Agad na pumasok si Lunabella sa opisina ni propesor Macario..
Nang sandaling bumukas ang pintuan ay agad na nagliwanag ang mukha at patalong umalis ng sofa ang dalawang makukulit na bubwit. “Mama! Lumabas na rin kayo sa wakas! Akala ko po ay roon na kayo titira sa laboratoryo!” Pambungad ni Brion. “Mama, mukha na po kayong pagod na tinubuan ng tao. Upo ka po, Mama. Mamasahe-in kita!” Wika naman ni Levy at saka siya iginiya ng dalawa paupo sa sofa. Agad na ekspertong nagmasahe sa kanyang mga balikat ang malilit na kamay nito. Si Brion ay nasa paanan niya at minamasahe ang kanyang mga binti. Habang pinapanood ni Lunabella kung paano siyang asikasuhin ng mga anak ay napapasabi na lamang siya na sulit ang panenermon ng propesor. “Ang babait ninyo ngayon, ah? Bakit hindi kayo ganyan kanina nang sirain ninyo ang computer ko?” Ang malaking boses na iyon ay galing sa propesor Macario, na kasalukuyang pinapanood ang mag-iina sa likod ng kanyang malalaking monitors. Si Levy ang unang sumagot. “Kasalanan iyon ni master! Palagi na lang niyang pinapagod sa trabaho si Mama! Tingnan mo siya, nangangayayat na! Kulang na kulang na siya sa nutrisyon!” Napangiwi si Luna sa sinabi ng anak. Sumunod naman ang isa pa. “Tama! Tao lang si Mama kaya bakit mo siya pinagtatrabaho araw at gabi? Wala na siyang oras sa amin! Hindi na siya nakakatulog ng maayos! Tingnan mo ang mata, master, oh! Para na siyang eye bags na may tao at hindi na tao na may eye bags!” Hindi malaman ni Lunabella kung pagagalitan ba niya ang dalawang makukulit o kaawaan ang sarili dahil sa mga napapansin ng mga ito sa kanya? Sarkastikong tumawa si propesor Macario. “Masyado lang kayong protective sa Mama ninyo! Ngunit mga bata, iyon talaga ang gawain ng isang mananaliksik sa larangan ng medisina. Lalo na ang kasing kagaya ng inyong ina,” paliwanag pa nito. Pagkatapos nito ay bumaling siya kay Luna at nagtanong. “Siya nga pala, kumusta ang progreso ng research?” Ngumiti si Lunabella at tumango. “It's going pretty well this time, Professor. It will be sent to your computer later.” Natigil si Lunabella at napangiwi, “kumusta ang system mo ngayon? Maayos na ba?” Nagpakawala ng malalim na hininga si propesor Macario at sinuklay gamit ang mga daliri ang mahaba nitong bigote. “Isang oras na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naibabalik sa dati nitong ayos.” Naniningkit ang mata nitong tiningnan ang dalawang bulilit na seryosong binibigyan ng masahe ang kanilang ina, napaka-inosente ng mga mukha nito na hindi mo aakalaing may kapilyuhang gagawin. Ngumisi si Lunabella at marahan tinapik ang balikat ni Brion na parang walang narinig at nakatuon lang sa pagmamasahe sa binti niya. “Sige na anak, ibalik mo na sa dati ang computer ng master. Huwag ng maging pasaway, paano kung may maalagang datos ang nabura dahil sa ginawa mo?” Sumimangot si Brion at sumagot gamit ang batang boses. “Hindi mangyayari iyon, Mama. Palagi akong may backup at nagdagdag din ng maraming proteksyon kaya hindi po iyon mawawala!” sabi nito na puno ng kumpiyansa. Ngunit tumayo rin naman at pumunta sa lamesa ng propesor at ekspertong gumalaw ang sampung maliliit nitong daliri. Nagtipa ito ng sandamakmak na codes at ilang sandali pa ay nagliwanag na ang computer, bumalik na ito sa dating ayos. Habang pinapanood