Share

5. HELLO 1

FREYA

Isipin ko pa lang ang naging buhay ko sa nakalipas na ilang buwan pagkatapos kong mawalan ng trabaho sa restaurant… ay pakiramdam ko paborito ako ng kamalasan. Six months na ang lumipas mula noong gabing mawalan ako ng trabaho na maayos, at three months naman mula nang naiwala ko ang virginity ko sa hindi ko kilalang lalaki. 

‘Diyos ko… Bakit naman ganito? Bakit parang ang dami ko namang kamalasan kailangan pagdaanan sa buhay ko? Mahirap na nga ako paborito pa ng kamalasan.’

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi… Hindi ko pwedeng isiping kamalasan itong baby ko. Buntis ako ngayon dahil kailangan kong ipanganak sa mundo ang baby ko at hindi dahil minalas ako. Oo, iyon ang dapat isipin ko at laging tatandaan ang laging sinasabi na mga malalakas lang ang sinusubok. 

Napangiwi ako roon. Malalakas? Siguro nga… 

Baka nga… baka kabilang nga ako sa mga may strong-will na sinasabi. Kaso malabo akong maging malakas dahil mahina ang personalidad ko. 

Nahinto ako sa paglalakad. Naupo muna ako sa bakanteng upuan na nasa labas ng nadaanan kong convenience store. Maaga pa naman kaya wala pang mga nagmemeryenda. Nagpalinga-linga ako. Okay lang naman siguro na makiupo saglit at pagod na ako maglakad. 

Habang nakatingin ako sa mga dumadaan ay binalikan ko ang nangyari sa akin tatlong buwan na ang nakalipas. Noong magising ako kinabukasan pagkatapos nang gabing iyon…

Wala na ang lalaking nagpakasawa sa akin sa hotel room pagdilat ng mga mata ko. Hindi ko na rin siya hinanap pa kasi… pagkakataon ko na iyon para umalis agad. Paulit-ulit niya akong inangkin sa magdamag at paulit-ulit ko ring tinugunan ang bawat atake niya dahil sa droga na lumamon sa sistema ko… o baka siguro dahil nagustuhan ko rin ang ginawa niya…

Napalunok ako sa alaala. Ang masakit na pagkawala ng virginity ko. Ang mahapdi na bawat atake niya pero mayroon yatang problema sa akin kasi nagawa kong makaramdam ng sarap kahit mahapdi naman talaga. Baka dahil sa droga…  

Nasa labas na ako ng hotel nang mabasa ko ang pangalan. Sacrebleu. Pang-mayaman na hotel pala napuntahan ko.

Suot ko ang isang bestida, na kung saan nanggaling ay wala akong ideya, nang umalis ako roon. Nakita ko na lang sa ibabaw ng tokador ang bestida nang magising ako at isinuot. Bago pa iyon at malambot ang tela. Wala na ang lingerie na suot ko kinagabihan, at kung nasaan man iyon ay ayaw ko na rin makita pa. Baka itinapon na no’ng lalaking nakasama ko.

Nakauwi na ako kay Carmen nang tumawag ako kay Elon para ipaalam ang nangyari at para mahanap ang pinsan niya. Nag-aalala na Elon ang nakausap ko. Wala na akong phone at hindi ko na rin alam saan na ang duffel bag na dala ko bago ako nadukot.

Pero si Sheena… siya talaga ang dahilan kaya tumawag ako kay Elon. Nakahinga na lang ako nang maluwag noong sabihin ni Elon na nakatakas si Sheena sa mga lalaki at nagkita na lang silang magpinsan sa police station.

Umiiyak daw si Sheena nang maabutan niya. Hanggang ngayon ay ayaw magsalita maliban sa pangalan ko na laging binabanggit. Naiyak ako habang nakikinig sa kuwento ni Elon hanggang sa makipaghiwalay na ako sa kaniya. Hindi na kami pwede ni Elon, ayoko naman maging tagasalo ko na lang siya. Hindi na ako bagay sa kaniya. 

Iyon na ang naging paghihiwalay namin ni Elon at sa tatlong buwan ay muli akong natulungan ni Carmen. Nakapasok naman ako sa isang carinderia at doon ako naging serbedora. Okay na sa akin ang maliit na sahod at libreng kain kaso… kaso noong isang linggo ay nalaman na buntis ako. 

