“Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.”
“Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen." “Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen… “Nakapikit, habang taimtim na binigkas ang panalangin na ito, kasama ang puso na may kapanatagan ng loob. Alas sais na ng hapon at ngayon ay malapit ng matapos ang aming rosary. Ganito ang ganap sa loob ng kumbento na kung saan ay malapit na akong maging ganap na madre. Oo, buong buhay ko ay iaalay ko sa Diyos, hanggang sa dumating ang araw na bawiin niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin. Walang pagsidlan ang matinding kasiyahan sa puso ko dahil sa nalalapit ng maganap ang aking Perpetual Vows. Sa araw na ‘yon ay tuluyan ko ng isusuko ang buhay ko sa Panginoon. Bata pa lang ako ay umiikot na ang buhay ko sa loob ng kumbento. Dito ako nanirahan kasama ng mga madre, at sa edad na bente ay nakapagtapos ako ng Bachelor of Education. Ang aking karunungan ay ginagamit ko sa pagtuturo ng mga salita ng Diyos. Kung saan-saang lugar din ako nadedestino para magserbisyo sa mga komunidad kaya halos naikot ko na ang buong Pilipinas. Nang matapos ang aming pagrorosaryo ay muli kong ipinikit ang aking mga mata para sa pansariling dalangin. Huminga ako ng malalim, kasunod ang paglitaw ng magandang ngiti sa aking mga labi. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko ang maaliwalas na mukha ng mga kasama ko. “Sister Hannah, may mga bisita ka at naghihintay sila ngayon sa parlour.” Pagbibigay alam sa akin ni Sister Ally. Ang tono ng kanyang pananalita ay napakalambing, at siguradong mapapangiti ka rin sa oras na masilayan mo ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. “Salamat, Sister Ally.” Nakangiti kong sabi saka tinahak ang direksyon patungong Parlour. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng lumitaw ang imahe ng aking ama mula sa aking balintataw. Kasunod nito ang pagbugso ng matinding pananabik sa puso ko. Pagdating sa pintuan ng parlour ay nagliwanag ang aking mukha ng masilayan ko ang gwapo at malakastilang mukha ng aking Ama. Sabik na tinawid ang aming pagitan at buong pananabik na niyakap ang may katabaan nitong katawan. “Papâ!” Masigla kong sambit, habang nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na gumanti siya ng mas mahigpit na yakap. “Kumusta na ang aking magandang anak?” Nakangiti na tanong ni Papa habang inilalayo ang sarili sa aking katawan. “Masaya ako Papâ na nagkaroon kayo ng pagkakataon na bisitahin ako. Maayos naman ang kalagayan ko dito at natutuwa akong sabihin sa inyo na malapit na akong maging isang ganap na Madre.” Masaya kong anunsyo habang isa-isang tumitingin sa mukha ng aking ama, sunod sa mukha ng aking ina. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o baka dinadaya lang ako ng aking paningin? Bahagya kasing sumimangot ang mukha ng aking mga magulang ngunit mabilis lang ‘yun dahil kaagad na nanumbalik ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. “Anak, hindi na ba mababago ang desisyon mong ‘yan? Alam mo naman na dalawa na lang kayo ng ate Lara mo na inaasahan ko sa ating mga negosyo. Hindi mo ba kayang pagbigyan ang kahilingan ko? Matanda na ako Hannah.” Malungkot na pahayag ng aking ama. Unti-unting naglaho ang ngiti sa ’king mga labi, lumambot ang ekspresyon ng mukha ko. Tuluyan ko ng binitawan ang kamay ni Papa. Ngumiti ako, ngunit hindi ito umabot sa aking mga mata. “Pakinggan mo ang iyong Papâ, anak, ikaw na lang ang inaasahan ng ating pamilya na siyang magsasalba sa ’ting mga negosyo”- “Lanie!” Sawata ng aking ama sa matigas na tinig dahilan kung bakit biglang naudlot sa pagsasalita ang aking ina. Kaya naman gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. Nanahimik naman ito at pilit na ngumiti. “Nakikita ko na masaya ka sa iyong desisyon anak at hindi ko hahayaan