“Abot langit ang ngiti ko habang isa-isang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng mga batang nakapila dito sa harap ko.
Ngayong araw ay nagaganap ang feeding program dito sa bahay ampunan. Pagkatapos kong magpakain sa mga bata ay meron akong schedule ng bible study sa isang public school. Halos araw-araw akong abala sa iba’t-ibang aktibidad na naka assign sa akin. Sa totoo lang ay nakakapagod ang ganitong trabaho, pero kung bukal sa puso mo ang ginagawa mo at tapat ang iyong hangarin sa paglilingkod sa Diyos, lalasapin mo ang biyaya ng pagpapala. Masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa, at iyong pakiramdam na hindi kayang tumbasan ng anumang materyal na bagay. Pagkatapos kong salinan ng pagkain ang pinggan ng sumunod na bata ay natigilan akong bigla ng maramdaman ko na parang may nakatitig yata sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinipat ang paligid. Mula sa mukha ng mga kasamahan ko na abalâ sa kanilang mga ginagawa ay lumipat ang tingin ko sa mukha ibang tao. Wala naman sa kanila ang nakatingin sa akin, kaya gumuhit ang pagtatakâ sa mukha ko. Nagpatuloy ako sa pagsuri sa paligid hanggang sa tumigil ang paningin ko sa isang itim at mamahaling sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Tinted man ang salamin ng bintana ng sasakyan ay pakiramdam ko’y tumatagos dito ang titig ng taong sakay nito. Lumalim ang gatla sa aking noo habang nakatitig sa mamahaling sasakyan. “Sister Hannah, okay ka lang? Bakit kanina ka pa nakatulala d’yan? May problema ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Sister Ally. Nang marinig ko ang boses nito ay saka lang ako biglang natauhan. Dahilan kung bakit natataranta ako na pagsilbihan ang munting bata sa harap ko. “pasensya na, may bigla lang akong naalala.” Nakangiti kong sagot, habang hinihintay ang paglapit pa ng susunod na bata. Muli kong sinulyapan ang sasakyan, subalit wala na ito roon. Ipinagkibit balikat ko na lang ang lahat at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Buong maghapon ay masyado akong naging abalâ. Nakakapagod Oo, pero masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Maraming nagtatanong kung bakit ko pinahihirapan ang aking sarili gayong mayaman naman ang pamilya ko. Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang dahilan kung paano ako napunta sa poder ng mga madre. Ayon sa kanila ay ipinagkatiwala ako ng aking ama sa kaibigan niyang madre upang maging isang responsableng anak. Ang weird, talagang naguguluhan ako. Ang babaw kasi ng dahilan nang aking ama, kung tutuusin ay kaya ko namang maging isang mabuting anak ng hindi na ipinagkakatiwala sa ibang tao. Malaki ang naging impluwensya sa akin ng mga Madre dahilan kung bakit labis itong ikinagalit ng aking ama. Hindi niya matanggap na papasukin ko ang pagiging madre. Pagkatapos ng maghapong trabaho, tulad ng nakasanayan ko ay diretso agad ako sa chapel. May pagmamadali pa sa bawat kilos ko dahil medyo na late na ako ng dating. Pagdating ko sa chapel ay nadatnan ko ang mga ilang working student at ang kasamahan ko na tatlong madre. Kaagad na lumuhod ako sa tabi ng isang working student, si Melly. “Congratulations, Sister Hannah. Masaya kami para sayo. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ka sa Diyos ay pinatunayan mo na karapat-dapat kang magpatuloy sa kanyang mga salita. Isang hakbang na lang tuluyan mo ng makakamit ang rurok ng iyong pagsisikap.” Mahabang pahayag ni Sister Ally, makikita sa kanyang mukha ang matinding kasiyahan. Katatapos lang naming magdasal at ngayon ay kasalukuyan kaming nakaupo dito sa harap ng chapel. Si Sister Ally ang nagsisilbing kaibigan at kapatid ko sa loob ng maraming taon. Matanda lang siya sa akin ng limang taon kaya mas nauna siyang manumpa kaysa sa akin. Lumitaw ang matamis na ngiti sa aking mga labi at natutuwa na nagpasalamat. “Maraming salamat, Sister Ally, ang mga payo mo ang isa