KASALUKUYANG nasa meeting si Mark at tila hindi na makapaghintay si Jade na matapos dahil kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Nagbilin naman ito na maaari na siyang kumain kahit hindi pa tapos ang meeting. Tatawagan na lang daw siya nito sa cellphone kapag may kailangan. Ngayon ay isang linggo na siyang nasa opisina at sa kabutihang palad ay maayos naman ang lahat. Medyo nahihirapan pa siya at hindi pa ganoon kabihasa kagaya ni Athena kaya madalas ay marami pa rin siyang katanungan na kailangan niyang ikonsulta kay Mark. Aminado naman siyang tila pabigat siya kay Mark sa unang linggo pero sisikapin niyang makapag-adjust sa lalong madaling panahon.
Halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa opisina ay kumain na sa labas dahil may bagong sahod, samantalang siya ay siguradong sa susunod pa na cut-off pa makakatanggap ng kanyang sahod. Nabuo agad sa kanyang isipan ang mga mumunting pangarap para sa kanyang pamilya. Kapag nakapag-ipon siya, plano niyang ayusin ang kanilang barong-barong. Saka na siya bibili ng mga pampaganda dahil ang sabi ng ilan ay maganda naman daw siya kahit hindi palaayos, bagay na ikinatutuwa niya. Subalit nahihiya siya dahil tatlong pirasong damit lamang ang kanyang pinagpapalit-palit. Inisip niyang baka makatipid siya kung bibili muna sa ukay-ukay.
Pagdating niya sa cafeteria, palinga-linga siya habang nakapila para maghanap ng mauupuan, subalit tila napuno na ang lahat. Umaasa siyang pagkatapos niyang mag-order ay may matatapos na ring kumain at makakaupo na rin siya. Nag-order siya ng adobong manok at isang kanin, at nagdagdag pa ng lemon juice.
Bitbit ang tray, naghanap siya ng mauupuan. Hindi niya napansin ang basang sahig kaya nadulas siya at tumilapon sa ere ang hawak niyang tray na may lamang pagkain. Tila naka-slow motion, pumikit siya at hinintay na lang ang kanyang pagbagsak sa sahig. Ngunit nang malapit na siyang bumagsak, may malakas na braso na sumalo sa kanya. Mabilis nitong naagapan ang tray at nasalo ang lahat ng laman nito. Maliban sa tubig na bahagyang natapon, kataka-takang nakatayo pa rin ang baso ng juice nang bumagsak sa tray, ganun din ang pagkain at ulam sa plato. Pigil-hininga, namangha ang karamihan sa kanila na nakapalibot habang nagpalakpakan. Namangha rin siya sa nangyari, tila ba may supernatural power ito. Agad namang tinulungan siya ng lalaki na bumangon.
“Wow! Paano mo nagawa ‘yon?” buong pagkamanghang sambit niya sabay kuha sa tray na hawak nito.
Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at sinabing, “Walang anuman.” Ipinagpag nito ang laylayan ng coat na sa tingin niya ay nabasa nang bahagya dahil sa pagkatapon ng tubig.
“Sorry, nabasa ka tuloy,” nahihiyang paumanhin niya.
“Ayos lang. Naghahanap ka ba ng mauupuan? Tara doon tayo,” nakangiting niyaya siya nito sa bakanteng mesa. Sumunod naman siya dahil puno na halos ang mga mesa. Subalit napansin niyang wala pa itong in-order na pagkain.
“Teka nasaan ang order mo?” tanong niya nang makaupo sila habang inililipat niya ang kanyang pagkain mula sa tray.
“Huwag mo akong alalahanin, hindi pa ako gutom,” anang lalaki na tumingin sa paparating na babae na may dalang tray ng juice. Binigyan nito ang kaharap niyang lalaki. Alam niyang pang-isang tao lang ang pagkain niya, pero inalok pa rin niya ito. Napangiti lang ang lalaki at nagpasalamat sa kanyang pag-alok.
LINGID sa kaalaman ni Jade ay si Baraquel ang kaharap niya, ang kanyang guardian star. Madalas ay nakikisalamuha ito at nag-aanyong tao kagaya ngayon. Napansin kasi ni Baraquel na madalas ay sinusundan ni Nikita si Jade mula nang magtrabaho ito sa kompanya nina Mark. Alam nito na may binabalak si Nikita na hindi maganda, hindi lang kay Mark kundi pati kay Jade. Sa katunayan si Nikita ang may kagagawan ng nangyari kanina na muntik nang ikabagsak ni Jade sa sahig.
