Share

Chapter 3

Author: lhyn
last update publish date: 2026-07-15 19:47:15

Kakatapos lang dumating ni Andrew galing ibang bansa. Pagod na pagod na siya sa marangyang buhay at sa mga taong lumalapit lang dahil sa yaman niya. Kaya dinala siya ng mga paa niya sa maliit na tindahan,ang convenience store na pagmamay-ari noon ng kanyang yumao na Hanggang ngayon nanatili paring nakatayo at higit sa lahat marami na sila franchise sa ibat ibang lugar ng lungsod . Bukod sa maliliit na convenient store may ibang negosyo ang mga Valera . Sila lang naman ang nagmamay ari ng mga hotel at resort sa ibang bansa .

Pagkababa niya ng sasakyan kung saan inihatid sya ng isa niyang tauhan para hindi makahalata ang tiyuhin niya na nasa bansa na pala sya .Wala itong alam na nakauwi na sya dahil ang alam nito nasa ibang bansa parin para pamahalaan ang isa sa pinakamalaki nilang hotel and condo doon .Iniwan niya si Ralph na kanyang assistant para mamahala doon .

Halos hindi makakurap sina Carding at Nena sa nakikita .Nasa harapan nila ang anak ng kanilang mabait na among yumao na .

"Mang Carding, Aling Nena..." panimula ni Andrew nang mahinahon.

"Gusto ko po sanang magtrabaho dito bilang simpleng tindero."

Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at sabay na umiling.Tila nagtataka sila sa nangyayari kay Andrew.

"Naku, hindi pwede 'yan, Andrew!" mariing sabi ni Mang Carding.

"Hindi pwedeng mangyari 'yan! Ikaw ang anak ng may-ari, ang tagapagmana ng lahat ng yaman ng pamilya niyo. Paanong magtatrabaho ka dito? Hindi ka sanay sa hirap at pagod!" mahirap manirahan sa convenient store lalo na kung darating na ang mga bagong stocks mga anak nga nilang lalaki ay sobra kung magreklamo dahil sa hirap kaya ang dalawa ay umalis sa kanilang poder para magtrabaho sa kompanya ng mga Valera .Naiwan lang ang kanilang bunso na ngayon ay patapos na sa pagaaral ng kolehiyo at tumutulong din ito sa kanila.

"mag isip ka ng maayos iho," dagdag ni Aling Nena na may pag-aalala.

"Baka hindi mo kaya ang gawain dito. Masasanay ka sa puyat, sa pagbubuhat, at sa pakikipag-usap sa iba't ibang klase ng mga tao. Baka sumakit ang ulo mo o mapagod ka agad.."

Lumapit si Andrew at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalawa.

"Nakikiusap po ako," pakiusap niya na may halong lungkot at sinseridad.

"Kayo lang po ang matatakbuhan ko. Pagod na po ako sa mundong kinalakihan ko. Gusto ko po munang magpahinga, mamuhay nang payapa, at maranasan kung paano magtrabaho nang totoo. Huwag po niyo akong ituring na amo. Ituring niyo po akong isang simpleng empleyado lang."

"Pero iho..." pag-aalinlangan pa rin ni Mang Carding.

"Sisikapin ko po," pagpapatuloy ni Andrew. "Kakayanin ko po ang lahat ng hirap. Basta po, hayaan niyo lang akong manatili dito. Ito po ang huling hiling ko sa inyo ," sino ba naman ang hindi mapapayag sa pakiusap ng binata.

Nakita nila sa mga mata ni Andrew na seryoso siya at talagang naghahanap ng kapayapaan. Wala na silang nagawa kundi tumango nang dahan-dahan.

"Sige na nga," buntong-hininga ni Aling Nena.

"Pero pangako, kapag hindi mo na kaya, sabihin mo lang agad."

Napangiti nang bahagya si Andrew. "Maraming salamat po." hindi sya magsasawa ,Yun lang kung malaman ng kanyang tiyuhin na nandito na sya ng bansa .

Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Andrew. Hindi siya nagpahatid o nagpahatid ng kahit sino. Naglakad lang siya papunta sa tindahan, suot ang simpleng puting t-shirt at pantalon na binili niya sa murang tindahan.

Pagbukas pa lang ng tindahan, agad na siyang kumilos. Inayos niya ang mga nakatagong paninda, nagpunas ng sahig, at nagbubuhat ng mga kahon na puno ng gamit. Namangha sina Mang Carding at Aling Nena habang pinapanood siya. Sanay sila na ang mga anak mayaman ay puro utos lang ang alam, pero iba si Andrew masipag, magalang, at hindi nagmamarunong.

"Tingnan niyo nga naman," bulong ni Aling Nena sa asawa.

