LOGIN"Sino ang nasa kabilang linya?" tanong ni Mrs. Vella, sabay tingin sa teleponong parang gusto niyang alamin kung sino ang kausap ng abalang mayordoma.
Ngunit bago pa man makalapit ang personal bodyguard niya sa mayordoma, mabilis na itong umaksyon — inilagay na agad ni mayordoma ang bio-data ni Roxane sa tumpok ng mga natanggap... kahit dapat sana'y sa basurahan iyon mapupunta. "Yes! Tanggap akooo!" sigaw niya. Parang may sumabog na paputok sa katahimikan. Nagulat ang lahat at napatingin sa kanya — pati ang mga bodyguard sa mga sulok ng Vellamonte na parang mga security camera, napalingon bigla. Napakamot ng batok ang isa, habang ang isa naman ay muntik nang malaglag ang hawak na kape. Pero wala lang iyon kay Roxane. Ang mahalaga sa kanya… makakasahod na siya! Trenta mil kada buwan — sapat na para sa gamutan ng kanyang ama’t kapatid. Kaya kahit mapahiya pa siya sa buong barangay nila, go lang! Agad na siyang umuwi at hindi na niya hinintay pa si Lyka na alam din niyang nakapasa ito. Sa kanyang abala sa paglalakad bigla niyang naisip ang pagtaas ng mayordoma na ihahagis na sana ang papel niya pero biglang nagbago ang lahat dahil sa isang tawag lang. Bigla siyang napatingin sa isang cctv cam na saktong nakatotok sa kanya at nagkataon namang ang cctv cam na iyon ay sakto sa kwarto ni Dark. Nagulat si Dark sa kanyang nakita. Alam ba niyang pinagmamasdan ko siya?! Ay hindi sir! kayo lang po nagiisip niyan. Ahmmmm! Alam talaga niya! Sa isang sulok ng mala palasyong tahanan ng Vellamonte, napapangiti ng palihim si Dark sa ginawang pagsigaw ng dalaga maging ang pagngiti ni Roxane habang nakaharap sa cctv cam. "I like her! Gusto ko siyang maging akin sa lalong madaling panahon!" Bulong ni Dark habang nakasandal sa pader, hawak ang isang basong may wine pero parang tubig lang sa kanya—hindi siya lasing, pero lutang ang utak niya... kay Roxane. Napailing na lang ang kanyang bodyguard na tahimik na nakikinig sa likod. "Naku po... eto na naman si Señ. Kapag may sinabi siyang ganyan... may madadamay na naman. wika ng kanyang bodyguard na kunwa'y binulong pero dinig ni Dark. Makalipas ang ilang sandali, dahil medyo maraming tao sa loob ng mala-palasyong tahanan ng mga Vellamonte, naging parang palengke ang paligid—may tawanan, may nagchi-chikahan, at may ilang tila nagpaparamdam sa mga bodyguard na parang nagka-speed dating sa loob ng mansion. Biglang sumigaw ang isang bodyguard na parang announcer sa barangay fiesta. "Tabi-tabi! May panauhing dumarating!" Sunod-sunod ang tanggalan ng tsinelas at ayusan ng buhok ng mga babae, akala mo'y may paparating na artista. Ang iba ay mabilis pang nagtago ng lipstick sa bag habang umuusal ng dasal na sana sila ang mapansin. Napatigil si Roxane sa kanyang pilyang ngiti nang marinig niya ang sigaw ng guard. Bigla siyang natahimik, para bang may malamig na hangin na dumaan. Dumako ang kanyang tingin sa sasakyang papasok sa loob ng Vellamonte. "Sasakyan ba talaga 'yan?" bulong niya sa sarili habang nanlalaki ang mga mata. "Sobrang haba naman... at white pa talaga. Parang kabaong na limousine!" Medyo kinilabutan siya, pero sinubukan niyang itago sa sarili ang kanyang kainusentehan. Tumigil ang white na sasakyan sa tapat mismo ng hagdang marmol ng Vellamonte. Bumaba mula rito ang isang napakagandang babae—yung tipong parang lumabas lang sa fashion magazine. May sariling