“Nang umihip ang sariwang hangin ay kusang pumikit ang aking mga mata. Napakaaliwalas ng paligid. Ang ingay na nagmumula sa kalikasan ay nagbibigay ng kapayapaan sa aking isipan.
Huminga ako ng malalim, pinuno ko ng sariwang hangin ang dibdib ko. Ilang segundo kong pinigil ang aking paghinga habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang pinapakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon ako na imulat ang aking mga mata. Subalit, namangha ako sa aking nakita… Ilog? Malawak na ilog, ito ang nasilayan ng aking mga mata. Paano na napunta ako sa gitna ng isang ilog na may rumaragasang tubig!? Nagpanik ako, sapagkat ako’y sakay ng isang maliit na balsa. Isa lang itong pinagtagpi-tagping kawayan na halos isang dipâ ang lapad. Iniisip ko kung paano kong masisigurado ang aking kaligtasan gamit ang munting kawayan na aking kinauupuan. Nabahala ako ng magsimulang lumabo ang tubig, habang ang agos ng tubig ay hindi mawari ang daloy. Magulo at talagang labis na nakakabahala. Nanginginig na ako dala ng matinding takot, hanggang nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang at maki ayon sa mga nangyayari. Isa lang ang nauunawaan ko, hindi ko alam ang aking patutunguhan… Dala ng matinding takot ay mas pinili ko ang ipikit na lamang ang aking mga mata habang patuloy ang pagdaloy ng luha ng kahinaan. Makalipas ang ilang segundo, naglakas loob ako na imulat ang aking mga mata. Subalit, lumalim ang gatla sa ‘king noo, kalituhan ang makikita sa aking mukha. “Bakit magulo? Ano ba talaga ang nangyayari?” Mga katanungan na paulit-ulit kong tinatanong mula sa kawalan. Paano na napunta ako sa isang lumang kusina na gawa sa pawid? Isa itong klase ng kusina na kalimitan kong nakikita sa bahay ng mga taong naninirahan sa kabundukan. Sa kaliwang bahagi ko ay isang lababo na gawa sa kawayan. Sa kanang bahagi nito ay mga kaldero na nangingitim na dahil sa kapal ng uling. Habang sa ilalim ng lababo ay isang bahagi ng maputik na lupa. Mula sa munting kusina ay nalipat ang atensyon ko sa nakakuyom kong kamay. Maingat na inangat ko ito at dahan-dahan na binuksan ang aking palad. Ang labis na pinagtatakâ ko ay kung bakit may hawak ako na isang pustiso? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng magsimulang magkapira-piraso ang pustiso na nasa aking palad. Pilit ko itong buuin ngunit nahulog lang sa lapag ang ilang mga bahagi nito, hanggang sa ako na mismo ang kusang sumuko. Hinayaan ko itong mahulog ng tuluyan at magkalat sa lupa. Namuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang basag na pustiso. Ilang sandali pa, napaigtad ako,. Kaluskos, isang kakaibang kaluskos na naghatid sa akin ng matinding takot. Kumabôg ang dibdib ko, gumapang ang matinding kilabot sa bawat himaymay ng aking laman. Nang mga oras na ‘to ay halos pigil ko na ang aking paghinga. Sa isang kisapmata, nawala ang maaliwalas na panahon—dumilim ang paligid.. Paanong sa isang iglap ay napunta ako sa isang masukal na daan? Nanigas ang aking katawan ng muli kong marinig ang ilang mga kaluskos. Ngunit hindi na ito basta kaluskos lang na nagmumula sa mga tuyong dahon o sa mga tuyong sanga. Yabag, ilang mabibigat na yabag ng isang estrangherong lalaki mula sa aking likuran. Pasimple kong nilunok ang aking laway, hanggang sa napagtanto ko na kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. Nilalamon na ako ng matinding takot! TAKBOO!!! Napatili ako ng malakas ng marinig ko ang sigaw ng lalaki, pakiramdam ko ng mga sandaling ito at para akong tinakasan ng kaluluwa. Walang patumpik-tumpik na tinahak ang madilim at mabatong daan. Ilang sandali pa, naglakas loob ako na lumingon sa aking likuran. Nanghilakbot ako ng makita ko kung sinong ang taong humahabol sa akin. Isang lalaki na may hawak na baril, ngunit nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng makita ko na walang mukha ang lalaki. “Tulong! Pakiusap, tulungan nyo ako!” Sumisigaw ako, habang nagmamakaawa. Umiiyak na ako, at habol ko na rin