na ako pa ang maging hadlang sa mga pangarap mo.” Ani ni Papa na siyang umantig sa puso ko. Muling nanumbalik ang masayang ngiti sa mga labi ko. Kahit na labag sa kalooban ng aking ama ang napili kong landas ay malugod pa rin niya itong tinanggap. Ramdam ko pa rin ang suporta nito sa mga desisyon ko. “Salamat, Papa.” Maluha-luha kong wika. Isang matipid na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. “Yanu ring hindi na mababago ang iyong desisyon, maaari mo bang pagbigyan ang kahilingan ko na makasama ka para sa kaarawan ng iyong kapatid?” Ani pa ng aking ama sa tono na tila naglalambing. Minsan lang maglambing ang aking ama, magagawa ko ba itong tanggihan? Huli na bago ko pa napagtanto ang sinabi ng aking ama. Bigla akong nakunsensya dahil nakalimutan ko ang kaarawan ng aking kapatid. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ni ate Lara ay nagpapadala na lang ako ng regalo para sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakalimutan ko ang bagay na ‘yun dahil sa nalalapit kong perpetual vow. Nakaramdam ako ng hiya sa aking pamilya, dahilan kung bakit walang pag-aalinlangan na pinagbigyan ko ang kahilingan ng aking ama. “Patawad Papâ, kung nakalimutan ko ang kaarawan ng aking kapatid. Sandali lang at magpapaalam ako sa aming Superior..” may pag-aatubili kong saad bago mabilis na pumihit patalikod. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang malaking villa na merong malawak na bakuran. Ilang sandali pa ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Natigilan ako dahil sa kakaibang damdamin na umusbong sa dibdib ko. Dapat ay masaya ako, ngunit bakit pakiramdam ko ay kay bigat ng loob ko sa bahay na ‘to? Nang huminto ang mga paa ko sa tapat ng malaking pinto na gawa sa narra ay tila bumigat ang dibdib ko. Bakit ganun? Ang kasiyahan na nararamdaman ko’y dagling naglaho. Napalitan ito ng kakaibang kabâ. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, sumikdô ito kasunod na wari moy tinatambol ang dibdib ko. Sa totoo lang ay hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ‘to. Madalas ko itong maramdaman sa tuwing tatapak ang aking mga paa sa bahay na ‘to. “Hannah?” Nagtatanong na tawag ni Papâ na siyang nagpabalik sa akin sa realidad. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa nakasaradong pintuan. Marahil ay nainip ang aking ina kaya siya na mismo ang nagbukas ng pinto. Sa pagbukas ng pinto ay umihip ang hangin, naramdaman ko na dumampi ito sa aking mukha. Dahilan kung bakit kusang pumikit ang aking mga mata. Tahimik na humakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng bahay. Bakit pakiramdam ko ay parang may mga kadena ang aking mga paa? Napakabigat ng mga ito at tila labag sa aking kalooban ang pumasok sa tahanang ito. “Ano ba ang nangyayari?” Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Napaantada pa ako bago sinimulang umusal ng isang panalangin. Kalaunan ay lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Tunay na makapangyarihan ang panalangin dahil kahit papaano ay napawi nito ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko. “Alam ko na pinananabikan mo ang silid mong ito, anak. Halos labing-apat na taon ka ng hindi umuwi dito sa atin.” Magiliw na saad ng aking ama. Nang nasa tapat na kami ng pintuan nang silid ko ay nakangiti na hinarap ko si Papâ. “Marahil ay tama ka Papâ at matatagalan bago pa ako muling makabalik dito. Kaya susulitin ko na ang bawat sandali na kasama kayo.” Malambing kong wika. Iginiya ako ni Papa papasok sa loob ng aking silid. “So paano Iha, mamaya na lang ulit tayo mag-usap may kailangan lang akong asikasuhin.” Nakangiti na saad ni Papâ. Natigilan ako ng napansin ko ang kakaibang awra ng aking ama. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay mukha naman siyang masaya. Subalit, iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Lungkot, takot at tila nakukunsensya, Ilan lamang ito sa mga nakikita ko mula sa kanyang mga mata. Biglang lumihis ng tingin si Papa, kasabay nito ang mabilis na pagtalikod. Mas lalo akong naguluhan ng tahimik na humakbang ito patungo sa pintuan, hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng silid. Nang tuluyang sumara ang pinto, nangibabaw ang nakakabinging katahimikan. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko, ilang segundo ang hinintay saka ito pinakawalan. Mula sa nakabukas na bintana ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid.” Ilang sandali pa… Bumukas ang pinto, kasunod ang ilang mga yabag ng paa mula sa mamahaling sapatos na suot ng isang lalaki. Dahilan kung bakit muling nilingon ni Hannah ang pintuan. Akala niya ay ang kanyang ama, kaya nakangiti na pumihit paharap sa pinto. Subalit, labis niyang ikinabigla ng masilayan ang isang morenong lalaki na matikas na nakatayo sa bungad ng pintuan. Matangkad ang lalaki at may seryosong mukha. Matalim kung makatingin ang kanyang mga mata na wari moy inaarok ang kanyang buong pagkatao. Mariin na nakalapat ang kanyang mga labi, halatang nakatiǐm ang mga bagang nito. Hindi maikakaila ng mamahaling kasuotan na nagmula ang binata mula sa isang mayamang angkan. Nakasilid ang isang kamay nito sa bulsa ng kanyang mamahaling itim na slacks. Tanging ang suot nitong mamahaling relo ang makikita mula sa kanyang palapulsuhan. Nagtama ang kanilang mga mata, tila pareho pa silang nagulat ng masilayan ang mukha ng isa’t-isa. “Sino ang estrangherong lalaki na ‘to?”“What happened to my wife?” Kinakabahan na tanong ni Alexander sa doktor na tumingin sa kanyang asawa. Narinig niya na namuntong hininga ito bago sumagot sa kanyang tanong. Kinakabahan si Alexander sa magiging sagot ng doctor pero narun pa rin ang kuryosidad na malaman ang malalim na kondisyon ng kanyang asawa.“Mr. Foster, ang nangyari sa iyong asawa ay isang nervous breakdown. May hinuha ako na hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ito ng asawa mo.” Malungkot na pahayag ng doktor, ramdam ni Alexander na hindi lang ito ang malalaman niya mula sa doctor dahil nababasa niya sa mga mata nito ang maraming katanungan. Mukhang maging ang doktor ay naguguluhan sa kondisyon ng kanyang asawa. Marahil nagsisimula pa lang siya na tuklasin ang totoong kondisyon ng pasyente.“What do you mean?” Hindi makapaniwala na tanong ni Alexander, batid niya na tama ang sinabi ng doktor subalit hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga eksena sa pagitan nilang mag-asawa bago ito tuluyang mawalan
“No! Hindi ko pipirmahan ang papel na ‘yan!” Tiǐm bagang na pahayag ni Alexander, naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa pinaghalong sakit at galit. Para siyang nakatanggap ng isang bomba na bigla na lang sumabog sa kanyang harapan. Labis niyang ikinabigla ang naging desisyon na ito ng kanyang asawa.“Tell me Hannah, ni minsan wala ka man lang bang naramdaman sa akin? Ni minsan ba ay hindi mo man lang ba ako minahal?”Madamdaming tanong ni Alexander, naisip niya na idaan sa isang panunuyo ang lahat at baka sakaling muling bumalik ang dating pakikitungo sa kanya ni Hannah. Natulala si Hannah sa mukha ng kanyang asawa, ni hindi kumukurap ang mga mata nito. Nagtaka si Alexander kung bakit hindi na ito kumikibo, napaka tahimik nito na wari mo ay kay lalim ng kanyang iniisip. Hindi lingid sa kaalaman ni Alexander na isa-isang lumilitaw sa isipan ni Hannah ang bawat eksena mula sa nakaraan. Ang kanyang pagsisinungaling, na tinutugon naman ni Hannah ng isang halik. Nahigit ni Hannah
