Pagkatapos nilang umalis ay naisipan kong tawagan si Olive. Alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa aking nararamdaman. Mabilis akong naupo sa pinakamalapit na sofa sa aming malawak na sala. Hinintay kong sagutin ni Olive ang aking tawag at hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na niya iyon.
"Hello?" tanong kaagad nito sa akin.
Napangiti ako ng bahagya na para bang nakikita ako ni Olive. Naisip ko rin kung katulad ba ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman ko ngayon. Kasi kung tutuusin pareho kaming niloko.
"Olive," umpisa ko.
"Ano ba 'yon? Hoy! bruha ka, huwag mo akong pinapakaba. Spill the beans, dali!" apuradong sabi nito.
Napabuntonghininga muna ako bago nagpatuloy. Iniisip kong tama bang itanong ko sa kaibigan ang mga bagay-bagay na magpapaalala sa kaniya sa masasakit na karanasan niya sa piling ng dating asawa. Pero kung hindi ko naman gagawin, paano ako magsisimula?
"Anong ginawa mo noong unang nalaman mong nagloloko si Dindo?" mahinang tanong ko dito.
Alam kong nagulat ang kaibigan sa aking sinabi dahil ilang sandali pa ay hindi man lamang ito nagsalita. Narinig ko pa itong napabuntonghininga at napalitan ng ingay ng nagkakalansing na bagay ang background nito.
"Alam mo Laura, isang gabi kong iniyakan ang bagay na 'yon. Naisip ko ngang magpakamatay dahil pakiramdam ko wala akong kwenta. May mga anak na kami pero nagawa niya pa rin akong lokohin," sabi nito kapagkuwan. "Pero naisip ko, dapat maging matatag ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko. Ipaglalaban ko ang pagsasama namin para sa mga bata. Inaway ko siya, syempre," dagdag pa nitong sabi.
Nararamdaman ko pa rin sa boses ng kaibigan na nasasaktan pa rin ito. Alam kong pinapatatag niya lang ang sarili noong isang araw na nagkita kami. Ganoon naman yata siguro ang lahat ng mga babae. Women could pretend to be strong but deep inside they were broken.
"I want to hug you right now, Olive. For being strong and for being a mother to your kids," tanging nasabi ko na lamang. Batid kong, kung magpapatuloy pa ang aking kaibigan ay baka pareho lang kaming masaktan.
Nandoon ako noong mga panahong nagluluksa ito. Pero ngayon, hindi ko siya maaaring idawit sa nangyayari sa akin. Buhay ko ito. Ako dapat ang humarap nito.
Kung pagiging makasarili man ang paglilihim, mas gugustuhin ko na lamang na maging ganoon ako. Mas gugustuhin ko na lamang na sarilinin ang aking problema.
Natatakot ako na hindi ko alam.
Natatakot akong baka kapag sinukuan ko si Bernard ngayon, bumalik na naman ako sa pag-iisa. Matagal akong namuhay nang malungkot. Si Lara lamang ang tanging sandigan ko ngunit, nawala pa ito. At ngayon, natatakot akong pati si Bernard ay mawala rin.
"Kapag nasaktan ka na ng sobra, kusa na lamang susuko ang puso mo. Maiisip mo na lang na, tama na. Hindi na sila, worth it. We can be as martyrs as we want, but we can always think if it is still worth fighting," dagdag pa nito.
Nang matapos ang tawag ko sa aking kaibigan ay napasandal na lamang ang aking likod sa sofa. Hinilot ko ang aking sentido at bahagyang pumikit. Napakahirap magdesisyon sa mga bagay-bagay lalo pa at lahat ay kailangan mong timbangin.
Naisip ko rin ang sinabi sa akin ni Olive, kanina. Fight if it was still worth it.
Tama pa ba na ipaglaban ko si Bernard? Ang lahat ng tao ay nagkakasala at lahat ay puwedeng magbago. Pwede ko siyang bigyan ng pagkakataon ngunit, hanggang kailan?
Ilang sandali pa ay napabuntonghininga na lamang ako. Mabilis din akong tumayo para magbihis. Naalala kong pinakaiusapan nga pala ako ni Bernard para puntahan ang aming maisan.
Isang skinny fitted jeans na black ang aking isinuot. Maluwang naman ang aking white t-shirt na pinatungan ng black cargo jacket. Nagsuot din ako ng boots para sa pagroronda mamaya sa lugar. Habang dinala ko naman ang isang cowgirl hat para proteksyon sa init.