ang aking paghinga. Pakiramdam ko ay parang sasabog na ang dibdib ko, kinakapos na rin ako ng hangin sa bagâ. “Pakiusap! Pakiusap! Tulong!” Patuloy ako sa paghingi ng saklolo, takot na takot na ako.. Ngunit bakit ganun? Bakit walang pakialam ang mga tao sa paligid ko? Nakatingin lang sila sa akin, pinapanood kung paano akong habulin ng lalaki. Hanggang sa… Bang! Umigkas ang katawan ko, kumawala ang isang impit na ungol mula sa bibig ko. Kay bilis ng mga pangyayari dahil nakita ko na lang ang aking katawan na nakahandusay sa damuhan. Ramdam ko ang pagkalat ng mainit na likido sa aking katawan, habang ang aking paghinga ay nagsisimula ng bumigat. Kumikirot ang likod ko, pilit kong igalaw ang akibg katawan, gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. “I believe in God, the Father almighty, Creator of heaven and earth, and in Jesus Christ, his only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary…” Kahit na nahihirapan magsalita ay sinusubukan ko pa ring bigkasin ang isang panalangin. Tumitig ang mga mata ko sa malawak na kalangitan, patuloy sa pag-usal ng dasal habang hinihintay ang aking kamatayan.” “Huh!” Napabalikwas ako ng bangon, nanlalaki ang aking mga mata, at tagaktak na rin ang pawis sa noo ko. Hinahangos ako na wari moy galing sa mahabang pagtakbo. Napaantada ako ng krus at kaagad na lumuhod. Paulit-ulit na umusal ako ng dalangin habang hawak sa kanang kamay ko ang isang rosaryo na gawa sa mga bonitas na kahoy. Panaginip lang pala ang lahat, ngunit pakiramdam ko ay parang totoo ang lahat ng mga nangyari. Kahit na panaginip lang ang lahat ay nagdulot ito ng matinding pangamba sa puso ko. Naniniwala kasi ako na ang bawat panaginip ay may kahulugan. Nakatala ito sa bibliya, na ginagamit ng Diyos ang panaginip bilang pagbibigay ng babalâ sa mga mangyayari sa hinaharap. “Oh, Ama, patawad kung pinagdudahan ko ang iyong kakayahan. Patawad kung pinangunahan ako ng takot, nakalimutan ko na higit na ikaw ang nakakaalam ng lahat. At batid ko na kailanman ay hindi mo ako pababayaan.” Ito ang pansarili kong dalangin ng matapos ako sa aking pagrorosaryo. Huli na kasi bago ko pa napagtanto ang aking ginawa. Imbes na mangamba ay nakalimutan ko na dapat akong magpasalamat, sapagkat ang Diyos ay nagpadala ng mensahe upang ako’y maging handa sa paparating na unos.Malamyos na tugtugin ang nangingibabaw sa loob ng malawak na silid. Ang mamahaling chandelier na hugis higanteng bulaklak ang siyang nagsisilbing ilaw nito. Mula sa salaming pader ay makikita ang marangyang kabuuan ng silid pati ang mga camera sa bawat sulok ng silid. Mula sa gitna ng bulwagan ay may sampung katulong na nakasuot ng puting uniporme na maayos na nakahilera. Ang kanilang mga kamay ay may suot na puting gwantes. Hawak ng bawat isa sa kanila ang mga itim at mamahaling kahon na walang takip kaya makikita ang naglalakihang mga diamante at mamahaling alahas. Ilang sandali pa, mula sa pintuan ay pumasok si Mrs. Almira Foster. Napakaganda nito at mukha siyang kagalang-galang sa suot na cherry and white business attire. Sa kanyang likuran ay ang tatlong babaeng tagasunod na pawang nakapusod ang mga buhok sa pinakamataas na bahagi ng kanilang mga ulo. Tuwid na tuwid ang kanilang mga likod habang ang mga mata nila ay nakapako lang sa i-isang direksyon. Sa kanang bahagi ni M
“S**t…” mariin na may panggigigil na sambit ni Lanie habang nakatitig sa kanyang mga mahjong tiles. Kasunod nito ang kanyang panlulumo, habang ang isang matandang babae na may suot na maraming alahas ay kasalukuyang kinakabig palapit sa kanya ang maraming chips na milyon ang halaga.Samantalang sa magkabilang bahagi naman ng kwadradong lamesa ay nanlalaki ang mga mata ng dalawang Ginang. Hindi sila makapaniwala sa malaking halaga na natalo mula kay Lanie. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Lanie bago naghanda ng isang magandang ngiti para sa kanyang mga kalaro sa majhong. “Well, mukhang sinalo mo na yata ang swerte ngayong araw, Amiga.” Anya sa maarteng tinig. Kung iyong susuriin ay tila hindi siya apektado sa malaking halaga na natalo sa kanya ngayong gabi. Pagkatapos sabihin ‘yun ay tumayo na sya at walang lingon-likod na iniwan ang mga kasama niya sa lamesa. “Three million halos ang nawala sa kanya pero mukhang balewala lang ito sa kan’ya.” Namamangha na turan ng