sa mga naging gabay ko pagtahak sa landas na ‘to.” Malumanay kong sagot. Nagtakâ ako kung bakit malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. “May problema ba, Sister Ally?” Nagtataka kong tanong. Ngumiti siya pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang isang kamay ko at dinala ito sa kanyang kandungan. Lumamlam ang mga mata ko ng marahan niya itong haplusin. “Bata ka pa Hannah, maraming pwede pang mangyari sa hinaharap. Pakatandaan mo, maraming pagsubok ang dumarating sa atin upang sukatin at subukin ang ating pananampalataya sa Diyos. Kung dumating man ang araw a malagay ka sa ganoong sitwasyon manalig ka lang sa kanya dahil kailanman ay hindi niya tayo pinabayaan.” Saglit akong natigilan hindi dahil sa kanyang mga sinabi, kundi dahil sa pagkakabanggit niya sa pangalan ko. I know her, batid ko na may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang sabihin sa akin. Nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala, halatang may bumabagabag sa kanyang kalooban.” Mas pinili ni Hannah na manahimik na lamang kaysa ang usisain pa si Sister Ally. Kanina pa nakaalis sa kanyang harapan si Sister Ally ay nanatili pa rin si Hannah sa kanyang kinauupuan. Labis siyang naguguluhan sa mga nangyayari, una ang kanyang mga panaginip. Pangalawa, ang kakaibang mensahe ni Sister Ally. “Hindi kaya, tulad ko ay nanaginip din sya?” Kinakabahan na tanong ni Hannah sa kanyang sarili. Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago ibinaling ang tingin sa sagradong altar. Samantala…. Mula sa entrance ng isang malaking kumpanya, pumasok ang isang may edad na babae. Kapansin-pansin ang magara nitong kasuotan, maging ang mamahalin nitong itim na bag. Hindi maikakaila ng nakaarko niyang mga kilay ang katarayan nito. Siya si Lanie Lynco kilala ng lahat bilang asawa ng CEO Nang Logistics Merchandise Company. Sa kanyang likuran nakasunod ang dalaga nitong anak na si Lara Lynco. Tanging ang tunog ng mataas na takong ng suot nitong pulang sapatos ang maririnig sa buong lobby. Pagkatapos sa mag-ina ay nagkatinginan sa isa’t-isa ang mga empleyado. Ang kanilang mga mata ay wari moy may nais sabihin. Agaw pansin ang nakatikwas na balakang ng dalaga, lalo na ang maputi at bilugan nitong mga hita. Dahilan kung bakit nasa mag-ina ang atensyon ng lahat. Mula sa mag-ina ay nalipat sa isa’t-isa ang tingin ng mga empleyado. Ang kanilang mga mata ay tila may nais sabihin, ngunit mas pinili nila ang manahimik na lamang. Taas noo na naglakad ang mag-ina papasok sa loob ng elevator, habang nakasunod sa kanilang likuran ang dalawang unipormadong katulong. Bitbit ng mga ito ang bag ng kanilang mga amo, sa magkabilang gilid naman ay ang tig-isang bodyguard ng mag-ina. Mula sa huling palapag ng gusali ay huminto ang elevator. Paglabas ng mag-inang Lanie at Lara mula sa elevator ay kaagad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang sekretarya na nakapwesto sa gilid ng isang opisina. “Good afternoon, Mrs. Homer. Inaasahan ni Mrs. Foster ang inyong pagdating.” Magiliw na wika ng sekretarya habang nakapaskil ang magandang ngiti sa mga labi nito. Lumitaw ang magandang ngiti mula striktang mukha ni Mrs. Lanie Lyncon ng marinig ang sinabi ng sekretarya. Kung kanina ay masungit ang awra nito ngayon ay nagmukha siyang isang anghel. Kilala siya sa tawag na Mrs. Homer dahil sa businessman niyang asawa. Kaya naman maraming naguguluhan kung bakit ang apelyidong Lyncon ang gamit nilang mag-ina. Ngunit nanatiling pribado ang kanilang mga buhay. Bumukas ang pinto, dahilan kung bakit umangat ang magandang mukha ni Mrs. Almira Foster. Lumitaw ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Sa edad na sixty ay hindi pa rin lumilipas ang natural nitong ganda. Masasalamin din mula sa maamo niyang mukha ang kabaitan na tinataglay nito. “Oh, looks here.” Nakangiting saad ni Mrs. Foster. Tumuwid ng upo bago sumandal sa sandalan ng