"Nene, magluto ka na agad ng tanghalian. Baka mamaya pa ako makakauwi," wika ko sa aking katulong pagkababa ko pa lamang sa hagdanan. Abala ito sa paglilinis ng mga figurine habang pasayaw-sayaw pa.
Iniwan nito ang ginagawa at binalingan ako. "Opo, Ma'am. Ako na po ba ang bahala o may gusto ka pong kainin Ma'am?" tanong nito sa akin.
"Wala. Kung ano na lang ang gusto mo. Kung hindi ako aabot sa tanghalian, pakihatid na lamang sa tauhan ang pagkain. Nasa may maisan lang ako," sabi ko bago umalis.
Nilibot ko kaagad ang likuran ng aming mansion. Ilang metro lang ang aking nilakad at narating ko na ang isang malaking kwadra ng mga hayop. Tinungo ko ang kwadra ng mga kabayo at kinuha ang aking paboritong alaga, si Kidlat. My Arabian horse. Niregalo ito sa akin ni Bernard noong bago pa lamang kaming ikasal.
Bago ko ito kinuha ay hinaplos ko muna ang mukha nito. Napakaamo niyon at napakalambot din ng mga balahibo nito. Napangiti ako ng humalinghing ang kabayo sa aking bawat haplos habang umaalog naman ang ulo nito na para bang gustong-gusto nito ang aking ginagawa.
"Good boy," sabi ko nang tuluyan itong mailabas mula sa kwadra. Sumakay kaagad ako rito at inayos ang aking sarili sa ibabaw ng saddle nito.
Pinatakbo ko kaagad si Kidlat at pareho naming binaybay ang malawak na lupain na ilang kilometro pa mula sa aming mansion. Mabilis ang pagtakbo ng kabayo na para bang may hinahabol ito. Ang lakas ng hangin na tumatama sa aking mukha ay hindi ko alintana. Maging ang panaka-nakang pagtabing ng mga hibla ng aking buhok ay hindi ko na ininda. The wind gave calmness inside of me that I didn't care if it was too strong or not.
Ilang sandali pa ay natanaw ko kaagad ang malawak na taniman ng tubo. Maging ang mga maisan ay nakikita ko rin. Napakagandang pagmasdan niyon lalo pa at kulay berde pa lamang ito. Habang ang kalapit namang lupain ay mukhang bagong tanim pa lamang.
"Magandang umaga! Kumusta po?" bati ko sa grupo ng mga magsasaka. Sa kanilang hitsura ay napagtanto kong kagagaling lamang nila sa taniman ng palay.
"Magandang umaga rin, Mayora. Saan po ang tungo niyo?" tanong sa akin ng pinakamatanda sa grupo.
"Pupunta po ako sa maisan. Titingnan ko lang," sagot ko naman.
"Aba, eh! Baka sa bagong tanim po? Doon din po kami tutungo. Ang grupo po kasi namin ang magtatanim doon."
Napatango ako sa kaniyang sinabi. Nagulat din ako dahil nahuli ang pagtatanim sa bakanteng lupa, ngunit hindi na ako nagtanong pa sa mga trabahante. Kakausapin ko na lamang si Andrew tungkol doon.
"Mauna na po ako. Hihintayin ko kayo roon. Salamat po!" wika ko bago tuluyang nagpaalam.
Pinasibad ko agad si Kidlat at mabilis naming narating ang bakanteng lupain. Nakita ko kaagad si Andrew sa gilid ng kaniyang sasakyang Wrangler na nakasandal doon. Nakapamulsa pa ito habang pinagmamasdan akong papalapit sa kaniya. As usual, rugged na naman ang hitsura nito. Maong na butas at kupas na polo.
"Kapag nahulog ka sa kabayo, wala ako para tulungan ka," bungad kaagad niyang sabi sa akin nang magkatapat kami.
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Iniinis na kaagad niya ako kahit kararating ko pa lamang. Bumaba ako sa kabayo at sa kamalas-malasan ay nawalan pa ako ng balanse. Sinalo kaagad ako ni Andrew at natatawang tinitigan ako.
"Kakasabi ko pa lang, nangyari na agad. Minsan kasi, kailangan mong mag-ingat," sabi niya pagkatapos akong pakawalan.
Napanguso ako at hinarap ito. Malay ko bang mamalasin ako saktong pagbaba. "Sa susunod, huwag mo na akong saluhin kong napipilitan ka lang," sabi ko nang makahuma sa kahihiyan.
