Tahimik ang gabi.
Pero sa loob ng opisina ni Billie, tanging tunog ng keyboard at mahihinang paghinga niya ang maririnig. Sa screen ng laptop, nakabukas ang medical record ni Vicky — at doon, unti-unting gumuho ang lahat.Diagnosis: Peptic Ulcer Disease.
Not cancer. Never was.Napatigil si Billie. Para siyang tinanggalan ng hangin.
Mabilis niyang binuksan ang mga dating text ni Vicky — mga mensaheng may linyang:“Billie, please… ayoko pang mamatay.”
“Masakit na, Billie, baka hindi na ako magtagal.”Ngayon, lahat iyon ay parang lason.
“Ulcer… niloko mo ‘ko…”Hindi siya nagdalawang-isip. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at agad na tumakbo palabas.
Nakaayos ang mga bulaklak, amoy jasmine sa paligid.
Nasa gitna si Vicky, abala sa pag-aayos ng bouquet. Ngunit nang bumukas ang pinto, parang nahulog ang buong mundo niya.“Hindi ka naman pala mamamatay, ‘no?”
Napalingon si Vicky, nagulat. “B-Billie? What are you talking about?”
Inihagis ni Billie ang folder sa harap niya.
Tumilapon ang mga papel — medical results, hospital receipts, lahat. “Ulcer. Hindi cancer. Months mo akong ginago!”“Billie, hindi mo naiintindihan—”
“Ang hindi ko maintindihan, Vicky, ay kung paano mo nagawang gamitin ang awa ko para sirain ang buhay namin ni Mariel!”
“Dahil wala akong laban! Araw-araw, ikaw lang ang iniisip ko! Pero kahit anong gawin ko, si Mariel pa rin ang laman ng puso mo!”
Tahimik si Billie, pero bakas sa mukha ang pagod at pagkamuhi.
Lumapit siya, halos marinig na ni Vicky ang tibok ng puso niya.“Hindi mo kailangang sirain ang iba para makuha ang pagmamahal, Vicky. Hindi ganun ang love.”
Tumalikod na siya. Pero bago siya tuluyang makaalis, nagsalita si Vicky — mahina pero puno ng takot.
“Billie… may hindi ka pa alam tungkol sa ama ni Mariel.”
Napahinto si Billie, pero hindi na siya lumingon.
“Hindi ko na kailangang marinig. Lahat ng sinabi mo, puro kasinungalingan.”
Iniwan niya si Vicky, nakaluhod, umiiyak — habang ang mga kandila sa paligid ay unti-unting namamatay.
Umuulan.
Basang-basa si Billie habang nakatayo sa tapat ng bahay. Hawak niya ang isang maliit na kahon ng mga lumang larawan nilang mag-asawa.Pagbukas ng pinto, tumambad si Mariel — payat, maputla, pero may kakaibang liwanag sa mga mata.
Hindi halata, pero sa ilalim ng maluwag niyang dress, may bahagyang kurba ng tiyan na pilit niyang tinatago.“Bakit ka nandito, Billie?”
“Gusto kong humingi ng tawad. Alam kong huli na, pero kailangan kong sabihin.”
Tahimik lang si Mariel. Hindi siya lumapit, pero hindi rin siya lumayo.
“Si Vicky… niloko ako. Wala siyang cancer. Ginamit niya lang ako, Mariel. At habang lahat ‘yun nangyayari, ikaw ‘yung totoong nasasaktan ko, napakahunghang ko talaga.”
“Bakit ngayon mo lang naisip ‘yan, Billie?”
“Siguro dahil minsan, kailangan pang mawala ang isang tao para maintindihan kung gaano mo talaga ito kamahal.”
Lumapit siya, marahang hinawakan ang kamay ni Mariel.
Hindi ito tumutol — pero hindi rin gumanti.“Mariel, please… bigyan mo pa ‘ko ng isa pang chance. Hindi ko hihilingin na bumalik ka agad. Pero hayaan mo lang akong ayusin kung ano’ng nasira ko.”
Tahimik.
Tanging tunog ng ulan ang naririnig. Hanggang sa huminga ng malalim si Mariel, at mahina niyang sinabi:“Billie… pagod na akong umasa. Pero to be honest…”
“…hindi ko pa rin kayang kalimutan ka.” “Then let me try again. Kahit dahan-dahan. Kahit isang araw, isang hakbang lang.”Ngumiti si Mariel, mapait pero totoo.
“Huling beses na ‘to, Billie. Kapag nasaktan mo pa ako ulit, wala ka na talagang babalikan.”
