Home / Romance / ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN / Chapter 2: Ang Araw ng Diborsyo

Share

Chapter 2: Ang Araw ng Diborsyo

Author: QuillWhisper
last update Huling Na-update: 2025-10-15 12:58:59

Nakaparada sa harap ng korte ang itim na Mythos ni Billie Walter.

Nakaupo siya sa loob,habang naghihintay kay Mariel.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, boses ng matandang babae—ang kanyang lola, si Doña Beatrice Walter—malumanay pero tunog nag-uutos.

“Billie, isang taon na kayong kasal ni Mariel. Hindi mo ba naisip na panahon na para magkaanak kayo?”

Napapikit si Billie, marahang huminga ng malalim.

“Lola, bata pa po kami. Hindi naman kailangang magmadali. Dapat isipin niyo muna ni Lolo ang kalusugan ninyo.”

“Ano’ng hindi kailangang magmadali?!”

Biglang tumindi ang tinig ni Doña Beatrice.

“Hindi na kami bumabata! Kung totoong mahal mo si Mariel, ipakita mo, hindi puro dahilan!”

“Lola…”

“Huwag mo akong ‘Lola-Lola’-in diyan, Billie Walter! Naririnig ko na ang mga balita tungkol sa inyo. Maging mabuti ka kay Mariel.”

“Billie, naririnig mo ba ako?”

“Opo, Lola,” sagot niya, pinisil ang sentido. “Naiintindihan ko po.”

Pagkababa ng tawag, saglit siyang natigilan.

Tinitigan ang gusali ng korte sa di kalayuan.

Ang lugar kung saan tuluyan na niyang tatapusin ang pitong taon nilang pagsasama..

Binuksan niya ang kanyang cellphone.

Sa messages, naroon pa ang huling mensahe kay Mariel:

“10 A.M. sa harap ng korte. Don’t be late.”

Ngunit walang reply.

Hanggang sa may kumatok sa bintana.

Paglingon niya—naroon si Mariel.

Maputla, tahimik, ngunit buo ang tindig di halatang nalulungkot..

Nakatitig lang sa kanya, parang may pader na sa pagitan nila, tila hindi na nila kilala ang isa’t isa..

Binuksan ni Billie ang pinto.

Tahimik na pumasok si Mariel sa passenger seat.

Hindi man lang sila nagkibuan.

Amoy pa rin ni Billie ang pabango niyang siya mismo ang pumili noon—pero ngayong araw, tila amoy ng alaala na gusto na niyang kalimutan.

“Bakit ka nahuli?” tanong ni Billie.

Tumingin lang si Mariel sa labas ng bintana.

“Hindi ako nahuli,” mahinang tugon niya.

“Hindi lang ako nagmadali.”

Tahimik.

Minsan lang silang ganito katahimik, pero ngayon, ibang klase—hindi katahimikan ng kapayapaan, kundi ng pagtatapos.

“Tumawag si Lola kanina,” sabi ni Billie. “Wag mong sasabihin sa kanila ‘to. Hindi nila kakayanin.”

“Ano’ng sinabi niya?”

“Gusto niyang magkaanak tayo.”

“Ha?” mapait ang tawa ni Mariel. “Magkaanak? Sa gitna ng ganito?”

Napatingin si Billie, medyo inis.

“Huwag mo akong tinitingnan ng ganyan.”

“Paano ko ba dapat tingnan, Billie? Asawa kita… o stranger na may ginawang kabaliwan?”

Sandaling natahimik si Billie.

Naalala niya ang mga gabing sabay silang nangangarap ng pamilya—habang ngayon, nasa korte sila para maghiwalay.

“Billie…” mahinang sabi ni Mariel. “Sigurado ka na ba talaga?” “Ito ba talaga ang gusto mo?”

“Mariel, huwag mo akong paikutin. May naghihintay sa akin.”

Napayuko si Mariel, kinuha ang brown envelope mula sa bag.

“Ito na ang divorce agreement. Lahat ng karapatan ko bilang asawa mo, kukunin ko lang ‘yung dapat sa akin. Wala akong hihilingin na iba. Wala akong hahabulin sa’yo.”

Inilapag niya ang ballpen sa harap nito.

“Pirmahan mo at ng matapos na ito.”

Tinitigan ni Billie ang dokumento.

Napakunot ang kanyang noo.

Simple. Diretso. Walang drama.

Pero doon siya kinabahan.

Parang may mas malalim na ibig sabihin sa katahimikan ni Mariel.

“Gusto mo bang saktan ako?”

“Hindi. Pagod na akong masaktan ka pa.”

Diretsong sagot ni Mariel, walang panginginig sa boses.

Ngumiti si Billie, pilit.

“So, ganun lang? Tapos na tayo, Mariel.”

At pinirmahan niya ang papel.

Tahimik.

Dalawang pirma, dalawang kopya, isang relasyon na tuluyang gumuho.

