Share

Chapter 5: Maling Bintang

Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay.

"Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang pagbebenta ng pekeng mga damit ay pinasok mo na?"

Natigil sa ginagawa ang staff at agad nandilat ang mga mata ni Alyson. Bakit hindi? Hinablot lang naman ni Loraine ang damit na binibinta niya at itinapon sa maruming sahig ng shop.

"Loraine?!"

Malakas pa itong humalakhak.

"Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na peke ang mga gamit mo?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Mahiya ka nga! Magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa. Huwag kang magbenta ng mga—"

"Anong sinasabi mong peke, Loraine? Alam mo sa sarili mong tunay sila!"

"Paano mo iyon papatunayan sa ganyan mong hitsura ha, Alyson?"

Gusto na niyang sabunutan ang babae at tanggalin ang lahat ng buhok nito sa ulo pero pinigilan niya ang sarili sa maaaring eskandalo.

"Nakalimutan mo yatang sa mga oras na ito ay ako pa rin ang asawa ni Geoff at nananatili ka niyang kabit?"

Ang matingkad na ngiti nito kanina ay agad na nawala nang marinig iyon. Napalitan ng mga hilaw na ngiti. Kung kanina ay umaakto itong mataas sa kanya, ngayon ay halos magbuhol na ang mga kilay niya. Agad na lumuhod ang staff upang sana ay pulutin ang mga gamit niya.

"Hindi niyo ba nakikitang sinungaling ang babaeng iyan? Huwag kayong maniwala sa kanya. Walang halaga ang mga damit niya kahit sentimong duling. Huwag kayong magpaloko!"

"Pasensiya na Miss. Saglit lang—"

"Anong pasensiya na? Hindi pwede iyon. Tumawag kayo ng police! Malay niyo na ninakaw lang pala niya iyan."

Napupuno ng tiningnan ni Alyson si Loraine na kung anu-ano na lang ang binibintang sa kanya. Naisip niya na wala na ito sa tamang katinuan. Wala siyang panahong mag-aksaya ng oras dito. Maaari siyang lumipat ng shop.

"Sige, kayo na ang bahala kung agad na maniniwala kayo sa mga sinabi ng babaeng ito." malungkot na turan ni Alyson, "Kayo ang nakakaalam kung peke o hindi ang mga binibinta ko. I-check niyo ulit. Branded nga sila."

Sa hindi malamang dahilan ay tuluyan ng nakumbinsi ni Loraine ang Manager ng shop na kakalabas lang. Mas pinapanigan na siya nito at pinapaniwalaan kahit si Alyson pa ang matinong kausap niya kanina.

"Alam mo bang asawa ni Mr. Carreon ang babaeng ito?" mayabang na tanong pa ng Manager sa kanya.

Gustong bumunghalit ng tawa ni Alyson sa narinig. Iyon ba ang pakilala ni Loraine sa mga taong nakapaligid sa kanila? Masyadong delusyunal naman ang babaeng ito. Sa kanilang dalawa, siya ang mas may karapatang tawaging Mrs. Carreon ng mga taong nasa paligid.

"Siguro ay hindi mo rin kilala kung sino ang taong iyon." mapang-uyam pang saad ng Manager, "Siya lang naman ang isa sa pinakamayamang tao sa ating bansa. Nakita ko silang magkasamang namimili ng mga gamit last time. At naniniwala ako sa mga sinasabi ni Mrs. Carreon keysa sa iyong di hamak na hampaslupa!"

Napanganga na si Alyson. Bahagyang napipikon sa Manager na kaharap. Kung kilala niya lang kung sino ang totoong Mrs. Carreon ay panigurado na kikilabutan na ang Manager. Proud na proud na nagpalinga-linga si Loraine. Believe na believe sa kanya ang Manager habang nakangiwi ang staff na naniniwala kay Alyson.

Matabang na pinulot ni Alyson ang mga damit. Inayos sa pinaglalagyang paperbag. Aalis na lang siya keysa tuluyang makipag-away dito. Tumalikod na siya at akmang aalis pero agad siyang hinawakan ni Loraine sa isang braso. Napapiksi siya at tiningnan na ito ng masama.

"Nalaman ko mula kay Geoff na nagkita raw kayo kahapon?"

Hindi siya pinansin ni Alyson. Dumiin pa ang hawak nito sa braso niya.

"Sobrang kawawa ka naman. Bukod sa nalugso na nga ang negosyo niyo, nagpakamatay ang ama mo. Tapos ngayon naman ay hihiwalayan ka ng asawa mo nang dahil sa amin."

