Share

Chapter 5

Author: lhyn
last update publish date: 2026-07-16 13:48:39

Nang dumating ang balita sa mansyon ng mga Montecillo, walang luha na pumatak. Walang nagluksa. Sa halip, nagkatinginan sila na parang isang mabigat na bato ang nahulog sa kanilang dibdib .

Tuwang-tuwa si Beatriz na agad na sumabat habang nakangisi.

"Kawawang Fiona ang nag iisang tao na bukod tanging kakampi niya ay wala na! pero baka naman dahil sa pagkawala ng kanyang ina ay magrerebelde na ito .Wala na ang hawak nating alas papa ,,lolo para mapasunod sya" may pangamba sa kanyang mukha .

Sumang-ayon ang isa sa mga tiyahin nila ni Fiona sabay humalukipkip.

"Tama ka diyan, Beatriz ito din ang naisip ko .Alam niyo naman na tanging ina lang niya ang dahilan kung bakit sumusunod sa ating mga gusto "

"Oo nga," dugtong ni Reynold Montecillo ang asawa ng nagsalita .

"pero diba mahina si Fiona tito panigurado wala na iyon ibang pupuntahan. Kung aalis sya sa poder ng Montecillo saan nalang sya pupulutin .Walang sariling pera ang sikat na iyon dahil hawak natin ang account niya" saad ni Beatriz .Sya nga ang gumagasta sa lahat ng kita ni Fiona sa pag aartista kaya for sure walang pera ang babaeng iyon dahil lahat ng bayad sa kanya ay deretso sa banko na hawak niya.

"Ngayong wala na ang mama niya, wala na siyang matatakbuhan. Wala na siyang kakapitan. Kailangan na niyang sumunod sa lahat ng gusto natin. Sigurado akong magiging sunud-sunuran na siya ngayon ."saad nv bunsong Montecillo na si Ricky ang ama ni Beatriz .

Pero biglang tumahimik si Lolo Fedel. Nakakunot ang noo at seryoso ang mukha, ibinaba niya ang hawak na baso sa mesa nang may bahagyang kalampag.

. "Huwag kayong masyadong maging kampante at magalak."

Nagulat ang lahat at napatingin sa kanya.

"Bakit naman po, Lo?" tanong ni Beatriz na parang naaasar.

"you know Fiona lolo mahinang babae ang tulad nito .Kaya kampante kami na susunod na iyon sa lahat ng gusto namin .

Umiling si Lolo Fedel. Mukhang hindi nakuha ng mga anak niya ang kanyang ibig sabihin .

"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Natatakot ako... natatakot ako na baka imbes na maging mahina siya at magpakumbaba, doon pa lalong tumigas ang puso at ulo ni Fiona."

"Paano po nangyayari 'yon?" tanong ng asawa ni Ricky na si Loyda

"Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon," paliwanag ng matanda.

"Ang tao, kapag inalisan mo na ng lahatlalo na ang tanging dahilan kung bakit siya lumalaban,dalawa lang ang pwedeng mangyari. Alin sa mawawalan na siya ng pag-asa at magpapasakop, o kaya ay gagawin niyang sandata ang sakit para lumaban nang husto. Baka ngayon, wala na siyang takot na mawalan pa ng kahit ano."

Natahimik silang lahat. Napaisip sila sa sinabi ng matanda.

"Tama si Lolo," sabi ng isa pang apo niyang lalaki na anak ng panganay na si Reynold

"Mahirap na kapag nagalit siya ngayon. Wala na tayong pwedeng gamitin laban sa kanya. Wala na tayong hawak."

"Kaya kailangan nating kumilos nang mabilis," mariing utos ni Lolo Fedel.

"Habang lugmok pa siya sa kalungkutan. Bago pa niya maisip na tumalikod sa atin at suwayin ang lahat ng plano natin. Huwag nating hayaang magkaroon siya ng panahong makabawi ng lakas."

Tumahimik sila sandali, bago muling nagsalita si Beatriz na parang may naisip na magandang paraan.

"Kung ganoon po," panimula niya habang nakangising mapaglaro,

"may solusyon po ako diyan. Alam natin na kahit paano, kay Lolo Fedel pa rin siya lumalapit. Akala kasi niya, siya lang ang kakampi niya sa pamilyang ito bukod sa nanay niya."

Nanlaki ang mata ng tiyahin niya at agad na sumang-ayon.

"Tama! Gagamitin natin si papa .Siya ang gawin nating pain para simunod sa lahat ng gusto natin .Alam nating hindi niya matatanggihan ang lolo niya . Tiwala na tiwala pa rin siya rito."