Napangisi siya sa aking tinuran. May kakaibang ngiti ang kaniyang mga mata kahit pa pormal ang kaniyang hitsura. Sa nakita ay agad akong kinabahan. Pinikit-pikit ko pa ang aking mga mata upang palisin ang isang hindi kanais-nais na ideya.
"Napakaswerte ng kapatid ko sa 'yo, Laura. Kaya bilang kapatid ni Bernard ay obligasyon ko ring alagaan ka," sabi nito sa akin bago ako tinalikuran.
Nang sundan ko si Andrew ng tingin ay sinasalubong na niya ang mga trabahador. Kinausap niya ito saglit habang mataman naman siyang pinapakinggan ng mga ito.
"Nasa likod ng sasakyan ko ang binhi. Pakikuha na lang. Ang mga mag-aararo, parating na rin. Magpahinga muna kayo saglit," narinig kong sabi nito nang makalapit ako.
Agad naman siyang sinunod ng mga trabahante. Napagtanto ko ring magaling si Andrew sa pakikisama sa mga ito. Kinakausap at kinukumusta. Ilang sandali pa ay nagsisimula na ang lahat sa pagtatanim ng mais.
"Gusto kong subukan 'yan," paalam ko kay Andrew nang makita ko siyang naglalagay ng binhi sa isang plastic na lagayan.
"Ang mga babaeng maporma gaya sa 'yo, pinapaupo lang. Saka, hindi ka marunong," sarkastiko nitong sabi habang napangisi.
Inirapan ko siya at naupo na lamang sa lilim ng punong mangga na nasa gilid ng taniman. Nakakainis talaga ang kapatid ni Bernard. Kung ituring ako ay parang batang walang alam. Papaano ako matututo kung hindi ko susubukan?
Habang pinagmamasdan ang malawak na lupain ay saglit kong nakalimutan ang aking problema. Siguro nga, kailangan ko lang talagang magkaroon ng isang payapang paligid para makahinga naman ako sa lahat ng mga pinagdadaanan ko sa buhay.
"Oh! Para sa 'yo."
Itinaas ko ang aking paningin upang makita ng maigi ang iniaabot ni Andrew sa akin. Isa itong bote ng mineral water at mukhang malamig pa iyon.
"Ano namang, gagawin ko rito?" tanong ko sa kaniya habang inaabot ang tubig.
"Iinumin. Hindi mo naman pwedeng ipaligo 'yan," sagot nito habang napapailing.
Ilang saglit pa ay tatawa-tawa na ito na para bang sobra itong natuwa. Umupo din ito sa aking tabi pagkatapos at napapailing.
"Nakakainis ka talaga Andrew, alam mo 'yon? Lagi mong sinisira ang araw ko," tanging nasabi ko na lamang.
"Nakakainis nga ako. Kaya mas gusto mo si Bernard kaysa sa akin," halos bulong na lamang na sabi nito ngunit dinig na dinig ko 'yon.
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Andrew. Agad-agad ay tumayo ako upang umalis. Mabilis ang aking lakad na para bang nakikipag-karera ako sa isang bagay na hindi ko naman matukoy kung ano.
"Laura!"
Narinig ko pang sigaw niya sa akin, ngunit hindi ko siya nilingon. Ang mga salita ni Andrew ay nakakakilabot sa akin. Isa iyong hindi katanggap-tanggap na bagay.
Nababaliw na ba siya?
"Laura, makinig ka. Hindi ko intensyong sabihin. . ." Narinig kong sabi niya sa akin nang magkatapat kami. Tiningnan ko siya at napailing. Sinipa ko si Kidlat sa tagiliran at agad itong tumakbo. Iniwan ko si Andrew. Iniwan ko siya dahil hindi ako dapat nakikipaglapit sa kaniya.
Nang makarating ako ay ibinalik ko muna si Kidlat sa kuwadra bago nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa si Nene nang makita ako, ngunit hindi ko na siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto namin ni Bernard.
Hindi ko dapat isipin ang sinabi ni Andrew ngunit hindi ko maiwasan. Napabuntonghininga ako. Pinakalma ko ang sarili at tinawagan ang opisina ng aking asawa. Nakailang ring muna ito bago may sumagot.
"Hello, Honey?" wika ko.
"Ay! Ma'm, si Glenda po ito. Wala pa po si Mayor, baka may pinuntahan pa po," imporma sa akin ng sekretarya ni Bernard.
Napamura ako sa isip. Mas lalong sumakit ang aking ulo dahil sa nalaman.
Nasaan na naman ang magaling kong asawa?
