Share

CHAPTER 8

Author: Ad Sesa
last update Huling Na-update: 2023-12-13 21:35:45
“So, paano maiwan na kita? Ikaw na ang bahala rito, Leia?”

Buo man na ang loob ni Leia na magtatrabaho pa rin sa bahay ni Kenneth sa kabila ng nasaksihan niyang hilig sa babae ng binata ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiwi sa kaisipang kapag wala na si Pressy ay sila na lang dalawa sa malaking bahay na iyon.

Kinakabahan siya na hindi niya mawari.

“Leia…” Idinantay ni Pressy ang kamay nito sa kaniyang balikat. “Relax lang. Hindi ka maaano rito. Safe na safe ka sa bahay na ito, okay?” at assurance na naman nito sa kaniya.

“Aaminin ko naiilang pa rin ako, Pressy. Bakit naman kasi siya pa ang nabangga ko ang pinsan mo? Nakakahiya.”

Bahagyang natawa ang kaibigan. “Ang tawag doon ay ang small talaga ng world.”

Napalabi na lang siya’t napangiti.

“So, paano aalis na ako?”

Tumango siya sa kaibigan at inihatid niya ito sa labas. Nang wala na si Pressy ay inabala na nga niya agad ang sarili sa paglilinis ng bahay. Ipinagpasalamat niya na nasa silid si Kenneth. Kanina’y agad na nagpaalam sa ka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • AKALA KO AY LANGIT   SPECIAL CHAPTER

    “Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.Buong akala ni Leia ay magdi-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kaniya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.Natawa si Bryle dahil ang cute ng kaniyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagm

  • AKALA KO AY LANGIT   LAST CHAPTER

    "Bryle…" sa una ay mahinang sambit ni Leia sa pangalan ng asawang matagal na niyang nais makita. Ilang sandali na hindi siya huminga. Hanggang sa rumagasa ang mga luha niya sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating nga si Bryle at makikita niya itong muli." Bryle!" mayamaya ay malakas na niyang tawag sa asawa nang mahimasmasan siya. Akmang papaikutin na niya ang gulong ng wheelchair at susugurin niya ito ng yakap, pero marahas na hinablot ni Kenneth ang kaniyang isang braso.“Dito ka lang!” galit na singhal nito sa kaniya."Bitawan ko ako, Kenneth!" Umiiyak niyang lingon sa isa pang asawa, sa demonyong nagpapanggap niyang asawa.“Hindi ka maaaring lumapit sa kaniya!” nagtatagis ang bagang na babala ni Kenneth.Gawa niyon, sa nakitang walang ingat na paghawak ni Kenneth sa asawa ay lalong nakuyom ni Bryle ang dalawang kamao niya. Gustong-gusto niya agad na ipagsusuntok sa mukha ni Kenneth. Kumpirmado, sinasaktan nga ng g*go ang kaniyang asawa.“Who are you?! Why are you causing

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 81

    “Bakit ang tagal nina Alab?” Pabalik-balik ang lakad ni Bryle habang naghihinatay sa bayan ng San Lazaro kung saan ay sinabi sa kanila ni Alab na maghihintay sila.“Hindi ko alam,” sabi naman ni Sarina. “Pero wala ka namang dapat ipag-alala dahil kahit makasal sina Kenneth at Leia ay hindi pa rin iyon magiging ligal dahil kasal sa iyo si Leia, tapos peke pa malamang ang mga dokumentong ipinakita ni Kenneth.”Nahimas ni Bryle ang kanyang bunganga. “Kahit na. Masakit pa rin sa akin kung maihaharap ni Kenneth si Leia sa altar. Parang natalo pa rin niya ako kapag gano’n.”“Mahalaga pa ba iyon? Ang pride mo kaysa ang kaisipang mababawi mo ang mag-ina mo? Iyon lang naman ang mahalaga rito, ang mabawi sila at mailayo sa kapahamakan, hindi ba?”Napabuntong-hininga si Bryle. Hindi na siya nagkomento. Nahimas-himas na lamang niya ang kanyang noo at pinilit na habaan pa ang pasensya.Tama naman si Sarina.SAMANTALA…"Dumating na ang bride, Boss," bulong ng isang tauhan kay Kenneth. Ngumisi si Ken

