INICIAR SESIÓNKahit labag sa kalooban niya ang iwan na naman ang kanyang ina pilit niyang binubuhay ang kanyang sarili para magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang si Luna .Nasa set na naman siya, pilit na isinisigla ang sarili habang ginagawa ang trabaho. Makapal ang make-up sa mukha ,ang mukha ni Luna na kilala ng lahatnang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad syang nataranta ng makita ang numero ng doktor .
"Hello dok.." agad niyang salita pagkasagot sa tawag . "Fiona, pumunta ka agad dito!" sabi ng doktor . "Biglang bumagsak ang lagay ng nanay mo. Nag-aagaw buhay siya mukhang ikaw lang ang hinihintay niya dahil lumalaban ito " Nabitawan niya ang hawak niyang script na kanina pa niyang pilit ipasok sa kanyang isipan ngunit di niya magawa .Yun pala may nangyayari na sa kanyang ina mParang gumuho ang mundo niya. Hindi na siya nagpaalam nang maayos, tumakbo na lang palabas. Sa sobrang taranta, wala siyang panahong tanggalin ang make-up dala niya ang pagkakakilanlan ng sikat na artista habang dinadaganan ng matinding takot.Wala na syang panahon pa kailangan sya ng kanyang ina . Pagdating sa ospital, halos marating na niya ang kwarto ng ina nang may sumigaw "Si Luna! Siya 'yun!" Agad siyang pinalibutan ng mga tagahanga, humahabol ng litrato at pirma, hindi niya pinapansin ang mga ito dahil sa pagmamadali niya ngunit mapilit ang iba. "Luna, isang litrato lang!" "Ang ganda mo nga sa personal miss Luna" Nanginginig na si Fiona, tumutulo na ang luha na humahalo sa make-up. Pilit siyang umusad dahil kailangan niyang makarating agad sa kinaroroonan ng kanyang ina "Pakiusap... palampasin niyo po ako. ..Mahalaga ang pakay ko dito sa hospital pakiusap.."hindi niya pwedeng sabihin ang tungkol sa kanyang ina dahil ayun sa profile ni Luna isa syang ulila na at nagiisang taga pagmana ng yaman ng mga Montecillo. Ngunit walang naniwala sa kanya. Akala nila nagpapanggap lang siya. Doon na napuno si Fiona dahil sa kakulitan nilang lahat .Hindi naman mahirap ang kanyang hiling pero bakit walang isip ang mga ito .Humarap siya nang may matinding kirot sa mga mata. "kung sinabi kong padaanin niyo ako gawin niyo .. Nakiusap na ako sa inyo .May oras sa mga ganyan kaya please lang lubayan niyo muna ako kahit sandali " Natahimik sila sa bigat ng kanyang boses at luha. Dahan-dahang umatras para bigyan siya ng daan. Ang iba naintindihan sya ngunit ang iba ay akala ni masungit ito at walang pake sa mga taga hanga niya . Agad siyang tumakbo papasok sa elevator kung saan patungo sa kwarto ng kanyang ina , at doon nakita niya ang mga doktor na nagmamadali hirap na hirap na huminga ang ina niya, Pagkatapos marevive ng mga doktor ang kanyang ina dali dali syang tumakbo sa mga ito m "Dok, pakiusap..." lumuhod siya. "Iligtas niyo po siya... kahit anong hilingin niyo, ibibigay ko..." Umiling lang ang doktor nang malungkot. "Ginagawa na namin ang lahat, Fiona. Pero pagod na ang katawan niya. Ikaw na ang lumapit. Kausapin mo siya habang naririnig ka pa." Dahan-dahan siyang lumapit, nanginginig ang buong katawan. Hinawakan niya ang malamig na kamay ng ina, at doon tuluyang bumigay ang lahat ng lakas niya. Mahigpit niyang idinikit ang mukha sa kamay ng ina, basag na basag ang boses sa bawat salitang lumalabas "Mama... huwag niyo po akong iwan mag-isa... Kayo lang po ang natitira sa akin. Kayo lang ang nagmahal sa akin,,wala na si papa tapos kayo din mawawala ..Mama ang unfair niyo ni papa" Hinawakan niya nang mahigpit ang palad nito na unti-unti nang lumalamig.Patuloy parin ang mga luha niya sa pag agos .Ramdam ng dalawang doktor ang sakit na nararamdaman ngayon ni Fiona .Naawa man sila ngunit wala na silang kagawa .Ginawa naman na nila lahat ngunit di parin sapat para mabuhay ang ina nito . Naalala niya nung bata pa sya nung panahon na hatid sundo sya ng kanyang ina.Kahit nawala ang kanyang papa ng maaga hindi niya gaano naramdaman dahil nandyan lagi ang kanyang ina para maging ama at ina kahit lagi sila noon inaapi ng mga Montecillo. Napahagulgol siya nang malakas, parang pinupunit ang kanyang puso sa sakit. "Mahal na mahal po kita, Mama... Pasensya na po kung hindi ako madalas bantayan kayo noon.. Pasensya na po kung hindi ko kayo naipaglaban... Patawarin niyo po ako..." Biglang tumigil ang tibok ng puso na naririnig sa makina. Isang mahaba, matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong kwarto bago tuluyang tumahimik. Nanigas si Fiona. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng ina na wala nang buhay. "Mama..." bulong niya na parang nawawalan na ng sarili. "Wala na po akong uuwian... Wala na po akong matatakbuhan..."wala na rin syang mapagkwekwentuhan ng bawat achievement na meron sya . Ilang sandali pa, dahan-dahang lumapit ang doktor at marahang inilapat ang kamay sa balikat ni Fiona. "Pumanaw na siya, Fiona. Payapa na ang kanyang paghihingalo. Tanggapin mo nalang ang katotohanan my deepest condolences to you iha," lalo syang naiyak dahil totoo ngang pangyayari na ito hindi na panaginip . Hindi na kumibo si Fiona. Parang nawalan siya ng pakiramdam sa buong katawan. Hinaplos niya nang huling beses ang noo ng ina, pinunasan ang natuyong luha sa pisngi nito tapos ay dahan-dahan niyang itinaaa ang puting kumot para takpan ang kanyang ina Wala na. Ang tanging taong nagmahal sa kanya nang totoo ay iniwan na siya mag-isa. Lumabas siya ng kwarto na parang lutang. Hindi na niya namalayan ang mga tingin ng ibang tao, hindi na niya inintindi ang natunaw na make-up sa mukha na nagmukhang itim na guhit sa kanyang mga pisngi. Naglakad lang siya, walang tiyak na patutunguhan, hanggang sa mapadpad siya sa labas ng ospital kung saan humuhuni ang malakas na ulan. Hinayaan niyang basain siya nito. Para bang sana ay matanggal din ng ulan ang bigat na nasa dibdib niya ang pakiramdam na parang wala na siyang kahit anong halaga sa mundo. Kung kailan pa niya gustong bumangon, saka naman kinuha sa kanya ang tanging lakas niya. "Wala na talaga..." bulong niya sa gitna ng ulan, walang luha na tumulo dahil tila naubos na lahat. "Wala na akong dahilan para lumaban...pa" huling salita niya bago sya nawalan ng malayTahimik ang lahat habang kumakain kompleto silang lahat ngayon dahil bukas ay aalis na ang mga magulang ni Chloe uuwi na ang mga ito sa ibang bansa at maiiwan ang anak nila . ''Beatriz nasabi muna ba sa kanila ang tungkol sa pagiging modelo ko sa resort ?" pagkatapos niyang magsalita, biglang tumahimik ang buong paligid, at sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Beatriz nang may halong pagtataka ang kanilang isipan . Samantala nanatiling kumakain lang si Fiona at hindi interesado sa usapan ng pamilya . Napatingin sya sa paligid at may nakita syang isang tao na may hawak na camera mukhang sa kanila ang focus nito . Nagkibit balikat sya ng kaunti dahil sa isip niya kailan pa walang camera sa pamilya nila . Si Fidel ang unang nagsalita, habang nakatitig nang masinsinan sa kanyang apo "Beatriz, hindi ba’t matagal na nating ginagamit ang pangalan at imahe ni Fiona sa halos lahat ng proyekto Kilala na siya ng marami bilang isa sa mga mukha ng ating negosyo, at sanay na ang mga tao n