Napakurap-kurap na si Alyson. Ayaw na sana niyang patulan ang babae pero masyado na itong namersonal.

"Hindi lang iyon. Nabaliw daw ang iyong ina? Ano magaling na ba siya?"

Sadyang nilakasan pa ang boses ni Loraine para makinig ng mga nasa loob. Hindi na maitago ni Alyson ang galit na nanunuot sa kanyang buto.

"Pwede bang manahimik ka na?"

"Paano kung ayaw kong tumigil?"

"Tumigil ka na kung ayaw mong sabihin ko ang baho mo na kabit ka ng aking asawa. Mas nakakahiya—"

"Bakit hindi mo sabihin? Ang tanong ay kung may maniniwala ba sa'yo?"

Naitikom ni Alyson ang bibig niya. Alam naman niyang talunan na siya. Doon pa lang sa part na nakuha nito si Geoff sa kanya ay talo na siya rito. Ngunit nungkang aaminin niya iyon sa babae na patuloy nagpapakulo ng dugo niya. Sasarilinin niya lamang ito.

"Kaya naman pala nagbibinta ka ng mga designer na damit eh, kaya lang wala namang maniniwala sa'yo."

Hindi na ito natagalan ni Alyson.

"Tama ka, nakuha mo nga siya. Eh, anong laban ko sa kagaya mong malandi at mang-aagaw ng asawa?"

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Tatlong taon. Alalahanin mo na tatlong taon ka ng kabit, Loraine."

Sunod-sunod ng napalunok ng laway si Loriane. Pilit na ang mga ngiti niya.

"Sige lang, Loraine. Sa'yong-sa'yo na siya. Tutal naman ay napagsawaan ko na ang katawan niya. Hindi ka pa rin ba naniniwala? Tanungin mo siya."

Pulang-pula na ngayon ang mukha ni Loraine sa galit at pagkapikon. Ang isipin pa lang na may nangyari kay Alyson at Geoff ay nagpapakulo na ito ng dugo niya. Selos na selos siya.

"Ano hindi ka makasagot? Nagulat ba kita, Loraine? Akala mo ba porket ikaw na ang kasama at pinili niya ay ni minsan ay hindi natikman ang—"

"Tama na! Itikom mo ang bibig mo!"

Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Alyson nang makita niyang pikon na pikon na ang kaharap niya.

"Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, tanungin mo si Geoff mamaya."

ALAM ni Loraine na tatlong taon na nagsama ang dalawa. Ngunit alam niya na ni minsan ay hindi ito ginalaw ni Geoff dahil siya ang mahal nito. Isa pa, kaya lang naman ito pinakasalan ni Geoff ay dahil may hawig sila sa mata. Siya pa rin ang nakikita ni Geoff sa loob ng tatlong taong iyon.

Napaatras na si Alyson nang makita niyang pasunggab na sumugod ito. Akmang sasapakin na siya nito nang bigla nitong hawakan ang puson at malakas ng umatungal ng iyak doon.

"Ang sakit ng puson ko!"

Nagtaasan ang balahibo ni Alyson nang walang anu-ano ay mabilis na nasa harapan na nila ang asawa niya. Walang pakundangang hinawi siya ni Geoff na biglang humandusay sa sahig. Tumama ang tuhod niya sa kaya naman nakangiwi niyang sinalat iyon na agad nagpasa. Sa sobrang sakit noon ay agad nanlabo ang mga mata ni Alyson. Nang i-angat niya ang paningin, nakita niya si Geoff na dinaluhan ang kabit na si Loraine.

"Anong nangyari? Anong masakit?"

"Ang puson ko, G-Geoff...ang baby natin..." d***g nito na kulang ay mamilipit na sa sakit.

Nasaksihan ni Alyson ang pagbabago doon ng hitsura ni Loraine. Ang laking pagkakaiba nito sa mukha nitong arogante at napakatapang kanina. Nilingon siya ni Loraine dahilan para makuha ang atensyon ni Geoff.

"Alyson? Ikaw na naman?" ngalit ang ngipin na wika nito, galit na ang tono.

Ilang beses ibinuka ni Alyson ang bibig upang magpaliwanag. Lalo na ng makita niyang naglapitan na ang nakikiusyusong mga staff ng shop.

"Sinadya mo bang itulak siya para gumanti? Para mawala ang anak namin? Idadamay mo pa ang bata! Alyson, naman! Gusto mo ba talagang subukan ang hangganan ng aking pasensiya?!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
grabe, bakit d mo idemanda yang mga yan.kakagigil...concubinage..lakas ng ebidensya oh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status