Share

Chapter 2

Author: lhyn
last update publish date: 2026-07-15 02:58:51

Kinabukasan, maagang nasa set na si Fiona. Suot na naman niya ang makapal na make-up na nagtatago sa tunay niyang mukha, nakangiti nang pilit habang inaayos ng mga staff ang kanyang damit. Sa harap ng lahat, siya ang sikat na si Luna,masigla, matatag, walang ipinapakitang kahinaan. Pero sa likod ng ngiti at galing sa pag arte niya may nakatagong mukha ,isang mukha ng babaeng parang nakakulong sa isang madilim na kulungan.

Ang ningning niyang mga mata ay peke lang at ganun din lahat ng nakikita sa kanya para syang robot na kailangan sumunod sa bWat utos .

Kalahati na ng script ang natapos nang tumunog ang kanyang cellphone .aNakita niya ang pangalan ng doktor ng kanyang ina. Agad siyang lumayo sa lahat, sa isang madilim na sulok ng likod ng entablado, nanginginig ang kamay habang sinasagot ito.

"Hello , Dok..." ang boses niya ay halos pabulong na lang.

"I am sorry to bother you but you need to know. Kailangan kong sabihin sa'yo ang totoo. Lalong humina ang lagay ng mama mo. Masyado na ring matagal ang pagiging koma niya. Nahihirapan na ang katawan niyang lumaban " napahawak si Fiona sa kanyang bibig para hindi makalabas ang iyak. Parang dinudurog ang kanyang puso sa bawat salitang naririnig niya mula sa kabilang linya .

" paki-usapan po... ayusin niyo po.Dok.. gagawin ko po ang lahat. Magbibigay ako ng kahit anong halaga... huwag niyo po siyang hayaan..." humahagulgol na siyang nagsasalita, hindi na alintana kung may makakarinig man sa kanya.

"Alam naming ginagawa mo ang lahat, Fiona. Pero tao lang din ang katawan niya. Darating ang panahon... kailangan na nating tanggapin ang hindi maiiwasan. Pumunta ka rito kung kailangan mo siyang makita habang maaga pa Fiona ..I am sorry in advance hopefully you understand it ..Alam ko ipaglalaban mo sya hanggang sa huli . Pero Fiona isipin mo din ang kalagayan ng mama mo "

" by the way I'm gonna go na dahil may trabaho pa ako .Tinawagan lang kita para kahit papaano malaman mo ang totoo para pumunta ka dito at dalawin" hindi pa sya nakakapagsalita namatay na ang tawag mula sa kabilang linya .

. Napaupo na lang siya sa malamig na semento. Tila gumuho ang lahat ng lakas na pinanghahawakan niya. Ang lahat ng pagpapanggap, ang lahat ng paghihirap, ang lahat ng pagtitiis sa pamilya... para sa mama niya ang lahat. Ngunit parang unti-unti na ring inaalis sa kanya ang tanging dahilan kung bakit siya lumalaban.

"Tama pa nga si Beatriz..." bulong niya sa gitna ng pag-iyak.

"Wala nga talaga akong magawang tama. Kahit ang buhay ng mama ko, hindi ko maipaglaban..."

Hinawakan niya nang mahigpit ang dibdib, parang sinasakal ng sakit. Walang ibang naririnig kundi ang sarili niyang paghikbi, habang sa di kalayuan naririnig niya ang tawag ng mga staff na hinihintay na siyang bumalik sa pagganap upang maging masaya ulit, habang ang buong mundo niya ay unti-unti nang nasisira.

Pinilit niyang itigil ang pag-iyak. Pinunasan niya nang mabilis ang mga luha, kahit alam niyang nagmantsa na ang makapal na make-up sa kanyang mukha. Tumayo siya nang pilit, huminga nang malalim ipinilit niyang ibalik ang natitira pang lakas. Hindi siya pwedeng sumuko ngayon. Kailangan niyang tapusin ang trabaho. Para sa Mama nya .