Laura POV San Vicente mourns for Guerrero's death Mayor Bernard Guerrero died in a car crash Hinaplos ko ang mga kataga na nakasulat sa isang lumang diyaryo. Pagkatapos ng ilang sandali ay napabuntong-hininga ako. Isinandal ko rin ang aking likuran sa kahoy na upuan habang tahimik na pinagmamasdan ang karagatan. Napakalawak nito at tila ba napakapayapa. Ang asul na tubig na humahalik sa mapusyaw na kalangitan ay napakagandang pagmasdan. Ang liwanag na nagmumula sa araw na tila nagdudulot ng bagong pag-asa sa sinuman ay nakakabighani kong titingnan. Tila ito isang obra na sadyang nilikha para sa nais makahanap ng katiwasayan. "Ano pong nangyari sa prinsipe? Nasaan na po, siya?" Isang maliit na boses ang umagaw sa aking nagliliwaliw na isip. Itinagilid ko ang aking ulo at tiningnan ito sa aking tabi. Naglalaro ito ng buhangin habang ang mga malilit na
Bernard POVNapakaganda.Iyon ang unang salita na naisip ko nang tumanaw ako sa ibaba ng school ground. Tinuturo nina Gary at Arnel ang dalawang babae na nakaupo roon. Napakunot pa ang noo ko nang makilala ang isa sa mga iyon. Ang babaeng binigyan ko ng panyo kanina. Pero, hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi sa kasama nito. Laura. Katulad nito ay napakaganda din ng pangalan nito."Bernard, bakit mo ako hihiwalayan?"Binalingan ko kaagad si Lani, ang pinakabago kong nobya. Nakahiga ito sa kama habang nakabalot ng kumot ang hubad na katawan nito. Kakatapos lang naming magpalabas ng init sa katawan nang sabihin ko dito ang talagang gusto ko."Hindi nga kita, mahal! Pasensya ka na. Alam mo naman na hindi ako seryoso sa'yo, di ba?!" may halong inis na sagot ko sa tanong nito.Napaiyak ito sa sinabi ko. Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito habang impit na umiiyak.
Andrew POVPalagi akong nagpupunta sa rooftop kapag libreng oras. Mahilig ako magsyesta kapag tanghali at walang klase. Tahimik kasi ang lugar at mahangin. Masarap matulog."Ikaw lang talaga ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin?"Boses kaagad ng babae ang narinig ko galing sa kung saan. Kakapasok ko pa lang sa rooftop kaya napakunot kaagad ang noo ko. Sayang naman ang syesta ko kung madidisturbo lang ng maingay na babae.Araw-araw nandoon ang babae para mag-ensayo. Akala ko sasali ito sa contest pero nalaman kong mahilig talaga itong umarte. Palagi ko rin itong pinagmamasdan. Malayo mula dito para hindi ito mailang. Masasabi ko rin na magaling ito.Napapangiti na lang ako kapag sinasampal o sinasabunutan nito ang sarili. Minsan pa ay tatawa ito na parang baliw. Tumitingala sa langit pagkatapos ay iiyak. Napailing pa ako minsan nang maupo ito sa sahig ng rooftop. Kung may makakakita dito
Lara POV"Shhh, huwag kang maingay.""Kuya, bakit po?" tanong ko dito.Mabilis na inilagay ni Kuya ang kaniyang kamay sa aking bibig. "Sabing 'wag kang maingay!" Nanlilisik ang mga mata na wika pa nito.Kinabahan kaagad ako sa inaakto ni Kuya. Lalo na nang mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Nakahiga ako sa aking kama habang siya naman ay nakatanghod sa akin."Nakakatakot ka, Kuya!" bulalas ko nang pakawalan nito ang aking bibig. "Nay! Tat-""Gusto mo ba, si Laura na lang?"mahinang bulong nito sa aking tainga matapos akong kubabawan. Inilagay din nito ang kamay pabalik sa aking bibig.Ang takot ko ay mas nadoble nang banggitin nito ang aking kakambal. Magkasama kami ni Laura sa kuwarto ngunit, wala ito ngayon dahil nasa bahay ng isang kaibigan.Umiling ako kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Disi-sais
"Saan ba kasi tayo, pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Bernard. Nasa tabi ko ito at seryosong nagmamaneho. Nakatuon ang mga mata nito sa harap habang may munting ngiti sa labi.Inirapan ko na lamang ito nang hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat ako at inayos na lamang ang sarili. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko. Para itong pipi sa sobrang silyado at ingat sa mga salita nito."Basta," sa wakas ay wika nito.Sinulyapan ko ito ng bahagya sabay tango. Nakita ko pa ang pagsulyap din nito sa akin sabay ngiti na sinuklian ko naman. Hindi na rin ako nagtanong pa ng kahit ano. Hinayaan ko si Bernard sa gusto niya. Kung saan man kami pupunta. Nagpatianod ako sa lahat."Antok ka na?" wika nito kapagkuwan."O-Oo. Malayo pa ba tayo?" tanong ko dito habang ang ulo ay nakasandal sa gilid ng bintana. Pinagalitan ko pa ang sarili dahil hindi man la
