Masuk"Aray ko naman, Nay! Bitawan n’yo nga ang tenga ko—namamaga na yata, oh! Wala ba kayong awa sa pinakamaganda n’yong anak? Baka ma-deform ’to, sayang ang future artista!"
Kumikislot ang labi ni Roxane habang pilit iniiwas ang ulo sa makunat na kamay ng ina, pero kahit nasasaktan ay hindi mawala ang kakulitan sa mukha niya. "Diyos ko, Roxane!" singhal ng nanay niya. "Paano ka pa matatanggap ng mga Vellamonte bilang katulong sa ginawa n’yong harang-harang drama ni Lyka kanina?! Para kayong eksena sa teleserye sa gitna ng kalsada! Akala ko pa naman ikaw ang swerte natin, lalo na ngayon at kailangan natin ng pera para sa gamutan ng tatay mo at ng kapatid mo!" "Aba, Nay, huwag kayong mawalan ng pag-asa! Kung si Lyka nga ang may pa-harang sa sasakyan, ako ang may pa-charm! Sa dami ba naman ng babaeng nagpapapansin sa paanan ng mansyon nila, feeling ko ako lang ang may 'X-factor'. Tsaka, Nay, trenta daw ang kukunin nilang katulong. Malay n’yo, ako pa mapiling ‘tagalagay ng tissue sa banyo’—trabaho pa rin ’yon!" Napabuntong-hininga ang ina pero hindi napigilang matawa. "Hay naku, anak… sana nga makuha ka, kahit taga-laba lang nila. Trenta mil din ang sahod no’n kada buwan!" Biglang lumiwanag ang mata ni Roxane. "TRENTA MIL?! Nay, baka pati ako, mapa-plancha sa kilig! Mag-a-apply ako bukas, kahit gawin pa akong taga-walis ng bubong!" "Anong bukas ka mag-a-apply, Roxane?! Ngayon ang araw ng pag-a-apply! Kapag bukas ka pa pumunta, malamang wala ka nang maabutan doon!" Hindi pa man natatapos ang sermon ng kanyang ina, parang may nitro si Roxane—wala nang salita-salita, kumaripas na siya ng takbo na parang hinahabol ng multo! "Haaay naku, tong batang ’to talaga!" sigaw pa ng nanay niya sa likod habang hawak ang palanggana, napapailing at nanlalambot. Habang tumatakbo... "Nasaan na ba ’yung Lyka na ’yon?! Parang iniwan na ako sa ere! At nag-apply ng mag-isa nang hindi ako kasama." Makalipas ang ilang minuto—at halos mawalan na siya ng baga sa kakatakbo—narating din ni Roxane ang entrance ng mala-palasyong tahanan ng mga Vellamonte. Napanganga siya sa laki at kinis ng gate. Parang pintuan ng langit, pero for rich people only. At hindi lang ’yon—kitang-kita niya ang mahabang pila ng mga kababaihan na tila hindi lang basta mag-a-apply ng trabaho... parang mag-o-audition bilang beauty queen o asawa ng may-ari ng mansyon. "Ay grabe! Anong meron?! Para namang may pa-pageant!" Bulong ni Roxane sa sarili habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Tiningnan niya ang sarili—T-shirt na may punit sa gilid, shorts na kupas, at tsinelas na may peklat ng daga sa kanto. "Kaloka! Bakit ganyan sila manamit?! Parang may inaakit, parang may pinapagandahan—eh mag-a-apply lang naman ’no! HAHAHA kaloka!" Napalingon siya nang bigla niyang mamataan si Lyka sa pila—ubod ng sexy, fitted ang damit, at mukhang ginamit ang buong laman ng pouch ng makeup niya. "Susme! Si Lyka! Anong ginawa sa sarili niya? Tadtad ng foundation—halos di ko na makilala! Akala mo artista, pero service crew lang naman ang aaplayan!" Nakangising naiiling si Roxane habang pumuwesto sa dulo ng pila. "Sige lang, magpaganda kayo diyan. Pero sa bandang huli... charm ang panlaban ko! Tsaka tiwala sa sarili, kahit tsinelas lang ang sandata!" Pumila na si Roxane habang habol ang hininga. Pero