“Hindi ko na hahayaang mangyari ‘yon.”
At doon, sa ilalim ng ulan, dahan-dahan silang nagyakapan — hindi bilang mag-asawang nagbabalik, kundi bilang dalawang pusong gustong magsimula muli.
Sa loob ng bahay, nakasabit sa dingding ang framed photo nila ng kasal — at sa mesa, nakalagay ang isang positive pregnancy test na itinago ni Mariel sa ilalim ng mga papeles.
Hindi pa alam ni Billie.
Pero sa sandaling iyon, sa pagitan ng ulan at pag-ibig, may bagong buhay na tahimik na nagsisimula.“Tonight, we move.”Maiksi pero mabigat ang salitang binitawan ni Marcus habang nakatayo sa harap ng mesa. Sa likod, kumikislap ang screen ng laptop, nakabukas ang blueprint ng Walter Tower, ang mismong headquarters na pinaglalaban ng lahat.Tahimik lang si Mariel sa gilid, halatang kinakabahan, ngunit may apoy sa mga mata — handang harapin ang kalaban, anuman ang mangyari.Abala naman si Rafael sa paglalagay ng earpiece, kalmado ngunit alerto; at si Billie nama’y hawak ang cellphone, tahimik na tinititigan ang litrato ng babaeng pinakamamahal niyang si Mariel, bago ito dahan-dahang isinilid sa bulsa.At doon nagsimula ang gabing magbabago sa kanilang lahat.
Mahinang ilaw lang ang nagbibigay-buhay sa malamig na silid. Ang tunog ng mga cooling fans ay humahaplos sa katahimikan, habang kumikislap ang daan-daang LED lights, tila mga matang nagmamasid mula sa dilim.Nakatayo si Marcus, tahimik, nakatitig sa holographic screen na punô ng gumagalaw na data streams. Matangkad siya, pino kung kumilos, at may titig na parang kayang basahin ang utak ng kausap.Sa likod niya, pumasok si Vicky, bitbit ang isang wine glass. Ang tunog ng kanyang takong ay mahinang pumapalo sa sahig, parang ritmo ng babalang paparating.
KABANATA 13 – “Phase Two: The Lies We Live”Tahimik ang gabi. Sa isang lumang resthouse sa labas ng siyudad, naroon sina Mariel, Rafael, at Billie.May benda si Billie sa balikat dahil sa tama ng bala, habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Si Mariel naman ay abala sa laptop, sinusubukang buksan ang laman ng flash drive.Sa kabila ng mga sugat, iba ang pintig ng gabi — halong kaba, pag-ibig, at mga lihim na handang sumabog anumang oras.“Hindi ko ma-access ‘yung file… naka-encrypt.” “Let me try,” boluntaryong sabi ni Rafael. “Don’t. The file’s rigged
Tahimik ang buong bahay. Tanging ugong ng hangin at mahinang patak ng ulan ang maririnig mula sa labas.Ngunit sa loob ng safe house, may bagyong mas malakas, hindi ulan, kundi mga damdamin.”Si Rafael, nakatayo sa sala, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinitingnan ang isang encrypted message mula sa hindi kilalang numero. “You think she’s safe? You’re wrong.”Huminga siya nang malalim. “They found us again,” bulong niya. Dumating si Billie, su
Ang ulan ay walang tigil at patuloy na bumubuhos. Sa labas ng safe house, ramdam ni Mariel ang lamig na tila dumidikit sa kanyang balat. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana, habang pinagmamasdan si Billie na may benda sa braso at si Rafael na abala sa laptop. Pareho silang seryoso—pero iba ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang tatlo.“I checked the CCTV files again. May dalawang lalaki na nakita sa paligid kagabi. Hindi ko mga tauhan yon. Mukhang kay Vicky ‘yon.” “So… she really won’t stop.”Napabuntong-hininga si Billie ng malalim. “She won’t, not until she gets what she wan
KABANATA 10 - Sa Gitna ng Apoy at LihimTeaser:Habang lalong lumalalim ang gabi, isang lihim na email ang matatanggap ni Rafael…mula sa taong may initial na “M.”Ang laman nito? Isang larawan nina Vicky at… ang ama ni Mariel, na buhay pa pala.—-----------------------------------------------------------------------------------------------------“Hindi pa rin kayo natutulog?” Mahinang boses ni Mariel mula sa veranda. Hawak niya ang mug ng kape, nanginginig ang mga daliri.“Hindi pa,” sa