babae na sa tantya niya ay nasa forties. Unang tingin pa lang ay hindi na maikakailang doktor ito dahil sa suot nitong doctor’s coat. Napalingon si Mark sa kanya at bumalik dahil tumigil siya sa paglalakad. “By the way, sweetheart, this is Dr. Alegro, and her assistants. I immediately called them when you felt unwell earlier,” ani Mark. Si Dr. Alegro ay kakilala ng pamilya Xavier na nagmamay-ari din
NADATNAN ni Jade ang mga kasamahan na nagkukumpulan sa isang sulok ng mesa at tila nagbubulong-bulungan. Biglang tumigil ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya, at nagsibalikan sa kani-kanilang mesa. Naiwan sina Jessica at Apple kaya hindi siya nakatiis na tanungin ang mga ito.“Ano'ng latest?” nakangiting tanong niya. Absent kasi siya ng dalawang araw dahil pinagpahinga muna siya ni Mark matapos ang pangyayaring nawalan siya ng malay.“Kung may nakakaalam man ng latest ikaw siguro 'yon,” seryosong sabi ni Jessica sa kanya. Napalis ang kanyang mga ngiti nang makita niyang naluluha ito.“Ha, ako?” turo niya sa sarili.“Bakit, hindi mo alam?” ang tanong nito sa kanya. Wala siyang ideya dahil hindi naman niya nakakausap si Mark sa dalawang araw na wala siya sa opisina. Nagtataka nga siya dahil hindi na siya nito kinukulit tungkol sa mga report. Ang tanging bilin nito sa kanya ay magpahinga at huwag na munang intindihin ang mga iyon para mabilis ang kanyang paggaling. Kung tutuusin
NAPAHAWAK si Mark sa kanyang ulo dahil sa matinding sakit nito. Madalas siyang inaatake ng kanyang migrane nitong mga nakaraang araw kaya minsan ay mas gusto na lang niyang magtrabaho sa kanyang penthouse kaysa pumunta sa opisina. Kinuha niya ang kanyang gamot na nasa sa drawer at tinawagan niya si Jade para humingi ng tubig. Napatingin siya sa kanyang cellphone na nag-ring. Agad niya itong sinagot nang makitang mommy niya ang tumatawag.“Yes, mom, how are you?” excited na tanong niya.“We're going home next week, hijo. I sent you the itinerary,” ang sabi ng mommy niya.Napangiti siya dahil ito ang hinihintay niyang balita, ang makasama muli ang kanyang mga magulang. Madalas nasa labas ng bansa ang mga ito, lalo na ang kanyang daddy dahil may inaasikaso rin itong negosyo roon. Malaki ang tiwala ng kanyang daddy sa kanya, kaya ipinauubaya na sa kanya ang ilang negosyo nila dito sa Pilipinas.“Really, mom? That's good news!” bulalas niya habang pansamantalang kinalimutan ang kirot sa ka
Napasinghap si Jade nang kinuha ni Mark ang kanyang kamay at idinampi ito sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang bawiin agad ang kanyang kamay. She desires to touch his face and let him know how much she cares. She feels the soft tickle of his beard against her palm. She wants to run her fingers over his lips but restrains herself, knowing that she shouldn't.“Mainit ba talaga ako?” tanong nito habang nakatingin ang malamlam na mga mata sa kanya.“Yes, sir. Inaapoy kayo ng lagnat. Kailangan niyo na sigurong magpatingin sa doktor,” aniya, patay-malisyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki.“I will, sweetheart. Kapag sinabi mo, gagawin ko,” aniya, bahagyang napangiti. Natigilan siya't muli itong siniyasat sa mukha. “May sakit ka nga, sir, baka nagha-hallucinate ka,” natatawang sabi niya.“I am not hallucinating; I know what I am saying,” anito.“Oo nga, sir, may sakit ka na nga pero nagagawa mo pa ring magbiro. Sige
Tumango siya. Nahiya pa sana siyang umamin, pero iyon talaga ang naramdaman niya. Ayaw niya kasi sa mga lalaking nambobola at nagpaparami lang ng girlfriend. Nag-umpisa na sana siyang ma-discourage kay Mark, subalit tila nakabawi ito. Bigla tuloy siyang nanghinayang sa mga bulaklak na itinapon niya sa basurahan. Ngayon lang kasi siya nakatanggap ng ganoon.“Ibig sabihin, sir, hindi mo girlfriend iyon?” tanong niya upang makumpirma.“Ang alin? ‘Yong sinama ko minsan sa opisina?”“Yun nga po, sir,” nahihiyang tugon niya.“That was my cousin. As far as I know, you weren't in the office yet when Felicity came. I accompanied her to the penthouse and let her rest there. Pero nung pagbalik ko, narinig kong pinag-uusapan niyo ako. And that was the time that I heard you say you will never like me. Totoo ba iyon?” Nilinga siya nito at lalong hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi totoo iyon.“Nagbibiruan lang po kami, sir, nung time na ‘yon. Bukambibig n
TINITINGNAN ni Jade ang tinatahak nilang daan, alam niyang hindi ito ang daan pauwi kaya hindi na siya nag-alangan pang magtanong. “Sir, may dadaanan pa po ba tayong iba?” tanong niya habang lihim na napasulyap sa kanyang relo. Pasado alas-sais na ng gabi at madilim na ang paligid. Tiyak gabing-gabi na siya makakauwi sa kanila. Hindi naman siya nag-aalala dahil si Mark ang kasama niya. Kahit papaano ay malaki na rin ang tiwala niya sa lalaki mula noong tinulungan siya nito noong nagkasakit siya. Kapag ganitong kasabay niya si Mark at ginagabi siyang umuwi ay doon ito umuuwi sa ancestral house ng mga magulang para maidaan siya sa kanila. “Yes. Meron pa tayong pupuntahan. Bakit gusto mo na bang umuwi?” tanong nito na napalinga sa kanya. Kahit naman gusto na niyang umuwi wala siyang magagawa. “Ayos lang po, sir. Basta sasabay ako sa inyo. Doon naman kayo uuwi sa bahay ng parents mo, ‘di ba?” “Nope.” “H-hindi?” Bigla siyang napaisip at tila gusto na t