Bumalik siya sa set. Sa harap ng kamera, muli niyang isinuot ang maskara ng pagiging masigla at matapang na si Luna. Pero bawat ngiti, bawat salitang binibitawan niya, parang may kutsilyong dahan-dahang tumutusok sa kanyang puso. Parang lumalamig ang lahat ng kanyang galaw, parang anino na lang ang kanyang sarili.

Sa wakas, natapos na ang huling eksena. Agad siyang lumapit sa kanyang manager, si Tess. Nakita ni Tess ang pagod at sakit sa mga mata ni Fiona, kaya agad siyang nilapitan.

"Tess..." garalgal ang boses ni Fiona, halos hindi na makatingin nang diretso.

"Pwede ba!!!!... pwede ba akong umalis na? May kailangan lang po akong puntahan."

Nag-alala si Tess. "Fiona, maaga pa naman. May schedule pa tayo mamaya sa press..."

Hinawakan ni Fiona ang kamay nito, nanginginig ang buong katawan.

"Tess, pakiusap... tumawag ang doktor ng Mama ko. Lalong humina ang lagay niya. Kailangan ko siyang makita. Baka... baka huli na ang lahat."

Nakita ni Tess ang desperasyon sa mukha ng dalaga. Agad siyang tumango at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Fiona.

"Sige, sige. Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala dito. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa lahat na may importanteng lakad ka. Mag-ingat ka, Fiona. Lakasan mo ang loob mo."

Alam ni Tess ang tunay niyang pagkatao kung sino talaga sya kaya tinatawag sya nito sa totoong pangalan dahil ang mismong pamilya niya ang nagbigay kay Tess bilang manager niya sa industria wala syang kalayaan dahil bawat galaw niya ay kailangang ipaalam ang lahat . Pero ngayon nararamdaman niya na naintindihan ni Tess ang kanyang sitwasyon .

"Maraming salamat .." bulong ni Fiona. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinanggal ang mga palamuti sa katawan, nagbihis ng pinakasimpleng damit na meron siya, at tumakbo palabas pumunta sa tanging taong nag-iisa niyang sandigan sa buhay.

Malungkot naman na tinitigan ni Tess ang kanyang alaga na simpleng umalis sa set habang nakasuot ito ng jacket na hood at sumbrero ..Hindi man halata na si Luna ito dahil sa pagiging simple ni Fiona .Alam niyang kailangan din ng dalaga ang mag disguise dahil may mga taong nakabantay sa bawat galaw ng kanyang alaga para ibalita sa mga Monticello .Naawa na sya ngunit wala man lang syang magawa .

Pagkarating niya sa hospital sakto naging busy ang mga elevator kaya dali dali syang tumakbo sa may hagdan nasa 10th floor pa naman ang kwarto ng kanyang ina .

Bawat hakbang sa kanya ay mahalaga dahil ang nasa isip lang niya ay makarating agad sa kwarto ng mama niya . Bawat segundo ay parang orasan na tumitibok sa kanyang dibdib na puno ng takot.

Pagpasok niya sa kwarto ng ina, parang gumuho ang mundo niya. Mas lalong namutla si Mama Fely niya, at mas marami na ang nakakabit na mga makina sa katawan nito. Dahan-dahan siyang lumapit, nanginginig ang tuhod hanggang sa lumuhod siya sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang malamig na kamay ng ina.

"Mama..." pabulong niyang tawag, basag na basag ang boses.

"Nandito na po ako. Huwag po kayong susuko... nakikiusap po ako.huwag niyo akong iwan ." parang bata na nagsusumamo habang sinasambit ang mga salitang iyon .Wala na syang pakialam kung manlabo ang kanyang paningin dahil sa pag iyak .

Walang sagot. Tahimik lang ang ina niya, at ang tanging naririnig ay ang paulit-ulit na tunog ng makina.

"Dok..." lumingon siya sa doktor na nakatayo sa gilid.

"dok wala na bang pag asa .. pakiusap naman oh iligtas nyo sya" humagulgol niyang pakiusap sa doktor .

Umiling lang ang doktor nang malungkot. Hinawakan siya sa balikat.