"Oo nga," dugtong pa ng isa.

"Hindi niya malalaman na kasabwat din si Lolo sa lahat ng plano natin. Iisipin niyang mabuti lang ang layunin nito para sa kanya. Mapapaniwala natin siyang sumunod para sa ikabubuti ng lahat, kahit na ang totoo ay para lang ito sa sarili nating kapakanan."

Pero nag-alala ang isa pa nilang kamag-anak.

"Paano kung magtanong siya? Paano kung maghinala siya kung bakit biglang nagbago ang lahat?"

"Kaya nga si Lolo ang gagamitin natin," sagot ni Beatriz nang may diin.

"Matanda na siya at iginagalang. Kapag siya ang nagsabi, maniniwala agad si Fiona. Iisipin niyang nag-aalala lang ito sa kanya at ayaw na niyang madagdagan pa ang paghihirap niya. Hindi niya iisipin na pati ang lolo niya ay gagamitin siya para pilitin siyang sumunod sa mga gusto natin. Kung sasabihin natin na isusunod natin si lolo sa mga magulang niya panigurado matatakot ang babaeng iyon " nakangiti syang nakakaloko habang nakikita sa imahinasyon niya ang mukha ni Fiona na nakikiusap na huwag nilang idamay ang mahal nitong lolo .

Tumango si Lolo Fedel nang dahan-dahan, walang halong pag-aalinlangan sa mukha. "Kahit ganun kailangan niyong mag ingat . Kailangan lang kasi ngayon si Fiona dahil malaki ang naiitulong nito sa kompanya.Kung mawawala sya panigurado magtataka ang lahat kung bakit biglang nawala si Fiona sa mga Montecillo. ."

Makalipas ang ilang oras, sabay-sabay silang dumating sa ospital. Akala mo totoo silang nalulungkot sa kanilang mga mukha . Mula sa labas, tila tunay silang nagdadalamhati para sa pagkawala ng ina ni Fiona .

Pagkaalis ng doktor kung saan pinaliwanag ang nangyari .Nagbago ang kanilang mukha bumalik sa dating mapangmataas at tila gusto pa nilang magdiwang sa harap ng bangkay ng ina ni Fiona .

"Saan siya nagpunta?" kunot-noong tanong ni Ricky, sabay linga sa buong paligid.

"Dapat narito siya. Dapat nasa tabi siya ng ina niya."

Lumapit si Beatriz sa nars na kakapasok lang para kunin ang ibang gamit na naiwan sa loob ng yumaong pasyente.

"Nasaan ang anak ng pasyente? Si Fiona Montecillo? Hindi ba't narito siya kanina?"

Umiling ang nars. "Umalis na po siya, Ma'am. Kanina pa po, matapos pumanaw ang nanay niya. Parang lutang po siya habang naglalakad, basang-basa pa nga sa ulan noong lumabas." nasabi niya ang totoo dahil ng papasok na ang nurse sa kanyang duty nakita niya si Fiona na naglalakad sa ulan .Naawa man sya ngunit wala man lang silang magawa .

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lolo Fedel. "Umalis?" bulong niya, puno ng pag-aalala. "Saan siya nagpunta? Sa ganitong oras, sa ganitong lagay?"

"Siguro nageemote lang 'yan," sabi ni Loyda nang walang pakialam, sabay tingin sa bangkay

. " Huwag niyo na siyang intindihin. Ang mahalaga, nandito na tayo para makita kung maayos ang lahat."

Pero hindi mapakali si Lolo Fedel. Ang sinabi niya kanina ay biglang bumabalik sa kanyang isipan na baka sa sobrang sakit, hindi na mahina si Fiona, kundi lalong tumigas. At ang pag-alis nito nang walang paalam ay hindi magandang senyales.

"Huwag kayong maging kampante," paalala niya ulit nang mahina. "

Kung umalis siya nang hindi natin alam kung saan... baka hindi na siya babalik pa sa atin."

" di yan mangyayari lolo nandyan ka .. lolo's girl ang babaeng iyon eh'" saad ng apo nitong lalaki .

