LOGINSa loob ng maraming taon, ipinaglaban ni Vianne Ledesma ang lalaking pinili niyang mahalin. Kahit tutol ang kanyang pamilya at paulit-ulit siyang binalaan, ay pinili pa rin niya si Toby Zamora. Siya ang naniwala noong wala pa itong pangalan. Siya ang nanatili noong wala pa itong kapangyarihan. Siya ang naging dahilan kung bakit hindi ito sumuko. Ngunit nang makuha na ni Toby ang lahat ng bagay na matagal nitong hinahangad—tagumpay, kayamanan, at respeto ng mundo—may isang bagay siyang nakalimutan. Ang babaeng unang naniwala sa kanya. Hanggang sa isang araw, ginulat ng isang balita ang buong bansa. Ang kanyang asawa, si Toby Zamora, ay kasama ang sikat na modelo na si Ariana Villareal. Hindi ito simpleng tsismis lamang—may mga larawan, video, at matibay na patunay na matagal na silang may lihim na relasyon. At ang pinakamasakit? Ang buong mundo ay nanood habang ang pamilyang minsan niyang nilabanan para kay Toby ay napahiya dahil sa kanya. Sa araw na iyon, natapos ang lahat. Hindi dahil nawala ang pagmamahal ni Vianne, kundi dahil napagtanto niyang habang abala siya sa pagpapatunay na tama ang kanyang pinili, si Toby naman ay pinatunayan kung bakit siya binalaan ng lahat. Iniwan niya ang kasal. Iniwan niya ang lalaking minsang minahal niya nang higit sa sarili. At nagsimulang muli—bilang isang babaeng hindi na muling maghahandang ipaglaban ang taong hindi siya pinipili. Sa kanyang bagong buhay, makikilala niya si Stanley Lichauco—isang lalaking nakikita siya higit pa sa kanyang pangalan at yaman. Isang lalaking hindi niya kailangang habulin o kumbinsihin na manatili. Nang sa wakas ay makita ni Toby ang babaeng minsang iniwan niya... hindi na siya ang naghihintay ng kanyang pagbabalik. Siya na ang babaeng hindi na kayang mawala. Ngunit may mga pagkakamaling kahit gaano kalalim ang pagsisisi, huli na upang itama.
View MoreVianne Ledesma's POVHindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Napahinto ako at lumingon. Si Toby. Punong-puno ng desperation at pagsisisi ang mukha niya."Vianne, please… mag-usap naman tayo," pakiusap niya, malalim ang boses. Mahigpit ang hawak niya sa akin, na parang ayaw niya akong pakawalan. "Puwede bang… puwede bang ayusin pa natin 'to? Please, Vianne. Huwag mo namang gawin sa ’kin ‘to. Mahal pa rin kita. Never nagbago ’yon. Hindi ka ba nanghihinayang sa ilang taon? Pagsubok lang ’to, Vianne. Bakit sumuko ka agad?”Dahan-dahan pero mariin kong hinawi ang kamay niya mula sa braso ko. Umurong ako nang isang hakbang palayo sa kanya. Mabilis kong itinago ang sakit at galit na nararamdaman ko. Hindi niya puwedeng makita na naaapektuhan pa rin ako. Hindi siya pwedeng malaman na kahit ngayon, may parte pa rin sa akin na nasasaktan tuwing nakikita ko siya. Pero hindi naman enough na reason iyon para mag-stay pa rin ako. Tumingin ako sa kanya
Vianne Ledesma's POVNapatingin ako sa babaeng naka-gold fitted na gown. Si Ariana Villareal ang mistress ng asawa ko. Sumandal siya sa lababo, nakataas ang kilay, at may panunuyang ngiti."It’s nice to finally meet you, Vianne," simula niya habang dahan-dahang lumalapit. “Are you expecting me to say the same thing?” Tumaas ang kilay ko habang pinapanood ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Hindi ako umatras. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng powder at pinapanatiling kalmado lang ang lahat ng galaw ko. Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin."May kailangan ka ba?" tanong ko, walang halong galit, sadyang direkta lang. "Kung tungkol 'yan kay Toby, sa'yo na 'yan. Wala na akong pakialam." Tumawa siya nang mahina, pero hindi ito umabot sa mga mata niya."Good, at least malinaw ang lahat. Aayusin lang din niya ang mga kailangang ayusin sa paghihiwalay n’yo para makapagpakasal na rin kami." Ibinalik ko ang powder sa bag at hinarap ko siya nang diretso. Tinitigan ko siya mula ulo h
Vianne Ledesma's POV Bumaba ako ng sasakyan at agad kong napansin ang mga ilaw ng kamera. Agad na tumayo sa tabi ko ang mga bodyguard ko kung sakaling may magtangkang lumapit sa akin. “Ms. Ledesma, gawa po ba sa sikat na designer na si Acky Samaneigo ang suot n’yong elegant na dress ngayong gabi?” Tanong ng isa. “Yes po.” Matipid kong tanong. “Ms. Ledesma, puwede po ba namin kayong matanong—” “Pasensya na po, hindi po mag-e-entertain ng mga tanong si Ms. Ledesma.” Sabi ng isa sa mga bodyguard ko. “This way, Ma’am.” Turo ng isang staff sa entrance. Malaki ang impluwensya ni Mr. Sandoval, kaya in-expect ko na talaga na may media. Unti-unting gumuhit sa mga labi ko ang ngiti ng makita ko ang isang lalaking matipuno, gwapo at matangkad. “It’s nice seeing you tonight,” bati ni Stanley bago bumaba ng bahagya para casual na b****o. Agad kong naramdaman ang kanyang kamay sa likod ng waist ko. “Hi, I didn’t know you’re coming.” Nagkibit-balikat siya. “Well, I heard you’re coming, kaya
Vianne Ledesma's POVPagpasok ko pa lang sa lobby ng Ledesma Group, agad kong nararamdaman yung mga tingin, yung mga bulungan. At biglaang pagtahimik ng mga tao nang makita nila akong naglalakad papasok.Ngumiti ako nang bahagya. Itinaas ko ang aking noo. Naglakad ako nang diretso, parang walang anumang nangyari. Parang hindi ako ang pinag-uusapan ng buong bansa. Parang hindi ako ang asawang niloko sa harap ng lahat.Sa bawat desk na dadaanan ko, nakayuko ang mga empleyado. Mabilis na nagta-type, kunwari busy, pero alam kong nakatingin sila sa akin mula sa gilid ng kanilang mga mata. Nagtataka sila. Siguro akala nila magagalit ako sa mundo, ilulugmok ang sarili hanggang sa hindi na makausap tulad ng dati.Pero pumasok ako, hinarap ko ang takot na mahusgahan.Pagdating ko sa office, nandoon na si Marta, ang secretary ko at matagal ko nang kaibigan. Inaayos niya ang mga files, pero nang makita niya ako, huminto siya at tinitigan ako. "Good morning, Vianne," bati niya, malambing pero ma












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore