Share

TRAGEDY 2 ( Danger Zone)

CHAPTER 2:

"Huwaaag!" Malakas niyang sigaw.

Isang malakas na pagtili ang hindi napigilang umalpas sa kanyang bibig.

Kagaya rin ng hindi niya nagawang paghandaan ang sumunod na pangyayari ng bigla na lang haklitin ng lalaki ang harapan ng kanyang damit. Dahilan upang magturitan ang butones ng kanyang blusa.

Ngunit mas higit niyang pinagtuunan ng isip ang makaligtas.

Sa tulong ng liwanag ng buwan, bahagya na niyang naaaninag ang paligid. 

Pilit rin niyang pinapagana ang utak sa kabila ng nangyayari.

Hanggang sa may napansin siyang isang maliit na bagay, na tila isang matulis na stick. 

Makakaya niya itong abutin basta kailangan lang niyang maging maingat. 

Alam niyang kung ikukumpara sa baril na hawak ng mga ito wala 'yong magagawa. 

Pero kailangan pa rin niyang subukan at paganahin ang isip..

Kasalukuyan nang hinuhubad ng lalaki ang suot na pantalon ng bigla na lang makarinig sila nang.... 

"Bang!"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

Dahilan para mapatigil ang lalaki sa ginagawa at mabaling ang atensyon dito. 

Halos sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng putok. 

Hindiiii!! 

Natigagal na lang siya sa nakita, habang unti-unting bumabagsak ang katawan ng babaing kanina lang kahawakan niya ng kamay at pinaghuhugutan ng lakas. 

Habang ang isa pang babaeng kasama nila ay walang tigil sa pagsigaw at kaiiyak, dahil rin sa pagkabigla!

Dahil dito naalarma ang lahat..

"P..... ina! Patigilin n'yo 'yan, kanina pa 'yan patahimikin n'yo na! 

'Siguraduhin n'yong patay silang lahat, bago n'yo iwanan. Maliwanag?" Muling utos ng pinuno ng grupo na tila puno na ito ng pagkairita.

Hindi!! Sigaw ng isip niya, isa lang ang patutunguhan ng nangyayari. Siguradong papatayin na silang lahat!

Ito na ba ang tamang pagkakataon?

Kung hindi ko gagawin matutulad din ako sa kanila. Bulong niya sa sarili..

Kailangan niyang mag-ipon ng lakas ng loob at mag-isip ng paraan.

Ngayon na...

Kahit anong mangyari kailangan niya itong subukan..

Dagling hinanap ng kanyang mga mata ang maliit na stick na nakita niya kanina, naging mabilis ang kanyang pagkilos.

Nang mahagip niya ito ng tingin, mabilis niya itong kinuha, may katigasan ito at matulis pa ang dulo. 

Muli niyang tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan. Napuno ng galit ang kanyang pakiramdam.

Tiyempo naman na nakalingon pa rin ito sa mga kasama at tila puno rin ng prustrasyon. Marahil dahil sa pagkaudlot ng hangarin.

Ito na ang pagkakataon niya!

Hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng sandali.... 

Inipon niya ang buong lakas at ubod lakas rin niya itong sinaksak sa puno ng tainga! 

Alam niyang hindi niya ito napuruhan, ngunit sigurado siyang nasaktan niya ito.

Bigla itong napamura at napasigaw sa sakit!

"P..... ina mong babae ka!" Bulyaw nito.

Habang hawak pa niya ang stick, saglit pa siyang natigilan ng makita niya ang pagsirit ng dugo sa tainga nito! 

Dahil sa tulong ng liwanag ng buwan nakikita niya ang bawat galaw nito. 

Mabuti na lang hindi sila napapansin ng ibang mga kasama nito. Dahil abala ang mga ito sa kaguluhang nangyayari.

Muli hindi na s'ya nag-isip pa, muli niyang ginamit ang stick na hawak at ubod lakas ulit niyang sinaksak ang mukha nito. 

Dahil sa ginawa niya nadaplisan ang isang mata nito, awtomatikong napahawak ito sa mata at natuliro. Dahil nakababa pa rin ang pantalon nito ng mga oras na iyon. Kaya sinamantala na niya ang sandaling iyon at ubod lakas na tinadyakan niya ang pagkalalaki nito. 

Kaya nagtatarang ito sa sakit at hindi malaman kung ano ang unang hahawakan. 

Dahil dito biglang nabitawan nito ang hawak na baril na pilit pa nitong kinakapa' sa dilim. 

"T**ina mong babae kaaa!"

Saglit siyang nagbantulot kung makikipag-unahan ba siya sa pagpulot ng baril, ngunit pagtingin niya sa mga kasama nito. Bigla siyang napuno ng kaba at naisip niya wala na siyang pagpipilian pa...

Lalo na, nang makita niyang palapit na ang mga ito sa kinaroroonan nila.

At isa na lang ang maaari niya gawin sa pagkakataong iyon, ito ay ang tumakbo!

Tumakbo.. 

Tumakbo.. 

Sa bilis na hangga't kaya niyang tumakbo!

Narinig pa niya ang pahabol na pagsigaw ng lalaking iniwan niya. Ngunit hindi na siya nag-aksaya pang lumingon.

"Tulungan n'yo ako!" Narinig rin niya ang paghingi nito ng tulong. Kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo.

"P..... ina! Yung isang babae tumatakas!" Napansin na siya ng isa sa mga kasama nito.

"Habulin n'yo h'wag n'yong pababayaang makatakas mga gago kayo!

Mga huling kataga na narinig niya bago pa siya makalayo at tuloy tuloy na tumakbo ng tumakbo! 

Ilang minuto pa ang lumipas ng isang putok ang narinig niya sa kawalan. 

Na nasundan pa ng isa at ng isa pa.. Hanggang sa sunod sunod na putok na ang umalingaw-ngaw sa paligid.

Ngunit wala na siyang pakialam pa, basta takbo lang siya ng takbo. Kahit pa masakit na ang mga paa niya at pagud na pagud na rin siya.. 

Ngunit kahit ano yatang bilis ng takbo niya, maabutan pa rin siya ng mga ito. 

Dahil naririnig na niya ang mga yabag, palapit na ito ng palapit!

Nang bigla na lang may narinig na naman siyang putok!

"Bang!"

"Tigil!"

Pakiramdam niya may biglang tumulak sa kanyang likuran, partikular sa kanyang balikat. 

Nakakaramdam na siya ng sakit, matinding sakit na nakaliliyo sa kanyang pakiramdam. Kasabay ng pagkamanhid ng kanyang utak, hindi na siya makapag-isip pa ng dapat gawin.. 

Sa biglaan niyang paglingon, naramdaman pa niya ang biglang pagkadulas ng kanyang mga paa sa kawalan!

Ito na ba ang kanyang katapusan? Naiwang tanong ng kanyang isip...

Ang pakiramdam na nahuhulog siya ay hindi na marekognisa ng kanyang isip.

Nahuhulog ako...

Anong gagawin ko? 

Hindi!!

Ahhhhhhhhh!

Hindi p'wedeng ito ang maging katapusan.. 

Hindi pa dito matatapos ang lahat hindii!

_______

"Mamang!" 

"Nasaan ka Mamang?"

"Tulungan n'yo po ako.."

______

MAKATI CITY,

"Hmmm.. I love you!" Bulong ni Joaquin sa kanyang nobyang si Liscel. Nakadapa ito habang yakap niya mula sa likuran. 

Magkasalo sila at parehong hubad sa ilalim ng iisang kumot. Katatapos lang kasi ng kanilang pagniniig at ngayon nagpapahinga sa kanyang kama.

Narito sila ngayon sa loob ng Condo unit niya dito sa Makati. Nang malaman niyang umuwi ito galing France, agad siyang nagpabook ng flight mula Australia pauwi ng Pilipinas. Kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Gusto kasi niyang magkaroon sila ng oras sa isa't isa. 

