Bumukas ang pinto, umihip ang malamig na simoy ng hangin.
Parang slow motion ang bawat hakbang ng mga paa ng lalaki papasok sa loob ng silid ni Hannah. Kasabay nito ang pagpihit ng katawan ni Hannah paharap sa pintuan. Tuluyang nagkaharap ang dalawa, kapwa natigilan. Nagtama ang kanilang mga mata, nagkatitigan na para bang may mahika. Pilit na sinisino ang isa’t-isa. Tanging ang pintig ng kanilang mga puso ang naririnig ng mga sandaling ito. Ang magandang ngiti sa mga labi ni Hannah ay unti-unting nawala. Kumunot ang kanyang noo, nagtatanong ang mga mata na nakatitig sa mukha ng lalaki. Bumuka ang malarosas niyang mga labi. Sinundan ito ng mga mata ng binata, napalunok pa ng wala sa oras. “Sir, ano ang maipaglilingkod ko sayo? At bakit pumasok ka sa aking silid ng walang pahintulot?” Natigilan ang lalaki ng marinig ang malamyos na tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay para siyang na nanaginip. Ipinikit ng tatlong beses ang kanyang mga mata, wari moy namamalikmata sa kanyang mga nakikita. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad muli ang imahe ng isang inosenteng babae. Tanging ang maputi at maliit nitong mukha ang nakikita. Mula sa ulo ni Hannah na nababalot ng itim na belo na merong puting tela sa palibot ng kanyang mukha ay bumaba sa itim na bestida niya ang mga mata nito. Halos umabot sa talampakan ang suot na puting bestida kaya tanging ang itim na sapatos at makapal na puting stocking nito ang makikita sa paanan ng dalaga. Mula sa paanan nito ay muling umakyat ang kanyang tingin sa mukha ng dalaga. Muli, natulala siya. Kakaiba ang mga mata ng dalaga, medyo singkit ito ng bahagya subalit pagdating sa dulo ay tila perpektong iginuhit ng pahaba. Pinarisan pa ito ng malantik at makapal na pilik mata. Maging ang kilay ng babae ay masasabing perpektong nilikha ng may Kapal. Ang kanyang ilong na may kaliitan ngunit kay ganda ng pagkakahulma dahil sa perpektong hugis at tangos nito. Napalunok pa ang binata ng magawi ang kanyang tingin sa hugis puso at malarosas na mga labi ng dalaga. Halatang natural ang pamumula nito na bahagya pang namamasa. Pagkatapos na sipatin ang kabuuan ng dalaga ay muling bumalik ang tingin ng lalaki sa mga mata ni Hannah. Kung sa unang paghatol, ang dalaga ay mukhang masungit, ngunit ng dumungaw ang pantay at maputi nitong mga ngipin ay tila isang Anghel ang nasa kanyang harapan. Mas lalo lang nagulo ang sistema ng lalaki ng lumitaw ang malalim at magandang beloy sa magkabila nitong pisngi. Hindi kaagad nakasagot ang binata sa tanong ni Hannah dahil hindi ito ang kanyang inaasahan. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang na kontrol ng lalaki ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Hannah kung galit ba sa kanya ang lalaki dahil sa paraan ng tingin nito. Salubong kasi ang mga kilay nito, at tila inaarok ng mga mata ng lalaki ang kailaliman ng kanyang pagkatao. Ngunit, ang labis na gumugulo sa kanyang isipan ay kung ano ang ginagawa ng lalaki sa loob ng kanyang silid at sino ito? Sandaling naghinang ang kanilang mga mata, wari moy tumigil sa pag-ikot ang mundo para sa kanilang dalawa. Si Hanna na sa unang pagkakataon ay natulala sa mukha ng isang lalaki. Umangat ang sulok ng bibig ng binata. Mariing naglapat ang mga ngipin nito habang matiim na nakatitig sa mukha ng dalaga. Gumawa ng apat na hakbang ang estrangherong lalaki. Huminto mismo sa tapat ni Hannah. Umawang ang bibig ni Hannah upang muling magtanong, subalit naudlot ang sana’y sasabihin nya ng magsalita ang lalaki. “Matalino ang iyong Ama, hindi ko akalain na kaya niyang bilugin ang ulo ng aking magulang. Huh? Tandaan mo, maikasal man tayo ay hindi mo pa rin makukuha ang nais ng pamilya mo mula sa pamilya ko…” Lumalim ang gatla sa noo ni Hannah. Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng lalaki. Ngunit iisang salita lang ang tumimo sa kanyang utak. “Kasal?” Ito ang namutawi sa kanyang mga labi habang ang mga mata ay palipat-lipat sa mga mata ng lalaki. “Sir, hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi mo.” Nalilitong wika ni Hannah, kasabay nito ang malakas na pagkabôg ng kanyang dibdib. Subalit ang mas ikinagimbal ng dalaga ay nang marahas na hatakin nito ang kanyang kaliwang braso. Halos gahibla ang layo ng kanilang mga mukha, habang ang labi ng binata kulang na lang ay dumikit sa mga labi ni Hannah. “Kahit magpakasanta ka pa sa harap ko ay hindi mo ako kayang linlangin.” Pagkatapos iyong sabihin ay marahas na binitawan nito ang kanyang braso. Habang siya ay nagugulumihanan sa mga nangyayari. Pilit na inaalisâ ang mga sinabi ng lalaki. Pumihit ito patalikod sa kanya, paharap sa pintuan. “Ayusin mo ang sarili mo, huwag mo akong ipahiya sa harap ng ibang tao dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa iyo at sa pamilya mo.” Matigas at nagbabanta nitong turan bago nagsimulang humakbang palayo kay Hannah. Napasinghap si Hannah habang nakatitig sa malapad na likod ng lalaki. “S-sandali! Naguguluhan ako, hindi ko alam ang mga sinasabi mo!” Ani ni Hannah, pilit na ilakas ang boses ngunit sadyang ang pagsasalita ay kay hinhin. Mabilis na hinabol ang lalaki upang linawin ang lahat. Ngunit, di pa man nakakalapit sa pintuan ay tuluyan ng sumara ang pinto. Pinihit niya ang seradura at pilit na buksan ang pinto. Naalarma siya ng malaman na nakalock pala ito. Dahilan kung bakit nagsimula na siyang mabahala. “Papâ! Buksan mo ang pinto! Pakiusap, sabihin nyo sa akin kung ano ang nangyayari! Papa!” Sa pagkakataong ito ay sumisigaw na si Hannah habang kinakalampag ang nakasarang pinto. Subalit ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan ay nagmistulang bingi. Patuloy sa kanilang mga ginagawa hindi alintana ang nagmamakaawang si Hannah. “Papa! Pakiusap, buksan nyo ang pinto!!”Malamyos na tugtugin ang nangingibabaw sa loob ng malawak na silid. Ang mamahaling chandelier na hugis higanteng bulaklak ang siyang nagsisilbing ilaw nito. Mula sa salaming pader ay makikita ang marangyang kabuuan ng silid pati ang mga camera sa bawat sulok ng silid. Mula sa gitna ng bulwagan ay may sampung katulong na nakasuot ng puting uniporme na maayos na nakahilera. Ang kanilang mga kamay ay may suot na puting gwantes. Hawak ng bawat isa sa kanila ang mga itim at mamahaling kahon na walang takip kaya makikita ang naglalakihang mga diamante at mamahaling alahas. Ilang sandali pa, mula sa pintuan ay pumasok si Mrs. Almira Foster. Napakaganda nito at mukha siyang kagalang-galang sa suot na cherry and white business attire. Sa kanyang likuran ay ang tatlong babaeng tagasunod na pawang nakapusod ang mga buhok sa pinakamataas na bahagi ng kanilang mga ulo. Tuwid na tuwid ang kanilang mga likod habang ang mga mata nila ay nakapako lang sa i-isang direksyon. Sa kanang bahagi ni M
“S**t…” mariin na may panggigigil na sambit ni Lanie habang nakatitig sa kanyang mga mahjong tiles. Kasunod nito ang kanyang panlulumo, habang ang isang matandang babae na may suot na maraming alahas ay kasalukuyang kinakabig palapit sa kanya ang maraming chips na milyon ang halaga.Samantalang sa magkabilang bahagi naman ng kwadradong lamesa ay nanlalaki ang mga mata ng dalawang Ginang. Hindi sila makapaniwala sa malaking halaga na natalo mula kay Lanie. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Lanie bago naghanda ng isang magandang ngiti para sa kanyang mga kalaro sa majhong. “Well, mukhang sinalo mo na yata ang swerte ngayong araw, Amiga.” Anya sa maarteng tinig. Kung iyong susuriin ay tila hindi siya apektado sa malaking halaga na natalo sa kanya ngayong gabi. Pagkatapos sabihin ‘yun ay tumayo na sya at walang lingon-likod na iniwan ang mga kasama niya sa lamesa. “Three million halos ang nawala sa kanya pero mukhang balewala lang ito sa kan’ya.” Namamangha na turan ng