"Fiona, ginagawa na natin ang lahat. Pero ang katawan ng mama mo ay pagod na pagod na. Ang kailangan niya ngayon ay marinig ang boses mo. Kausapin mo siya. Sigurado akong naririnig ka pa rin niya."

Buong gabi ay hindi umalis si Fiona sa tabi ng ina. Kinakausap niya ito, ikinukuwento ang lahat ,ang hirap, ang pangarap, at kung gaano niya ito kamahal. Paulit-ulit niyang sinasabi na para sa kanya ang lahat ng kanyang paghihirap. Pero habang tumatagal, lalong lumalamig ang pakiramdam, at parang unti-unti na ring nawawalan ng pag-asa ang kanyang puso.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagpaalam na siya sa doktor. Kailangan niyang bumalik,kailangan niyang magtrabaho, kailangan niyang magpatuloy kahit gumuho na ang kanyang mundo.

Kung mawawala man ang kanyang ina hindi parin sya agad makakawala sa mga Monticello dahil may lolo pa syang nagmamahal sa kanya . Ayaw niyang iwan ito at baka kung ano ang gawin ng mga sakim sa mana .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 8

    Isang linggo matapos ang lahat, pinapunta siya ni Lolo Fedel sa mansion .. Nag-alangan siyang pumunta, pero wala naman siyang magawa.Labag man ang kanyang loob na umapak muli sa mansion ngunit kailangan . Pagpasok niya, nakita niyang nakatayo lang ito sa may bintana. Paglingon sa kanya, halatang pagod ang mukha ng matanda.Bigla syang nakaramdam ng awa sa kanyang lolo . "Pasensya ka na, apo at inistorbo ko ang pagdadalamhati mo " panimula nito nang mahina. "Alam kong galit ka sa akin. Alam kong masama ang ginawa ko, lalo na sa mama mo I feel guilt tuwing naalala ko na hindi ko sinunod ang gusto ng mama mo ."wala syang imik kundi pinakinggan lang ang mga sinasabi ng kanyang lolo . "Huwag kang mag-isip ng masama," dagdag pa ni Lolo Fedel, lumapit nang kaunti. "Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong makita kang lalong nahihirapan. Alam kong hindi mo pa kaya ang lahat at gusto ko lang mapadali ang mga bagay para sa'yo. Hindi ko naman intensyong saktan ka.gusto man kita damayan ngunit ik

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 7

    Mag-isa na lang siyang naiwan sa labas ng ospital, hawak nang mahigpit ang garapon na kasa-kasama na niya ngayon. Parang ang liit-liit na ng mundo niya ang tanging mama niya, nawala pa sa mundo, wala na man lang siyang makakapiling .Kung bakit nagkaroon sya ng mga ganung pamilya walang puso . Umupo siya sa gilid ng bangketa, hindi na inalintana ang mga taong dumadaan at tumitingin sa kanya. Dahan-dahan niyang idinikit ang garapon sa dibdib niya, parang yakap na rin niya ang kanyang ina "Ma... bakit ganoon?" bulong niya sa pagitan ng paghikbi. "Kahit huling hiling mo, hindi ko naipaglaban. Kahit paalam nang maayos, hindi ko naibigay sa'yo.I am sorry ma ...wala akong silbi na anak niyo '' humagulgol sya habang yakap ang garapon . Maraming nahihiwahan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi naman nila makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito . Ang iba hinayaan lang sya pero ang iba parang nakikisosyo . Ilang oras siyang nanatili doon. Walang ibang ginawa kundi umiyak at kau

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 6

    "Wala ang anak nito para magdesisyon para dyan ako ang may karapatan dahil manugang ko yan at wala sa isip ng apo ko ang magdesisyon ng maayos ... ," sabi ni Fedel nang mahinahon pero may diin. "Kami na ang bahala sa lahat. Ilagay niyo na siya sa ihanda niyo na sya '' saad naman ni Ricky . Wala nang nagawa ang nars kundi tumango na lang at sumunod.Kaagad syang lumabas para ipaalam sa morgue kung ano ang gagawin sa bangkay . Samantala, nagising si Fiona pagkalipas ng ilang oras. Nasa isang maliit na kwarto siya ng ospital, nakahiga . Masakit ang buong katawan niya at parang bumibigat ang ulo dahil sa sakit nito . Tumingin siya sa paligid walang kakilala, walang kamag-anak.Ano pa ba ang aasahan niya talaga ngang wala syang puwang sa mga taong iyon . Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na may dalang gamot . "Gising ka na pala," sabi nito nang malumanay. "Isang oras kang tulog . Nilagnat ka nang mataas dahil sa ulan at sobrang pagod.Buti nalang at nadala ka kaagad dito .'' Hindi