ito ni propesor Macario Griego ay hindi niya mapigilang mas humanga pa sa kakayahan at talento ng mga anak ni Lunabella, may pagmamalaki sa kanyang puso dahil personal niyang mag-aaral ang dalawa! Sa murang edad ay marami ng maalam na ito tungkol sa panggagamot. Interesante ito tungkol sa mga halamang gamot o iyong mga organic. Samantalang si Brion ay interesado sa mga kumplikadong numero tungkol sa teknolohiya at ngayon ay isa na itong pinakabatang hacker. Bukod dito, makikisig din ang mga mumunting prinsipe at ang mga ito rin ang nagbibigay buhay at kulay sa opisina niya dahil sa pagiging bibo ng dalawa! Kaya sa tuwing gumagawa ang mga ito ng kapilyuhan ay hindi niya magawang pagalitan, bagkus ay pinatatawag niya ang Ina ng mga ito at ito na lamang ang nakatatanggap ng sermon niya. “Propesor, pasensya na po sa kakulitan ng mga anak ko…” kagat-labing sinabi ni Lunabella nang nararamdaman na niyang papunta na sa paninermon ang propesor. Please huwag mo akong pagalitan ngayon! Tatlong araw na akong walang tulog! Kapag nakabawi na ako ng tulog ay saka mo na lang ako pagalitan! Sa nakikitang ekspresyon sa mukha ni Lunabella ay tumawa si propesor Macario. “Huwag kang mag-alala dahil hindi kita kagagalitan ngayon, bagkus ay may ipagagawa ako sa iyo.” Humalakhak muli ito. Tumango si Lunabella. “Binabalak kong umuwi na ng Pilipinas upang sana gawin ang malaking proyekto ng bansa, subalit magiging abala na ako sa mga susunod pang araw kaya naman ikaw ang inaatasan kong gumawa niyon. Uuwi ka ng Pilipinas kasama ang iyong mga anak.” Napatulala si Lunabella sa narinig. Alam niyang madalas na humihingi ng pabor ang propesor sa kanya ngunit hindi niya inaasahang sa pagkakataong ito ay iyon ang ipagagawa nito! Uuwing Pilipinas? Nang makaalis siya sa bansa anim na taon na ang nakalipas ay, pinapangako niya sa sariling hinding-hindi na siya babalik pa kahit kailan. Isa pa, wala na rin naman siyang bahay at pamilyang uuwian. Bukod doon ay napamahal na rin siya sa lugar kaya hindi na niya iniisip ang pinanggalingan. “Master…” Gusto sanang sabihin ni Lunabella na ayaw niyang umuwi. Sumabat si propesor Macario. “Alam ko, alam kong hindi mo na gustong umuwi pa sa bansang iyon. Ngunit sana ay mapag-isipan mo pa ito ng maayos. Naging kasama-kasama na kita sa pag-aaral ng medesina sa loob ng maraming taon. Kaya malakas ang kompiyansa kong ipadala ka bilang pansalamantalang substitute ko dahil alam ko ang kakayahan mo, Lunabella.” Litanya nito. “Ang bansang Pilipinas ay kailangan ang isang kagaya mo, Luna. Lalo na ang mga mahihirap na walang kakayahang pumunta sa doctor dahil sa kawalan ng maipambabayad. Kaya ang proyektong ito ay para sa mga mahihirap, para sa mga taong walang kakayahang magpagamot.” Humugot ng malalim na hininga si Luna at napalunok. Kilalang-kilala siya ng propesor, alam nitong kaya siya pumasok sa medisina dahil gusto niyang makatulong sa mga taong walang kakayahan. Kaya nahahati ang kanyang desisyon. “Batid kong nahihirapan kang magdesisyong umuwi dahil may mga tao kang iniiwasan. Ngunit anak, ilang taon na ang nakalilipas. Marami ng nagbago, malaki ka na ring pinagbago. Hindi ka na iyakin sa mga maliliit na bagay, kaya alam kong hindi ka na rin madaling maapektuhan kung sakaling…” sinadya ng propesor na bitinin ang sinasabi