Share

CHAPTER NINETEEN

NANG bumalik na sa loob ng bahay ang matandang lalaki, naiwan si Andreana sa hardin. Mamaya na lamang niya kakausapin ang kanyang ina. Hindi lang mawala sa isip niya ang sinabi ni Faustine, na nagpapadala naman pala noon ang kanyang ina. Bakit ba nagsinungaling sakali ang ama? Bakit sinabi nito na kinalimutan na sila? Para kamuhian nila ang ina? Ano man ang dahilan ng kanyang daddy, wala na ring kwenta dahil patay na ito.

“Andreana,” nagulat pa siya ng makita si Wazel. Umupo ito sa kanyang tabi at ginaya siyang nakatitig lang sa mga halaman sa harapan. “Hinahanap ka ni kuya. Nandito ka lang pala.”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Isa pa sa gumugulo sa isip niya ngayon ay ang pagpapakasal nina Matthew at Cherry. Kahit nung burol ni Nathan ay parating magkasama ang dalawa, parating magkatabi. Dinededma niya nalang dahil sa tuwing nakikita niya ang mga ito, nadadagdagan lang ang bigat sa kanyang kalooban.

Gusto ko ba talaga si Matthew?

“By the way Andreana, ate, Athena and I want to
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status