hindi pa rin siya tapos magreklamo. "Kainis ang lukang ’yon, aa! At nasa unahan pa talaga siya. Wow, bilib din talaga ako sa Lyka na ’yon! Kapag ako hindi natanggap dito, sisingilin ko talaga siya sa pang-araw-araw kong almusal!" Habang nakapila ang lahat, isang tensyonado at maingay na katahimikan ang bumalot sa paligid. Ang ilan sa mga babae ay nag-aayos pa ng kanilang buhok, ang iba nama’y pinipilit itago ang kaba sa kanilang mga mata. Ngunit bigla silang natahimik nang bumukas ang malalaking pintuan ng mala-palasyong tahanan ng pamilya Vellamonte. Mula roon, lumabas ang dalawang mayordoma ng pamilya. Agad silang napako sa atensyon ng lahat. Matatangkad, matitikas ang tindig, at matatalas ang mga mata—mga matang tila ba kayang lumusot sa kaluluwa ng kahit sinong kaharap. Wala kang makikitang kahit anino ng awa o pag-aalinlangan sa kanilang mga mukha. Halatang sanay silang magdesisyon at hindi basta-basta matitinag. Umupo sila sa magkabilang panig ng grandeng receiving area, bawat isa’y may sariling mesa. Sa ibabaw ng mga mesa’y nakalatag ang ilang piraso ng papel—mga biodata na tila simpleng dokumento lang, ngunit para sa mga babaeng naroon, ito ang magtatakda ng kanilang kinabukasan. Isa sa mga mayordoma ang tumayo at nagsimulang magsalita—malamig ang boses ngunit matatag, puno ng awtoridad. “Makinig kayong mabuti!” aniya. “Isa-isa kayong lalapit, kukunin ang papel, at sasagutan ito ng buong katapatan. Pagkatapos, ipapasa ninyo sa aking kasamang nasa kanang bahagi.” Sandaling natahimik ang lahat. Ang bawat tibok ng puso nila’y tila ba naririnig sa pagitan ng kanyang mga salita. “Nakikita n’yo ba ang basurahan sa tabi niya? At ang folder na hawak niya?” sabay turo ng mayordoma sa dalawang bagay na tila walang buhay ngunit ngayon ay naging simbolo ng pag-asa o kabiguan. “Kapag ang bio-data ninyo ay napunta sa basurahan, ibig sabihin—hindi kayo pasado,” mariing bigkas niya. “Ngunit kapag sa folder napunta... ibig sabihin, makakapagsimula na kayo bukas na bukas din!” Isang maikling katahimikan. Hindi pa man sila sinisimulan ay tila ba nawasak na agad ang loob ng ilan sa kaba at takot. Tahimik na tumango ang lahat, kabilang na si Roxane. Bagama’t kinakabahan siya, pilit niyang pinanatiling matatag ang sarili. Hindi siya puwedeng sumuko ngayon. Hindi ngayon, sa pagkakataong ito na maaaring sumalba sa pang-araw-araw na gamutan ng kanyang ama at kapatid. Nagsimula na ang lahat. Isa-isang lumapit ang mga babae, punong-puno ng pag-asa sa mga mata. May mga ngumingiti matapos ang pagsusumite—sila ang mga pinalad. Ngunit karamihan ay namumutla, naiiyak, at palihim na nag-aalis ng make-up habang palayo, dala ang bigat ng pagkabigo. Ako na... ako na ang susunod. At ako rin ang panghuli. Naramdaman ni Roxane ang unti-unting paglalamig ng kanyang mga palad. Halos hindi niya mamalayan ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Parang palakol na nakabitin sa kanyang leeg ang bawat hakbang palapit sa mesa. “Sana... sana pumasa ako,” bulong niya sa sarili, habang mahigpit ang hawak sa sulat-kamay niyang bio-data. Trenta mil iyon… dalawang linggo ng gamutan para sa aking ama… at ilang araw na gamot para kay bunso. Hindi siya puwedeng mabigo. Hindi ngayon. Paglapit niya sa lamesa, pakiramdam niya'y mababali ang kanyang tuhod sa sobrang kaba. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang inilapag ang kanyang bio-data sa harapan ng mayordoma. Tila wala namang emosyon sa mukha ng mayordoma. Kinuha nito ang papel ni Roxane na para bang wala lang, kasabay ng pagtaas ng kanyang kamay—akmang ihahagis na iyon sa basurahan. “Hindi... hindi po agad...” bulong ni Roxane sa kanyang isipan, ngunit hindi siya makakilos. Para siyang na-freeze sa kinatatayuan niya. Ngunit sa mismong sandaling itataas na sana ang kamay ng mayordoma para ihagis ang papel—tumunog ang telephone connector sa mesa ng kabilang mayordoma. Isang malinaw na klik! ng aparato ang pumunit sa katahimikan. Nagkatinginan ang dalawang mayordoma. Bahagyang napakunot ang noo ng isa, sabay hawak sa telepono. Nasa kabilang linya ang kanilang amo. "Ipasa mo na 'yan! Maliban na lamang kung nais mong ikaw ang masisante," mariing utos ng kanyang among lalaki. Sa pag-aakala ng mayordoma, si Mr. Berk Vellamonte ang kanyang kausap—hindi niya alam na ang kaharap niya ay anak lang pala ng kanyang amo, si Dark Nathaniel.Sa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon
Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad
“Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”
Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas
“Mga anak…” mahinang bulong ni Lyka sa magkapatid na kambal. Mahimbing na ang tulog ng mga ito, tinangay na ng matinding pagod matapos ang mahabang paglalakad sa buhanginan upang marating lamang ang kakahuyan sa isla na kanilang napadpadan. Madungis na ang mga bata—punô ng alikabok at putik—gayundin siya. Gusot ang buhok, nangingitim ang mga kamay at paa, bakas sa buong katawan ang hirap at takot na kanilang pinagdaanan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ng isa, saka napabuntong-hininga. “Nasaan na kaya ang ama ninyo… at ang bunso ninyong kapatid?” pabulong niyang tanong, nanginginig ang tinig. Nasa gilid sila ng lumang barkong sumadsad sa pampang. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at huni ng hangin ang maririnig. At sa gitna ng dilim, pinilit ni Lyka na pigilan ang pagluha, ayaw niyang magising ang kanyang mga anak—kahit ang puso niya’y halos durog na sa pag-aalala. Kailangan ko pang ilayo ang barko mula sa dagat para hindi ito muling tangayin ng alon… at para
“N-nagawa ko…” bulong ni Drick nang maramdaman niya ang malamig na hanging bumaba mula sa ibabaw papasok sa underground. “Nabuksan ko na… makakaalis na ako.” Napahinto siya sandali, saka napayuko. “Pero paano ang anak namin? Nasaan ko siya hahanapin?” Gumapang siya palabas sa makitid na lagusang gawa sa lupa. Ang sahig ay basa at may halong putik, at ang ilang bahagi ay may mga tapakang semento na unti-unting lumulubog sa bawat hakbang niya. Kahit pilitin niyang dahan-dahanin ang paglakad, patuloy pa rin siyang nababaon. Sa huli, nagpasya na lamang siyang bilisan ang galaw, umaasang makalalabas na siya bago pa siya tuluyang maipit. Pag-ahon niya, tumambad sa kanya ang isang maliit na bahay-kubo. “Ang bahay na ’to…” bulong niya. “Ito ang kubo ng mag-inang tumulong sa akin.” Madilim pa ang paligid; madaling-araw pa lamang. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya napansin ang isang bagay sa kanyang daraanan. Bigla siyang napatapilok. “Aaah!” sigaw niya. Pagtingin ni