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 80

    ANG NAKARAAN…“Aalis kayo dito sa San Lazaro?” tanong ni Kenneth kay Katia. “Oo. Doon na kami mag-aaral ng college ni Alab sa Maynila. Nakapasa kasi kami sa isang scholarship na inaplayan namin at sagot lahat ng foundation ang gagastusin namin kahit na doon kami mag-aral,” sagot ng mahinhing dalaga. Nasa silong sila noon ng punong mangga. Dinalaw niya noon ito dahil sa balitang iyon. Hindi siya nakatiis. “Ang unfair naman yata.” At hindi rin niya gusto na aalis ang dalaga tapos kasama pa ang itinuturing niyang karibal.Maang na napatingin sa kaniya si Katia. “Ano naman ang unfair doon? Hindi ka ba masaya na makapag-aaral ako?” “Masaya ako na nakapasok ka sa scholarship. Ang hindi ako masaya ay ang aalis ka at kasama mo pa si Alab, Katia,” pag-amin niya.“Bakit naman? Boyfriend ko si Alab, Kenneth, kaya walang masama.” “Pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?” “Boyfriend? Ano’ng pinagsasabi mo, Kenneth? Hindi kita boyfriend.” Napaismid siya dahil nasaktan siya. “Boyfriend mo ako da

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 79

    "Hayup ka! Ano’ng ginawa mo kay Bryle?! Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Ano ang ginawa mo sa pamilya namin?! Ano ang kasalanan namin sa ‘yo at ginulo mo kami ng ganito?! Ano?!" Nagwala na ng tuluyan si Leia. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Binayo-bayo niya ang dibdib ni Kenneth. Nauunawaan na niya ang lahat. Malinaw na malinaw na talaga sa kaniya na niloko lamang siya ng binata, na pinaniwala lang siya nitong iniwan sila ni Bryle pero ang totoo ay hindi. Ang totoo ay ginamit ni Kenneth ang sitwasyon nila, ang kawalan nila ng pera na mag-asawa.Sinenyasan ni Kenneth ang isang tauhan nito. Agad iyong sumunod. Lumapit ito kay Aling Linda.“Ano’ng gagawin mo?!” sindak ang ginang."Mama!" hiyaw ng batang si Lacey. Walang anu-anong kinuha kasi ito ng lalaki mula kay Aling Linda."Bitawan mo ang apo ko!" protesta ni Aling Linda. Ayaw nitong ibigay ang apo. Sa kasamaang palad isang suntok sa sikmura ang ginawa dito ng isa pang tauhan ni Kenneth kaya agad na nawalan ng lakas at namilipit

  • AKALA KO AY LANGIT   CHAPTER 78

    "Bakit ba kasi ang layo ng bahay niyo sa bahay ng Fontallan?" hindi na makapaghintay si Bryle na tanong ulit niya kay Sarina. Halos paliparin na talaga niya ang sasakyan marating lang nila sana agad ang mansyon nina Kenneth."Syempre noong ibinahay ako ni Dionisio ay pinili talaga niya na sa malayo para hindi kami magtagpo ng asawa niyang pangit."Napalatak siya at lalo pang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Kumapit ka!" tapos ay anito sa dalaga."Dahan-dahan kundi baka tayo naman ang mabangga nito. Baka sa ginagawa mong pagmamadali ay lalong hindi mo na makikita ang asawa mo kasi tigok na tayo," nakaingos na paalala ni Sarina sa kaniya. Sinulyapan nito ang pambisig na orasan. “Don’t worry, maaga pa naman. Baka naghahanda pa lang sila ngayon.”Sa kasamaang palad ay tila ba wala nang naririnig sa sandaling iyon si Bryle. Kontrolado naman niya ang manibela kaya alam niyang hindi sila maaksidente. Isa pa ay hindi niya hahayaang maaksidente sila dahil kailangan siya ngayon ni Leia. Ili

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status