Paglabas nila ng korte, mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang pakiramdam ni Mariel.

Sa gilid ng kalsada, may dumaan na magkasintahan, magkahawak ang kamay.

Ngumiti ang babae, at saglit na natigilan si Billie.

Parang nakita niya ulit si Mariel noong araw ng kasal nila—ngiting totoo, ngiting hindi na niya makikita muli.

“I’ll send your allowance every month,” sabi ni Billie, malamig pa rin. “At huwag na huwag mong ipagsabi sa pamilya natin.”

Wala nang sinabi si Mariel.

Tumalikod siya, pumasok sa taxi, at hindi na lumingon.

Habang lumalayo, naiwan si Billie sa bangketa—at doon niya naramdaman ang kakaibang lungkot na hindi niya inaasahan.

Ngayon lang. Ngayon lang niya naramdaman… ang pagkawala nito. At tuluyan na rin siyang umalis patungo sa ibang direksyon.

“Tapos na,” sabi ni Billie, habang hawak ni Vicky ang bouquet ng mga bagong order.

“Hindi siya gumawa ng kahit konting gulo.”

Ngumiti si Vicky..

“Salamat, Billie. Ngayon, makakapag-pahinga na ako.”

Ngunit napansin ni Billie—ang ngiti ni Vicky, pilit.

Ang balat niya, walang bakas ng sakit.

Parang biglang napawi ang “may cancer” na drama.

Tumaas ang kilay ni Billie.

“Mukhang maganda ang pakiramdam mo ah.”

“Oo,” sagot ni Vicky, mabilis. “Nag-improve daw ako. Miracle, ‘di ba?”

Ngumiti ito, pero may bakas ng pagdududa. Hindi niya maexplain bakit nakaramdam sya ng ganon bigla..

Habang tumalikod siya, hindi maiwasang sumagi sa isip ni Billie ang mga nakaraan—ang bawat tawa, bawat haplos, bawat alaala ni Mariel na iniwan na siya.

At sa unang pagkakataon, hindi siya sigurado kung tama ang ginawa niya.

—------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Samantalang sa dako roon, tahimik na pumasok si Mariel sa OB-Gyne wing ng Anaheim Hospital, upang puntahan ang kaibigan niyang doktor, si Alexis Hoffman.

“Mariel,” sabi ni Alexis, malumanay pero seryoso. “Sigurado ka ba? Noon, halos ipagdasal mo na mabuntis ka.”

Marahan niyang inilapag sa mesa ang resibo ng diborsyo.

“Oo, Lex. Ituloy mo na. Ayoko na.”

Tumulo ang luha niya, dahan-dahan, walang hikbi.

Bawat patak, tanda ng pagbitaw.

“Sigurado ka na ba talaga?, walang atrasan na ito?” 

“Yes!, ituloy mo na.”

Binigyan na nga siya ni Alexis ng gamot para sa nirequest niya. Pagkatapos niyang inumin ito, nagpaalam siyang lalabas muna sandali.

Habang naglalakad palabas si Mariel, may kumislap na flash mula sa gilid.

Isang lalaki, may dalang kamera, nakayukod habang kinukunan ang langit na kulay abo.

Paglingon nito—nagtagpo ulit ang kanilang mga mata.

“Ikaw ulit,” sabi ng lalaki, may ngiti.

“Rafael?” gulat ni Mariel.

“Oo. Sabi ko na nga ba, magkikita pa tayo.”

Tahimik sandali.

“Hindi maganda ang araw na ‘to, Rafael,” mahina niyang sabi.

“Mas maganda nga eh,” sagot ni Rafael, seryoso. “Kasi kahit ang pinakamasakit na araw, puwedeng maging simula.”

Napangiti si Mariel, mapait pero totoo.

“Hindi mo maiintindihan.”

Lumapit si Rafael, dahan-dahan.

“Subukan mo lang akong paniwalaan. Lahat ng mga pusong durog na nakunan ko sa camera, sila rin ‘yung natutong bumangon. At mas maganda ang kalalabasan nila pagkatapos ng unos.”

Napayuko si Mariel.

“Pagod na akong magmahal.”

“Then don’t,” sagot ni Rafael. “Pahinga ka muna. Hayaan mong mamahalin kita ng sa paraang alam ko—sa tahimik na paraan.”

At doon, sa pagitan ng sakit at paghilom,

nagsimulang gumuhit ang bagong liwanag sa buhay ni Mariel.

Isang pag-ibig na hindi minadali.

Isang pagbangon na may saysay.

