“Tok, tok, tok…” sunod-sunod na katok ang gumambala sa mahimbing na pamamahinga ni Ama Clinthon. Bahagyang napatigil siya sa paghinga, wari’y hindi agad makapaniwala na may mangangahas na istorbohin siya sa ganitong oras ng gabi. “Wala bang bantay sa aking silid ngayong gabi?!” mariin niyang bulong habang napapailing. “Bakit kailangan pang may kumatok? At nasaan ba si Benjie?!” Dahan-dahan siyang tumayo, ramdam ang bigat ng katahimikan sa paligid. Paglapit niya sa pinto, isang kunot-noo at matalim na titig ang agad niyang isinukli sa kawalan. “Sinong pangahas na magtrip sa akin sa ganitong dis-oras ng gabi—” Ngunit hindi na niya natapos ang sinasabi. Naputol ang kanyang tinig nang mapansin ang isang piraso ng papel na maingat na nakalapag sa sahig, eksaktong nasa harapan ng kanyang pintuan. “Anong pakulo ito!!!” galit na sambit ni Ama Clinthon sabay pasok sa loob ng silid, mahigpit na hawak ang kapirasong papel. Agad niya itong binuksan at halos manlaki ang kanyang mga mata sa
“Buti na lang talaga! Kung nagkataon, pati si Sir—” “Yan ka na naman! Mamaya marinig na naman nila tayo!” mabilis na putol ni Drick kay Gerald bago pa man ito makapagbanggit ng pangalan. “Wag ka na kasing magsasalita ng kahit anong pangalan kapag nasa trabaho tayo!” dagdag pa niya, bahagyang pasigaw sa kaba. Matapos ang masinsinang interview kina Drick at Gerald, napatunayan din na wala silang kinalaman sa isyu. Kaya’t nanatili silang nakatalaga sa loob ng CEM, gaya ng dati nilang tungkulin. Nakahinga nang maluwag si Dark nang marinig mismo kay Drick na ligtas na sila at napatunayan nilang nasa loob nga ng CEM si Roxane. Sumapit na ang gabi; Gabi na at tahimik ang paligid, ngunit nagpasya si Drick na mag-ikot sa paligid ng pasilidad—isang utos mula mismo sa pinuno ng CEM. Matatag ang kanyang hakbang, ngunit mapanuri ang bawat tingin. Habang naglalakad, siniguro muna niyang naka-off ang earpiece na konektado sa security ng CEM. Doon niya pinili na i-activate ang kanilang li
“Sir… hindi po namin kilala ang sinasabi niyo…Dark? Dark ba ‘yun o Dilaw? Baka ilaw lang po ‘yan ng flashlight!” nanginginig na sabi ni Drick habang nakaluhod sa harap ng mga tauhan ni Benjie.“Wala po kaming kilala! Diba Gerald, diba?!” bulong-sigaw pa niya, sabay siko sa kasama.“A-ako? Ah oo! Tama! Wala kaming kilala… pero kung meron man, siguro pinsan lang ni Batman!” mabilis na sagot ni Gerald na halatang pawis na pawis.Napailing ang isa sa mga tauhan ni Benjie.“Ano ba ‘tong mga taong ‘to, comedy bar ba ‘to o interrogation?!”Sabay biglang lumuhod si Drick ulit.“Sir, kahit i-Google niyo pa pangalan namin, promise, wala talagang lalabas na Dark… baka lang lumabas si Dark Chocolate!”“Wag niyo nga kaming pinagluluko! Baka gusto niyong mawalan agad ng trabaho!” mariing boses ng isa sa mga tauhan ni Benjie.“Sir.. naman!” halos maglupasay na si Drick, “wala naman po kaming kilalang Dark eeh! Galing pa kami sa malayong probinsya… probinsya ng mga tahimik at walang kuryente!”“TUMAH
Pawisang napabalikwas si Roxane mula sa pagkakahiga, habol-habol ang kanyang paghinga. Sariwa pa rin sa kanyang isip ang masamang panaginip—ang putok ng baril, ang iyak ng kambal, at ang tinig ni Dark na unti-unting nilalamon ng dilim. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang bumangon siya, pilit tinataboy ang alaala ng bangungot. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintanang bahagyang nakaawang, hinahawi ng malamig na simoy ng hangin ang kurtina. Ramdam niya ang lamig na dumadampi sa kanyang balat, ngunit hindi nito kayang tanggalin ang init ng takot at pawis na bumabalot sa kanya. Hinawi niya ang kurtina, at bumungad sa kanya ang kabuoan ng mansyon—malawak ngunit tila nakakulong, bantay-sarado ng mga gwardiya. Napakagat siya ng labi, bakas ang bigat ng kanyang damdamin. “Anong klaseng tahanan ito?! Bakit mas marami pang gwardiya kaysa mga taong naninirahan dito…” bulong ni Roxane, ang tinig ay puno ng lungkot at pangungulila. Samantala, sa kabilang dako, si Dark ay tahimik
“Nasa akin pa rin ang huling halakhak! WHAHAHAHAHAHAHA!” malakas at malutong ang tawa ni Rowen Clifford, umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanilang maluwang na sala. Halos nanginginig ang balikat niya sa sobrang tuwa, tila ba may mabigat na tinik na nabunot sa dibdib. “Mukhang masaya ka, Honey? May maganda bang nangyari?” malambing ngunit puno ng pagtataka ang tanong ng kanyang pangalawang asawa, habang nakatitig sa kanya na para bang gusto niyang unawain ang biglang pagbuhos ng saya sa mukha ng kanyang asawa. “True, Honey! May magandang nangyari ngayong araw na ito…” sagot ni Rowen, mahigpit ang kapit sa braso ng silya, at kumikislap ang kanyang mga mata na wari’y may bagong pag-asa. “Alam mo bang… nahanap ko na ang nawawala kong anak!” Napakurap ang babae, halos hindi makapaniwala. Ngunit nang makita niyang seryoso si Rowen, bigla na rin siyang napangiti. “Mukhang masaya nga yan, Honey! Hahahaha! Let’s celebrate!” sagot niya na may halong tuwa at pananabik. Agad niyang inab
Tahimik na nakaupo si Dark sa loob ng lumang gusali. Nakaayos ang kanyang telescope sa tripod, nakatutok direkta sa Clinthon Estate. Ang malamig na hangin ng gabi ay humahampas sa sirang bintana, ngunit hindi niya ito alintana. Lahat ng atensyon niya ay nasa lente. Sa loob ng estate, nakita niyang nagpalit ng shift ang mga guwardiya—mahigpit at disiplina ang galaw, ngunit hindi nakatakas sa kanya ang maliit na butas sa seguridad. Sa likod ng hardin, isang pader na bahagyang natatakpan ng makapal na halaman. Doon mahina ang bantay, bulong niya sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang nakatawag ng pansin niya. Isang itim na van ang dumating sa likurang garahe. Mabilis na bumaba ang dalawang lalaking naka-itim, may dalang kahong bakal na may tatak na hindi niya mabasa sa dilim. Agad silang sinalubong ng isang tauhan ng Clinthon, at halatang may tinatago ang kanilang kilos. Napatingin si Dark sa relo niya, malamig na ngumisi. “Hindi lang sekreto ang tinatago ng pamilyang Clinthon…” a