“Lubayan mo siya,” banta ni Baraquel kay Nikita na noon ay nakatayo sa gawing likuran ni Jade. Dahil hindi ito nakikita ng mga mortal, nag-uusap sila ng direkta mata sa mata na hindi napapansin ng mga pangkaraniwang tao.
“At sino ka naman para pagsabihan ako? Isa ka lang pipitsuging tagabantay. Gagawin ko kahit ano’ng gusto ko at hindi mo ako mapipigilan,” pangisi-ngising sabi ni Nikita, kasunod niyon ay bigla na lang itong naglaho.
Tumikhim si Jade para basagin ang katahimikan sa pagitan nila ng lalaki.
“Salamat nga pala. Ang galing mo naman. Kundi dahil sa pagsagip mo, wala akong kakainin ngayon. Saan ka nga pala nagtatrabaho dito?” usisa niya sa kaharap para lang may mapag-usapan. Sa kasuotan nitong mamahalin at elegante, tiyak na masasabing isa itong pang-eksekutibong empleyado. Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay tumingin ito sa lalaking kararating lang na lumapit sa kanilang mesa. Napatingala si Jade at nagitla siya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Mark.
“Ikaw pala, sir! Kain po tayo!” ang sabi niya na agad nagbigay espasyo sa katabing upuang bakante.
Walang imik na umupo sa tabi niya si Mark at napalinga-linga sa paligid. Tumayo si Jade para mag-order ng makakain nito. Para sa kanya, bilang sekretarya, dapat maayos ang pakikitungo niya sa kanyang boss kahit nasa labas pa sila ng opisina. Subalit hindi niya masigurado kung galit ba ito dahil iniwan niya ito at nauna na siyang kumain. Naisip niyang baka may gusto pa itong ipagawa sa kanya kanina at hindi siya nito mahanap dahil naiwan niya ang kanyang cellphone sa bag. Bahagyang napakamot siya sa ulo. Napansin din niya na tila masama ang tingin nito sa kaharap niya. Malalagot na yata siya sa pagkakataong ito.
“Ikukuha kita ng makakain, sir. Ano po’ng gusto niyo?” tanong niya.
“No need, I have already placed my order,” anang lalaki. Pinigilan nito si Jade at sinenyasang maupo na lang. Dahan-dahan siyang umupo at hinintay ang susunod nitong sasabihin, ngunit hindi ito nagsalita. Kaya naman naisip ni Jade na ipakilala na lang ang lalaking sumagip sa kanya kanina.
“By the way, sir—” naputol ang sasabihin niya nang biglang sumabat ang lalaking kaharap.
“Baraquel, pare,” pakilala nito sabay naglahad ng pakikipagkamay kay Mark. Tiningnan muna ito ni Mark bago mahigpit na nakipagkamay.
“Mark,” pakilala din nito na hindi kakikitaan ng anumang reaksiyon ang mukha.
“I hope I’m not bothering the two of you,” makahulugang sabi nito kay Baraquel pagkuwa’y tumingin din sa kanya.
“No, you're not," ani Baraquel na tumayo sa kinauupuan nito, "I need to go. Maiwan ko na kayo."
Noon lang nalaman ni Jade na Baraquel pala ang pangalan ng lalaking tumulong sa kanya. Naisip niyang baka na-offend ito dahil sa sinabi ni Mark. Napatingin siya sa paligid at nakita niya ang grupo ng mga kababaihan na nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa kanila. Lumilipad ang kanyang imahinasyon kung ano ba ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanila.
Sinundan niya ng tingin ang lalaking kaaalis lang.
“Are you okay?” pumitik si Mark gamit ang mga daliri sa harap ng kanyang mukha, “iniwan ka lang natulala ka na d’yan.” Alam niya na ang tinutukoy nito ay si Baraquel.
“Si Baraquel po ba ang tinutukoy niyo, sir?” patay malisyang tanong niya.
“Who else?” umarko ang sulok ng mga labi nito.
“Hindi ko po kilala ‘yon. Actually, kanina ko lang po nalaman na Baraquel pala ang pangalan niya nung nagpakilala siya sa’yo,” paliwanag niya. Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi nito.
"So, you're saying that it would have been better if I hadn't come so that he could personally introduce himself to you? Is that it?"