At isang simula… na hindi niya inaasahan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 114: The Icy Gauntlet

    Ang dirt road ay mabilis na naging isang matarik at baku-bakong daan, tinakpan ng makapal na niyebe at itim na yelo. Ang lamig ay hindi lang humahaplos; ito ay sumisingasing at sumusugat. Ang bawat hakbang ni Mariel ay isang maingat na kalkulasyon. Walang ski gear, walang crampons, tanging ang kanyang alpine boots at ang determinasyon na mas mabigat pa sa mga bato.Ginagamit niya ang kanyang tactical knife, hindi para lumaban, kundi para maging anchor. Isinisiksik niya ang dulo n

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 113: The Message in the Cold

    Ang tren ay humahampas sa mga tunnel ng bundok, at bawat pag-iilaw at pagdilim ng bintana ay tila nagpapalit ng mood ni Mariel. Palayo na siya sa tahimik na kaguluhan ng Zurich at palapit na sa puting katahimikan ng Alps. Ngunit sa paglayo niya sa lungsod, lalo namang lumalapit ang panganib.Ang mga tanawin ay naging mga patlang ng niyebe, at ang hangin na sumasabay sa bintana ay nagdala ng mas matinding lamig. Naka-upo si Mariel sa sulok ng bagon, ang kanyang itim na coat ay tila camouflage laban sa ginto at kape na interior.Chur. Ang gateway sa St. Moritz. Dito magsisimula ang totoong trabaho.H

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 112: The Bait and the Shadow

    Ang hangin sa loob ng safehouse ni Mariel ay kasing-lamig ng kanyang determinasyon. Ang apartment, na matatagpuan sa isang nondescript na gusali malapit sa Lake Zurich, ay malinis, walang laman, at walang emosyon. Ito ang perpektong kuta para sa isang taong ayaw makita.Sa mesa, nakalatag ang tatlong bagay: ang koordinasyon at petsa ng meeting sa St. Moritz, ang litrato ni Mariel na nakuha sa airport, at ang dart na bumaon sa leeg ng Lazarus asset.Kinuha ni Mariel ang dart. Pinagmasdan niya ang maliit na biyahe nito—isang custom-made na tranquilizer na sapat ang lakas para patumbahin ang isang kala

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 111: Blood Beneath the Ice

    Ang Zurich ay hindi lang malamig; ito ay kulay abo. Ito ang unang napansin ni Mariel—o "Celine," gaya ng nakasulat sa kanyang pasaporte—habang nakaupo siya sa sulok ng Café Odeon. Sa labas, ang Limmat River ay tila likidong yelo na dumadaloy patungo sa lawa, habang ang mga tao ay naglalakad nang mabilis, nakayuko ang mga ulo laban sa hangin, walang pakialam sa mundo ng iba.Walang init. Walang ingay ng mga jeepney. Walang alikabok ng Maynila. At higit sa lahat, walang Billie na humahawak sa kanyang kamay para painitin ito.Napatingin siya sa kanyang kape. Itim. Mapait. Kabaligtaran ng 3-in-1 na madalas timplahin ni Billie para sa kanya tuwing madaling araw na silang natatapos sa mga operasyon."Madam?"Nag-angat ng tingin si Mariel. Ang waiter, isang matandang lalaki na may puting apron, ay nakatayo sa tabi niya. May bahid ng pag-aalala sa mga mata nito."You have been staring at the cup for twenty minutes," sabi nito sa matigas na English accent. "Is something wrong? Should I replace

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 110: Flight to Silence

    Ang jet engine ay nagbubuga ng malalamig na hangin sa tarmac ng Zurich Airport, Switzerland. Para kay Mariel, ang tunog na iyon ay hindi lang ingay ng makina; ito ay ang simponya ng paglayo. Ang eroplanong nagdala sa kanya ay lumapag na, nagtatapos sa mahaba at tahimik na paglipad kung saan ang tanging kasama niya ay ang mga alaala, ang pangingilabot sa nangyari kay Billie, at ang cold logic na kanyang niyakap.Ang Zurich ay hindi lang random na destinasyon. Ito ang pinakamalayo, pinakamalamig, at pinakatahimik na lugar na naisip niya—isang kabuuang kabaligtaran ng kanyang buhay sa Pilipinas, na puno ng init, kaguluhan, at ang adrenaline ng underground operations. Ito ang anti-thesis sa kanyang pagkatao; kung ang kanyang nakaraan

  • ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN   Chapter 109: Choosing Peace

    Sumikat ang araw sa Maynila, pero kay Mariel, tila hindi nagbago ang dilim.Naglalakad siya sa labas ng ospital, walang direksyon, walang plano, walang boses. Ang kanyang desisyon ay isang clean break—hindi siya nagpaalam, hindi siya nag-iwan ng sulat. Ang tanging koneksyon niya sa buhay na iniwan ay ang pag-asa na ang kanyang pag-alis ay nagsisilbing lifeline ni Billie."Pinili ko na ang kapayapaan."Umuulit ang mga salitang iyon sa kanyang isip, at bawat pag-ulit ay parang pagbasag ng isang salamin. Pero hindi ito ang kapayapaan niya. Ito ay ang kanyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status