ALGUIEN
“Tara.”
Nauna na akong naglakad palabas ng mansion at sumunod naman ang isang tauhan ko. Nasa parking area na kami nang huminto ako at nilingon si Rogelio. Nagbago bigla ang isip ko. Hindi pala siya ang gusto kong isama.
“Maiwan ka rito,” sabi ko.
Tumango lang siya at agad tumalikod. Rogelio seems a good assistant. Walang tanong-tanong. Kung ano ang sasabihin ko ay iyon lang ang gagawin niya. Medyo tanga lang minsan at kailangan specific ang utos dahil kapag senyas-senyas lang ay namamali.
Like there was a time na sabi ko lunurin niya hanggang umamin iyong nagtangkang i-double cross ako. Nilunod talaga ng literal at nang balikan ko ay patay na ang nahuling tauhan ng sindikato nina Medina. Nalunod na lang na hindi pa umamin.
Ayon nga… kagaya ng sabi ko…dapat specific.
Kagaya rin no’ng ginawa niya kay Freya. Ang senyas ko ay ilayo niya si Freya sa akin. Pinapalayo ko lang dahil kung ano-ano na ang nasasagi sa pagpunas sa nabuhos na red wine sa hita ko. Ilayo lang dapat pero tinutukan ba naman ng baril si Freya. Mabuti na lang at hindi niya pa tinuluyan.
OA sa pagka-hyper masyado si Rogelio. At iyon ang nagpabago sa isip ko kaya ayaw ko na siyang kasama ngayon sa lakad ko. Baka pinapaamin pa dapat ang kakausapin ay pinatay na niya.
Favorite ko naman si Rogelio. Kapag gusto ko ng madaliang usapin o transaksyon ay si Rogelio na ang solusyon. If I want to task him to kill someone ay wala pang twenty-four hours ay tapos na ang utos.
“Carlos!” tawag ko. Nakita kong lumalabas siya sa gilid ng mansion na nagtataas ng zipper ng pantalon. Mukhang may binira na naman na katulong.
“Boss?” tanong niya habang papalapit.
“Tawagin mo ang kapatid mo at kayong dalawa ang isasama ko.” Sumakay na ako sa Hummer H1, ang paborito ko sa lahat ng sasakyan ko. Ako na lang ang magda-drive muna.
Hindi naman ako naghintay nang matagal at mabuti na lang. Ayaw kong pinaghihintay ako. Sumakay na rin silang magkapatid, at si Benjamin ang naupo sa frontseat.
“Akala namin si Rogelio ang isasama mo, boss,” Benjamin stated. He was checking his gun’s mags if it’s loaded.
“Siya sana kaso baka hindi na naman maintindihan ang utos at iba ang gawin. Masasayang lang ang lakad ko.”
Nagtawanan ang dalawa.
I drive. Hindi ko na pinansin ang magkapatid na nagbibidahan. Ito ang dalawa na kahit puro kalokohan at pambababae ang gawa ay gusto ko pa ring isama. For they could act like robots in an instant. Yes, these two are among the best of my men. Alert always. They could be happy-go-lucky they may seem but they know the game.
Ilang saglit pa ay tumawa nang malakas si Benjamin at napasulyap ako sa kaniya. He was watching a news at iyon ang tinatawanan niya.
“Ano ‘yan, gago?” tanong ni Carlos sa kapatid nto.
“Iyong kababata ni boss,” tugon ni Benjamin na natatawa. “Lodi talaga!”
“Bakit? May scandal na naman?” Inagaw ni Carlos ang phone ng kapatid. “Tang ina. Lupit!”
“Ano na naman ang iskandalo ni Dimagiba ngayon?” tanong ko.
“Iyong kandidata para sa Binibining Pilipinas. Ang Miss Salvacion nila. Binira ni Dimagiba. Outdoor.”
I sneered. Wala na ba ibang alam gawin si Trace ngayon? Hindi na nagsawa. Mula pa sa HCU hanggang maka-graduate na lang ng college ay puro sex scandal na lang ang mababalitaan tungkol sa kaniya.
And that ‘amazing’ father of mine is always proud of Trace’s antics. Siguradong mamaya lang ay tatawag na naman si papa at sasabihin na nakakatuwa ang anak ng best friend niya. Na sana ay anak niya si Trace kung hindi inagaw ni Patricio Salvacion Dimagiba sa kaniya si Ana.
