Share

Chapter 49

Penulis: Ethaniel Rein
last update Tanggal publikasi: 2025-03-07 19:59:33

Agad sumunod si Benjamin kay Levy nang talikuran siya nito.

Sa sandaling itapak ni Benjamin ang kanyang mga paa sa salas ng isang estrangherong bahay, hindi niya maiwasang luminga-linga.

Ito ang tahanan ng babaeng iniwan siya ng basta-basta anim na taon na ang makalilipas.

Pinilig ni Benjamin ang kanyang ulo, winawaglit ang isiping iyon. Pumunta siya rito para sa anak at wala na siyang dapat na isipin pa bukod doon.

Sa hindi kalayuang lugar ng sala ay natatanaw ni Benjamin ang batang ba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Nhor Bint Yussef Aman
paano nea hnd nalalaman hnd ba mukha ng tatay nila kambal cnung kamukha nila
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
nd man lng nya naramdaman mga anak nya cla,,,anyway salamat po sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 65

    Nang makita ang kalagayan ni Blueberry Lucille, namangha muna si Lunabella bago nakaramdam ng kirot sa puso. Kusa siyang lumuhod, niyakap ang bata, at hinaplos ang likod nito upang patahanin. Mahigpit na hinawakan ni Blueberry ang laylayan ng damit ng babae, hindi tumitigil sa pag-iyak. Nakita iyon ni Benjamin, at muling nagpakita ng kawalan ng pag-asa ang kanyang mga mata. Kanina pa sa bahay, noong siya ang ama na nag-alok ng yakap, umiiwas ang bata at hindi man lang sumagot. Ngayon, kay Lunabella naman siya lumalapit para humingi ng kalinga. O baka dahil likas na naghahanap ang bata ng pagmamahal ng ina? "Shush... Don't cry, baby. Tell Auntie what happened," malambing na sabi ni Lunabella. Hindi naman magsasalita ang bata, kaya si Benjamin na ang nagsalita. "Hindi nakita ni Blueberry Lucille ang mga anak mo sa kindergarten kanina, akala niya ay hindi na sila papasok. Umiyak siya nang umuwi at nagpumilit na pumunta rito." Bumuntong-hininga si Lunabella, naantig siya sa pagmamahal

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 64

    Kumunot ang noo ni Benjamin. Hindi niya inasahang magagalit nang ganoon ang bata.Nang marinig ang sinabi ni Auntie Jenna, tumango siya at kumatok. "Princess, open the door. Daddy wants to talk to you."May biglang bumagsak sa pinto, malakas ang tunog. Kitang-kita na ipinapakita ng bata ang kanyang pagtutol.Tumigil sandali si Benjamin, at mas malambing na nagsalita. "Baby, what do you want daddy to do? Please open the door and tell dad, let's talk it out properly. Okay?"Muli may bumagsak, mas malakas pa sa nauna.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Auntie Jenna ang bata nang ganito. Dahil sa kalagayan nito, natatakot siyang baka may mangyari masama. "Sir, pasukin na po natin. Nag-aalala na po ako..."Nag-alinlangan si Benjamin, pero tumango rin. Kinuha ni Auntie Jenna ang extra na susi at binuksan ang pinto.Pagpasok nila, nagulat sila sa gulo ng kwarto. Nagkalat ang mga paboritong manika ni Blueberry Lucille sa sahig. Sa may pinto, may ilang kahon ng music box, dalawa na rito an

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 63

    Kahit hindi kasinghusay ni Brion si Levi pagdating sa computer, may alam pa rin naman siya tungkol dito.Buong umagang walang nagagawa ang pamilya Soledad, pero bigla na lang silang kumilos at pati si Brion ay naipahiya na nila.Siguradong hindi pangkaraniwan ang taong kausap nila.At sigurado na hindi iyon galing sa pamilya Soledad.Sapat na ang isang umaga para humingi ng tulong sa iba ang pamilya Soledad."Maybe... It's from the Al Tech?" Iyon lang ang naiisip ni Levi.Kilala ang pamilya Alvarez sa galing nila sa teknolohiya.Bukod pa rito, kung talagang ang babaeng iyon ang ina ni Blueberry Lucille, walang dahilan ang pamilya Soledad na hindi humingi ng tulong sa kanila.Nang marinig iyon, kumunot ang noo ni Brion at sumimangot sa inis.Alam naman niyang ang babaeng iyon ang ina ni Blueberry Lucille pero galit pa rin siya dahil inaapi ng masamang babae ang Mommy niya, at tinutulungan pa ito ng kanyang ama!Hindi! Kailangan niyang turuan sila ng leksyon!Nang maisip iyon, kinuha ul

