Share

CHAPTER 7.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2024-12-14 06:16:49

Nanigas ang katawan ng guwardiya, at nang magbalik siya sa ulirat, balak na sana niyang paalisin si Trixie mula sa silid-pulong. Ngunit mabilis na pumasok si Trixie sa loob ng silid at agad lumapit kay Lyca.

"Ate, hindi mo dapat gawin ito sa akin,” ani ni Trixie.

Ate? Nagpapatawa ba ang babaeng ito? Napakahusay naman ng pag-arte niya para magmukhang inosente at kawawa habang tinatawag siyang "ate."

"Trixie, sa pagkakaalam ko. Ako lang ang nag-iisang anak ng aking ina. Hindi ako karapat-dapat tawagin mong kapatid,” walang bakas ng emosyon sa mukha na saad ni Lyca. "Ngayon ay nakikita mong may meeting ako with project team. Kaya secretary Trixie, kung wala kang mahalagang sasabihin, maaaring umalis ka na at huwag kaming gambalain sa trabaho."

"Ate, hindi ako naparito para manggulo. Nandito lang ako para humingi ng tawad!" pagmamatigas ni Trixie at tumangging umalis.

Marahang napabuntong hininga si Lyca. “Hindi mo ba nakikita na busy ako ngayon Trixie? May meeting kami at wala akong oras para diyan sa kahibangan mo!” Hindi napigilan ni Lyca na taasan ng boses ang kapatid dahil sa inis niya rito.

Trixie was stunned for a moment, her eyes fell on the figure of the man standing outside the door. Sa mga sumunod na segundo, bigla na lang nag-iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Natulala siya, at namumula ang kanyang mga mata, at unti-unting pumatak ang mga luha.

Humihikbi si Trixie sa harapan niya. At nagulantang pa si Lyca dahil mula sa mahinang hikbi ay lalong lumakas ang pag-iyak ng kaniyang kapatid. "Ate Lyca, gusto ko lang talaga humingi ng tawad. Wala akong masamang intensyon sa ‘yo. Puwede bang tigilan mo na ang pagsasabi ng mga masasakit na salita sa akin at tigilan mo na ang paninira mo sa akin,” hagulhol na pag-iyak ni Trixie sa kaniyang harapan. “Magkatrabaho tayo rito sa Sandoval’s company. I just don’t want to make things difficult for Andrei. Ate, hindi mo ba talaga kayang magbigay-daan kahit konti?"

Malamig ang mga tingin na tinitigan ni Lyca ang kapatid. "Sekretarya Trixie, nasa trabaho tayo. Kaya pwede bang huwag mo siyang tawagin sa first name basis lang! Hindi maganda ang ipinapakita mong ganyang pag-uugali, especially since we are inside the company’s premises. At hindi mo ba alam na dahil diyan sa ginagawa mo ay maaaring maapektuhan si Mr. CEO. Baka isipin pa ng ibang mga empleyado na hindi kayang paghiwalayin ni President Sandoval ang private at public affairs, at iyon ang magpapahirap sa kanya,” mahabang lintaya ni Lyca sa malamig na boses.

"That’s enough!" Suddenly a man’s deep voice came from outside the door..

Napalingon ang lahat sa dumagundong na boses ng isang lalaki. Ito ay walang iba kundi ang CEO ng kompanya, si President Sandoval.

Kaya ganun na lang ang inis na nararamdaman ngayon ni Lyca para sa kanyang kapatid. Napagtanto niya na umaarte lamang ito sa harapan nilang lahat. Umaakto na kaawa-awa para palaging kaawaan.

"Mr. CEO, this is the meeting of the project team, and not the president’s office and the secretarial department,” baling ni Lyca kay Andrei.

Lyca was playing the USB flash drive in her hand with a faint smile on her lips. “Oh, Mr. CEO, is there anything that needs secretary Trixie to tell you about?” She seemed to be giving Trixie a way out, but Trixie immediately grabbed the step.

"Yes, it was Andrei who asked me to come and give instructions!” malakas na sabat ni Trixie.

Napangisi si Lyca saka nagsalita. "Then may I ask, what kind of work does secretary Trixie, want to ask me to do?” tanong ni Lyca na may mapaglarong ngisi sa mga labi.

Bihira siyang ngumiti, pero sa sandaling iyon, tila naging mas maliwanag ang kanyang malamig na mukha. She leaned against the window, the grey curtains on the window frame fluttering in the breeze, making her look even more graceful under the soft light.

“Sasabihin mo ba sa akin ang tungkol sa kooperasyon sa Rivera Pharmaceutical o ang Montero Construction Company?" taas ang isang kilay na tanong ni Lyca sa babae.

Napatigil si Trixie at nag-alinlangan bago sumagot: "Parehas,” tila hindi siguradong sagot ng babae.

Lalong lumalim ang ngiti ni Lyca. Sa sagot ngayon ni Trixie ay alam na alam niyang nagsisinungaling ito. "Walang Rivara Pharmaceutical sa pilipinas, at ang Montero Construction Company naman ay may maruming kasaysayan sa Sandoval family noon. Sila ay mag-kaaway, at hindi magkaibigan, kaya't walang posibilidad ng kooperasyon sa pagitan ng bawat panig,” paliwanag ni Lyca na may nakapaskil na ngiti sa labi.

"Sekretarya Trixie, hindi mo ba alam ang isang bagay na alam mismo maging ng mga guwardiya ng Sandoval Company?" Nang-uuyam na tanong ni Lyca kay Trixie.

Napayuko naman ng ulo si Trixie dahil sa pamumula ng kanyang mukha dahil sa hiya.

"Bilang dating sekretarya ni Mr. CEO, hindi mo alam ang tungkol sa mga pangunahing impormasyon. Secretary Trixie, dapat mas binibigyang pansin mo ang pag-aaral sa kompanya instead of focusing on building relationships with sisters and sisters.

Her words were brutally blunt. Parang sampal sa mukha ni Trixie, ang mga salitang binitawan ni Lyca sa kanya.

Napadako ang tingin ni Lyca kay Andrei. Nagtama ang mga mata nila sa isa’t-isa. The man’s eyes were dark ang deep, filled with coldness.

Inalis niya ang kanyang tingin sa lalaki at ibinaling ang tingin sa mga kasamahan sa loob ng conference room. “Today’s meeting is suspended for some reason. May ibang bagay pa akong dapat asikasuhin. Mr. CEO, please feel free to do as you please.

Bahagya siyang tumango at hindi na muling tiningnan ang ekspresyon ng lalaki.

Tiningnan niya lamang ang lahat ng miyembro ng project team at tinanguan ang mga ito bago umalis.

Tila nakuha naman nila ang pahiwatig niya, kaya't mabilis na nagsitayuan ang lahat at nagmamadaling umalis.

Sa loob nang malaking conference room, tanging sina Andrei at Trixie na lang ang naiwan.

Namumula pa rin ang mga mata ni Trixie sa sama ng loob, habang patuloy pa ring humihikbi at may panginginig ang kanyang boses na nagsalita.

"Andrei, talagang gusto ko lang humingi ng tawad, at wala akong masamang intensyon kay Ate lyca, pero bakit hindi niya ako maintindihan,” humihikbing sambit ni Trixie kay Andrei.

Hindi mapigilan ni Andrei na mahabag sa nakikitang anyo ng dalaga habang umiiyak. Humakbang siya palapit sa babae at pinunasan ang nga luha nito. Banayad ang kanyang galaw habang ginagawa iyon. "Huwag mo na lang siyang pansinin,” saad ni Andrei at sandaling tumigil ang lalaki ngunit nagsalita pa rin. "Hindi mo kailangang pumunta sa project team kung wala kang mahalagang gagawin. Nariyan naman si Jackie, pwede mo siyang utusan na pumunta sa project team kapag may kailangan ka sa kanila,” wika ni Andrei.

Hindi naman na nagsalita si Trixie matapos niyang tumango sa lalaki.