Hindi niya malaman kung bakit tila sarkastiko ang dating nito sa kanya. Mabuti sana kung alam niyang may gusto ito sa kanya, baka isipin pa niyang nagseselos ito. Pero imposible iyon. Kilala sa pagiging hard-to-get itong kanyang boss, at ayon sa mga kasamahan niya ay naiinis ito sa mga babaeng nagpapakita ng unang motibo sa lalaki. Iyon agad ang itinanim niya sa kanyang utak para maiwasan na huwag iyon makita sa kanya. Gusto niyang ipakita kay Mark na hindi lahat ng babae ay bumibigay sa guwapo.
“Hindi naman po sa ganon, sir. Nagkataon lang na walang maupuan kaya nagkasama kami,” magalang na sagot niya sa kabila ng pagkainis. Lumapad lalo ang mga ngiti nito sa kanya.
“What if hindi ako dumating at nagpakilala siya sa’yo tapos inalok ka ng date?” anito. Noon ay umalsa lalo ang pagkainis niya dahil mukhang pinag-iisipan siya nito ng masama.
Ngumiti siya ng pilit, “Sir, kahit guwapo 'yon ay wala po akong balak makipag-date. At hindi po ako basta-basta nakikipag-date sa lalaki kahit siya pa ang pinakaguwapo sa buong mundo.”
“Oh! Really? Kaya pala sa edad mong 'yan ay wala ka pang boyfriend, masungit ka siguro,” natatawang sabi nito. Sinabayan niya rin ito ng pagtawa kahit hindi niya gusto.
“And what qualities does a man need to have for you to date him?” dugtong pa nito na lalo yatang natuwa na asarin siya. Dumating ang crew na may dalang tray ng mga pagkain kaya saglit na nabaling ang atensiyon nito sa pagkain, pagkuwa'y kinulit muli siya nito.
“Simple lang, sir, ayoko sa guwapo,” tugon niya para matigil na ang pang-aasar nito sa kanya. Pero sa kaloob-looban ng kanyang puso at isipan ay sumisigaw na gustong-gusto niya ng isang guwapong katulad ni Mark. Noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang prince charming na boyfriend. Subalit malayo talaga ang kanyang pangarap sa realidad, at si Mark ay isa lamang sa mga bida sa kanyang mga fantasy na isinusulat.
ISINAMA ni Uriel si Mark sa lugar na kung saan ay madalas niyang pinupuntahan kapag nagpapagaling siya ng kanyang mga sugat. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga imortal na katulad niya sa tuwing sila ay masusugatan sa labanan.“Anong lugar ‘to?” tanong ni Mark habang inililibot ang paningin sa paligid. Wala pa siyang nakikitang ganito kagandang lugar kahit saang bansa na kanyang napuntahan. Gusto na niyang maniwala na patay na talaga siya at ngayon ay nasa Paraiso na.“Ito ang lugar kung saan nagpapagaling kaming mga guardian stars,” tugon ni Uriel. Nakita naman agad ni Mark ang isang mahabang batis na malakristal ang tubig. Ngayon, ay tila nabuksan ang kanyang matang pang-espiritual at nakita niya ang mga kauri ni Uriel. Tila nababalot ng mga alapaap ang paligid dahil sa mga kauri ni Uriel na may mapuputing pakpak.Nilinga niya si Uriel at nilapitan. Nakita niyang nasa tunay na kaayuan ito, duguan, at halos bali-bali ang mga pakpak. “I’m sure masakit na masakit ‘yang mga pakpak mo.