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 62

    Nang makita ang solusyon ng kanyang kuya, naintindihan na rin ni Brion ang nangyayari at masayang lumapit sa kanilang ina. “Mommy, mas magaan na ang pakiramdam ko! Sobrang epektibo ng gamot na binigay mo! Ikaw ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo! Idol ka po namin ni Kuya! Mahal na mahal ka namin, Mommy!” Napaiiling na lang si Lunabella dahil sa tuwa. Matapos suriin, nakita niyang wala namang kakaiba o masama sa kalagayan ng dalawang bata. Kahit nakahinga siya nang maluwag, may naramdaman pa rin siyang medyo kakaiba. “Pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko,” seryosong sabi ni Brion. Nang marinig ito, kinabahan bigla si Luna at nag-aalalang tiningnan ang anak. Ngunit narinig nilang sinabi ng munting bata sa malambing at batang tinig, “Kailangan ko lang po ng yakap ni Mommy para gumaling.” Pagkatapos magsalita, tumakbo at yumakap ito nang mahigpit sa kanya. Ngumiti si Luna at niyakap pabalik ang anak, at nawala na ang kanyang hinala. Habang yakap ang bata, sabay silang

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 61

    Nang dumating si Astra sa kompanya, nakita niya na halos buong sistema ng kompanya ay paralisado. Isang grupo ng mga empleyado ang nakatayo na may mga kakaibang ekspresyon, at ang mga empleyado ng technical department ay abalang-abala sa pag-ayos nito.Walang nakakaalam kung saan nanggaling ang virus, at kahit anong paraan ang gamitin nila, hindi nila ito malutas.Nang lumitaw si Astra Soledad, ang mga empleyado sa paligid niya ay yumuko, na parang may itinatago.Ang mga empleyado sa technical department ay mas lalong mukhang miserable."Anong nangyayari?! Kung hindi niyo kayang ayusin pagkatapos ng napakatagal na panahon, ano pang silbi niyo dito?"Lumapit si Astra sa computer at namutla ang kanyang mukha nang makita niya ang larawan sa screen.Ang tanging makikita sa screen ay dalawang cartoon characters na nag-aaway. To be exact, ang isa ay binubugbog ng isa.Ang maliit na taong binubugbog ay may nakasulat na pangalan na 'Astra Soledad' sa mukha nito, at ang mga salitang "bad woman

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 60

    Lihim na inalala ng kambal ang kabuuan ng babaeng iyon at saka tahimik na ikinumpara iyon sa kanilang ina. Kahit na saang anggulo nilang tingnan, walang panama ang babaeng iyon sa kanilang ina. Talagang nagawa silang abandonahin ng kanilang ama para lang sa babaeng iyon? Napakababa naman ng standard niya!Pagkatapos ng ilang sandaling panghahamak sa walang kuwentang desisyon ng ama ay nag-angat ng tingin si Levy nang may maalala. "Momma, nabanggit po ninyo kanina na may ginawa ang babaeng iyon sa inyo? What is it?" Bakas ang kuryusidad sa boses nito nang maalala ang naging usapan ng mga ito kanina sa restaurant. Ayaw ng idamay pa ni Lunabella ang mga anak sa ganoong usapan kaya naman kalmado niya itong sinagot. "That was nothing, darling. It was about work but mommy has resolved it already." "Of course not, Mommy! It is not just nothing!" Ang pirming boses ng anak ang umigting sa tainga ni Lunabella pagkatapos niyang magsalita. "Ano po ang nangyari? Come on mommy, tell me quickly!"

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 22

    Maingat na naupo si Benjamin sa gilid ng kulay rosas na kama ng anak. Namumukha siyang higante sa liit ng kama ng anak kahit na hindi naman, malaki ang espasyo niyon at tama lamang para sa bata. Hindi gumawa ng ingay si Benjamin at pinapanood lamang ang nag-iisang babaeng anak habang nagpipinta i

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 19

    Katahimikan ang naghari pagkatapos nilang marinig ang papalayong yabag ni Lito. Unti-unting lumuluwag ang pagkakakulong ni Benjamin kay Luna dahilan upang makahinga ng maluwag ang huli. Humugot ng malalim na hininga ang babae at saka iginala ang tingin sa paligid. Doon lamang niya napansin ang

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 15

    Nakabalik na sila sa opisina nang mapansin ni Lunabella na hindi pa rin umaalis si Euan. "May gusto ka pa bang sabihin?" Tanong niya rito. Matamang ngumiti si Euan at saka tumango ng isang beses. "Hmm... I just want to ask if you have time later tonight. Ngayon ang unang araw mo sa trabaho at m

  • AFTER DIVORCE: THE CEO'S EX-WIFE RETURNS WITH TRIPLETS    Chapter 5

    Ilang segundo pang nanatili ang malamig na tingin ni Benjamin kay Astra. Marahang kinurot ni Astra ang ilalim ng kanyang palad, kabado na baka may nabasang kahina-hinala si Benjamin sa kanyang mukha. “Siguraduhin mo lang na totoo iyang sinasabi mo, dahil hindi mo magugustuhan ang pupwede kong g

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status