"Parang hindi siya lumaki sa marangyang buhay. ." natuwa sila dahil nagmana ang binata sa ina nitong mabait at masipag sa mga tulad nila .Iyon nga lang kinakatakutan din si Andrew pagdating sa negosyo o sa bagay na tungkol sa kompanya dahil strikto ito .

Nang matapos ni Andrew sa kanyang gawain nagpahinga muna sya sa counter .

Napainat sya sabay hikab ,basic lang sa kanya ang kanyang ginawa dahil sanay sa gym .

Ito ang gusto niya ang maranasan ang totoong buhay, malayo sa mga taong nakatingin lang sa apelyido niya.

Isang gabi, habang nagliligpit siya ng gamit, pumasok si Fiona.

Basang-basa siya sa ulan, namumugto ang mga mata, at halos hindi na makatayo nang maayos sa pagod at lungkot.Napatitig sya sa babaeng kakapasok lang .

Nakita ni Nena si Fiona na makitang basa sa ulan si Fiona .Nagtaka sya bakit nagpakabasa ito .

"Naku, Fiona! Bakit basang-basa ka na? Halika rito, tuyuin mo muna ang sarili mo."Agad siyang inalalayan ni Aling Nena na umupo.

Nagulat si Andrew. Kilala nila ang babae.

"Madalas po siyang bumili dito," paliwanag ni Mang Carding kay Andrew habang nasa malayo sila mula kila Fiona at aling Nena .

. "Mabait na bata, tahimik lang. Pero madalas namin mapansin na parang laging may mabigat na iniisip." tumango lang si Andrew .yan din ang napansin niya kanina.

Lumapit silang dalawa kila Nena at nanatili paring nakatingin si Andrew kat Fiona na may nakabalot ng towel sa buhok nito at katawan .Paninda nila ang gamit nito at mukhang babayaran din ng babae dahil hindi naman halata na walang pambayad .

"Fiona, ito naman po si..." Huminto siya sandali, muntik nang masabi ang tunay na apelyido. Mabilis niyang naalala ang pakiusap ni Andrew. Nagbago agad ang sasabihin niya

. "...si Andrew. Siya ang bagong katuwang namin dito sa tindahan."

"Ikinagagalak kitang makilala, Andrew," mahina niyang sabi, ngiti lang nang bahagya.

"Ganoon din ako," sagot ni Andrew nang may paggalang.

"Manang ito pala ang bayad ng mga towel salamat pala sa pag asikaso sa akin ." nakangiti niyang salita sabay abot sa isang card .

"huwag mo ng bayaran miss ayus na ..gamitin muna yan " saad agad ni Andrew sa kanya .Tila nahiya naman si Fiona sa bait ng lalaki ngunit nagtaka sya isa lamang itong katuwang sa grocery pero bakit kung magsalita parang ito ang may ari ng store.

Nagkatinginan agad sina Mang Carding at Aling Nena nang marinig iyon kay Andrew. Tila parang naging amo na naman ang tono nito, at baka maghinala na ang dalaga.Kahit anong tago ni Andrew sa katauhan nito kitang kita ang pagiging bossy niya .

"Ah... eh... kasi naman iha," mabilis na sumabat si Mang Carding, kinakabahan pa nang kaunti.

"Mabait talaga 'yang si Andrew. Ganyan talaga siya kahit baguhan pa lang dito, parang pamilya na ang turing niya sa mga suki namin . di na kasi kailangan yang towel kaya sayo nalang Fiona"

Tumango agad si Aling Nena at sumuporta.

"Tama 'yan, Fiona. Huwag mo nang intindihin 'yang mga tuwalya. Basta ligtas ka at nakapagpahinga, sapat na 'yon. Ganyan talaga magturo ang nanay niyan maging mabuti sa kapwa.Ibabawas nalang namin kay Andrew ang bayad niyan"

Napatingin si Fiona sa kanila nang sunod-sunod, parang sinusuri ang sinabi nila. Ramdam niyang parang may itinatago ang tatlo, at parang hindi lang basta simpleng katuwang ang lalaking nasa harap niya. Pero dahil ayaw niyang maging bastos at sadyang mabait naman ang mga ito sa kanya, tumango na lang siya nang dahan-dahan.

"Salamat po talaga sa inyong lahat," mahina niyang sabi, sabay yuko.

"Bihira po kasi ang ganitong kabaitan sa mga taong hindi ko naman kilala nang lubusan." hindi sya sanay .Akala niya sa eksena lang ng teleserye ang may ganito .

Huminga nang maluwag ang tatlo nang hindi na magtanong si Fiona. Pero sa loob-loob ni Andrew, alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa bawat salita at kilos niya dahil isang maling hakbang lang, at mabubunyag ang lahat ng kanyang itinatago.