“Abot langit ang ngiti ko habang isa-isang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng mga batang nakapila dito sa harap ko. Ngayong araw ay nagaganap ang feeding program dito sa bahay ampunan. Pagkatapos kong magpakain sa mga bata ay meron akong schedule ng bible study sa isang public school. Halos araw-araw akong abala sa iba’t-ibang aktibidad na naka assign sa akin. Sa totoo lang ay nakakapagod ang ganitong trabaho, pero kung bukal sa puso mo ang ginagawa mo at tapat ang iyong hangarin sa paglilingkod sa Diyos, lalasapin mo ang biyaya ng pagpapala. Masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa, at iyong pakiramdam na hindi kayang tumbasan ng anumang materyal na bagay. Pagkatapos kong salinan ng pagkain ang pinggan ng sumunod na bata ay natigilan akong bigla ng maramdaman ko na parang may nakatitig yata sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinipat ang paligid. Mula sa mukha ng mga kasamahan ko na abalâ sa kanilang mga ginagawa ay lumipat ang tingin ko sa mukha ibang tao. Wala
“Nang umihip ang sariwang hangin ay kusang pumikit ang aking mga mata. Napakaaliwalas ng paligid. Ang ingay na nagmumula sa kalikasan ay nagbibigay ng kapayapaan sa aking isipan. Huminga ako ng malalim, pinuno ko ng sariwang hangin ang dibdib ko. Ilang segundo kong pinigil ang aking paghinga habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang pinapakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon ako na imulat ang aking mga mata. Subalit, namangha ako sa aking nakita… Ilog? Malawak na ilog, ito ang nasilayan ng aking mga mata. Paano na napunta ako sa gitna ng isang ilog na may rumaragasang tubig!? Nagpanik ako, sapagkat ako’y sakay ng isang maliit na balsa. Isa lang itong pinagtagpi-tagping kawayan na halos isang dipâ ang lapad. Iniisip ko kung paano kong masisigurado ang aking kaligtasan gamit ang munting kawayan na aking kinauupuan. Nabahala ako ng magsimulang lumabo ang tubig,
Bumukas ang pinto, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Parang slow motion ang bawat hakbang ng mga paa ng lalaki papasok sa loob ng silid ni Hannah. Kasabay nito ang pagpihit ng katawan ni Hannah paharap sa pintuan. Tuluyang nagkaharap ang dalawa, kapwa natigilan. Nagtama ang kanilang mga mata, nagkatitigan na para bang may mahika. Pilit na sinisino ang isa’t-isa. Tanging ang pintig ng kanilang mga puso ang naririnig ng mga sandaling ito. Ang magandang ngiti sa mga labi ni Hannah ay unti-unting nawala. Kumunot ang kanyang noo, nagtatanong ang mga mata na nakatitig sa mukha ng lalaki. Bumuka ang malarosas niyang mga labi. Sinundan ito ng mga mata ng binata, napalunok pa ng wala sa oras. “Sir, ano ang maipaglilingkod ko sayo? At bakit pumasok ka sa aking silid ng walang pahintulot?” Natigilan ang lalaki ng marinig ang malamyos na tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay para siyang na nanaginip. Ipinikit ng tatlong beses ang kanyang mga mata, wari moy namamalikmata sa k
“Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen." “Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen… “Nakapikit, habang taimtim na binigkas ang panalangin na ito, kasama ang puso na may kapanatagan ng loob. Alas sais na ng hapon at ngayon ay malapit ng matapos ang aming rosary. Ganito ang ganap sa loob ng kumbento na kung saan ay malapit na akong maging ganap na madre. Oo, buong buhay ko ay iaalay ko sa Diyos, hanggang sa dumating ang araw na bawiin niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin. Walang pagsidlan ang matinding kasiyahan sa puso ko dahil sa nalalapit ng maganap ang aking Perpetual Vows. Sa araw na ‘yon ay tuluyan ko ng isusuko ang