Parang batingaw sa simbahan na dumagundong sa pandinig niya ang tanong na iyon ni Dmitri. Umilap ang kanyang mga mata. Siya, magseselos? Bakit siya magseselos sa mukhang belyas na iyon na ipinaglihi ata sa sawa at may lahing tuko? Kung makapangunyapit talo pa ang linta na gustong sumipsip ng dugo. Alam niyang hindi magandang manlait ng kapwa, pero husme hindi niya mapigilan. She can't contain her annoyance. Sa tuwing maiisip na si Lita at Dmitri sa isang mainit na tagpo sa madilim na apat na sulok ng silid ay talaga namang tinutubuan siya ng sungay. Kulang na nga lang ay manakit siya. Kulang na lang ay sakalin niya si Dmitri sa mga oras na iyon. Girl pangitang-pangita ang pagseselos mo. Naninibugho ka 'wa ka naman "K" as in karapatan, bulong ng isang bahagi ng isip niya. Mabilis siyang umiling nungkang aminin niya iyon sa lalaki. Para ano? Pagtawanan siya nito at ni Lita? "Hell, no!" Tinabig niya ang braso ni Dmitri at marahang itinulak upang makawala sa pagkakakul
“Narito lang ako." Anang boses na nagpalingon kay Rose. Naaninag niya sa dilim ang bulto ni Dimitri. Naninigarilyo ang lalaki at nakaupo sa bangkong kawayan habang nakasandal sa may pader ng bahay nito. Nang maramdaman niyang tahimik at wala nang paggalaw sa sala ay nagsimula siyang kabahan. Agad siyang lumabas ng kwarto, tahimik at malinis na sa kusina ngunit wala ang lalaki. Mabilis niyang tinungo ang pinto palabas. At dahil inaatake na naman ng nerbiyos ay hindi niya napansing nasa tabi lang pala ang binata. Marahil ay nagpapatunaw ng kinain o nagpapahangin. Humakbang siya pabalik, gumaan ang loob at naglaho ang takot. Kanina sa silid ay tumaas-baba ang dibdib niya sa samu't saring emosyon na naramdaman. Nagpapadyak siya na parang bata, nakakatawa. Tunay na naiwala niya ang composure. Oo, aminado na siya. Nagseselos talaga siya kay Lita. Para siyang bata na inaagawan ng paboritong laruan sa unang pagkakataon. Laruan? Ang laruan ay maaari mong ipahiram o ipamaha
🌹Chapter Seventeen 🌹Naikuyom ni Dmitri ang mga palad. Napapamura. Inaamin niyang hindi niya naawat ang sarili kanina. Normal na madismaya si Rose dahil lumalabas na pinaglalaruan niya ang damdamin nito. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na may nagbago na sa pagtinging inuukol ng dalaga para sa kanya. Alam niyang nagseselos ito kay Lita. At sa mga nangyari itong gabi ay naging mas malinaw sa kanya ang lahat. May pagtingin ang dalaga sa kanya, damang-dama niya iyon. Maging siya ay may espesyal na pagtangi sa babae. Naramdaman niya iyon sa unang pagtama pa lamang ng kanilang mga mata. Ngunit wala siyang plano na palawigin ang nararamdaman. Kaya hinayaan niya itong paniwalain ang sarili na may namamagitan sa kanila ni Lita. Hindi niya hahayaang buwagin ng bumabangong damdamin ang matigas na pader na itinanim niya sa kanyang puso. Dahil wala itong lulugaran sa madilim na bahagi ng pagkatao niya. Hindi siya kapat-dapat sa pag-ibig ni Rose. Mula sa
🌹Chapter Eighteen🌹Ingay nang papaalis na sasakyan ang huling maririnig mula sa labas. Naiwan si Barok at dalawa pa nitong kasama upang siyang tumapos sa trabahong iniatas ni Horan. Itinutok ni Barok ang hawak na baril sa sentido ni Rose. Awtomatikong naipinid ng dalaga ang mga mata at tila inantay na lamang na pumutok iyon. Nangatal ito sa takot. Tuluyang pinanghinaan ng loob. Naikuyom naman ni Dmitri ang mga kamao. Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Kulang na lang ay takbuhin nito si Barok at balian ng leeg ura-mismo. "Ibaba mo ang iyong armas, Barok. Tinatakot mo siya." Naroon ang diin sa mga salita niya sa kabila ng lupaypay na s'ya at duguan. "P...tang na ka Dmitri! Pinatay mo ang aking kapatid sa pagnanais lamang na masolo ang babaing ito." ang gigil na wika ng bandidong si Barok. Inilapit ng lalaki ang labi sa punong tenga ng dalaga at malisyosong dinilaan ito roon. Napakislot si Rose sa pandidiri kaya't pilit na inilalayo ang sarili sa tulisan. Sa kabila niyon ay