Ayaw ng may-ari ang empleyado na may asawa sa carinderia niya o buntis. Ayaw niya raw na maraming dahilan na tauhan at laging magpapaalam na a-absent dahil sa anak na may sakit o walang maiwanan. 

Hindi ko ugaling makiusap kasi mahina nga ang loob ko. Umuwi na lang ako at kay Carmen ako umiyak. Nang matapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo ay naplano ko na pupunta na lang ako sa Romblon. Tagaroon si nanay at baka doon makahingi ako ng tulong sa mga kapatid niya. 

Magbabaka-sakali na lang na matulungan nila ako. Kahit sa tuluyan lang habang naghahanap ako ng matatrabahuan na tatanggap sa kalagayan ko. Ayoko na maging pabigat kay Carmen. Nahihiya na ako sa nag-iisang kaibigan ko.

At dahil nahihiya na ako kay Carmen, kahapon ay sinubukan ko manghiram ng pera kay Elon. Sabi naman ni Elon ay papahiramin niya ako ng pera para may pamasahe ako at panggastos hanggang makapunta ako sa Romblon. Kailangan ko lang siyang puntahan sa condo niya dahil marami raw siyang inuwing trabaho at hindi siya makaalis, isa pa ay dahil nira-rush na siya ng boss niya.  

Nahihiya akong lumapit kay Elon pero wala naman akong naiisip na iba pang malalapitan. Hirap din si Carmen at breadwinner siya ng pamilya niya. 

Mabuti na lang talaga at kahit nakipaghiwalay ako kay Elon ay naaawa pa rin siya sa akin. Ang gusto pa nga niya ay tulungan akong mahanap ang may gawa ng pangingidnap sa akin at panggagaha—teka mali… hindi ako nagahasa. Nadroga ako kaya ako pumayag. Galit ako sa mga may gawa sa akin niyon pero alam ko naman na hindi ako nagahasa. Hindi ako lumaban. Nagustuhan ko pa nga…

Ang sabi ni Elon ay pwede niya akong tulungan lumapit sa PNP at DSWD. Kaso ako na ang umayaw. Para lang kasi sa mayayaman at may pera ang batas. Totoo rin na may mga PAO naman pero… pero saan ako kukuha ng panggastos ko para sa kaso kung ang pang-araw-araw ko nga na gastusin ay hindi ko na alam kung saan ko kukunin? 

At ano ba ang laban ko ay hindi ko nga sila nakilala? Kung ang mga may gawa nga sa pagkamatay ng tatay ko noon ay hindi napakulong kahit nakita ni nanay ang pangyayari, paano pa sa mga gumawa sa akin ng masama? 

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at nagpatuloy sa paglakad. Kailangan ko na puntahan si Elon. Nang matanaw kong malapit na ako sa condominium building kung nasaan naroon ang unit ni Elon ay napangiti na ako. Malapit na rin. Salamat. 

Alam ko naman noon pa kung saan nakatira si Elon. Sinabi na niya sa akin. Nataon lang na kahit minsan ay hindi niya ako napiliit sumama roon noong kami pa. Kasi… kasi naninigurado ako na walang mangyari sa amin. Iningatan ko ang sarili ko dahil iyon lang naman ang mayroon ako noon kaso… iyon na nga… ayoko na isipin.

Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang nasa tapat na ako ng condominium building. Ngayon na lang kami ulit magkikita ni Elon at sana huwag na niya akong kulitin na magkabalikan kami. Ilang beses niya kasing sinabi na tanggap naman niya ang nangyari sa akin kasi hindi ko naman kasalanan iyon, kasalanan niya. Kahit nga raw si Sheena ay hanggang ngayon nalulungkot kapag nababanggit ako. Sinisisi rin ni Sheena ang sarili.

Pumasok na ako sa loob ng building at dahil sinabi ni Elon kung nasaang floor ang unit niya ay pumasok na ako sa elevator. Pinindot ko ang button na magdadala sa akin sa 39th floor. Nang bumukas ang elevator sa 39th floor ay binaybay ko na ang hallway at paliko na sana ako para hanapin ang unit na 3906 nang manlaki ang mga mata ko sa nakita. 

