Share

Kabanata 26

"Pahinga lang po ang kailangan mo, Misis Guerrero. Uso po ang lagnat ngayon dahil sa panahon." wika ng doktor na tumingin sa akin.

Tumango ako habang pinagmamasdan itong nagliligpit ng mga gamit nito. Kanina habang pauwi kami ng mansion ay gusto sana ni Bernard na dalhin ako sa hospital ngunit, tumanggi ako. Alam kong marami siyang ginagawa at abala ang lahat kaya ayaw ko nang makaabala pa. Mas mabuti na rin para sa akin ang manatili sa bahay dahil hindi naman malala ang aking pakiramdam. Sadyang hindi lang talaga maiwasan na lagnatin ako dahil na rin sa madalas na pagkakabasa sa ulan.

"Ayos lang ba talaga ang asawa ko, Doc. Reyes?" tanong ni Bernard. Nakaupo ito sa aking paanan habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin.

"Yes! Mayor. Kung may problema man ay pwede niyo akong tawagan kahit anong oras." Nakangiting sagot naman nito kay Bernard.

Tumango si Bernard at napailing. Pinagmasdan ko pa sila n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status