Ang ulan ay tila walang balak tumigil.
Sa labas ng apartment, maririnig ang malalakas na kulog at kidlat, habang si Mariel ay naglalakad paikot, balisa at nanginginig sa loob ng bahay. Ang bawat patak ng ulan ay tila kasabay ng tibok ng kanyang puso—mabigat, magulo, at puno ng takot.Hindi siya mapakali. Hindi na siya mapalagay.
Ang mga sinabi ni Billie tungkol sa ama niya ay parang mga karayom na tumutusok sa isip niya. Totoo kaya iyon? Paano kung isa lang itong panibagong kasinungalingan?“Tonight, we move.”Maiksi pero mabigat ang salitang binitawan ni Marcus habang nakatayo sa harap ng mesa. Sa likod, kumikislap ang screen ng laptop, nakabukas ang blueprint ng Walter Tower, ang mismong headquarters na pinaglalaban ng lahat.Tahimik lang si Mariel sa gilid, halatang kinakabahan, ngunit may apoy sa mga mata — handang harapin ang kalaban, anuman ang mangyari.Abala naman si Rafael sa paglalagay ng earpiece, kalmado ngunit alerto; at si Billie nama’y hawak ang cellphone, tahimik na tinititigan ang litrato ng babaeng pinakamamahal niyang si Mariel, bago ito dahan-dahang isinilid sa bulsa.At doon nagsimula ang gabing magbabago sa kanilang lahat.
Mahinang ilaw lang ang nagbibigay-buhay sa malamig na silid. Ang tunog ng mga cooling fans ay humahaplos sa katahimikan, habang kumikislap ang daan-daang LED lights, tila mga matang nagmamasid mula sa dilim.Nakatayo si Marcus, tahimik, nakatitig sa holographic screen na punô ng gumagalaw na data streams. Matangkad siya, pino kung kumilos, at may titig na parang kayang basahin ang utak ng kausap.Sa likod niya, pumasok si Vicky, bitbit ang isang wine glass. Ang tunog ng kanyang takong ay mahinang pumapalo sa sahig, parang ritmo ng babalang paparating.
KABANATA 13 – “Phase Two: The Lies We Live”Tahimik ang gabi. Sa isang lumang resthouse sa labas ng siyudad, naroon sina Mariel, Rafael, at Billie.May benda si Billie sa balikat dahil sa tama ng bala, habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Si Mariel naman ay abala sa laptop, sinusubukang buksan ang laman ng flash drive.Sa kabila ng mga sugat, iba ang pintig ng gabi — halong kaba, pag-ibig, at mga lihim na handang sumabog anumang oras.“Hindi ko ma-access ‘yung file… naka-encrypt.” “Let me try,” boluntaryong sabi ni Rafael. “Don’t. The file’s rigged
Tahimik ang buong bahay. Tanging ugong ng hangin at mahinang patak ng ulan ang maririnig mula sa labas.Ngunit sa loob ng safe house, may bagyong mas malakas, hindi ulan, kundi mga damdamin.”Si Rafael, nakatayo sa sala, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinitingnan ang isang encrypted message mula sa hindi kilalang numero. “You think she’s safe? You’re wrong.”Huminga siya nang malalim. “They found us again,” bulong niya. Dumating si Billie, su
Ang ulan ay walang tigil at patuloy na bumubuhos. Sa labas ng safe house, ramdam ni Mariel ang lamig na tila dumidikit sa kanyang balat. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana, habang pinagmamasdan si Billie na may benda sa braso at si Rafael na abala sa laptop. Pareho silang seryoso—pero iba ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang tatlo.“I checked the CCTV files again. May dalawang lalaki na nakita sa paligid kagabi. Hindi ko mga tauhan yon. Mukhang kay Vicky ‘yon.” “So… she really won’t stop.”Napabuntong-hininga si Billie ng malalim. “She won’t, not until she gets what she wan
KABANATA 10 - Sa Gitna ng Apoy at LihimTeaser:Habang lalong lumalalim ang gabi, isang lihim na email ang matatanggap ni Rafael…mula sa taong may initial na “M.”Ang laman nito? Isang larawan nina Vicky at… ang ama ni Mariel, na buhay pa pala.—-----------------------------------------------------------------------------------------------------“Hindi pa rin kayo natutulog?” Mahinang boses ni Mariel mula sa veranda. Hawak niya ang mug ng kape, nanginginig ang mga daliri.“Hindi pa,” sa