Si Elon! May kahalikan na babae!

Mabilis akong tumago sa gilid. Mabuti na lang hindi pa ako nakaliko pakanan kung hindi ay nakita na ako ni Elon. Hindi naman ako naapektuhan na may iba na si Elon. Hiwalay na rin kami at ako naman ang nakipaghiwalay. At mas mabuti na rin na mayroon na pala siyang iba para maging magkaibigan na lang kami. Masaya na ako para kay Elon.

Tumago lang muna ako sa gilid para hindi nila ako mapansin nang marinig ko silang nag-uusap. Napakunot-noo ako. 

Bakit… bakit ako ang pinag-uusapan nila? At bakit kilala ako ng bagong girlfriend niya? Ikinuwento na ako agad ni Elon dito? Grabe naman…

“Masyado yatang nasarapan ang pinsan mo kay Freya at hinahanap niya pa,” natatawang sabi ni Elon sa babaeng kahalikan niya kanina. 

A-ano? Nasarapan?

Napapikit ako sa narinig ko. Gusto kong kilabutan. Ibig sabihin ay kilala ni Elon ang lalaking kasama ko nang gabing iyon. Isa lang ang ibig sabihin, kasabwat din si Elon ng lalaking iyon at ng mga dumukot sa akin. At pinsan ang lalaki ng girlfriend ni Elon ngayon? Paanong—-

“Binabantaan na ako ni Alguien, Elon,” sabi ng girlfriend ni Elon.

Napakunot-noo ako. Parang kilala ko ang boses ng babae. Parang… parang boses ni—- 

Pero teka…  Alguien? Tama ba ang narinig ko na Alguien ang pangalan ng lalaking iyon? Alguien. Kapangalan ng guwapong lalaki sa restaurant na dahilan kaya nawalan ako ng trabaho…

Iniisip ko kung lalapitan ko ba sina Elon at ang kasama niya. Gusto ko silang tanungin. Gusto ko silang sugurin pero…. Pero duwag ako eh. Natatakot ako. 

Pinahid ko na lang ang luhang pumatak sa kaliwang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko na nagtutubig pa rin. Aalis na sana ako kaso… 

“Sabihin mo na lang na hindi mo kilala ang babae,” narinig ko na turan ni Elon at hindi ko alam kung matutuwa ba ako at magpapasalamat na ayaw na niya ako makita pa ng lalaking iyon. Baka naman naawa na rin siya sa nangyari sa akin.

“Seriously?!” mataray na sabi ng babae. “Paano kong sasabihin na hindi mo kilala eh alam niya na girlfriend mo ang babaeng iyon?! Naiyabang mo na eh! Nag-iisip ka pa ba?! Hindi ko kaya ang pinsan ko na iyon, Elon! Hindi basta-basta si Alguien!”

“Sheena naman eh…” inis na wika ni Elon.

Sheena? Napahawak ako sa dibdib ko. Diyos ko! Sabi ko na at kaboses niya nga!

Napahikbi ako. Pinaglaruan lang pala nila ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa naiisip kong sabwatan na ginawa nila. Anong kasalanan ko kay Elon? Bakit nagawa nila sa akin iyon? 

“Kapag hindi ko naibigay si Freya kay Alguien ay papatayin ka niya. Hindi ko na makukuha sa pagmamakaawa ang pinsan ko para sa ‘yo. Alam mo naman kung gaano kalupit si Alguien. He could easily kill me too… nataon lang na pinapahalagahan niya pa si mommy na nag-alaga sa kaniya noon. Alguien could kill anyone. That self-centered and savage cousin of mine could make his men bury you alive at kahit anak ka pa siguro ng presidente ay balewala sa kaniya.” 

“Pero hindi nga natin mabibigay si Freya kasi hindi ko na rin alam kung saan na ang babaeng iyon ngayon.” 

“Tigilan mo nga ako, Elon. Alam kong magkikita kayo ni Freya ngayon. Nabasa ko ang message niya sa account mo. Anong akala mo sa akin? Tanga?!” 

“What the—?! Pinapakialaman mo ang mga account ko?!” 

