Share

CHAPTER 6.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2024-12-14 06:00:04

Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento.

“Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man.

Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay.

Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga.

Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na labas ang kalahating hita niya. Bahagyan siyang nailang sa paraan ng pagtitig sa kanya ng dating asawa. Palagi naman siyang nagsusot ng ganito sa trabaho, pero kakaiba ang mga titig nito ngayon sa kanya. O, masyado lang siyang assuming.

“Nanliligaw ba sa ‘yo si Dean?” malamig ang tono na tanong ni Andrei sa kanya. Karaniwang tono sa pagitan ng isang boss at tauhan.

“Nanliligaw?” aniya sa isipan. Bakit naman ito ang nasabi ng lalaking ito sa kanya.

“Anong klaseng panliligaw ba ang ginagawa ni Dean?” dagdag pa nito.

Ngunit imbes na pansinin ang lalaki ay hinayaan na lamang niya ito dahil wala naman siyang pakialam doon.

Pagkatapos niyang ibigay ang kontrata mula sa DR Corp., ay nagpaalam na siya para umalis.

Subalit bago pa siya makaalis ay biglang tumunog ang cellphone ni Andrei. Natigilan siya sandali nang marinig niya ang boses ng lolo nito. Nagdesisyon siya na lalabas na sana sa opisina nang marinig niyang tinawag ni Andrei ang pangalan niya.

Napatingin siya sa dating asawa, at nagulat siya ang iharap nito ang camera ng cellphone sa kanya. Tila nanlamig ang katawan niya nang makita niya sa camera si Lolo Andres ang Lolo ng lalaki. Sa pamilyang Sandoval, napakabuti ng Lolo ni Andrei sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita pa para tumangi sana.

Napapitlag pa siya nang maramdaman sa tabi niya ang lalaki.

“Bakit parang hindi kayo maayos? Bakit parang nag-aaway kayo? Paano ako magkaka-apo niyan?” pabirong turan ng matanda na nakangiti.

Napaiwas ng tingin si Lyca sa camera. Pasimple niyang inilagay ang palad niya sa kanyang impis na puson. Hanggang sa mahinang nagsalita si Andrei at ramdam niyang tumama ang hininga nito sa itaas ng kanyang ulo.

“Lumapit ka sa akin,” mahinang salita nito na sapat lang na siya ang nakarinig sa sinabi. Utos iyon mula sa lalaki at hindi pakiusap.

Bahagya siyang tumingala at sinalubong ng malamig na tingin ang mga mata ni Andrei. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng sinabi nito. Na kailangan pala nilang magkunwari sa harap ng matanda.

Sumimangot si Lyca at kahit labag sa kalooban niya ay napilitan siyang mas dumikit sa tabi ng lalaki. Ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ng dating asawa.

Sa sandaling nagdikit ang mga balat nila ay ramdam niya na wala na itong epekto pa sa lalaki. Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Bagay na nagdulot ng kirot sa kanyang puso.

Ngunit muling naituon ang atensyon nila nang magsalitang muli si Lolo Andres at muling banggitin ang salitang apo.

Mahinang bumulong si Andrei sa likod ng tainga niya. “Hayaan mo na lang,” anito sa kanya.

Napapikit siya saglit sa sinabi ng lalaki. “Kung alam mo lang,” aniya sa isipan.

“Anong iniisip mo?” Ang malamig na tanong ni Andrei ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

Saglit na natigilan si Lyca at doon niya lang din napansin na tapos na palang tumawag ang Lolo nila. Saka niya lang din napansin na nakayapos pa pala siya sa braso ng lalaki at magkadikit pa rin ang mga balat nila. Kaya naman mabilis niyang kinalas ang mga kamay sa braso ng lalaki at bahagya itong itinulak at lumayo mula rito.

“Nag-iisip lang ako tungkol sa trabaho,” kaswal niyang sagot sa tanong nito kanina sabay talikod na para umalis.

Ngunit bago pa man siya makaalis ay mabilis na hinawakan ni Andrei ang kamay niya. “Gusto kang makita ni Lolo. Sumama ka sa akin pabalik sa dating bahay ngayong gabi,” walang emosyong wika ni Andrei.