“Abot langit ang ngiti ko habang isa-isang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng mga batang nakapila dito sa harap ko. Ngayong araw ay nagaganap ang feeding program dito sa bahay ampunan. Pagkatapos kong magpakain sa mga bata ay meron akong schedule ng bible study sa isang public school. Halos araw-araw akong abala sa iba’t-ibang aktibidad na naka assign sa akin. Sa totoo lang ay nakakapagod ang ganitong trabaho, pero kung bukal sa puso mo ang ginagawa mo at tapat ang iyong hangarin sa paglilingkod sa Diyos, lalasapin mo ang biyaya ng pagpapala. Masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa, at iyong pakiramdam na hindi kayang tumbasan ng anumang materyal na bagay. Pagkatapos kong salinan ng pagkain ang pinggan ng sumunod na bata ay natigilan akong bigla ng maramdaman ko na parang may nakatitig yata sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinipat ang paligid. Mula sa mukha ng mga kasamahan ko na abalâ sa kanilang mga ginagawa ay lumipat ang tingin ko sa mukha ibang tao. Wala
“Nang umihip ang sariwang hangin ay kusang pumikit ang aking mga mata. Napakaaliwalas ng paligid. Ang ingay na nagmumula sa kalikasan ay nagbibigay ng kapayapaan sa aking isipan. Huminga ako ng malalim, pinuno ko ng sariwang hangin ang dibdib ko. Ilang segundo kong pinigil ang aking paghinga habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang pinapakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon ako na imulat ang aking mga mata. Subalit, namangha ako sa aking nakita… Ilog? Malawak na ilog, ito ang nasilayan ng aking mga mata. Paano na napunta ako sa gitna ng isang ilog na may rumaragasang tubig!? Nagpanik ako, sapagkat ako’y sakay ng isang maliit na balsa. Isa lang itong pinagtagpi-tagping kawayan na halos isang dipâ ang lapad. Iniisip ko kung paano kong masisigurado ang aking kaligtasan gamit ang munting kawayan na aking kinauupuan. Nabahala ako ng magsimulang lumabo ang tubig,
Bumukas ang pinto, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Parang slow motion ang bawat hakbang ng mga paa ng lalaki papasok sa loob ng silid ni Hannah. Kasabay nito ang pagpihit ng katawan ni Hannah paharap sa pintuan. Tuluyang nagkaharap ang dalawa, kapwa natigilan. Nagtama ang kanilang mga mata, nagkatitigan na para bang may mahika. Pilit na sinisino ang isa’t-isa. Tanging ang pintig ng kanilang mga puso ang naririnig ng mga sandaling ito. Ang magandang ngiti sa mga labi ni Hannah ay unti-unting nawala. Kumunot ang kanyang noo, nagtatanong ang mga mata na nakatitig sa mukha ng lalaki. Bumuka ang malarosas niyang mga labi. Sinundan ito ng mga mata ng binata, napalunok pa ng wala sa oras. “Sir, ano ang maipaglilingkod ko sayo? At bakit pumasok ka sa aking silid ng walang pahintulot?” Natigilan ang lalaki ng marinig ang malamyos na tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay para siyang na nanaginip. Ipinikit ng tatlong beses ang kanyang mga mata, wari moy namamalikmata sa k
“Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen." “Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen… “Nakapikit, habang taimtim na binigkas ang panalangin na ito, kasama ang puso na may kapanatagan ng loob. Alas sais na ng hapon at ngayon ay malapit ng matapos ang aming rosary. Ganito ang ganap sa loob ng kumbento na kung saan ay malapit na akong maging ganap na madre. Oo, buong buhay ko ay iaalay ko sa Diyos, hanggang sa dumating ang araw na bawiin niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin. Walang pagsidlan ang matinding kasiyahan sa puso ko dahil sa nalalapit ng maganap ang aking Perpetual Vows. Sa araw na ‘yon ay tuluyan ko ng isusuko ang