tagabukas ng pinto. May taga-payong pa kahit wala namang ulan. At teka lang… meron ding taga-paypay?! Grabe naman ‘yan! Para bang hindi siya tao… kundi reyna ng kung anong kaharian ng kaartehan. Napakunot ang noo ni Roxane habang pinapanood ang eksena. "Susyal. Pero... wala akong paki sa kanya!" Diretso na siyang lumakad, taas noo at masayang ngumiti. "Aalis na ako at ipapabalita ko sa aking ina na tanggap ako! At magsisimula na ako bukas!" masigla niyang sambit, na para bang wala siyang nakikitang glamorosa sa paligid. Iniwan niya ang mga taong sabik at nakatitig sa bawat hakbang ng babaeng kababa lang sa sasakyan. Pero si Roxane? Ayaw niya ng drama. Ang gusto niya... trabaho, sweldo, at gamutan para sa pamilya. "Good luck sa kanya. Ako, may trabaho na." sabay kindat sa sarili at walang lingon-lingon na nilisan ang Tahanan ng Vellamonte. Sa kabilang banda: Kitang-kita ni Dark ang babaeng papasok na sa kanilang tahanan. Mula sa bintana ng kanyang silid, hindi niya maiwasang mapaisip na darating ngayon ang babaeng sinasabi ng kanyang ina na magiging fiance niya sa oras na mabigo siya sa misyon niya sa loob ng dalawang linggo. Walang pag-aalinlangan, bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na lumabas ng silid. Kasama rin niyang lumisan ang kanyang bodyguard na laging nakabuntot sa kanya. Ngunit bago iyon, agad silang nagbihis ng pangkaraniwan upang hindi makilala. Isinuot ni Dark ang isang simpleng coat, nagsalamin ng dark shades, at nagsuot ng itim na face mask upang tuluyang maitago ang kanyang pagkakakilanlan. Samantala, ang kanyang bodyguard ay nanatiling nakasuot ng karaniwang uniporme ngunit dinagdagan ng sombrero at sunglasses upang mas lalong hindi sila makilala ng sinuman. Tahimik ngunit may matibay na layunin silang lumabas ng Vellamonte upang sundan ang babaeng, sa hindi niya inaasahan, ay unti-unting nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Ligtas namang nakalabas si Dark kasama ang kanyang bodyguard. “Saan naman tayo pupunta, Señ?! Baka hinahanap na tayo ngayon sa Vella??” alalang tanong ng bodyguard, panay ang lingon sa paligid na parang may sinusundan na anino. “Mauna ka na. Pag hinanap ako, sabihin mo hindi mo alam na nakaalis ako,” malamig ngunit kumpiyansang utos ni Dark, habang inaayos ang kanyang sombrero at shades. “Pero masasabon na naman ako ng Mama niyo...” himutok ng bodyguard na para bang iniluwa ang lahat ng kanyang pangamba. “Ako na ang bahala sa'yo,” tugon ni Dark, may halong tapik sa balikat ng kanyang tauhan. Walang nagawa ang kanyang bodyguard kundi sumunod sa kagustuhan ng kanyang boss. Naiwang mag-isa si Dark sa isang convenience store, tahimik na nakaupo sa sulok habang umiinom ng malamig na can beer. Ramdam sa bawat lagok niya ang bigat ng mundong pilit niyang tinatakasan, kahit sandali lang. Ngunit hindi lang ang alak ang gumugulo sa kanyang isipan—napansin din niyang naroon ang babae. Oo, ang babaeng nakita niya sa daan... at maging sa mismong Vella nila. Na magiging ganap na Personal maid na niya bukas na bukas din. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit. Ito na… ito na siguro ang pagkakataon ko, bulong niya sa sarili. Ngunit paglapit niya, nakita niyang may kasama uli itong babae—iyong babaeng kakulitan niya sa daan na muntik na silang sabunin ng kanyang Mama. Aatras na sana siya, pilit na ibinabalik ang sarili sa kanyang upuan, nang bigla— “Halika, sir, samahan mo kami!” tawag ni Roxane, sabay kaway ng bahagya, parang matagal na silang magkakilala. Gulat si Dark. Hindi niya inasahan iyon. Natigilan siya saglit, napangiti sa sarili. Pagkakataon ko na ito! sigaw ng isip niya. Umupo si Dark, may kakaibang saya sa mga mata. Hindi rin siya tinanong ng dalaga kung sino siya—parang sapat na ang presensya niya. Inabotan siya ng beer, sabay sabing, “Cheers!” Nagtuloy-tuloy ang kanilang kuwentuhan habang nauubos ang ilang can ng beer. Tumatawa, nagkakatinginan, at sa bawat segundo, unti-unti siyang nahuhulog pa lalo. Hanggang sa tuluyang nakatulog si Roxane, nakasubsob sa mesa, tila isang batang napagod sa dami ng kwento. “Oy! Lalaki, ikaw na bahalang mag-uwi kay Aling Beth si Roxane, ah! Ingatan mo 'yan, at ako’y uuwi na rin!” bilin ni Lyka, sabay tayo at himas sa sentido. “Ano?!” gulat na reaksyon ni Dark, pero hindi niya alam kung dahil ba sa biglaan o sa tuwa. “Oo, sige na! Aalis na ako!” at sa isang iglap, iniwan na siya nito—kasama ang babaeng kanina lang ay isang pangarap… ngayon ay isang responsibilidad na sa kanyang piling.Sa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon
Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad
“Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”
Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas
“Mga anak…” mahinang bulong ni Lyka sa magkapatid na kambal. Mahimbing na ang tulog ng mga ito, tinangay na ng matinding pagod matapos ang mahabang paglalakad sa buhanginan upang marating lamang ang kakahuyan sa isla na kanilang napadpadan. Madungis na ang mga bata—punô ng alikabok at putik—gayundin siya. Gusot ang buhok, nangingitim ang mga kamay at paa, bakas sa buong katawan ang hirap at takot na kanilang pinagdaanan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ng isa, saka napabuntong-hininga. “Nasaan na kaya ang ama ninyo… at ang bunso ninyong kapatid?” pabulong niyang tanong, nanginginig ang tinig. Nasa gilid sila ng lumang barkong sumadsad sa pampang. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at huni ng hangin ang maririnig. At sa gitna ng dilim, pinilit ni Lyka na pigilan ang pagluha, ayaw niyang magising ang kanyang mga anak—kahit ang puso niya’y halos durog na sa pag-aalala. Kailangan ko pang ilayo ang barko mula sa dagat para hindi ito muling tangayin ng alon… at para
“N-nagawa ko…” bulong ni Drick nang maramdaman niya ang malamig na hanging bumaba mula sa ibabaw papasok sa underground. “Nabuksan ko na… makakaalis na ako.” Napahinto siya sandali, saka napayuko. “Pero paano ang anak namin? Nasaan ko siya hahanapin?” Gumapang siya palabas sa makitid na lagusang gawa sa lupa. Ang sahig ay basa at may halong putik, at ang ilang bahagi ay may mga tapakang semento na unti-unting lumulubog sa bawat hakbang niya. Kahit pilitin niyang dahan-dahanin ang paglakad, patuloy pa rin siyang nababaon. Sa huli, nagpasya na lamang siyang bilisan ang galaw, umaasang makalalabas na siya bago pa siya tuluyang maipit. Pag-ahon niya, tumambad sa kanya ang isang maliit na bahay-kubo. “Ang bahay na ’to…” bulong niya. “Ito ang kubo ng mag-inang tumulong sa akin.” Madilim pa ang paligid; madaling-araw pa lamang. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya napansin ang isang bagay sa kanyang daraanan. Bigla siyang napatapilok. “Aaah!” sigaw niya. Pagtingin ni