Sa sandaling nakapasok sina Jade sa kabilang dimensiyon, tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya, mas malakas siya ngunit tila may kung anong enerhiya ang nagkokontrol sa kanya. Napatingin siya sa kawalan, at sa 'di kalayuan, isang bakal na malaking pintuan ang binuksan. Naglakad sila papasok, kasama ang mga nakasunod sa kanya na mga lingkod at kawal. Bumungad sa kanila ang malaki at napakagandang palasyo na tila pamilyar sa kanya. Napapaligiran ito ng malawak na hardin. Sa gawing kanan ay may napakalinaw na batis.Bakit parang pakiramdam niya ay napuntahan na niya ito dati? Naipilig niya ang kanyang ulo at saglit na huminto sa paglalakad. Nakapagtataka kung bakit wala siyang maalala kung ano ang lugar na ito. ‘Ni hindi rin niya maalala kung saan siya nanggaling at kung ano ang kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang sarili at buong pagtataka kung bakit nakasuot siya ng isang napakagandang kasuotang pangkasal.“Narito na ang mahal na Prinsesa Amara!” malakas na anuns
Ang saya na kanilang nararamdaman ay napalitan ng takot sa sandaling maramdaman nila ang malakas na pagyanig ng lupa. Agad na nag-panic ang mga staff sa loob ng jewelry store. Samantalang niyakap naman ni Mark si Jade. “Lumilindol!” takot na sambit ni Jade. “Calm down, honey,” pilit na pinapakalma ni Mark si Jade. Mayamaya pa ay napatili ito nang mag-umpisang mabasag ang mga salamin na kinalalagyan ng mga alahas. Kasunod niyon ang pagbagsak ng malaking chandelier na nakasabit sa bandang gitna. Mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa tapat niyon. Kanya-kanya naman kubli ang mga staff upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay tumakbo palabas sa sobrang pagkataranta. Wala siyang magawa kundi ang yakapin at itakip ang kanyang sarili kay Jade. Tumingin siya sa paligid, hinanap ng kanyang mga mata si Uriel at ang iba pang kasama nito. Kinilabutan siya nang makita na napapaligiran na pala ang lugar ng mga nilalang na hindi pangkaraniwan. Malakas ang
Naalimpungatan si Jade dahil sa walang humpay na pag-alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata sabay napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas-otso na pala, subalit sa palagay niya ay may dalawang oras pa lamang siyang nakakatulog dahil sa nangyaring pagtatalo nila ni Mark kagabi. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Mark. Wala na ito sa hinigaan nitong sofa kaya inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Subalit hindi niya ito makita. Kung kaya't mabilis na tinungo muna niya ang shower room dahil late na rin siya sa trabaho. Hindi siya makapaniwalang puro palpak na performance ang naipapakita niya kay Mark mula nang dumating ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng uniform, mabilis na inayos niya ang kanyang buhok at naglagay ng kaunting make-up. Nang matapos siya ay agad na bumaba sa coffee shop dahil nagbabakasakaling naroon din si Mark. Gusto niya itong makausap nang hindi lasing upang makapagpaliwanag siya. I
“Mark...” ani Jade nang tinangka sanang hawakan muli si Mark sa braso ngunit itinaas nito ang kamay.“Please, just leave me alone. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” anito, habang hindi man lang siya tiningnan. Wala siyang magawa kundi ang sundin si Mark. Pero mukhang hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil alam niyang galit ito sa kanya.“I love you. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon,” ang huling sabi niya bago siya humakbang patungo sa kanyang silid. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Mayamaya pa ay halos maubos na ni Mark ang laman ng bote ng alak, subalit kataka-takang tila hindi siya nalalasing. Excited pa naman sana siyang sorpresahin si Jade, pero hindi niya akalain na siya pala ang masu-sorpresa. Gustong-gusto na niyang hatakin si Jade kanina nang makitang may kausap ito, ngunit pinigilan pa rin niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya ito.Sa kabilang banda, mas nananaig ang pakiramdam na mahal siya ni Jade at h
HALOS mag-iisang linggo na rin si Jade sa Tagaytay. Maayos naman ang lahat at mukhang nagugustuhan na rin niya ang bagong trabaho. Sa pangalawang palapag naman ng nasabing gusali ay doon nananatili ang tatlong staff na mga kasama niya dahil malayo ang inuuwian ng mga ito. May tatlong silid doon, isa para sa mga babaeng staff at isa rin para sa mga lalaki. Nag-iisa lang ang lalaking umuukupa ng isang silid. Sa pangatlong bahagi naman ng gusali naroon ang kanyang kuwarto. Malawak iyon at parang malaking bahay na rin. Doon kasi natutulog ang mga Xavier kapag pumupunta ito ng Tagaytay. Ang silid ni Raine ay siya na ring magiging silid niya pag-alis nito. Bigla siya nakaramdam ng pangamba. Paano kung pumunta ang mga Xavier? Hindi niya alam kung papaano niya pakikitunguhan ang mga ito. Huling araw na ni Raine sa Tagaytay at luluwas na ito ng Maynila kinabukasan, kaya naman naka-impake na ang mga gamit nito.“Doon na lang kaya ako sa baba kasama ng ibang staff, mayroon pa namang bakanteng hi