Kasawa kausap…
Hindi ko na pinansin ang dalawa. Naririnig kong gusto nilang hanapin kung saang porn site makikita ang sex scandal ni Trace. Napailing na lang ako.
“Saan pala tayo pupunta, boss?” tanong ni Carlos.
“Kay Elon.”
“Ipapasa mo na ba sa amin ‘yang boy toy ni Sheena, boss?” tanong naman ni Benjamin. “Excited na akong mabugbog ‘yan.”
“Sabihin mo excited kang matikman si Sheena.”
“Gago!” sabi ni Benjamin sa kapatid.
“Malapit na,” sabat ko. “Malapit ko nang ipasa sa inyo si Elon. Pero ngayon ay bigyan niyo na muna ng sample, tatlong buwan na at hindi pa rin niya masabi kung nasaan si Freya.”
Elon is such a fucking dumbass. Pasalamat na lang siya at humihinga pa siya ngayon dahil may importansya pa siya sa akin. Pero sadyang tanga siya. Akala niya ba ay hahayaan ko na lang ang panggagago niya sa akin. Hinayaan ko lang ang pagkakaila niya na hindi niya alam kung nasaan si Freya. Kung nauto niya si Sheena na tonta ay ibahin niya ako.
Si Freya… that stupid woman! Stupid dahil nagkagusto sa gaya ni Elon.
I sighed boringly thinking of Freya. Naiisip ko lang si Freya ay inaantok na ako. Nakakaantok ang katangahan din ng babae na iyon. Ako na nag-interes sa kaniya ay tinakasan pa ako. Tanga lang? Pasalamat na nga siya na kahit mukha siyang mahina, lampa, at walang pera… ay nakuha niya ang atensyon ko. Tapos ano? Tatakasan niya lang ako.
That morning… the morning after I had Freya the whole night, ay umakyat lang ako sa 26th floor dahil hinahanap ako ni Willow.
Umakyat ako agad sa 26th floor dahil alam kong puro mga tauhan ko lang ang naroon ng mga oras na iyon at nakadroga pa ang ilan. And Willow is such a beautiful creature na kadalasan ay mahilig magpahamak ng lalaki. Ayoko naman malagasan ng tao kaya pinuntahan ko agad ang pinsan ko na iyon. At isa pa, kahit gaano kam*ldita si Willow ay hindi ko rin gusto na kursunadahin siya ng mga tao ko. Ayoko makipag-away sa mga kuya niya at sila lang ang kasundo ko sa mga kadugo ko.
Pagbaba ko ay wala na si Freya. Magaling sa katangahan na nilalang. Pero kung paano nakatakas ay kasalanan ko rin. Nawala sa isip ko na utusan ang kahit sino na bantayan ang Room 2510 kung saan ko siya iniwan.
Akala ko kasi ay tulog pa, iniwan ko siyang tulog na tulog at ang summer dress na iniwan ko roon sa kuwarto ay pinabili ko lang kay Rogelio sa boutique sa baba ng Sacrebleu. The size ay binase ko lang sa lingerie na suot niya. The underwear ay si Rogelio na rin ang bumili.
“Carajo…” mahinang mura ko sa inis ko sa nangyari.
Tumigil naman ang dalawa sa kakaingay. Akala siguro ay napapamura ako sa pagyayabangan nila. Hindi na sila nagbidahan pa at okay na rin iyon. Dumiretso na kami sa parking area sa underground ng condominium building na sadya namin.
After I parked my Hummer ay bumaba na ako ng sasakyan pero nauna na ang dalawa. Diretso na ako sa elevator at sumunod na lang sila.
“Number, boss?”
“39.”
Benjamin immediately pressed the button for 39th floor. Ang sabi ni Bruno ay 3906 ang unit ni Elon kaya sorpresahin ko nga ang kupal.
Nang bumukas ang elevator ay nanlaki ang mga mata ko na makita si Freya. Agad itong tumingin sa baba pagkakita sa amin at pumasok na sa loob ng elevator. I grinned. Mukhang hindi ko na kailangan si Elon at narito na ang hinahanap ko. Pero bakit pala siya narito? Nakikipagkita pa ba siya kay Elon?