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 5

    Nang dumating ang balita sa mansyon ng mga Montecillo, walang luha na pumatak. Walang nagluksa. Sa halip, nagkatinginan sila na parang isang mabigat na bato ang nahulog sa kanilang dibdib . Tuwang-tuwa si Beatriz na agad na sumabat habang nakangisi. "Kawawang Fiona ang nag iisang tao na bukod tanging kakampi niya ay wala na! pero baka naman dahil sa pagkawala ng kanyang ina ay magrerebelde na ito .Wala na ang hawak nating alas papa ,,lolo para mapasunod sya" may pangamba sa kanyang mukha . Sumang-ayon ang isa sa mga tiyahin nila ni Fiona sabay humalukipkip. "Tama ka diyan, Beatriz ito din ang naisip ko .Alam niyo naman na tanging ina lang niya ang dahilan kung bakit sumusunod sa ating mga gusto " "Oo nga," dugtong ni Reynold Montecillo ang asawa ng nagsalita . "pero diba mahina si Fiona tito panigurado wala na iyon ibang pupuntahan. Kung aalis sya sa poder ng Montecillo saan nalang sya pupulutin .Walang sariling pera ang sikat na iyon dahil hawak natin ang account niya" saad

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 4

    Kahit labag sa kalooban niya ang iwan na naman ang kanyang ina pilit niyang binubuhay ang kanyang sarili para magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang si Luna .Nasa set na naman siya, pilit na isinisigla ang sarili habang ginagawa ang trabaho. Makapal ang make-up sa mukha ,ang mukha ni Luna na kilala ng lahatnang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad syang nataranta ng makita ang numero ng doktor . "Hello dok.." agad niyang salita pagkasagot sa tawag . "Fiona, pumunta ka agad dito!" sabi ng doktor . "Biglang bumagsak ang lagay ng nanay mo. Nag-aagaw buhay siya mukhang ikaw lang ang hinihintay niya dahil lumalaban ito " Nabitawan niya ang hawak niyang script na kanina pa niyang pilit ipasok sa kanyang isipan ngunit di niya magawa .Yun pala may nangyayari na sa kanyang ina mParang gumuho ang mundo niya. Hindi na siya nagpaalam nang maayos, tumakbo na lang palabas. Sa sobrang taranta, wala siyang panahong tanggalin ang make-up dala niya ang pagkakakilanlan ng sikat na art

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 3

    Kakatapos lang dumating ni Andrew galing ibang bansa. Pagod na pagod na siya sa marangyang buhay at sa mga taong lumalapit lang dahil sa yaman niya. Kaya dinala siya ng mga paa niya sa maliit na tindahan,ang convenience store na pagmamay-ari noon ng kanyang yumao na Hanggang ngayon nanatili paring nakatayo at higit sa lahat marami na sila franchise sa ibat ibang lugar ng lungsod . Bukod sa maliliit na convenient store may ibang negosyo ang mga Valera . Sila lang naman ang nagmamay ari ng mga hotel at resort sa ibang bansa . Pagkababa niya ng sasakyan kung saan inihatid sya ng isa niyang tauhan para hindi makahalata ang tiyuhin niya na nasa bansa na pala sya .Wala itong alam na nakauwi na sya dahil ang alam nito nasa ibang bansa parin para pamahalaan ang isa sa pinakamalaki nilang hotel and condo doon .Iniwan niya si Ralph na kanyang assistant para mamahala doon . Halos hindi makakurap sina Carding at Nena sa nakikita .Nasa harapan nila ang anak ng kanilang mabait na among yumao na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status