“I need too… I can’t trust you anymore. At tama nga ako sa hinala ko, hindi mo talaga gustong ibigay kay Alguien si Freya,” masama na ang loob na sabi ni Sheena. “Well, huwag mo lang hintayin na sabihin ko kay Alguien ang mga nalalaman ko. Siguradong papatayin ka niya ora mismo, lalo na at… pinag-iinteresan mo pa rin ang babae niya!” 

“Babae ni Alguien?” natawang tanong ni Elon. “Akin si Freya at pinahiram ko lang sa kaniya ng isang gabi. Bayad atraso lang si Freya at quits na kami dapat!”

Napasinghap ako. Iyon pala ang dahilan... Balewala kay Elon na ipambayad ako sa kung anong atraso niya. Nagtiwala ako sa kaniya at ang nangyari sa akin ay iniyakan ko masyado. Nakonsensya pa ako sa ganitong uri ng lalaki. Napakatanga ko. Tama si Carmen nang sabihin niya na tingin niya ay hindi matino si Elon. Dapat nakinig ako kay Carmen una pa lang.

“Alguien wants Freya, Elon. Kapag hindi natin naibigay si Freya sa kaniya ay simulan mo na bilangin ang araw mo na humihinga ka pa,” banta ni Sheena kay Elon. 

Napalunok ako sa takot. Hindi ko alam pero natatakot ako dahil sa narinig ko. Isa lang ang ibig sabihin ng banta nito kay Elon. Hindi basta-basta lalaki ang ama ng anak ko. Kailangan kong magtago kung hindi ay mapapahamak ako. Magpapatulong na lang ako kay Carmen habang hindi pa nagkukrus ulit ang landas namin no’ng Alguien na ‘yon. 

Hindi na ako nagtagal pa at lumakad na ako pabalik sa elevator. Nagmamadali kong pinindot ang button pababa. Palingon-lingon ako para masiguro na hindi ako nakita ni Elon o ni Sheena. Nang bumukas ang elevator ay may tatlong lalaki roon na palabas.

Napayuko ako at pumasok na lang sa elevator. Halatang mayayaman sila base sa mga suot nila. Nakalabas na ang dalawang lalaki pero nagpaiwan ang isa. Inisip ko na baka paakyat pala ang elevator at hindi ko lang napansin pero bahala na. Importante hindi ako makita nina Elon at Sheena.

Pinindot ko na lang ang button para sa ground floor at tumayo na lang ako sa pinakasulok ng elevator. Masama ang loob ko at pinipigilan ang sarili kong umiyak dahil nakakahiya sa lalaking kasama ko rito sa elevator. 

Nakahinga ako ng maluwag nang pababa na ang elevator. Pababa rin pala ang lalaki. Baka may naiwan siya kaya babalik sa baba… Pero ano ba ang pakialam ko sa kaniya? Ang kailangan ko ay makatakas at hindi kung ano-ano pa ang napapansin ko. 

Napalunok ako. Ang importante ay makaalis ako nang maayos sa building na ito. Napasulyap ako sa lalaking nasa harap ko. Matangkad siya. 5’5” ang height ko pero parang hanggang balikat niya lang ako. Nakatalikod siya sa akin at hindi ko naklaro ang mukha niya kanina kasi hindi ko talaga siya tiningnan, pumasok na lang ako bigla kasi nata—  

“Hello again, Freya…” sabi ng lalaki. 

Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa nakatalikod na lalaki. Kilala niya ako… At ang boses niya… kaboses no’ng…

Isiniksik ko a ang sarili ko lalo sa sulok. At nang lumingon siya… ang kulay ng mga mata niya ang una kong napansin at huli ko ring natandaan dahil nawalan na ako ng malay.

Sophia Sahara

Medyo iba po atake ko rito kay Freya. Weak po talaga ang character niya pero siyempre hindi siya stay ng ganiyan. Thank you for reading at sana magustuhan niyo rin ang story ko na ito. Medyo shunga ako sa pagta-Tagalog kaya paunawa na lang ulit kung may mapansin kayo mga mali-mali ko.

| 1
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Rodelyn Quirante
exciting rin ang story nila.
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Yes. Kaya sure lalabas si Freya sa story ni Trace. Hahaha...
goodnovel comment avatar
Da Yang Jaguar
na mention pala ni Trace dati na Alam nya kung Anu ang kahinaan Ni Alguien..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status