He was thinking, this is the right time to talk about to settle down, sawa na rin kasi siya sa ganitong set-up. 'Yung magkikita sila, tapos mauuwi sa mainit na p********k. Then after that, they seperated again, palagi na lang ganu'n!

Matagal na rin naman silang magkasintahan, kasal na nga lang talaga ang kulang at saka magkakasundo rin ang kanilang pamilya. 

Bago pa sila magtapos ng kolehiyo, gusto sana ng Parents nilang magpakasal na sila agad after ng engagement.

Yes, engaged na rin sila matagal na pero napagkasunduan nilang unahin muna ang career. Dahil bata pa naman sila noon. 

Nagdesisyon sila pareho na bigyang laya muna ang isat-isa. Pero noon 'yun, noon hindi pa siya handa at malayo pa sa isip niya ang magpakasal.

Pero iba ngayon handa na siyang pakasalan ito. Mahal na mahal niya ang nobya. Dahil para sa kanya wala ng iba pang makakapalit ito sa puso niya. Kahit pa maraming babae rin ang naugnay sa kanya. Flings lang naman ang lahat ng iyon, one night stand. Pero si Liscel pa rin ang mahal niya at ang gusto niyang pakasalan.

Dahil si Liscel lang ang pinaka mahalaga sa kanya at komportable na rin siya dito. Gusto na niya itong makasama at maging isa na silang pamilya.

"Hon! Pagod ka na ba?" Tanong niya ng maramdaman gising pa ito. 

"Hummp! Bakit?" Tanong ni Liscel kasabay ng pagharap at paghaplos pa nito sa kanyang dibdib na tila ito naglalambing. Pagganito na si Liscel para na siyang mababaliw, talagang gustong gusto niya ito.

"Hon! Pakasal na tayo?" Walang paligoy-ligoy niyang saad sa nobya at wala ring pasakalye o paghahanda. Bakit pa? Laging konti lang ang oras nila para sa isa't-isa.

Maraming beses na niyang tinangkang sabihin ito kay Liscel at ilang beses na rin ba niya itong pinaghandaan. Ngunit palagi lang napupurnada at lagi siyang bigong makuha ang tamang oras nito. Dahil sa marami at iba't-ibang kadahilanan hindi natutuloy.

But this time nasabi na rin niya, sagot na lang nito ang hinihintay...

"Seryoso ka ba, niyaya mo na talaga ako?" Paninigurong tanong ni Liscel sa kanya na alanganing nakangiti.

"Hey! S'yempre naman seryoso ako. Gusto ko nang magpakasal tayo." Sagot ni Joaquin.

"Eh' di okay sige.." Deretsong sagot rin ni Liscel.

"O-okay.. What?" Aniya.

"Okay sige pakasal na tayo." Ulit na sagot ni Liscel.

"As, in! Pumapayag ka na? Hindi nga!" Paniniguro pa niya.

"Oo na nga! Gusto mo bang bawiin ko pa?" Biro pa ng dalaga.

"Yes! Totoo ba talaga, magpapakasal na tayo?!" Paulit-ulit pa niyang tanong. "Yahooo! Mag-aasawa na ako!hahaha" Sabay yakap niya ng mahigpit kay Liscel na parang ayaw na niya itong bitiwan pa.... 

Ang sarap ng kanyang pakiramdam, ang saya saya niya talaga ng oras na iyon! Hindi niya alam kung bakit napapayag niya ito agad. Ang totoo gusto lang sana niyang iparamdam dito na nais na niyang sila'y magpakasal. 

Saka siya magpaplano ng proposal, pero hindi na pala kailangan. Dati kasi agad itong tumatanggi sa tuwing mag-iinsist siya pero ngayon pumayag na ito. Nagtataka man wala na siyang pakialam.

"I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Sigaw niya, habang nag-uumapaw rin ang kaligayahan sa kanyang puso

******.

By: LadyGem25 

06-28-22

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status