at pinanood ang reaksyon ni Luna. Nag-iwas ng tingin si Luna sa mapanuring mata ng propesor. Tama ang propesor. Sa paglipas ng maraming taon ay marami na rin siyang pinagdaanan at napagtagumpayan. Hindi na siya basta-bastang mapapabagsak. Anim na taon na ang nakalilipas, ikinasal na siguro ang lalaking iyon sa babaeng pinakamamahal nito. Kaya bakit siya matatakot? Humugot siya ng malalim na hininga at humarap sa propesor, sinalubong niya ang mapang-usisa nitong mga mata. “Sige po, propesor. Gagawin ko po ang sinasabi ninyo. Uuwi ako ng Pilipinas.”Lihim na inalala ng kambal ang kabuuan ng babaeng iyon at saka tahimik na ikinumpara iyon sa kanilang ina. Kahit na saang anggulo nilang tingnan, walang panama ang babaeng iyon sa kanilang ina. Talagang nagawa silang abandonahin ng kanilang ama para lang sa babaeng iyon? Napakababa naman ng standard niya!Pagkatapos ng ilang sandaling panghahamak sa walang kuwentang desisyon ng ama ay nag-angat ng tingin si Levy nang may maalala. "Momma, nabanggit po ninyo kanina na may ginawa ang babaeng iyon sa inyo? What is it?" Bakas ang kuryusidad sa boses nito nang maalala ang naging usapan ng mga ito kanina sa restaurant. Ayaw ng idamay pa ni Lunabella ang mga anak sa ganoong usapan kaya naman kalmado niya itong sinagot. "That was nothing, darling. It was about work but mommy has resolved it already." "Of course not, Mommy! It is not just nothing!" Ang pirming boses ng anak ang umigting sa tainga ni Lunabella pagkatapos niyang magsalita. "Ano po ang nangyari? Come on mommy, tell me quickly!"
Pinanood ng dalawa ang papalayong pigura ng tatlo. Nang tuluyan ng nawala sa kanilang paningin ang mga ito ay saka pa lang sila naupo sa may bandang bintana. "Ate Astra, what's going on between you and Dr. Cruz? It seems that you look like you knew each other, but your relationship seems a bit off..." Maingat na tanong ni Andrea sa babaeng kaharap. Nagngitngit ang mga ngipin ni Astra sa galit. "Of course! Sinong hindi magagalit? That damn woman is none other than, Lunabella Cruz, Benjamin's ex-stupid-wife!" Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na sanang naganap ang kanilang kasal! Edi sana hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya ngayon sa lalaki, edi sana ay siya na ang ilaw ng tahanan at nagkaroon na sila ng maraming anak, edi sana ay matagal na niyang inilibing sa lupa ang bastarda nito! Napakurap-kurap si Andrea, gulat na gulat. "Ang babaeng... Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Kuya Benjamin?"Hindi naman isang sekreto ang pagpapakasal ni Benjamin anim na taon na
Nang marinig ang sinabi ni Andrea Fuentabella, kumislap sa mga mata ni Astra Soledad ang klase-klaseng emosyon. Dahil sa pangre-reject ni Benjamin Alvarez sa kanya noong nakaraang araw at sa kaalamang nakabalik na sa bansa ang babaeng matagal na nilang kinalimutan, hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. Magmula no'n ay ginawa na niya ang lahat para lang magkaroon sila ng maayos at solidong relasyon ng lalaki. Maaga siyang nagtungo siya sa bahay ng mag-asawang Alvarez upang personal na anyayahan ang mga itong pumunta sa bahay ni Benjamin, ng sa ganoon ay mayroon siyang matibay na alas nang sa ganoon ay hindi na makatanggi pa su Benjamin sa nais nilang gawin.Ngunit sa hindi inaasahan ay nagawa pa rin siya nitong tanggihan, kung noon ay silang dalawa lang sa kanyang opisina, ngayon ay harap-harapan niya iyong ginawa sa harapan ng kanyang mga magulang. Inis na inis siyang makita ang mukha ng bastarda nito subalit wala siyang magawa, hindi siya maaaring magpakita ng kahit anong ugali