Hindi na sila umimik pa at sinabi na nila sa nurse na paki ayos ang bangkay ngunit nag alinlangan ang nurse dahil wala pang bente kwarto oras ng namatay at amg anak nito ang magpapasya kung ano ang gagawin

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 72

    Tahimik ang lahat habang kumakain kompleto silang lahat ngayon dahil bukas ay aalis na ang mga magulang ni Chloe uuwi na ang mga ito sa ibang bansa at maiiwan ang anak nila . ''Beatriz nasabi muna ba sa kanila ang tungkol sa pagiging modelo ko sa resort ?" pagkatapos niyang magsalita, biglang tumahimik ang buong paligid, at sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Beatriz nang may halong pagtataka ang kanilang isipan . Samantala nanatiling kumakain lang si Fiona at hindi interesado sa usapan ng pamilya . Napatingin sya sa paligid at may nakita syang isang tao na may hawak na camera mukhang sa kanila ang focus nito . Nagkibit balikat sya ng kaunti dahil sa isip niya kailan pa walang camera sa pamilya nila . Si Fidel ang unang nagsalita, habang nakatitig nang masinsinan sa kanyang apo "Beatriz, hindi ba’t matagal na nating ginagamit ang pangalan at imahe ni Fiona sa halos lahat ng proyekto Kilala na siya ng marami bilang isa sa mga mukha ng ating negosyo, at sanay na ang mga tao n

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 71

    Huminga nang malalim si Fiona at dahan-dahang tumingin kay Chloe, may kapayapaan sa kanyang mga mata na tila matagal na niyang tinanggap ang lahat ng bagay hindi niya hangad maging modelo ulit ito sa resort na iyon dahil nalaman niyang may naapakang tao ang kanyang pamilya .Lihim niyang tinulungan ang mga taong naagawan ng lupa dahil sa resort na iyon . "Chloe, makinig ka. Matagal na akong hindi na nag-aalala sa mga ganitong bagay. Kung ano man ang plano nila, kung ano man ang nais ipakita o gawin ni Beatriz wala na akong pakialam doon. Wala na akong panahon at lakas na ubusin ko pa ang aking isipan sa mga bagay na hindi naman para sa akin o hindi ko naman talaga kailangan. Ang tungkol sa resort, sa pagiging modelo, o sa anumang proyekto ng pamilya iyan ay inyong usapan na. Kung sa tingin niyo ay makabubuti iyon sa inyo, sige, ituloy ninyo. Ako naman ay may sarili akong landas na tinatahak at mga bagay na mas mahalaga para sa akin ngayon.,.. ''gusto niyang sabihin na pagud na sya .

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 70

    Talagang sinadya ni Beatriz hintayin ang kanyang pinsan mula sa sala .Galing ito sa gym kaya medyo natagalan makauwi .Talagang nag tiis syang naghintay dahil may kakaiba syang sasabihin sa pinsan niya. "Chloe!" tawag ni Beatriz habang dahan-dahang lumalapit, maingat na inayos ang kanyang damit at buhok upang magmukhang mas maayos kaysa karaniwan. "Akala ko nakatulog kapa .. kanina pa kita hinahanap .. ''napatitig sya sa kanyang pinsan ..kung ganda ang usapan masasabi niyang pinakamaganda sa kanila si Fiona dahil naiiba ito .. masasabi niyang naiiba dahil kung mag lagay ng make up ay biglang hindi si Fiona ang mukha nito parang iba ang nagiging resulta .Di gaya nila na kahit anong kapal o uri ng make up ang kanilang ginagawa nanatili parin ang original nilang mukha .. tulad niya si Chloe ay ganun din ..naging sikat lang ito na modelo dahil magaling magdala ng mga palamuti o anumang isuot nito . .. ''. Napakaganda mo talaga ngayon hindi nakapagtataka na sa loob ng maikling panahon

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 69

    Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 69

    Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 68

    Puno ng tawanan at masasayang bati ang buong bulwagan ng mansyon ng mga Montecillo. Ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan ay naroon lahat upang salubungin ang pagbabalik ni Chloe mula sa mahabang pananatili sa ibang bansa. Makikita sa mukha ng lahat ang tunay na ligaya maliban sa dalawang babaeng nakatayo sa magkabilang dulo ng malaking silid, na tila may pader na naghihiwalay sa kanila kahit gaano pa sila kalapit sa isa’t isa. Si Chloe naman, na puno pa rin ng ngiti at may kislap pa sa mga mata dulot ng pagbabalik sa tahanan, ay masiglang nilalapitan ang bawat isa upang yakapin at kamustahin. Habang naglalakad siya sa gitna ng mga bisita, bigla siyang huminto nang mapansin ang kakaibang katahimikan at tensyon sa pagitan ng kanyang dalawang pinsan. Nakita niya si Fiona na nakatayo malapit sa malaking bintana, payapang nakangiti sa mga bumabati sa kanya ngunit kitang-kita na hindi lumalapit ang kanyang tingin sa kabilang panig. Sa kabilang banda naman ay si Beatriz, na naka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status