upuan. “Amiga, pasensya ka na kung nahuli kami ng dating, alam mo naman ang daming trabaho sa opisina.” Hinging paumanhin ni Mrs. Lanie habang naglalakad palapit sa office table ni Mrs. Foster. Nang tuluyang makalapit ay nagbeso-beso ang dalawa. Hindi maikakaila ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Mula kay Mrs. Lanie ay nalipat ang atensyon ni Mrs. Foster sa anak nitong si Lara. “Hi Tita, I’m happy to see you.” Ani nito sa maarteng tinig. Nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi ng Ginang hindi alintana ang kaartehan ng kausap. Halatang sanay na siya sa ugali ng dalaga. “Well, ang importante ay nandito na kayo.” Masayang pahayag ni Mrs. Foster. Naupo sila sa sofa na nasa munting salas ng kanyang opisina. “Hindi naman nasayang ang paghihintay mo sa amin.” Masayang sabi ni Mrs. Lanie bago ikinumpas sa ere ang namimilantik nitong mga daliri. Kaagad na naunawaan ng kasama nitong katulong kaya kaagad na lumapit at maingat na ibinaba ang hawak nitong paper bag. Suot ang puting gwantes na inilabas mula sa paper bag ang isang mamahaling itim na kahon. Napasinghap ang ginang ng buksan ang kahon sa kanyang harapan. Kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata ang pagkislap ng diamante mula sa loob ng kahon. Kilala si Mrs. Foster sa pagiging mahilig nito sa mga alahas. Halos siya lagi ang na nanalo sa mga bidding. Kaya naman sinasadya pa siya ni Mrs .Lanie sa kanyang opisina sa tuwing may bagong latest na disenyo ng alahas. Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Mrs. Lanie, gayundin ang sa anak nitong si Lara. Dolyar ang makikita sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan kung paanong kumislap ang mga mata ni Mrs. Foster dahil sa malaking diamante sa kanyang harapan.“What happened to my wife?” Kinakabahan na tanong ni Alexander sa doktor na tumingin sa kanyang asawa. Narinig niya na namuntong hininga ito bago sumagot sa kanyang tanong. Kinakabahan si Alexander sa magiging sagot ng doctor pero narun pa rin ang kuryosidad na malaman ang malalim na kondisyon ng kanyang asawa.“Mr. Foster, ang nangyari sa iyong asawa ay isang nervous breakdown. May hinuha ako na hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ito ng asawa mo.” Malungkot na pahayag ng doktor, ramdam ni Alexander na hindi lang ito ang malalaman niya mula sa doctor dahil nababasa niya sa mga mata nito ang maraming katanungan. Mukhang maging ang doktor ay naguguluhan sa kondisyon ng kanyang asawa. Marahil nagsisimula pa lang siya na tuklasin ang totoong kondisyon ng pasyente.“What do you mean?” Hindi makapaniwala na tanong ni Alexander, batid niya na tama ang sinabi ng doktor subalit hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga eksena sa pagitan nilang mag-asawa bago ito tuluyang mawalan
“No! Hindi ko pipirmahan ang papel na ‘yan!” Tiǐm bagang na pahayag ni Alexander, naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa pinaghalong sakit at galit. Para siyang nakatanggap ng isang bomba na bigla na lang sumabog sa kanyang harapan. Labis niyang ikinabigla ang naging desisyon na ito ng kanyang asawa.“Tell me Hannah, ni minsan wala ka man lang bang naramdaman sa akin? Ni minsan ba ay hindi mo man lang ba ako minahal?”Madamdaming tanong ni Alexander, naisip niya na idaan sa isang panunuyo ang lahat at baka sakaling muling bumalik ang dating pakikitungo sa kanya ni Hannah. Natulala si Hannah sa mukha ng kanyang asawa, ni hindi kumukurap ang mga mata nito. Nagtaka si Alexander kung bakit hindi na ito kumikibo, napaka tahimik nito na wari mo ay kay lalim ng kanyang iniisip. Hindi lingid sa kaalaman ni Alexander na isa-isang lumilitaw sa isipan ni Hannah ang bawat eksena mula sa nakaraan. Ang kanyang pagsisinungaling, na tinutugon naman ni Hannah ng isang halik. Nahigit ni Hannah