Naningkit ang mga mata ko sa asar sa naisip kong dahilan kaya narito si Freya. Lumabas naman agad ang dalawang kasama ko kaya hinahayaan ko na sila. This woman is irritating. Ni hindi man lang tumingin sa akin at basta na lang pumasok sa loob ng elevator at pumwesto sa likuran ko.
Napatingin sa akin sina Benjamin at Carlos habang pasara ang pinto ng elevator. I just cocked my head upward to them at alam na nila agad ang utos ko. Bahala na sila kay Elon at sumunod na lang sila sa akin sa baba.
Pababa na ang elevator pero si Freya ay kagaya ng dati ay parang… parang ewan na nasa sulok. Kasuya ang pagkamahina nito. At kung bakit ako interesado sa kaniya ang hindi ko rin maunawaan sa sarili ko.
“Hello again, Freya.” Hindi ko na natiis na nagpapansin na ako sa kaniya.
She didn’t respond. Nilingon ko siya at nagkatinginan kami. Ang panlalaki ng mga mata niya ang agad kong napansin. She has an interesting eyes. Maganda ang mga mata niya ang her greenish eyes are amazingly beautiful.
At mukhang nababaliw na ako at agad nabubuhay ang pagka—
“¡M!erda!”
Nahimatay. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng elevator. Nakakainsulto ang babaeng ito.
Nilapitan ko siya at binuhat. May kabigatan pa. Payat pero mabigat. And her eyes… Naisip ko na naman ang mga mata niya. Hindi pangkaraniwan kagaya sa mga normal na mata ng mga Pilipino. Siguradong foreigner ang isa sa mga magulang nito.
I glanced at her face now serenely unconscious. She’s very pretty. Hindi na masama. Maganda pa rin ang taste ko.
As the elevator door’s open. Lumabas na ako agad. Nagtinginan pa ang mga guards sa akin na naroroon pero wala akong pakialam. Nasa sasakyan ko na ako nang tumunog ang phone ko. Siguradong ang dalawa na iniwan ko sa taas ang tumatawag.
Hindi ko inintindi ang tawag at inuna ko munang maipasok ng sasakyan ang mahinang nilalang na karga ko. Nasa loob na si Freya nang ako na ang tumawag kay Carlos.
“Boss.” Natatawa ito. “Nandito pala ang pinsan mo. Anong gagawin namin sa kanila nitong si Elon?”
Napasulyap ako kay Freya. Ang plano ko ay paaminin si Elon kung nasaan si Freya pero nandito naman at kasama ko na.
“Nabugbog niyo na ba?” tanong ko.
“Kiliti pa lang.”
I chuckled. Ang kiliti na sinasabi nila ay duguan na ito.
“Si Sheena?”
“Dito nakatingin lang at umiiyak. Ibigay mo na ba sa amin?”
“Huwag at buhay pa ang nanay niya. May utang na loob ako roon. Kung hindi dahil sa nanay niya ay baka hindi ako lumaki sa poder ni papa.”
“Ano nang gagawin namin sa mga ‘to?”
“Iwan niyo na at bumaba kayo rito. Nakuha ko na si Freya kaya wala na akong pakialam sa dalawa na ‘yan.”
I ended the call and wait for the two. Habang hinihintay ko sila ay napatitig ako kay Freya. She has a flawless white skin. Makikita lang ang kahirapan sa kaniya sa mga damit niya na mukhang basura. At ang kamy niya na magaspang at pudpod ang mga kuko.
But overall, she’s a beauty. Pwedeng bihisan at ayusan. Tinititigan ko siya nang mapansin ko na parang mas payat siya ngayon. Wala na yatang kinakain sa kahirapan sa buhay. I look at her lips. Maputla na siya.
Hindi siya mukhang hinimatay dahil nakita ako. Nahimatay yata sa gutom.
“Tsk… poor girl, but you’re lucky now.”
Inayos ko pa ang higa niya hanggang sa makita ko ang dalawa na papalapit.
“Sa Sacrebleu, boss?” tanong ni Benjamin pagkatapos kong ibigay ang susi ng sasakyan sa kaniya.
“Sa bahay.”
