Share

CHAPTER TWENTY-ONE

MAAGANG nagising si Andreana ng araw na iyon. Pangalawang araw na nila sa Resort at mamayang hapon na ang uwi nila. Mabuti nalang at may free breakfast ang resort. Hindi na nila kailangan pang maglakad papunta sa restaurant.

Dahil malapit na silang umuwi, inenjoy nalamang nila ang magbabad sa dagat. Maligo, magtampisaw, at makipag habulan sa alon. Masaya ang pagpunta nila doon. Talagang kitang kita niya sa mukha ng kapatid na tuwang tuwa at nag-eenjoy ito.

“Tito Wazel, please. Bukas nalang tayo umuwi.” Nang oras na para umuwi ay nalungkot si Athena. Kanina pa nito pinipilit ang tito na mag stay muna sila doon. Nagaayos na sila ngayon ng kanilang mga gamit pauwi.

“Hindi pwede, Athena.” Si Wazel.

“Your tito Wazel is right. Magagalit ang tito Gregory mo. Dalawang araw lang ang ipinaalam natin sa kanya,” Malambing na sagot ni Melisandre at hinalikan pa sa noo ang bata.

“But—”

“No buts, baby. Gusto mo bang magalit saiyo ang tito Gregory?” Umiling naman ang bata. “Then, we have to go home.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status