Ang gabi ay tila walang katapusan. Sa labas ng bahay ni Rafael, malakas ang ulan, at tahimik lang si Mariel sa loob, nakaupo sa sala habang tinitingnan ang mga lumang litrato nila ni Billie.Kumikirot ang dibdib niya, habang napaisip. Ilang taon ng pagsasama, at ngayon, tila lahat ay nalason at nilunod na ng kasinungalingan.Lumapit si Rafael na basang basa ang balikat dahil sa ulan, hawak hawak niya ang isang folder. Tahimik niyang inilapag sa mesa at tumingin kay Mariel.“Bago mo sabihin na ayaw mo nang marinig, pakinggan mo muna ako, Mariel,” sabi ni Rafael, mahinahon pero puno ng bigat ang nararamdaman para sa babaeng minamahal. “Ito… ito ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng ama mo.”Napakunot ang noo ni Mariel.“Ha? Anong ibig mong sabihin?”Binuksan ni Rafael ang folder — mga litrato, dokumento, resibo, mga email printout.“Ito ang mga ebidensya na matagal nilang itinago. Ang ama mo, hindi siya basta nag-collapse sa opisina. May report ng sapilitang pagtanggal, at isang c
Last Updated : 2025-10-17 Read more