Kasabay nang malalakas na hampas ng hangin ay ang nagliliyab na mga damdamin na matagal nang nakabaon. Kasabay ng paghampas ng ulan ay ang mga ungol ng kaluwalhatian. Damang-dama ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagpapaubaya. Ang pagsuko sa lahat ng sakit at ang muling pagkagising ng isang natutulog na damdamin.Nang matapos ang isang mainit na tagpo ay pareho kaming hinihingal ni Bernard na napatihaya sa kama. Ang lamig na dulot ng panahon ay hindi nagawang maibsan ang aming nag-iinit na pakiramdam. Ang apoy na gumising sa puso kong matagal nang nakabaon ay muling nagliyab."Laura, patawarin mo na ako. Hindi man ako perpekto pero mahal na mahal kita." halos pabulong na sabi nito.Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Bernard. Agad akong tumagilid at pinulupot ang hubad na katawan sa isang kumot. Lumayo din ako sa kaniya ng bahagya at tinalikuran ito.Sa nangyari ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong s
Tahimik akong pinagmamasdan ang mga tao sa aming harapan. Kahit tirik ang araw at nakatayo sa malawak na gym ng kanilang baranggay ay nakangiti pa rin ang mga ito habang nakatanaw kay Bernard at sa mga kaalyado nito na nagsasalita at nagpapahayag ng kani-kanilang plataporma."Gusto mo ba nang maiinom, Hija?" bulong sa akin ng Nanay ni Bernard.Agad ko itong binalingan. Ngumiti din ako sabay iling, "Hindi po, Mama. Salamat na lang po," magalang na tanggi ko.Napangiti ito at tumango sa aking tugon. Bumalik rin ang tingin nito sa aming harapan. Nasa entablado kami at nakaupo kasama ang mga kandidato. Maging ang Tatay ni Bernard ay prente din ang pagkakaupo katabi ang asawa nito. Nakangiti pa ito sa lahat na tila ba masayang-masaya."Mayor! Suportado ka namin!""Mayor! Mayor! Mayor!""Oo nga! Sure win ka na, Mayor!"Napangiti ako nang marinig ang sigawan ng m
Hindi ko na hinintay na ipagtulakan pa nila ako paalis. Mabilis ang aking mga hakbang habang nagpupuyos ng sakit sa aking dibdib. Lakad takbo ang ginawa ko para lamang makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Lara sa akin kanina.Habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon ay ang pagkadurog din ng aking pagkatao. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako sa lahat. Sa direktang pagtakwil ni Nanay sa akin at sa rebelelasyon ni Lara na hindi ko alam kung totoo."Mayora? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng isang tricycle driver.Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Toda ng mga namamasada. Sa sobrang sakit ng dibdib ko parang may sariling isip din ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.Babalik na naman ba ako sa dati? Magpapakaalipin na naman ba ako sa sakit?Pakiramdam ko n
"Kapag nasasaktan ka, walang nakakahigit na nakakaalam sa 'yong pagdurusa kundi Siya. Kapag naguguluhan ka, kumapit ka lang at maniwala sa Kaniya."Ang lahat ay tahimik habang nakikinig sa liturhiya ng pari sa aming harapan. Linggo ngayon, at nakasanayan na ng pamilya nina Bernard na magsimba tuwing umaga. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal sila nang mamamayan ng San Vicente."Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lamang para sa isa. Hindi lamang para sa'yo, sa akin, sa kaniya, kundi para sa lahat. Ang pag-ibig Niya ang siyang nagbubuklod sa sanlibutan. Kaya kapatid, kung inaakala mo na mag-isa ka na lang. Kung pakiramdam mo iniwan ka na nang lahat. Pwes, mali ka! Dahil Siya! Hinding-hindi ka Niya iiwan. Manalangin tayo," wika nito bilang pagtatapos nang liturhiya.Sa lahat ng narinig ko mula dito, pakiramdam ko para iyon sa akin. Lahat ay tumagos sa aking puso maging sa kaibuturan ng aking pagkatao.Ipiniki