Humigit kumulang dalawang oras na nilang binabagtas ni Dmitri ang kahabaan ng kalsada, sa hinuha ni Rose. Pagkatapos ng biglaang pag atake ng pangkat nila Horan sa barrio ay agad na naghanda ang lalaki sa pag-alis. Ni hindi man lamang kinakitaan ng dalaga na ininda ni Dmitri ang mga tama at galos nito sa katawan. Nagkaron ito ng malaking sugat sa ulo dala ng mga ginawang paghampas ni Horan. Subalit ay tinalian lamang iyon ng bandana ni Dimitri upang maitago at maampat ang pagdurugo. At siya ang labis na nag-aalala para sa kalagayan ng binata. Bitbit ang isang may kalakihang bag na itim na sa hula niya ay pawang mga armas nito ang laman ay agad na silang tumulak paalis. Dalawang bayan na ang nadaanan nila ngunit mukhang walang balak na huminto ang lalaki. Nagpatuloy ang kanilang byahe. Ang sigurado lamang siya ay hindi iyon palabas ng San Fabian. Sa wakas ay inihimpil ni Dimitri ang motorsiklo nito sa likod ng isang may dalawang palapag na istraktura. Isa iyong lumang bahay ng
Hinayaan ni Rose sa patuloy na pagdaloy sa katawan niya ang tubig na nagmumula sa dutsa. Sinusubukan niyang lunurin sa tubig ang iba't-ibang emosyong nagsasabayan sa isip at pandama. Kanina ay kinuskos niya nang maigi ang mga bahagi ng katawan upang mabura ang mga marka ng kamay doon ni Barok. Maituturing na pangalawang bangungot na naman ang lahat. Nagpapasalamat siyang nananatili siyang buhay magpa-hanggang ngayon. At lahat ng iyon ay utang na loob niya kay Dmitri. Si Dmitri ang lalaking lagi na'y laman ng kanyang puso. Subalit ang katatagan ay unti-unting pinahihina ng hapdi at kirot na dala ng kanyang pagkabigo. Mas ramdam pa niya ito kaysa sa mga sugat at galos sa katawan. Tinapos na niya ang paliligo at lumabas na tanging roba ang suot. Hindi na siya nangiming gamitin iyon dahil nakabalot pa sa plastic nang kunin niya at mukhang hindi pa gamit. Maliban sa nauna nang nabanggit ni Lita na maaaari niya gamitin ang anumang gamit na naroon. Nabigla siya nang
Pinaalab ng mga halik ang mga puso nilang nasabik sa isa't-isa. Pinakawalan ni Dmitri ang kanyang mga labi. Lumipat ang labi nito sa balikat ni Rose, paakyat sa leeg, hanggang sa likod ng tenga. Hindi na namalayan ni Rose na napa-upo na siya sa kanlungan ni Dmitri. Patuloy ang paggalugad ng bibig ni Dmitri. Sinapo ang kanyang kanang dibdib. Bumalik sa kaliwa at tuluyan itong sinubo. Labis na ligaya ang dating kay Rose ng sensasyon. Ungol ng pagpaparaya at labis na kaligayahan. Halos ikapugto ng hininga ng dalaga ang daluyong ng bibig ni Dmitri sa kanyang dibdib. Salit-salitan Lunod na lunod ang dalaga sa init na dulot ng kanilang mga katawan. Hinila ni Dmitri ang balakang ni Rose. Tamang madama ang pagbabago sa loob ng pantalon nito. Nang biglang may maaalala ang dalaga. "Are you sure you wanna do this? I mean you may get hurt?" "Gusto mo bang tumigil ako, sabihin mo. Gusto kong marinig mula sayo," wika ni Dmitri, sa pinakamalambing na tono. Hinalikan siya
“Mommy!" Hustong kabababa lang ni Rose ng sasakyan nang marinig ang maliit at matinis na boses na nagmumula sa isang batang babae. It's Alexa, her five-year-old adorable daughter. Tumakbo ang bata palapit sa kanya upang salubungin siya. Cute na cute sa suot nitong maong jumpsuit na may character pa ni Dora. May kabilugan ang pangangatawan ng anak na nagpapakitang malusog itong bata. Awtomatikong lumabas ang cute dimples nito sa mabilog at mamula-mulang pisngi. Naka-pigtail ang may kahabaan nitong buhok na may mga maliliit pang ipit na ibat-iba ang mga kulay. Sa likod ni Alexa ay nakasunod ang tagapag-alaga nito na si Carol. Tumatagaktak ang pawis sa noo ng yaya habang hawak sa kamay ang kulay rosas na tuwalya. Paliliguan na siguro nito ang anak subalit mukhang nangulit na naman ang alaga. Napapailing na sinalubong ni Rose ang bata. "How's my lil girl?" Aniya. Inabot niya ang dalang bag kay Carol at lumuhod upang mayakap si Alexa. "I'm super-duper mabait po today.