Hindi pa ganoong kapamilyar si Lunabella sa mga restaurant malapit sa kanila kaya naman tinawagan niya si Zarina upang magrekomenda, nang sa ganoon ay hindi na siya maghanap pa at diretso na lang niyang dadalhin ang mga anak doon. Kasalukuyan silang kumakain nang makatanggap si Lunabella ng mensahe galing kay Ashton Fuentabella. From Ashton Fuentabella: Dr. Cruz, makakapunta ka ba para sa treatment ni Grandpa? Nang maalala ni Lunabella na hindi pa nga pala niya naipaliwanag dito ang proseso ng gamutan at kung tuwing kailan lang ito, agad siyang nagtipa ng sagot. To Ashton Fuentabella: Good evening, Mr. Fuentabella. I apologize for not informing you as soon as possible about the process of acupuncture. I will not be treating the old man's condition tonight because his body is too weak for the continuous treatment, he has been receiving acupuncture for two consecutive days, let his body rest for a day. I will be back tomorrow. From Ashton Fuentabella: Oh, is that it? Okay,
Sandaling natigilan si Sanrico Alvarez, itinagilid niya ang kanyang ulo, pilit na sinusubukang intindihin ang sinasabi ng apo. Ngunit kahit anong isip niya, hindi niya talaga maintindihan. Brion Auxley and Leviticus Azure... Dalawang pangalan ng lalaki. Sino naman ang mga iyon? "Sweetheart, may I know who these people are and why do you want to practice their names through calligraphy?" Hindi na mapigilan ni Sanrico ang magtanong sa apo. Tinitigan ni Blueberry Lucille ang kanyang Lolo, kapagkuwan ay nagbaba siya ng tingin sa kanyang notebook at nagsulat doon; 'Friends.' Bagama't mayroon pang nais itanong si Sanrico ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig at tumango na lamang sa apo. Inutusan na lamang niya ang isang kasambahay na kumuha ng mga materyales ng kanilang gagamitin sa pagsisimula ng pag-aaral nito ng kaligrapiya. Natagpuan ni Benjamin ang kanyang ama at anak na nasa dining table, abala ang mga ito sa kung ano kaya naman lumapit siya rito at sandaling pinapano
Sa tanghali ay napagpasyahan ng mag-asawang Alvarez na roon muna manatili sa bahay ng kanilang anak nang sa ganoon ay makasama pa nila ng matagal ang apo. Nakahanap rin si Astra ng irarason para manatili rin doon. Sa hapag-kainan, panay ang pag-aasikaso ni Astra Soledad sa matatandang Alvarez. Maya't-maya niyang nilalagyan ng masustansiyang sabaw ang kani-kanilang mangkok at pinaghihimay si Blueberry Lucille ng mga hipon. Pinagsalin din niya si Benjamin ng orange juice, sa sobrang pag-aasikaso niya, hindi na siya halos makakain. "Come on, Berry, here's your favorite shrimps. Auntie peeled a lot for you because Auntie knows that little girl likes shrimps so much," mahinhin niyang sinabi, may motherly-smile na nakaguhit sa kanyang mga labi. Si Blueberry Lucille na tutok sa kanyang cereal ay isang beses lamang na sinulyapan ang platong punong-puno ng hipon at saka walang pakialam na bumalik sa pagkain. Ang kamay ni Astra na kasalukuyan pa ring nakahawak sa plato ay natigilan, naging