Nagkatinginan ang magkapatid at hindi ko gusto ang uri ng ngiti na pinipilit nilang huwag ipahalata sa akin. Alam ko ang iniisip nila. Hindi kasi ako nag-uuwi ng babae sa bahay. May pumupunta pero hindi ako magdadala ng kusa.
“May problema?” tanong ko sa kanila.
“Wala, boss.” Duet nilang sagot.
Nasa kalsada na kami nang titigan ko ulit si Freya. She looked fragile, at kaya pala napahamak dati ay dahil ganito katanga. Inuna pa mahimatay.
Then my eyes squinted. She will be my woman at ayaw ko na tatanga-tangang babae. Hindi pwede ang kahit sino na lang magbuhat sa kaniya dahil lang hinimatay siya.
“Sinapak mo ba ‘yan, boss?” tanong ni Carlos.
“Hinimatay lang.”
“Tang ina, boss. Natakot sa ‘yo?” Natawang tanong nito at nagtawanan na naman sila.
“Que te jodan, Carlos. Manahimik ka…” tinatamad kong sabi. “Bilisan mo pagda-drive, Benjamin. Gusto ko nang umuwi,” ani ko naman sa kapatid niya.
“Hindi kaya buntis ‘yan, boss?” tanong naman ni Benjamin.
Doon ako napaisip. Buntis? What if… Oo nga. Pwede…
“Baka naman may sakit…” wika naman ni Carlos.
Napaisip ako sa mga sinasabi nila. Mukha ngang may sakit at maputla. Pero paano kung buntis?
“Sige, sa ospital na muna tayo,” sabi ko na lang. “Sa pinakamalapit, Benjamin.”
A/N: Spanish to English… Carajo... (Fuck...) ¡M!erda! Shit! Que te jodan, Carlos. (Fuck you, Carlos.)
FREYANakatingin ako sa mga kawal na nasa unahan ko. Naglalakad ako para sa royal entourage para sa amin ni Pappa sa gaganaping summit dito sa Fielvia dahil ang bansa namin ang magho-host. Wala si Pappa pero ako ang pinadala niya para humarap sa mga bisita mula sa foreign countries para sa walang sawang political talk na naman at diplomatic conference.“Princess Karina Faith Van Ackere…” pakilala sa akin ng emcee habang papasok pa lang ako. Naghiyawan ang mga fans ko. Oo, mga fans ko dahil marami na akong tagahanga noon pang una akong ipakilala ako ni Pappa bilang nag-iisang tagapagmana niya. At kung babalikan ko ang dating ako ay masyado nang malayo ang buhay ko ngayon sa dati. Kung dati ay hindi ko man lang nasanay ang sarili sa marangyang buhay na binibigay ni Alguien, ngayon ay kailangan ko pilitin maging tunay na prinsesa sa kahulugan ng aking titulo na nakakabit sa pangalan ko. At sa dami ng mga Fielvians na nagmahal sa dating reyna… unang araw ko pa lang maging prinsesa ay mah
ALGUIEN“Chelsea Perez…” Mathias yawned the name. “Sí… did your men find her?”“Nawala na sa isip kong ipahanap pa si Chelsea Perez…” Mathias shrugged and clicked his tongue with his teeth. “Trace and Chloe’s remaking of Romeo and Juliet’s love story became our main agenda for the last few months. Nalimutan natin ang lahat dahil sa pasaway na kapatid mong ayaw magpaawat kay Dimagiba.”“Should I thank Willow for that?” tanong ko na ikinatawa ni Mathias. Habang hinihigpitan ko kasi si Chloe, at hinahanapan ng mapapangasawa sa katauhan ni Zeno Scotto para mailayo kay Trace, ay gumawa naman ng paraan si Willow para maging tulay ng dalawa.“Yeah, Willow’s ‘obviously’ guilty with that,” natawang sang-ayon ni Mathias. “My sister is such a sucker for romance as we all know that. And with what you did with her ex years ago… I think my sister’s way of helping Chloe is her revenge on you.”“That’s unfair.” I snickered. “Sa pagkakatanda ko ay ‘napakiusapan’ lang naman ninyo ako ni Nikias para tap