---

Umalis si Lyca sa meeting room at bago siya bumalik sa kanyang opisina, ay nakita niya ang isang delivery man mula sa di kalayuan.

Ang delivery man ay matangkad, at guwapo. Nang makita siya, ay agad itong lumapit ng may ngiti sa labi.

"Excuse me, Ma’am. Are you, Miss Lopez? Narito po pala ang blue daisy flowers at necklace na ipinadala sa inyo ni Mr. Dean Bautista,” aniya ng delivery man.

Dahil sa sinabi ng delivery man ay mabilis na napatingin ang mga ibang empleyado sa gawi nila upang makiusyuso kung sino ang nagpadala ng regalo sa kanya.

Isang malaking bungkos ng Blue daisy flower ang nasa harap nila, at sa ilalim ng maliwanag at malambot na ilaw, tila kumikislap ito sa liwanag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 105.2

    Tiningnan naman ni Lyca si Dean at nagtagpo nga ang kanilang mga mata. Nakita ni Lyca na bahagyang nakangiti ang binata. “Dean, gusto mo na naman akong takutin,” sabi ni Lyca sa binata. Kanina pa kasi gising si Dean, pero sa halip na alalahanin nito ang sariling kalagayan ay mas inuna pa nitong sinabi sa kanya ang tungkol sa mga impormasyon ng kanyang ina na si Helen na wala raw ibang makakuha niyon hanggat hawak nito. Mahina naman na natawa si Dean dahil sa sinabi na iyon ni Lyca at kahit na namumutla pa ito ay nagawa pa talaga nitong tumawa. Ngunit bago pa man makapagsalita si Dean ay hinawakan na ni Lyca ang kanyang mukha at saka nito dinampian ng magaan na halik ang gilid ng labi ng binata. Nagulat si Dean sa ginawa na iyon ni Lyca at katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa sa loob ng hospital room. Medyo nalalasahan pa ni Lyca tamis ng labi ni Dean. Lumapit pa siya rito at naamoy niya ang dugo at ang amoy ng gamot sa katawan ni Dean. “Lyca, hindi pa nawawala ang epekto

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 105.1

    Pagkatapos na magsalita ni Lyca ay agad na rin siyang sumakay sa sasakyan ni Kyrie. Nakasunod naman si Kyrie sa kanya at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tanging sila lang na dalawa ni Kyrie ang nasa loob ng sasakyan. “Yca, ang tindi mo,” mahinahong sabi ni Kyrie kay Lyca habang dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Kahit hindi magsalita si Lyca, alam na niya kung saan ito pupunga—sa ospital para bisitahin si Dean. Nanatiling walang imik si Lyca at hinaplos ang hibla ng kanyang buhok sa noo. Naalala niya na noong kasama pa niya si Dean ay palagi nitong inaayos at hinahaplos ang buhok niya sa punong tainga niya. Bahagyang bumigat ang pakiramdam ni Lyca. Naalala na naman kasi niya ang itsura ni Dean na nakahandusay habang duguan, kaya muli may kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang mabilis at malakas na pagkabog ng kanyang puso. "Kuya," mahinang tawag ni Lyca kay Kyrie. "Kung ikaw at si Chris ang pinaslang ng mga taong iyon a

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 104.2

    “Ms. Lyca ito po ba ang bagong sasakyan na dinivelop nyo?” tanong ng assistant ni Dean kay Lyca at hindi nito napigilan ang sarili na pumalakpak. Bakas ang paghanga sa anyo nito. "Ang sasakyan na ito ay dinevelop lamang upang subukan ang performance nito. Kakailanganin pa itong i-optimize nang maraming beses sa hinaharap," sagot ni Lyca rito. Naglakad siyapalapit sa sasakyan na halos mawasak na. “Anton, ano’ng pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Lyca habang tinitingnan nga niya si Anton na may umaagos na dugo mula sa noo nito. Bigla namang pinanghinaan ng loob si Anton. Agad na namaluktot ang katawan ni Anton na parang bata. Labis pa rin ang takot sa anyo nito. Totoo ngang dahil sa malubha niyang sakit at ang katotohanan na hindi na siya magtatagal sa mundo kaya naisipan niyang saktan si Dean nang walang alinlangan. Tumanggap siya nang malaking halaga mula kay Arthur para mayroon nga siyang maiiwan sa kanyang pamilya kapag namatay siya. Ngunit ang pakiramdam na paramg mamamatay ka

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 104.1

    “Kulang pa nga ito eh di ba? Hindi pa ito sapat,” sabi ni Lyca habang nakakuyom nga ang kanyang kamay. Muli niyang kinuha ang remote control at pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track. “Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Anton. Ngunit tila bingi na walang naririnig si Lyca at nanatili pa rin sa walang emosyon ang kanyang mukha. “Yca, tama na,” ulit-ulit na saway ni Kyrie kay Lyca at hinawakan siya sa pulsohan, pilit na pinapakalma. Pero hindi siya nagpatinag sa pagpipigil ni Kyrie sa kanya kahit pa kayang-kaya siya nitong pwersahing pigilan. Mariin pa rin niyang hinawakan ang remote control ng sasakyan na iyon. “Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Lyca na puno ng kalamigan sa boses. “Kung nagawa niyang gawin ang ganoong bagay, ibig sabihin, ay wala siyang pakialam sa buhay ni Dean. Na wala itong halaga. Kaya bakit ko naman siya kaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Lyca. Tumingin naman si Lyca sa gawi kung nasaan ang sasakyan at

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.2

    “Yca, masyado nang mabilis ang takbo ng kotse! Itigil mo na ‘yan!” awat ni Kyrie pero tila bingi lang si Lyca na walang naririnig. “Paano magiging mabilis ‘yan? Kung totoong sira ang sasakyan, hindi ‘yan makakatakbo nang ganito kabilis.” Yumuko si Lyca at tiningnan ang remote control. “Ang susunod na kailangang subukan ay kung ligtas ba ito sa banggaan.” Walang emosyon sa mukha ni Lyca habang patuloy na pinapatakbo nang mabilis ang kotse. Bigla niya itong ibinangga sa pader. “Lyca, tama na!” malakas na sigaw ni Kyrie kay Lyca para sawayin ito sa ginagawa. Hindi na siya nakapagtimpi dahil pakiramdam niya nawawala na ito sa katinuan. Sandaling huminto ang sasakyan. Pero saglit lang pala iyon at muli na naman ito pinatakbo nang mabilis ni Lyca at ibinangga muli sa pader. Samantala, pinagpapawisan na si Kyrie dahil sa kabang nararamdaman niya. Wala kasi atang balak na makinig sa kanya si Lyca. Wala siyang ideya kung buhay pa ba ang driver na nasa loob ng sasakyang minamani-obra n

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 103.1

    Wala ni anumang emosyon na makikita sa mga mata ni Lyca. Tahimik lang niyang nyang tiningnan ang lalaking nakahandusay sa lupa at sumisigaw. Kinuha ni Lyca ang kanyang cellphone at saka nya idinial ang number ni Chris. Bago pa man makapagsalita si Chris mula sa kabilang linya ay nauna na si Lyca na nagsalita. Hindi pa man ito nakakasagot sa kabilang linya ay pinutol na rin niya ang tawag. Muling tinapunan ng tingin ni Lyca ang driver na si Anton Castillo na patuloy pa rin sa pagpupumilit na makawala. “Fine! Kung ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin,” saad ni Lyca. Pumalakpak siya at mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. “You know what? Kakadevelop ko lang ng bagong sasakyan, pero hindi pa ito natetest. Siguro aabutin pa ito ng ilang taon bago ito opusyal na mailabas sa merkado,” aniya at seryoso ang mga matang tinitigan si Anton. “Naisip ko na driver ka naman, kaya bakit hindi mo ako tulungang subukan kung puwede na ba itong patakbuhin sa kalsada?” saad pa ni Lyca. Biglang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status