“Sa nakikita namin, masyado ka pang bata para sa isang mabigat na responsibilidad. Una ay wala ka pang karanasan, pangalawa ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman upang pangasiwaan ang kumpanya.” Napatiǐm bagang si Alexander dahil pakiramdam niya ay iniinsto ng lahat ang kanyang asawa. Ano ang karapatan ng mga ito!? Mula sa mukha ng mga board member ay lumipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang asawa. Namangha si Alexander, dahil imbes na mainsulto o magalit ay parang nakikinig lang ng mga payo si Hannah. Bahagya pa nga itong tumatango habang pinakikinggan ang sinasabi ng lahat. “I see, lahat ng sinabi nyo ay may katotohanan, don’t worry nauunawaan ko ang inyong mga saloobin.” Nakangiti pang saad ni Hannah habang pinapaikot ang isang ballpen sa kanyang mga daliri. “My apologies, hindi ko kayo nainform na ang aking ama ay nag resigned na sa kanyang posisyon. At inihahayag ko sa inyong lahat na ako na ngayon ang bagong CEO ng kumpanya.” Ang lahat ay nabigla, maging si Mr. Larr
Parang naestatwa ang lahat dahil sa paglantad ng anak ni Mr. Larry. Habang ang mag-inang Lanie at Lara ay labis na naghihimagsik ang kanilang mga kalooban. Humigpit sa pagkakakuyom ang mga kamay ni Lara habang pinapatay niya si Hannah sa pamamagitan ng matalim na tingin. Nang-aasar na ngumiti si Hannah ng makita niya ang pagdaan ng inggit mula sa mga mata ni Lara. Hindi maikakaila na labis na ikinagalit ni Lara ang malaking kalamangan sa kanya ni Hannah. Hindi lang sa ganda kundi maging sa malamodelo nitong katawan. “Ano ang ginagawa mo dito Hannah?” Seryosong tanong ni Alexander ng makabawi sa labis na pagkabigla. Makikita sa mukha niya ang pagnanais na lapitan ang asawa at ipasok ito sa loob ng kanyang damit upang walang ibang lalaki na makakita sa ganda ng kanyang asawa. “Bakit nandito ang asawa ko? Gayung mahigpit kong bilin sa mga katulong na huwag itong hahayaan na makalabas ng silid?” Nagtataka na tanong ni Alexander mula sa kanyang isipan. Pagkatapos kasi ng insidente
Mula sa entrance ng Logistic company ay dumating si Alexander kasama ang kanyang mga tauhan. Sa kanang bahagi niya ay ang kanyang abogado, habang sa kaliwang bahagi ay ang sekretarya nito. Samantalang sa likuran niya ay tahimik na nakasunod ang personal assistant nito at ang ikalawa niyang abogado. Natigil sa kanilang ginagawa ang mga empleyado ng Logistics Company at nagtataka na lumingon ang mga ito sa kanyang direksyon. “Ano ang ginagawa ni Mr. Foster sa kumpanya ng mga Homer?” Ito ang katanungan mula sa kanilang isipan habang nakasunod ang tingin ng mga ito sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Kilala siya bilang isang workaholic at halos hindi siya mahagilap dahil sa sobrang abala niya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. Kaya naman labis nilang ikinagulat ang biglaang pagdating nito. Walang pakialam na nagpatuloy lang sa paglalakad si Alexander, hindi alintana ang espesyal na atensyon na natatanggap mula sa mga kababaihan. Ramdam niya kung gaano siyang hinahangaan ng mga it
Tulala at parang wala sa kanyang sarili si Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair dito sa kanyang opisina. Patuloy na pinaikot-ikot ang isang mamahaling ballpen sa kanyang mga daliri habang ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy na ikinakatok sa ibabaw ng lamesa. Hannah is no longer existing into this world. And I will do everything para bawiin ang lahat ng nawala kay Hannah. Kung kinakailangan na burahin ko kayong lahat ay gagawin ko. Ibabangon kong muli ang kanyang dignidad na niyurakan mo.” Halos paulit-ulit itong naglalaro mula sa kanyang isipan, habang nangingibabaw ang tanong na kung “bakit ? at ano ang nangyayari sa kanyang asawa? Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mula kagabi hanggang ngayon ay hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. Aminado naman si Alexander na malaki ang kasalanan niya kay Hannah, at walang ibang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili. Isang narahas na buntong hining