“Sa nakikita namin, masyado ka pang bata para sa isang mabigat na responsibilidad. Una ay wala ka pang karanasan, pangalawa ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman upang pangasiwaan ang kumpanya.” Napatiǐm bagang si Alexander dahil pakiramdam niya ay iniinsto ng lahat ang kanyang asawa. Ano ang karapatan ng mga ito!? Mula sa mukha ng mga board member ay lumipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang asawa. Namangha si Alexander, dahil imbes na mainsulto o magalit ay parang nakikinig lang ng mga payo si Hannah. Bahagya pa nga itong tumatango habang pinakikinggan ang sinasabi ng lahat. “I see, lahat ng sinabi nyo ay may katotohanan, don’t worry nauunawaan ko ang inyong mga saloobin.” Nakangiti pang saad ni Hannah habang pinapaikot ang isang ballpen sa kanyang mga daliri. “My apologies, hindi ko kayo nainform na ang aking ama ay nag resigned na sa kanyang posisyon. At inihahayag ko sa inyong lahat na ako na ngayon ang bagong CEO ng kumpanya.” Ang lahat ay nabigla, maging si Mr. Larr
Parang naestatwa ang lahat dahil sa paglantad ng anak ni Mr. Larry. Habang ang mag-inang Lanie at Lara ay labis na naghihimagsik ang kanilang mga kalooban. Humigpit sa pagkakakuyom ang mga kamay ni Lara habang pinapatay niya si Hannah sa pamamagitan ng matalim na tingin. Nang-aasar na ngumiti si Hannah ng makita niya ang pagdaan ng inggit mula sa mga mata ni Lara. Hindi maikakaila na labis na ikinagalit ni Lara ang malaking kalamangan sa kanya ni Hannah. Hindi lang sa ganda kundi maging sa malamodelo nitong katawan. “Ano ang ginagawa mo dito Hannah?” Seryosong tanong ni Alexander ng makabawi sa labis na pagkabigla. Makikita sa mukha niya ang pagnanais na lapitan ang asawa at ipasok ito sa loob ng kanyang damit upang walang ibang lalaki na makakita sa ganda ng kanyang asawa. “Bakit nandito ang asawa ko? Gayung mahigpit kong bilin sa mga katulong na huwag itong hahayaan na makalabas ng silid?” Nagtataka na tanong ni Alexander mula sa kanyang isipan. Pagkatapos kasi ng insidente
Mula sa entrance ng Logistic company ay dumating si Alexander kasama ang kanyang mga tauhan. Sa kanang bahagi niya ay ang kanyang abogado, habang sa kaliwang bahagi ay ang sekretarya nito. Samantalang sa likuran niya ay tahimik na nakasunod ang personal assistant nito at ang ikalawa niyang abogado. Natigil sa kanilang ginagawa ang mga empleyado ng Logistics Company at nagtataka na lumingon ang mga ito sa kanyang direksyon. “Ano ang ginagawa ni Mr. Foster sa kumpanya ng mga Homer?” Ito ang katanungan mula sa kanilang isipan habang nakasunod ang tingin ng mga ito sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Kilala siya bilang isang workaholic at halos hindi siya mahagilap dahil sa sobrang abala niya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. Kaya naman labis nilang ikinagulat ang biglaang pagdating nito. Walang pakialam na nagpatuloy lang sa paglalakad si Alexander, hindi alintana ang espesyal na atensyon na natatanggap mula sa mga kababaihan. Ramdam niya kung gaano siyang hinahangaan ng mga it
Tulala at parang wala sa kanyang sarili si Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair dito sa kanyang opisina. Patuloy na pinaikot-ikot ang isang mamahaling ballpen sa kanyang mga daliri habang ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy na ikinakatok sa ibabaw ng lamesa. Hannah is no longer existing into this world. And I will do everything para bawiin ang lahat ng nawala kay Hannah. Kung kinakailangan na burahin ko kayong lahat ay gagawin ko. Ibabangon kong muli ang kanyang dignidad na niyurakan mo.” Halos paulit-ulit itong naglalaro mula sa kanyang isipan, habang nangingibabaw ang tanong na kung “bakit ? at ano ang nangyayari sa kanyang asawa? Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mula kagabi hanggang ngayon ay hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. Aminado naman si Alexander na malaki ang kasalanan niya kay Hannah, at walang ibang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili. Isang narahas na buntong hining