Hindi na siya lumingon pa, ngunit tahimik lang siyang tumango. Alam niyang nakita iyon ng lalaki.

Pagkalabas ni Lyca, ay narinig naman niya ang malambing na boses ni Trixie na nagsalita. “Nakakainggit naman si Ate Lyca, pwede siyang umuwe sa dating bahay para makita si Lolo at kasama ka pa.”

“Ibabalik din kita sa dating bahay balang araw. Sigurado ako na magugustuhan ka ni lolo,” walang emosyon na wika ni Andrei sa malamig na tono.

Nanginig ang mga pilikmata ni Lyca dahil sa narinig niya mula sa labas matapos isara ang pinto.

Sa katunayan, simula ngayon, ang tanging makakabalik sa dating bahay ng pamilyang Sandoval ay si Trixie na at hindi na siya.

Sa sulok sa labas ng opisina ay ang Secretarial department, kung saan nagtatrabaho ang lahat ng empleyado ni Andrei na kabilang sa departamentong ito.

Nang nasa labas na siya ay narinig naman niya ang mga taong nag-uusap nang pabulong.

“Hindi ko alam kung saan kumuha ng koneksyon si Trixie. Pero palagay ko protektado siya ni Mr. CEO.”

“Narinig ko na karaniwan lang ang mga grado niya, pero nakapasok siya sa University, gamit ang kanyang art major. Sa huli hindi malabong malalampasan pa tayo ng estudyanteng ito.”

Ang posisyon na inuupuan ni Trixie ay napili matapos dumaan sa maraming pagsusulit para sa sekretarya at sa ilang bilyong dolyar na mga kontrata bago siya naging punong sekretarya.

Paano naging kwalipikado si Trixie?

"Siya ang kasintahan ni Mr. CEO. Wala tayong magagawa tungkol doon!"

Paulit-ulit na nagtawanan ang lahat ng tao sa secretarial department.

"Si Lyca ay nakakabigo rin. Kahit pa may hitsura siya, hindi pa rin niya nakuha ang loob ni Mr. CEO, at naakit pa ng isang baguhan.”

Hindi niya alam kung sino ang nagsabi nito sa pagkadismaya.

Tumigil si Lyca, sinadya niyang kunin ang kanyang cellphone at taasan ang boses. Nagbigay rin ito ng pagkakataon sa mga taga secretarial department na mag-isip at tumigil sa kanilang usapan.

Biglang natahimik ang departamento ng sekretarya nang makita siya.

"Hello, Manager Lopez." lahat ay bumati sa kanya.

Ngumiti siya ng bahagya at iniwan ang isang makahulugang pahayag bago umalis.

"Kahit gaano pa karaming pagkukulang ang meron siya, dapat ninyong malaman kung sino ang nasa likod niya. Pinaghirapan niyang makuha ang posisyong ito, pero dahil sa ilang bagay na hindi niya alam ay nagkakamali siya. Ang dapat niyong gawin ay mag focus na lamang sa mga trabaho niyo at huwag sa buhay ng iba,” may diing wika ni Lyca.

Iyon lang ang sinabi niya. Wala nang dapat pang ibang ipaliwanag.

Lalo namang natahimik ang secretarial department.

May biglang tumingin ng masama sa isa at sinabing, "Tumahimik ka na!"

Pagbalik sa project team, pinangunahan ni Lyca, ang unang internal meeting.

Habang nasa kasagsagan ng talakayan at napagdesisyunan na ang susunod na hakbang sa mga layunin ng kooperasyon, biglang binuksan ang pinto ng conference room. Basta na lang itong binuksan nang walang kaalaman sa mga patakaran.

Natigil ang pulong. Lahat ng mata ay nakatuon sa lalaking nasa pintuan.

Ang taong dumating ay walang iba kundi si Trixie. Ang "bagong paborito" ni Andrei. Na ayon sa balita, ang sekretaryang umangat sa posisyon dahil sa kanyang kanilang boss.

Kalmado lamang si Lyca habang pinatay ang projector. Itinaas niya ang kilay na parang walang pakialam, at ibinaling ang tingin sa security guard na nakabantay sa pintuan ng meeting room.