Huminga nang malalim si Fiona at dahan-dahang tumingin kay Chloe, may kapayapaan sa kanyang mga mata na tila matagal na niyang tinanggap ang lahat ng bagay hindi niya hangad maging modelo ulit ito sa resort na iyon dahil nalaman niyang may naapakang tao ang kanyang pamilya .Lihim niyang tinulungan ang mga taong naagawan ng lupa dahil sa resort na iyon . "Chloe, makinig ka. Matagal na akong hindi na nag-aalala sa mga ganitong bagay. Kung ano man ang plano nila, kung ano man ang nais ipakita o gawin ni Beatriz wala na akong pakialam doon. Wala na akong panahon at lakas na ubusin ko pa ang aking isipan sa mga bagay na hindi naman para sa akin o hindi ko naman talaga kailangan. Ang tungkol sa resort, sa pagiging modelo, o sa anumang proyekto ng pamilya iyan ay inyong usapan na. Kung sa tingin niyo ay makabubuti iyon sa inyo, sige, ituloy ninyo. Ako naman ay may sarili akong landas na tinatahak at mga bagay na mas mahalaga para sa akin ngayon.,.. ''gusto niyang sabihin na pagud na sya .
Talagang sinadya ni Beatriz hintayin ang kanyang pinsan mula sa sala .Galing ito sa gym kaya medyo natagalan makauwi .Talagang nag tiis syang naghintay dahil may kakaiba syang sasabihin sa pinsan niya. "Chloe!" tawag ni Beatriz habang dahan-dahang lumalapit, maingat na inayos ang kanyang damit at buhok upang magmukhang mas maayos kaysa karaniwan. "Akala ko nakatulog kapa .. kanina pa kita hinahanap .. ''napatitig sya sa kanyang pinsan ..kung ganda ang usapan masasabi niyang pinakamaganda sa kanila si Fiona dahil naiiba ito .. masasabi niyang naiiba dahil kung mag lagay ng make up ay biglang hindi si Fiona ang mukha nito parang iba ang nagiging resulta .Di gaya nila na kahit anong kapal o uri ng make up ang kanilang ginagawa nanatili parin ang original nilang mukha .. tulad niya si Chloe ay ganun din ..naging sikat lang ito na modelo dahil magaling magdala ng mga palamuti o anumang isuot nito . .. ''. Napakaganda mo talaga ngayon hindi nakapagtataka na sa loob ng maikling panahon
Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,
Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,
Puno ng tawanan at masasayang bati ang buong bulwagan ng mansyon ng mga Montecillo. Ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan ay naroon lahat upang salubungin ang pagbabalik ni Chloe mula sa mahabang pananatili sa ibang bansa. Makikita sa mukha ng lahat ang tunay na ligaya maliban sa dalawang babaeng nakatayo sa magkabilang dulo ng malaking silid, na tila may pader na naghihiwalay sa kanila kahit gaano pa sila kalapit sa isa’t isa. Si Chloe naman, na puno pa rin ng ngiti at may kislap pa sa mga mata dulot ng pagbabalik sa tahanan, ay masiglang nilalapitan ang bawat isa upang yakapin at kamustahin. Habang naglalakad siya sa gitna ng mga bisita, bigla siyang huminto nang mapansin ang kakaibang katahimikan at tensyon sa pagitan ng kanyang dalawang pinsan. Nakita niya si Fiona na nakatayo malapit sa malaking bintana, payapang nakangiti sa mga bumabati sa kanya ngunit kitang-kita na hindi lumalapit ang kanyang tingin sa kabilang panig. Sa kabilang banda naman ay si Beatriz, na naka







