Share

Chapter 52

MALUNGKOT na tinanaw ni Agatha ang malawak na hardin ng Villa. Tila nakikisimpatiya sa kaniya ang malamlam na liwanag ng mga bombilyang naroon. Humugot ng malalim na hangin si Agatha, yaman at karangyaan, impluwensya at kapangyarihan. Ano pang kulang sa kaniya bilang Agatha Buenamente Mondragon?

Ipinag-utos niya kina Tristan na hayaan muna siyang mapag-isa sa veranda. Gusto niyang mag-isip. Huminga mula sa nakalulunod na estado ng buhay. Tama ang kaniyang Papa, walang silbi ang kayamanan kapag binawi na ng Lumikha ang hiram na buhay.

Pinahid ni Agatha ang namalisbis na luha sa pisnge. Huling pagluha niya na ito, ipinangangako niya sa sarili. Ang matinding kalungkutan dahil sa pagkawala ng ama ay tila pumipiga ng kaniyang damdamin. Ipinakita niya ang katatagan niya sa lahat bilang Mondragon ngunit ang totoong naramdaman bilang Buenamente, hindi.

"Umiiyak din pala ang isang Agatha Mondragon?" Tinig mula sa kaniyang likuran. Awtomatikong napalingon si Agatha. Nagkasalubungan ang mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status