Nagpaalam na rin si Fiona sa kanila ng tumila na ang ulan. Kailangan na niyang umuwi para magbihis dahil babalik pa sya ng hospital .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 72

    Tahimik ang lahat habang kumakain kompleto silang lahat ngayon dahil bukas ay aalis na ang mga magulang ni Chloe uuwi na ang mga ito sa ibang bansa at maiiwan ang anak nila . ''Beatriz nasabi muna ba sa kanila ang tungkol sa pagiging modelo ko sa resort ?" pagkatapos niyang magsalita, biglang tumahimik ang buong paligid, at sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Beatriz nang may halong pagtataka ang kanilang isipan . Samantala nanatiling kumakain lang si Fiona at hindi interesado sa usapan ng pamilya . Napatingin sya sa paligid at may nakita syang isang tao na may hawak na camera mukhang sa kanila ang focus nito . Nagkibit balikat sya ng kaunti dahil sa isip niya kailan pa walang camera sa pamilya nila . Si Fidel ang unang nagsalita, habang nakatitig nang masinsinan sa kanyang apo "Beatriz, hindi ba’t matagal na nating ginagamit ang pangalan at imahe ni Fiona sa halos lahat ng proyekto Kilala na siya ng marami bilang isa sa mga mukha ng ating negosyo, at sanay na ang mga tao n

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 71

    Huminga nang malalim si Fiona at dahan-dahang tumingin kay Chloe, may kapayapaan sa kanyang mga mata na tila matagal na niyang tinanggap ang lahat ng bagay hindi niya hangad maging modelo ulit ito sa resort na iyon dahil nalaman niyang may naapakang tao ang kanyang pamilya .Lihim niyang tinulungan ang mga taong naagawan ng lupa dahil sa resort na iyon . "Chloe, makinig ka. Matagal na akong hindi na nag-aalala sa mga ganitong bagay. Kung ano man ang plano nila, kung ano man ang nais ipakita o gawin ni Beatriz wala na akong pakialam doon. Wala na akong panahon at lakas na ubusin ko pa ang aking isipan sa mga bagay na hindi naman para sa akin o hindi ko naman talaga kailangan. Ang tungkol sa resort, sa pagiging modelo, o sa anumang proyekto ng pamilya iyan ay inyong usapan na. Kung sa tingin niyo ay makabubuti iyon sa inyo, sige, ituloy ninyo. Ako naman ay may sarili akong landas na tinatahak at mga bagay na mas mahalaga para sa akin ngayon.,.. ''gusto niyang sabihin na pagud na sya .

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 70

    Talagang sinadya ni Beatriz hintayin ang kanyang pinsan mula sa sala .Galing ito sa gym kaya medyo natagalan makauwi .Talagang nag tiis syang naghintay dahil may kakaiba syang sasabihin sa pinsan niya. "Chloe!" tawag ni Beatriz habang dahan-dahang lumalapit, maingat na inayos ang kanyang damit at buhok upang magmukhang mas maayos kaysa karaniwan. "Akala ko nakatulog kapa .. kanina pa kita hinahanap .. ''napatitig sya sa kanyang pinsan ..kung ganda ang usapan masasabi niyang pinakamaganda sa kanila si Fiona dahil naiiba ito .. masasabi niyang naiiba dahil kung mag lagay ng make up ay biglang hindi si Fiona ang mukha nito parang iba ang nagiging resulta .Di gaya nila na kahit anong kapal o uri ng make up ang kanilang ginagawa nanatili parin ang original nilang mukha .. tulad niya si Chloe ay ganun din ..naging sikat lang ito na modelo dahil magaling magdala ng mga palamuti o anumang isuot nito . .. ''. Napakaganda mo talaga ngayon hindi nakapagtataka na sa loob ng maikling panahon

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 69

    Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 69

    Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 68

    Puno ng tawanan at masasayang bati ang buong bulwagan ng mansyon ng mga Montecillo. Ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan ay naroon lahat upang salubungin ang pagbabalik ni Chloe mula sa mahabang pananatili sa ibang bansa. Makikita sa mukha ng lahat ang tunay na ligaya maliban sa dalawang babaeng nakatayo sa magkabilang dulo ng malaking silid, na tila may pader na naghihiwalay sa kanila kahit gaano pa sila kalapit sa isa’t isa. Si Chloe naman, na puno pa rin ng ngiti at may kislap pa sa mga mata dulot ng pagbabalik sa tahanan, ay masiglang nilalapitan ang bawat isa upang yakapin at kamustahin. Habang naglalakad siya sa gitna ng mga bisita, bigla siyang huminto nang mapansin ang kakaibang katahimikan at tensyon sa pagitan ng kanyang dalawang pinsan. Nakita niya si Fiona na nakatayo malapit sa malaking bintana, payapang nakangiti sa mga bumabati sa kanya ngunit kitang-kita na hindi lumalapit ang kanyang tingin sa kabilang panig. Sa kabilang banda naman ay si Beatriz, na naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status