FREYA “Kapatid ni Alguien ang tagapagmana ng CJ clothing line?” tanong ko sa kausap na nasa Pilipinas. Si Marco. Imbestigador na tanging pinagtitiwalaan ko. We are talking through another phone. The one my father doesn’t know I possess. Iniingatan ko na huwag malaman ni Pappa na mayroon talaga akong ibang phone, na hindi registered sa pangalan ko bilang prinsesa. I am using my old name with it when I registered it. Ayaw kong magalit sa akin si Pappa kaya hangga’t maaari sana ay hindi niya malaman ang pakikipag-ugnayan ko pa rin sa ilang tao sa Pilipinas. “Opo,” pagkumpirma ni Marco na tama ang sinabi ko. “Magkapatid sila sa ama. Iyan ang nakuha kong impormasyon mula sa mga balita, at sa mga social media na sila ang bumida sa mga post ng mga netizens ilang buwan na ang lumipas.” I smiled thinking na kapatid pala ni Alguien iyong si Chloe Jordan. Ngiti na agad kong inalis sa mga labi ko. I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako natuwa sa balita. I should be irritated na ma
ALGUIEN “Tino ta?” tanong ng isang bata na naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nasa kusina kami. Kauuwi ko lang din kaya nagtaka ako kung sino ang bata na nakatingin sa akin at nagtatanong. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Galing akong Fielvia at nakibalita sa mga tao ni Nikias na naroon tungkol kay Freya. I only need time and I can face again my wife. My real wife. I will never consider Camilla as my wife no matter what the circumstances are. For now, I can only do every plan of mine discreetly. Hindi pwedeng malaman ni Camilla ang mga plano ko. That woman is dangerous. Hindi ko naman mapatay basta-basta at makokompromiso ang Excellante. “Tagataan ta?” tanong na naman ng bata sa akin na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. Napangiti ako sa kainosentehan ng bata. “Anong pangalan ng mama mo?” tanong ko sa kaniya. Baka anak siya ng kasambahay rito sa mansion. “Mama to?” tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit bulol siya ay bibo pa rin makipag-usap. Mukhang ma
FREYA ‘The king summoned you…’ Iyon ang sabi sa akin ng royal messenger ng hari, ni Pappa. Nakakatawa na lang isipin na dito sa Fielvia ay napakapormal ng lahat. Pwede naman sabihin na hinahanap ako ng ama ko at gustong makausap, pero kapag kinakausap talaga ako ng mga kawal at kahit sino na naninilbihan sa palasyo ay pormal talaga silang magsalita. “The Princess of Stellan, Crowned Princess Faith Van Ackere!” pakilala sa akin ng tagapagsalita ng ama ko. I rolled my eyes. Sa araw-araw na senaryo na lang ay gano’n ang sistema kapag pinapatawag ako rito sa Blue Hall. I know that formality is a must of course but I admit it is kinda boring most of the time. Ngumiti ako sa ama ko at lumakad palapit. Nasa harap na niya ako nang yumukod ako bilang pagbibigay galang sa trono niya. Tatanungin ko pa sana si Pappa kung ano ang dahilan at pinatawag niya ako nang matigilan ako dahil sa mga biglang pumasok. “Prince Froyan Van Ackere of Nilsen!” pakilala sa pinsan ni Pappa na ang mga mata ay
ALGUIEN “Look!” ani Willow sabay abot sa akin ng phone niya. Sinulyapan ko lang ang larawan ni Freya na pinapakita niya at ibinaling agad ang tingin kay Heres na naglalaro sa may garden kasama ang yaya. Three years… three years and still I can’t do anything. Minsan ay gusto ko nang isipin na wala talaga akong kwentang tao. Tama nga si Freya na masama ako, at tama nga yata siyang iwan ako para sumama sa iba. “Is she still with Isidro Ferreira?” tanong ko kay Willow pero alam ko naman ang sagot na hindi na magkasama ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Ferreira na iyon na nangialam sa amin ni Freya. Kung mayroon mang may kasalanan sa akin ay si Ferreira talaga dahil pakialamero siya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niyang si Dimagiba, pareho lang silang epal sa buhay ko. “That's unnecessry question.” Willow rolled her eyes and made a face. “Alam naman natin na nakaraang taon lang kumalat ang balita sa underground na patay na ang asawa’t anak ni Isidro Ferreira. Nakaka