"Sino ang nagsabi sa iyo na papasukin siya? Kailangan ko bang ipaalala na ito ay isang project team meeting? O, kung may masiwalat na kumpidensyal na impormasyon, kaya mo bang akuin ang pananagutan?" hindi mapigilang asik ni Lyca rito dahil sa pagkadismaya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nancy Lagrosa
ginaya mo ung story ng isang novel din dito,iniba mo lng ung mga pangalan,wala ka bang originality?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.2

    "Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.1

    Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.2

    "Ito ang holographic na impormasyon na iniwan ng iyong ina," sagot ni Lolo Andres kay Lyca. Humugot nanag malalim na buntong hininga si Lolo Andres bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napakatalino at isang kahanga-hangang babae ng iyong ina Lyca. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay isinama siya ng iyong lolo na dumalo sa isang financial summit sa ibang bansa. Noong mga panahon na iyon ay pinag-uusapan na sa ibang bansa ang mga paksa na may kinalaman sa holographic networks. Nahulaan ng iyong ina na magkakaroon ng isang rebolusyon sa impormasyon sa hinaharap,” Napanganga si Lyca sa narinig niya mula sa matanda. "Pagbalik ng iyong ina sa bansa ay nagsimula siyang mag-organisa ng isang koponan upang magsagawa ng holographic research. Ngunit ang holographic research ay masyado nang advanced at tumatama sa maraming tradisyunal na industriya. Kapag lumitaw ang mga hologram na ito ay tuluya nang babagsak ang kasalukuyang network information. At ang lahat ng mga kumpanya na may kinalaman

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.1

    Tila sinasadya naman ni Dean na bitawan ang mga salitang iyon kay Cristy. Gusto kasi niyang siguraduhin na hindi na nito muling babanggitin pa si Andrei kay Lyca. They both know na hindi madaling kausap ang pamilya Bautista, ngunit hindi rin biro banggain ang pamilya Sandoval. Hindi lamang para kay Cristy ang mga salitang iyon ni Dean, kundi para rin marinig ito nina lolo Andres at Andrei. Hindi hahayaan ni Dean na basta-basta na lamang lalapitan ng ibang myembro ng pamilya Bautista si Lyca. At syempre, kailangan din ng pamilya Sandoval na magkaroon ng kahit konting kamalayan. Si Cristy na dati ay palasagot at magaling magsalita, ay natahimik na lang ngayon. Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si Arthur at tumabi ito sa kanyang anak na si Cristy habang may ngiti sa labi, saka nagpaliwanag. "Pasensya na Mr. Dean. Si Cristy ay medyo bata pa at minsan ay padalos-dalos pa sa kanyang mga sinasabi. Wala siyang masamang intensyon kaya sana ay huwag niyo na lang syang pansinin pa,"

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 99.2

    “Napakaganda naman ng kwintas na iyan at bagay na bagay talaga iyan sa’yo,” nakangiti naman na sagot ni Lyca sa dalaga. Pagkasabi naman noon ni Lyca ay masaya naman na bumalik si Cristy sa kanyang sports car. Iniabot naman ng kanyang ama na si Arthur ang kanyang high heels na sandals. Isinuot nya kaagad itohabang may ngiti sa labi. Pinagmamasdan naman ni Arthur ang kanyang anak na si Cristy dahil mukhang masayang-masaya nga ito. “Cristy, malapit ka ba kay Lyca?” kaswal na tanong ni Arthur sa kanyang anak. “Syempre naman po. Si ate Lyca po ang tumulong sa akin noon sa graduation project at sa mga thesis ko, siya ang nag-guide. Para na rin siyang mentor ko,” nakangiti pa na sagot ni Cristy a kanyang ama na puno pagmamalaki. Muling napatingin si Cristy sa ate Lyca nya at saka sya kumaway rito. “Sister-in-law halika rito, dali!” sigaw ni Cristy. Paulit-ulit na tinatawag ni Cristy si Lyca ng sister-in-law na para bang wala siyang pakialam sa presensya ni Dean na nasa tabi lamang ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status